SIX

2137 Words
"Nakapag-impake ka na ba, Alyssa?" Kaagad na tanong nila sa akin. Tila nabuksan lahat ng ugat ko sa katawan nang tanungin nila iyon. Kakasabi ko lang sa kanina kanina na hindi ako pwede, tapos ngayon, nagpipilit na naman sila. "Diba sinabi ko naman na..." "Alyssa!" Rinig ko ang sigaw ni Johnson sa kabilang linya. Mukhang lasing na lasing na rin siya. "Hindi pwedeng hindi ka sumama. Your present is a must! Tsaka masaya roon! Guguluhin natin ang mga tao sa Shibuyan!" "Tama!" pagsang-ayon ni Mark. "Yes!" Sigaw naman ni Addison at Laurenz. At talata nga namang pati ang Laurenz na ito, nakikisali na rin sa inuman nila. Hindi na ako nakapagsalita pa at tuluyan ko na lang pinatay ang tawag. Mas maige na magpahinga na lamang ako ngayong araw, dahil maaga na naman akong papasok bukas. Siguro, kaya lamang nila nasabi iyon dahil sa kalasingan. Napansin kong hindi pa maayos ang higaan ko, kaya imbis na tumuloy na ako sa pagyulog ay tamad na tamad akong tumayo, saka pinagpag ang bedsheet. Sinara ko na rin ang bintana na nakalimutan kong isarado kanina. Napahikab pa ako sa sobrang kaantukan, at nang tingnan ko ang oras sa wall clock ay laking gulat ko na lamang na past 8:00 na pala. Ang bilis talaga ng oras kapag gabi. Nang maisaayos ko na ang lahat, tuluyan ko nang binagsak ang katawan ko sa malambot na kama. Kasabay ng hangin sa electricfan ay nagpati-agos ako sa at tuluyan ng ipinikit ang mata ko. SA kasagsagan ng panaginip ko ay siya namang tunog ng cellphone na nasa tabi ko. inis na inis akong kinuha iyon, dahil nasira ang maganda kong panaginip. Kahit hirap kong minulat ang mata ay pinilit kong tiningnan kung sino ang tumatawag. Si Alex. "A...Alex, bakit?" Nahihirapan ko pang sabi. "What? Ano ka ba Alyssa, we're waiting here for almost two hours! Lumabas ka na riyan!" sigaw niya sa'kin. Tila nagising ang buong pagkatao ko sa lagay na iyon at imbis na umupo muna ako at magpahinga sa pagre-recover ko sa pagtulog ay diretso akong tumayo at tumingin sa bintana. Pinunasan ko pa ang mata ko, dahil akala ko ay nagbibiro lamanh sila, ngunit totoo nga! Nandito silang lahat at lahat sila ay nakasandal sa itim na sasakyan ni Johnson! "s**t!" Kinakabahan kong sabi. "Bilis!" sigaw ni Johnson. Nnag makita niya akong sumilay sa bintana. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at kahit antok na antok ay kinuha ko na ang bag ko na nasa cabinet. Hindi ko na nga alam kung anong damit na ang nilalagay ko rito, basta siniguro ko na may dala akong pampalit. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan habang ginagawa ko ito Kung noon pa ay nakukuha ko pang magpalusot at tumakas sa tuwing pinag-uusapan itong Shibuyan trip namin, pero ngayon, hinding-hindi na ako makakaalis. Mas lalo lang napagulo ang lahat! Hay nako, bahala na nga. Pagkahagis ko ng black na bag, kina Johnson, sakto naman at nasalo iyon ni Laurenz at kaagad na nilagay sa compartment. Nag-aalangan pa akong iwan si Lola, dahil balak ko pa naman siyang igala sa birthday niya. Kaso nandito na 'e. Hindi na ako makakaatras. Tsaka, hindi naman siguro kami magtatagal doon? Makaabot naman siguro ako sa kaarawan ni lola. Bago ako tumalon sa bintana ay sinilip ko pa ng isang beses ai lola sa kanyang kwarto. Pagkahawi ko ng kurtina na nagsisilbi niyang bintana ay nakita kong himbing na himbing siya pa rin siyang natutulog. Nakokonsensya tuloy ako. Pagkatapos kong magpaalam kay lola ay siya namang takbo ko pabalik sa loob ng kwarto. Kitang-kita ko na ang inis at pagkairita sa mukha nina Johnson at Alex, habang si Addison naman ay hindi na nakatiis at pumasok na sa loob ng kotse. Nang tumalon na ako sa bintana ay kaagad naman akong umakyat sa pader. "Aww!" daing ko nang muntik na akong magkamali ng apak. Mabuti na lang at nasalo ako ni Laurenz. "Ano ba yan, Melissa! Ang tanda mo na pero tumatakas ka pa rin. Kailangan ka pa talagang sunduin dito! " naiinis na tugon ni Johnson. Hindi na ako umimik pa, dahil baka humaba lang ang aming diskusyon, kahit na pati si Alex at Mark ay umaangal rin. Papasok na sana ako sa loob ng kotse, ngunit tila may nakalimutan na naman akong isang bagay. "Yung salamin ko! Teka lang... Babalik pa sana ako, dahil hindi ko kayang maglakbay o lumayo kapag walang salamin, ngunit bigla nang sumigaw si Alex. "Hayaan mo na 'yon! Halika na! Magigising pa si tanda, hindi na naman tayo matutiloy!" anito sa akin. Wala naman akong magawa, kung hindi ang sumang- ayon na lamang. Pagpasok sa loob, malawak ang sasakyan ni Johnson. 6 seater ito, kaya kasyang kasya sa amin. Sa driver's seat kasi ay su Johnson at katabi nito ay si Alex na girlfriend niya. Sa pangalawang upuan naman ay sina Addison at Mark. Naawa ako kay Addison sa pwesto niya, dahil mukhang lamig na lamig pa siya. Paano ba naman kasi, naka-sleeveless lang siya. Sa dulo, kami namang dalawa ni Laurenz. Wala namang nagsasalita sa amin, kaya ilang minuto pa ay pinaandar na ni Johnson ang manibela. Habang nasa byahe ay binabantayan ko si Addison. Tiningnan ko rin si Mark na abala lamang sa pagtingin sa labas, kaya naman ako na ang nakiusap sa kanya. "Mark?" tawag ko. Kaagad naman siyang humarap. Kaya pala abala ito, dahil naninigarilyo siya. "Pwede bang makipagpalit? Aasikasuhin ko lang si Addison?" Hindi naman nagdalawang isip si Mark at kaagad na pumayag. Mabuti na lang ay naitali ko ang jacket sa baywang ko, kaya kinuha ko iyon at pinangtakip sa katawan ni Addison. Kahit papaano naman ay hindi na siya nilalamig tulad kanina. Habang inaalalayan, nakita ko pa sa huling pagkakataon ang bahay namin. Parang ngayon pa lamang ako tinatamaan ng lungkot, dahil iniisip ko pa lamang na walang kasama si lola sa kaarawan niya ay nalulungkot na ako. "Magpahinga muna kayo, para mamaya marami kayong lakas pag-akyat natin sa Sibuyan," ani Johnson saka nagpatugtog ng hard rock sa kanyang sasakyan. Pinagmasdan ko lamang sila. Si Laurenz ay tahimik lang sa gilid na tila hinahabol ang kanyang antok. Si Mark naman ay inuubos na ang kanyang hinihithit na sigarilyo. Si Alex ay walang ginawa kung hindi ngumuya ng bubble gum habang naninigarilyo. Minsan iniisip ko kung ano ang nakukuha nilang benifits sa paninigarilyo 'e. Habang hawak ko ang ulo ni Addison na nauuntog na sa windshied, tila nakakaramdam na rin ako ng antok, kahit na ang ingay-ingay at puro sigaw ang pinapatugtog ni Johnson. Dahan-dahan ko na lamang pinikit ang mata ko at sumabay kay Addison na mahimbing na ring natutulog. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko nang marinig na sumisigaw sina Johnson at Mark. "Here we go, Shibuyan!" sigaw ng mga ito, habang binuksan na ang kani-kanilang mga bintana. Dahan-dahan ko ring minulat ang mata ko at nakita si Addison na tulog pa rin hanggang ngayon. Pagtingin ko sa labas ay nakita kong isang zigzag ang dadaanan namin. Napatingin pa ako sa sign board kung saan nakalagay ang arrow na tinuturo ang way patungong Shibuyan. Mukhang napakaaga pa, dahil hindi pa rin sunisilay ang araw sa dinadaanan namin, ngunit bigla ring nawala ang antok ko nang unti-unti kong makita ang paligid. Napakaganda! Napakaraming puno na matatayog, pati na mga halaman na hindi namin nakikita sa syudad. "Dude, look!" Lumabas pa sa bintana si Mark para lang ituro ang ibang klaseng ibon na may ibat-ibang kulay! "Wow... Grabe! Hindi tayo nagkamali ng pinuntahan!" manghang sabi ni Johnson. "Guys! Gising! We're on the way! Malapit na raw tayo sa Shibuyan, sabi nitong tracker ko!" At iyon, doon lamang nagising sina Alex at Addison. Si Laurenz ay tahimik lang din sa gilid, pero kitang-kita ko sa mata niya ang pagkamangha. "Grabe!" hindi ko makapaniwalang saad nang matanaw ko na ang bundok na kinakatakutan nila. Napakaganda pala niyon! Isang mataas na bundok at tanaw na tanaw ko pa ang malaking bato sa taas niyon. Iyon siguro ang tourist spot na pinupuntahan nila rito. Pagkauwi ko, ikukwento ko ito kay lola! Sasabihin kong mali ang pananaw niya sa bundok ng Shibuyan! Pagkaraan lamang ng ilang minuto ay nakarating na kami sa aming destinasyon. Tumigil ang sasakyan ni Johnson sa isang parking area, kung saan nakaparada rin ang mga tricycle na namamasada. Bumaba kami roon at nangunguna si Johnson na nagpunta sa mga taong nakaupo sa may waiting area. "Pwede bang magtanong?" anito. "Saan dito ang daan papuntang Shibuyan mountain?" Kitang-kita ko ang gulat sa kanilang mata. Tila ayaw nilang maniwala sa tinatanong ni Johnson. Napansin ko pa ang isang lalaki na pinagmamasdan ang aming kasuotan at mga dala. "Hindi po namin alam!" nag-aalangan pang saad ng isang matanda. "Boss, sa iba niyo na lang ipagtanong..." saad pa ng katabi nito na parang natatakot. Napasinghal na lamang sa inis si Johnson. "Pathetic," ani pa nito. Mabuti na lang at hindi siya narinig ng mga driver. "Sige po, salamat!" Yumuko ako at nagpasalamat. Akmang aalis na sana kami, ngunit biglang may lumitaw na isang lalaking matangkad. Gwapo siya, infairness. Matangos ang ilong, saka may bangs. Para siyang koreano. "Huwag na kayong tumuloy roon. Kung maaari...umuwi na lang kayo," nahihiya pang sabi nito. Sa gulat ay napaawang ang bibig ko. Mukha kasi siyang seryoso sa sinasabi niya kaya hindi na ako nakapagsalita pa. "Wait." Sabat naman ni Alex. "Who the f**k are you? Alam mong ang layo pa ng binyahe namin, papunta rito. Tapos sasabihin mong umuwi na kami?" "Gusto yatang makatikim niyan e!" galit na pasabi ni Johnson at akmang susugurin na nang inawat ko siya. "Sandali!" Tinaas ko ang kamay ko. "Ako na ang kakausap." "Mabuti pa nga. Kausapin mo 'yang gago na 'yan, habang nakakapagtimpi pa ako," ani Johnson. Tiningnan ko ang lalaki at kaagad nag-iba ang kanyang awra. Mula sa mabait at maami nitong mukha ay naging salubong ang kanyang kilay at masamang tiningnan si Johnson. "Pasensya ka na sa kanya, ganoon talaga 'yon. Pero pasensya ka na rin sa sasabihin ko ha? Kakarating lang kasi namin dito. Almost 5 hours ang byahe namin, tapos papaalisin mo na kami," paliwanag ko. "Hanggat maaari, umalis na kayo. Hindi kayo maaaring magtagal rito, lalong-lalo na hindi kayo maaaring umakyat ng bundok ng Shibuyan." Gulong-gulo na ako ngayon sa pinagsasabi ng lalaking ito. "P..pero bakit?" ayaw kong tumaas ang boses ko, ngunit hindi ko na kasi nagugustuhan ang ugali ng lalaking kaharap ko. "Alyssa! Hayaan mo na ang walang kwenta na 'yan! Ipagtanong na lang natin dito sa gilid!" Galit na pasabi ni Johnson. Hidni naman ako nagpatinag at hinihingay siyang magsabi, ngunit sumigaw muli si Johnson, kaya hindi ko na nakuha ang sagot na hinihintay ko. "Mga wala naman palang kwenta ang mga tao rito e!" ninis na sabi ni Johnson nang itinukod niya ang kamay sa sasakyan. Pagkarating kasi namin dito sa parking area ay bigla na lamang nag-black ang google map namin at hindi na ma-detect ang mismong Shibuyan, kaya napilitan kaming magtanong. Kaso iyan pa ang napala namin. Mukhang ayaw talaga nilang sabihin kung saan ang daan papunta roon, kaya wala na kaming choice ngayon, kung hindi suyurin ang lugar na ito. Pagpasok namin sa kotse ay kaagad ounaandar ni Johnson ang sasakyan. Painit na nang painit ang paligid, kaya naman sinara na namin ang bintana at binuksan ang aircon. Habang papalayo kami sa may parking area, may naaninag naman kaming isang signboard saay left side. Sabay-sabay na nagliwanag ang mata namin nang mabasa namin kung ano ang nakasulat doon. "Welcome to Mysterious Mountain, Shibuyan!" sabay-sabay naming basa at dahil sa tuwa ay napasigaw pa kami. Hinampas pa ni Johnson ang steer wheel at kaagad na nagmaneho patungo sa tinuturong daan. "Mabuti na lang talaga at nakita natin 'yon, akala ko maliligaw na tayo 'e." ani Addison na hindi na tumigil sa kaka-picture. Kahit naman ako ay napapatulala ako sa dinadaanan namin. Paglusot namin sa intersection, mayroon isang makitid na daan pababa nang bundok. Sinubukan pang ipasok ni Johnson ang sasakyan, ngunit hindi talaga maaari dahil masikip ang daan. "Tara. Bumaba na lang tayo, tutal malapit naman na ang bundok e," pag-aaya ni Mark. Sumang-ayon naman ang lahat at kanya-kanya kaming dala ng aming mga gamit. Hindi ko mapigilang mapangiti nang sa wakas ay narito na kami. Worth it lahat ng oras na inalay namin para makarating dito! Sumalubong pa sa amin ang preskong hangin. "Sigurado na ba kayong tutuloy tayo?" biglang sabi ni Laurenz. Natawa na lang sina Johnson, Alex, Mark at Addison. "Ano ka ba, nandito na tayo. Huwag mong sabihin na ikaw naman ang nagba-back out?" pang-aasar ko. Hind naman siya sumagot, bagkus ay nagpatuloy lang sa paglalakad. Habang papalapit kami sa bundok, nakikita na namin ang dikit-dikit na mga bahay. Sumalubong din sa amin ang mga batang 'ita' kung tawagin. Nakangiti naman akong tumingin sa kanila, ngunit ang sinukli lang nila sa amin ay pagtataka.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD