MABUTI na lang at hindi na naisipan pa ni Johnson na dumiretso kami sa bar, dahil sa pagkainis niya sa crew na iyon.
Habang naglalakad ako papasok ng bahay ay parang ngayon ko pa lamang naramdaman ang maghapong pagod sa kumpanya. Kasabay pa ng inis ko kay Laurenz. Mag-uuwian na lamang nga, nakuha niya pa akong asarin. Tuloy, sumabay na sina Mak at Addison na mang-asar sa akin. Eh, anong magagawa nila? Sadyang malabo na ang mata ko, simula bata pa lamang ako kaya lagi akong nakasuot ng salamin.
"Mellisa!" tawag ni lola sa akin na nasa kusina at nagluluto ng kung ano.
Lambot na lambot akong lumapit sa kanya at inabot naman ni lola ang kanyang kamay. "Mano ho."
"Tamang-tama apo. Nagluto ako ng bilo-bilo, mag miryenda ka na at magpapalamig na ako ng pagkain."
Tamad na tamad kong nilapag ang bag ko sa sofa tsaka umupo sa dining chair. Nakatulala lang ako, habang pinagmamasdan ang likuran ni lola. Sa sonrang busy ko, hindi ko na siya gaanong naalagaan. Maswerte pa ako, dahil malakas-lakas pa si lola. Iyon nga lang, hindi na mapigilan ang pagputi ng kanyang buhok. Pati nga sa kilay ay puti na rin ito.
Ang bilis ng panahon. Parang noon lamang at hinahabol pa ako ng pamalo ni lola sa labas, dahil hindi ako natulog nang tanghali. Ngayon ay halos hindi na siya nakakalabas ng bahay.
"Oh, apo. Simsimin mo na 'yan, habang mainit-init pa. Nako, natakam kasi ako sa pinapanuod kong budo...budol ano kasi iyon?" hindi niya mabigkas-bigkas ang nais niyang sabihin.
"Boddle Fight, lola," pagdugtong ko.
"Oo. Tama!" aniya naman.
Habang nilalasap ko ang masarap at mainit-init na sabaw ng bilo-bilo ay naalala ko bigla ang kaarawan ni lola. Sa makalawa na iyon at sinigurado na rin ng mga pamangkin ko na hindi sila makakaluwas sa amin, kaya balik ako sa dating plano.
"Lola, guato mo bang mag-date na lang tayo sa mall sa birthday mo?" tanong ko.
Natigil sa paghigop ng sabaw si lola at natulala sa ganda ko—este sa akin. "Hindi ba sila matutuloy?" baka ang lungkot sa sinabi niya.
Umiling ako. Ilang taon na rin kasing hindi nakakabisita rito sina Sharmaine. Ang akal talaga ni lola ay tutuloy sila, kaya sobra ang pagkadismaya niya. "Busy po kasi sila lola sa trabaho 'e." Pinalusutan ko na lamang sila.
"Ganun ba? Sige, kung iyan ang gusto mo. Kumain na lang tayo sa labas," aniya at pilit na ngumiti.
Sa makalawa kasi ay ika-70 nang kaarawan ni lola. Hindi naman ako marunong magluto, kaya ang naisip ko na lang ay ipapa-make over siya at ilibre kung ano mang ituro niya. Matagal ko nang pinaghandaan ang kaarawan ni lola, kaya naman malaki-laki rin ang naitabi ko para sa kanya.
Pagkatapos naming kumain, ako naman ang nagligpit ng mga plato namin ni lola. Si lola naman ay nagpaalam na maliligo muna siya, dahil init na init na raw siya. Ako naman, pagkatapos kong maghugas ngbplato ay nagsaing na ako at nagluto ng ulam namin para mamayang gabi.
Habang abala ako sa pagluluto, bigla namang tumunog ang cell phone ko na nasa loob pa ng bag. Kaagad kong kinuha iyon, at sinagit nang makita kong si Addiaon ang tumatawag. Basa pa ang kamay ko, kaya naman ginamit ko ang balikat, panghawak rito.
"Addison, bakit?" Pagsagot ko, tumambad sa akin ang magkabilaang ingay, pati na ang mga nagsisigawang tao. Alam na alam kong nasa bar na naman sila. Binitawan ko naman ang hawak kong sandok at saka pinatay ang tangke.
"Mellisa, come here! Nagkakasayahan kami nina Johnson dito oh! Ang saya!" sigaw niya tsaka siya sumabay sa mga nagsisigawang tao.
Nilayo ko naman ng kaunti ang cellphone sa tainga ko nang mabingi ako sa ingay. "Nako, Addison! Mag-gagabi na. Hindi na ako pwede e. Maari sana kung kanina ninyo ako inaya," pagtanggi ko.
"Biglaan lang din kaming sinundo ni Johnson e. Ayaw raw niyang magpunta riyan, dahil baka makita na naman ang lola mo," aniya rito.
Natawa na lamabg si Mellisa.
"Mellisa come here!" rinig kong sigaw ni Mark. "We'll wait for you!"
"Nako, Addison! Pakisabi kay Mark na siya na lang muna ang magbatay sa'yo ha? Pakisabi rin passnsya na dahil hindi ako makakapunta. Huwag kang masyadong magpapakalasing!" paalala ko pa.
"I got it Mellisa, bye!"
Nilapag ko ang cellphone sa tabi ng tv at umupo ako sa sofa. Hay, talagang ang mga iyon, kakambal na ng pagkatao nila ang bar. Sa totoo lang ay kinakabahan ako para kay Addison. Minsan na kasi nila akong sinama sa bar at kitang-kita ko kung paano siya malasing at ma-take advantage ng mga lalaki. Isa pa yang si Mark at Johnson, sinusuhulan nila ai Addison na sumayaw sa floor. Mukha tuloy siyang GRO doon. Kaagad ko na lang pinababa si Addison at hindi na pinainom pa.
"Hay..." Isang malakas at malalim na bunting hininga ang pinakawalan ko. Saka naman lumabas ng banyo si lola kaya napansin niya ako.
"Ano na naman bang problema mo at ang lalim ng buntong hininga mo?" usisa ni lola.
"Wala po la. Inaalala ko lang 'yung mga kaibigan ko, nasa bar kasi sila ngayon. Baka mapag-tripan na naman si Addison. Hindi pa naman niya alam ang ginagawa niya kapag lasing."
Sinampay ni lola sa balikat niya ang bimpo na ginagawa niyang tuwalya. "Nako, apo. Sinasabi ko sa'yo. Hanggat maaari huwag ka ng lumapit sa mga iyan. Masamang impluwensya ang mga tinuturing mong kaibigan. Tingnan mo nga oh, nasa bar na naman sila. Anong ginagawa nila roon? Nag-iinuman at naninigarilyo! Mga walang patutunguhan sa buhay."
"Lola, mabait naman ho sila..."
"Kahit na Mellisa! Makinig ka sa akin. Hindi ka matutulungan ng mga 'yan pag nasa panganib ka o kapag kailangan mo sila. Sarili mo lang ang maaasahan mo!"
Hindi na ako nakipag-diskusyon pa, dahil alam kong mapapahaba na naman itong pag-uusap namin ni lola. Tinuon ko na lamang ang atensyon ko sa pagkuha ng mga plato at kubyertos para sa hapunan namin ni lola.
Saktong alas siyete naman na at sabay na kaming kumain ni lola sa hapagkainan. Sarap na sarap kami sa niluto kong noodles at tuyo. The best partner talaga ito, lalo na kapag gabi! Hindi tuloy maiwasan ni lola na mapakwento, habang kumakain.
"Apo, naalala mo pa ba si Jefferson? Iyong kababata mo sa mindoro?" tanong bigla ni Lola.
Inalisa ko muna at inisip kung sino nga ba ang tinutukoy niya. Ang dami ko kaisng kababatang lalaki noon. Iyong mga nakakalaro ko pa lamang ng text at jolen at matatawag konng kababata, kaya hindi ko na gaanong naalala ang sinasabing Jefferson ni lola.
"Sino 'yun lola? Si Kimmy lang ang naalala ko 'e , iyong magaling sa chinese garter," sagot ko. Si kimmy lang kasi ang naalala ko, dahil siya lang ang nagliligtas sa akin tuwing namamatay ako sa ramburak.
"Iyong tabing bahay natin noon, Mellisa! Iyong pogi," aniya pa.
Napapaisip ako kung sino roon at nagliwanag naman ang mukha ko nang maalala ko na ang sinasabi ni Lola. Oo, si Jefferson. Hindi ko naman kasi kababata iyon, dshil madalang pa sa bilog ng buwan, kapag lalabas iyon. Isa pa, hindi naman nakikipagkaibigan 'yon sa amin. Ang weird nga.
"Anong nangyari? Oo lola, naalala ko na."
"Patay na raw."
"H—hoo?" Tila nabingi ako sa sinabi ni lola.
"Patay na. Nakita lang daw kahapon sa kwarto. Hindi na yata nakayanan ang depresyon, kaya ayun. Nagpatiwakal. Kawawang bata."
Nabigla ako sa sinabi ni lola, kaya imbis na kainin ko ang kanin na nasa kutsara ko na ay nilapag ko na lang ito sa plato. Hindi ko akalain na ganoon ang mangyayari kay Jefferson. Wala man lang bang umaalalay sa kanya? Tsaka bakit sa tanda na niyang iyon, hindi man lang siya pinapalabas sa bahay? Siguro kahit ako ay hindi ko makakayanan ang ganon. Pero hindi ko pa rin sila masisisi. Wala ako doon, para gusgahan aila.
"Kawawa naman. Hindi bat kasing edad ko lamang iyon, lola?" tanong ko.
Tumango siya. "Oo. Matanda lamang ng isang taon sa'yo. Paano ba namang hindi magbibigti ang batang 'yon, e katanda na hindi man pinapalabas sa kanila. Naku, kaya ikaw apo, kapag may problema ka, sabihin mo kaagad sa akin ha? Huwag kang maglilihim."
"Opo lola."
Medyo tinamaan ako sa sinabing iyon ni lola. Matagal din akong nalugmok sa depresyon noong mga panahong nilalait at binu-bully ako sa kumpanyang pinapasukan ko. Lalo na noong nag-aaral pa lamang ako. Manag daw kasi akong manamit, dagdag pa ang makapal na lente ng salin ko, kaya mukha raw akong aswang, manananggal at mangkukulam. Minsan pa nga ay napagtripan nila ako sa eskwelahan at binuhusan nila ako ng basura sa second floor.
Wala akong magawa noon kung hindi umiyak. Wala ni isa ang gustong lumapit sa akin, dahil sa amoy ko. Kung hindi lang ako nakita ng teacher ko ay hindi pa mapapatawag sa principal office ang mga nambully sa akin. Akala ko nga noon ay matatapos na ang kalbaryo, ngunit lalo lamang itong lumala.
Pagkatapos naming kumain, dimuretso si lola sa sala at binuksan ang TV.. Paborito niyang spot ang sala, pagtapos kumain, dahil nanunuod siya ng balita at pagkatapos niyon ay ang mga walang kasawaang Asianovela.
Natatawa naman ako kay lola habang sumasabay siya sa hagalpak ng mga uma-acting sa tv. Tinabihan ko siya at nakinuod na rin ako. Gusto ko rin kasing isingit 'yong pagpapaalam ko sa kanya na sumama sa Shibuyan, kung makakalusot.
"Ah lola?" pagputol ko sa kasiyahan niya.
Humarap siya sa akin na hindi pa rin matanggal ang ngutinniya sa labi. "Tingnan mo 'yun oh! Bwisit na bata!" aniya pa at tumatawa.
"Lola? Paano po kung sumama ako sa kanila pagkagapis ng birthday ninyo?" bigla kong singit.
Tila mas malinaw pa ang sinabi kong iyon kay lola, kaysa sa pinapanuod niya, kaya automatikong nawala ang ngiti niya sa labi. Tumingin siya nang masama sa akin at kaagad na pinatay ang tv.
Lagot. Heto na nga ba ang sinasabi ko.
"Hindi!" Isang matigas na salita ang pinakawalan ni lola.
Kaagad naman niyang inabit ang stick na nakasandal sa pader at saka siya tunayo. Ramdma na ramdam ko ang inis sa kanyang pananalita. Sabagay, sino ha namang hindi maiinis sa akin? Eh ang ganda-ganda ng mood ni lola, tapos babanat ako ng ganon.
"Isarado mo na lang ang pinto at bintana, Mellisa. Matutulog na ako, dahil nawalan ako ng gana sa'yo. Huwag na huwag mo ng ulitin iyan, hanggat nakakapagtimpi pa ako," aniya pa at dumiretso na sa kanyang kwarto.
Napabuga na lang ako ng malalim na hininga. Umaasa lang naman ako 'e. Malay ko bang magiging ganon na ang reaksyon ni lola. Siguro kung kinulitan ko lang mas lalo, aakyat na ang dugo non sa ulo.
Nilibang ko na lang ang sarili ko sa pagbukas ng TV. Nilipat konangbpinapanuod ni lola sa isang movie, kung saan may nagpapatayan.
Ewan ko, parang nakaka-satisfied manuod ng mga haorror, lalo na ng wrong turn. Tatanga-tanga kasi iyong mga bida. Pero minsan napapaisip ako, kung paano pag sa akin nangyari iyon, anong gagawin ko? Magpapaputol na lang ako ng leeg? Magpapatuklaw sa ahas? Magpaoatihulog sa bangin? Hay nako! Anong klaseng pag-iisip ito.
"Mellisa, hinaan mo ng kauntinang Tv!" sigaw ni lola mula sa kwarto. Kaagad ko namang dinampot ang remote. Papahinaan ko lang sana, pero nakaramdam na rin ako ng antok, kaya naman pinatay ko nalang ito.
Bago ako pumasok sa kwarto, sinara ko muna nang maige ang pibto pati na ang bintana.
Pagpasok ko ay kaagad kong sinara ang pinto, saka ako humiga sa kama. Pakiramdam ko ay stress na stress ako ngayong araw. Kinuha ko naman sa aide table iyong cellphone at tiningnan kung may message ba sa akin si Addison, ngunit nadismata lang ako nang wala akong makita.
Nilagay ko na lamang sa dibdib ko ang cellphone at saka pinikit ang mata. Siguro, itutulog ko na lang talaga ito.
Nang nararamdaman ko nang nakuha ko na ang pwesto ko sa pagtulog ay saka naman tumunog ang cellphone ko. Pupungay-pungay ko pang tiningnan kung sino ang nasa screen at nakita kong si Allison na naman iyon.
"Mellisa. Come here... Nilalasing na nila ako!" Halata na wala na sa sarili si Mellisa. Rinig ko rin ang hiyawan sa kabilang linya ngunit mukhang hindi na iyon sa bar.
"Nasaan kayo?" Tanong ko.
"Here... Condo," sagot ni Allison at rinig ko pa na sumigaw si Mark.