CHAPTER 12

1792 Words
MAAGA PALANG pero andito na ako sa entrance ng school upang abangan si Drey. Mukha kasing nagalit siya sa akin sa tinext ko kagabi kaya susuyuin ko muna. Hindi na siya nagreply o sumagot man lang sa tawag ko after akong replayan nung una. Ang bilis naman maasar nun. Naiiisip ko na tuloy ang sasabihin nun sa tinext ko. Baka sabihin niyang... "Sa gwapo kong to', tatawagin mong bakla? Halikan kaya kita diyan!" Napahagikgik ako sa naisip. Joke lang yung sa dulo dahil alan kong di naman niya gagawin yun. Baka masuka pa yun pag sinabi niya ang mga katagang iyon. Delusional lang talaga ako na sana gawin niya nga yun. Eksaktong 8:00 am ay nakita ko na agad ang sasakyan niyang nag park. Wow ha, napakagaling talaga. Tinext ko pa naman siya mga ala-sais palang na andito na ako sa paaralan, tas ngayong 8:am na dumating? Paghintayin ba naman ako ng halos dalawang oras dito. Hayst, pasalamat tong lalaking to at mahal ko siya, kung hindi ay baka sinapak ko na ang gwapo niyang mukha. Habang binabagtas niya ang daan papunta sa akin ay tinginan naman ang ibang estudyante sa gawi niya. Napaka-angas ng tindig at napakapogi naman. 'Boyfriend ko yan!' Ani ko sa isip. Kung lalaki lang siguro ako ay tiyak na maiinis na ako sa galawan niya. Parang halos lahat ng babae dito sa campus ay maa-akit sa kilos niya. Pero akin lang yan, ipapatumba ko ang magtatangkang agawin yan mula sa akin. At ayun, may nakita nga akong babaeng humarang sa daraanan ng boyfriend ko. Sexy, mukhang inosente at parang di makabasag pinggan kung kumilos. Napataas ang kilay ko dahil sa babaeng iyon. Who the hell is that b***h? Mas lalong sumama ang timpla ko ng huminto din si Drey upang kausapin ang babae. Ngumiti pa ito dun sa babae. Lintek lang! Balak ko pa naman siyang suyuin tas makikipaglandian lang pala sa harap ko? Sa inis ko ay isinuot ko ang itim kong sumbrero ar lumapit na ako sa kanila. "loves! Tagal mo namang dumating, kanina pa kita inaantay." Pagkuha ko ng pansin ni Drey. Agad aking yumakap sa kanya at ninakawan siya ng saglit na halik sa labi. Ahah, sarap naman. Hehe! Natulala lang si Drey sa mukha ko at tila nabigla sa ginawa ko. Pero hindi ko tinanggal ang pagkakayakap ko sa kanya at tumingin sa babae. "Oh, hi Miss! May kailangan ka sa Boyfriend ko?"Peke akong ngumiti ako ng matamis sa babae na tila nabigla din sa pagdating ko. "Ah- Nagtatanong lang ako sa kanya kung saan ang Business Department. I'm a transferee here." Ani nito. Napataas ang isang kilay ko. "Wala ka ba nung mapa ng school? Binibigay nila yun sa mga firstyears, newbies, transferee and even sa mga visitors ng school. Besides may mga signs din sa bawat department na mababasa mo lang naman. Like that oh!" Tinuro ko ang Admin Office sa kanya. Ano siya hilo? Akala niya siguro makakalusot sa akin ang palusot niya, ang gusto niya lang naman ay magpapansin sa jowa ko. Pero asa siyang pagbibigyan ko siya. Hmp. "Ah, pasensiya na! Nalilito lang kasi ako." Ngumiti ito ng matamis sa akin at bumaling kay Drey. "Sige, mauuna na ako sa inyo. Salamat sa pagtuturo sa akin." Ani nito at umalis na. "Paturo daw, nagpapapansin lang naman. Akala niya siguro maluluko niya ako, hmp." Inis na kumento. "Ang aga-aga mainit na agad ang ulo mo." Kumalas na ako kay Drey at sinamaan siya ng tingin. "Sinong di iinit ang ulo? Ang aga-aga kong pumunta dito para hintayin ka, pero sobrang tagal mong dumating. Tapos kakarating mo palang, nakikipaglandian kana agad sa iba. At sa harap ko pa talaga! Putulin ko yang betlog mo eh!" Inis na litanya ko sa kanya. "Bat nadamay pa pati betlog ko dito?" Bahagya siyang napatawa nung sabihin nito ang katagang "betlog". "Ewan ko sayo." Medyo inis pa na sabi niya. "Halika na nga! Balak ko pa naman sanang mag spend ng time sayo ngayong umaga, pero inubos mo ang oras ko kaya di nalang. Kailangan ko nang pumasok at mag-uumpisa na ang first class namin." Aniya at hinila si Drey pasunod sa kanya. Sumunod lang sa kanya si Drey. Himala at hindi ito nagrereklamo ngayon sa mga hawak niya. "Sige, dito na ako. Sunduin mo ako mamayang lunch ah, sabay tayong kumain." Utos niya dito. "Oo na, sige na!" Sagot ni Drey. "Kapag lumandi kana naman, puputulin ko talaga betlog mo!" Banta niya dito at tiningnan pa ang harap ng pantalon nito. Automatic naman na napatakip ang kamay ni Drey doon. "Wag mo nga pagbantaan tong buddy ko, nananahimik to, dadamayin mo pa." Anito habang nakatitig ng masama sa kanya. Napahagikgik naman siya sa akto nito. "Sige na. See you later, Hubby!" Aniya at ninakawan pa ng halik si Drey sa kaliwang pisngi nito. Saka kumindat na sumaludo kay Drey at naglakad patungo sa building ng department nila. "Tss, nakanakaw na naman yung babaeng iyon." Narinig niya pang bulong ni Drey bago siya makalayo. Ngumiti siya doon at hinawakan ang dibdib niyang sobrang lakas ng t***k. Samantalang sa gawi naman ni Drey ay nakatitig lang ito sa papalayong pigyura ng babae. Hindi niya inaalis ang mga mata sa likod nito hanggang sa tuluyan na iyong mawala sa paningin niya. Saka siya napabuntong hininga ng malakas at tila nawalan ng lakas na napaupo sa mismong kinakatayuan niya at itinago ang mukha sa mga taong nakakakita sa kanya. 'Damn, so I'm really in love with her? With that girl? This is really weird. She's not even my type.' Alam niyang namumula ang pisngi niya kaya nagbilang muna siya ng ilang minuto bago naglakad at umalis sa pwesto. "Ako ata ang nagayuma e. Scam ata yung gayumang yun, bakit pati ako apektado?" Aniya sa sarili. **** Katatapos pa lang ng klase nila Enday ay lumabas agad siya ng classroom kasunod sina Amon. Palingon-lingon siya sa paligid at nagbabakasakaling andoon na si Drey upang sunduin siya. Iyon nga lang, wala siyang nakitang kahit na anong anino ni Drey na naghihintay sa kanya. "Asan na kaya ang lalaking iyon?" Nakakunot noong tanong niya. "Baka di pa lumalabas?" Ani ni Daisy na nakasunod sa kanya. "Pero, kanina pa dapat tapos ang klase nun e. Hanggang eleven lang ang klase nun ngayong umaga." Aniya. "Wow, alam na alam mo schedule ah." Ani ni Mayo na kaklase at kaibigan niya rin. "Syempre, jowa ako e." Aniya. "Baka stalker?" Natatawang sabat ni Jackie. "Sapak, gusto mo?" Banta niya. "Amazona!" Lumayo sa kanya si Jackie at nagtago sa likod ni Mayo. "Tss, asan na ba kasi yung lalaking yun." Inis na ani niya. "Ay naku, baka nauna na yun sa cafeteria. Halika na nga, punta na tayo dun. Baka gutom lang yang sikmura mo." Ani ni Arcille. Napasimangot ako. Hindi ba talaga ako mahalaga kay Drey? Kaya ba walang halaga sa kanya ang mga sinasabi ko? Napakagat labi ako. Shocks, bat parang nagtutubig mga mata ko? "Sige guys, mauna na kayo. Cr lang ako. Jebs!" Hindi nakatinging sabi niya sa mga kaibigan at naglakad papuntang restroom. "Anyare dun? Ihing-ihi?" Tanong ni Jackie. "Hayaan niyo na. Ano tara? Gutom na ako e. Nakakagutom mag-aral." Ani ni Amon sa mga kaibigan. "Sinabi mo pa, arat!" Sigunda ni Mayo. Habang naglalakad si Enday ay ibinaba niyang maigi ang sumbrerong suot upang hindi makita ng ibang tao ang itsura niya ngayon. Hindi niya alam kung bakit naiiyak siya dahil lamang sa binalewala ni Drey ang mga salita niya. Siguro nga ganito talaga kapag nagmamahal ka. Kahit kunting bagay lamang at hindi naman importante ay mahalaga parin para sayo. Hindi naman kasi siya ganito dati. Hindi siya iyaking tao, yung iba pa ang umiiyak dahil sa kanya. Pero hito at naging sensitibo na siya kahit sa isang napakaliit lang na dahilan. Nang makapasok siya sa loob ng restroom ay dumiretso siya sa lababo upang maghilamos. Tinanggal niya muna ang sumbrero at ginawa iyon ng ilang ulit, baho pinakatitigang maigi ang itsura mula sa salamin. She's a mess, she knows that. Not only her looks but her expressions too. Hindi na halata ang panunubig ng mata dahil medyo nabura na iyon ng tubig. Subalit hindi niya parin maiwasang maiyak sa itsura niya. Tama nga sila. Sino nga bang siraulong magkakagusto sa kanyang itsura? Si Drey ba? Pero... alam niya una palang na siya lang ang pumipilit na gusto siya nito. Pero ang tutuo ay... Hindi naman talaga. Diba? Kaya nga hindi niya ako pinuntahan. Napatakbo siya sa loob ng isang cubicle ng mag-umpisang tumulo ang luha. 'Lintek. Para yun lang eh, iyak kana agad? Ang weak mo naman Deane, para kang di captain ng women's basketball team.' Aniya sa sarili pero di niya parin mapigil ang pagtulo ng luha niya. Hindi niya masaway ang sariling tumigil sa kakadrama. Siguro ganun na talaga kalaki ang epekto ni Drey sa kanya. Bakit ganun? Dati naman kuntinto na siyang nakikita ito mula sa malayo. Na kahit crush na crush niya ito ay hindi siya gumagawa ng moves upang mapansin nito. Pero ngayon, parang kahit di lang mapansin ni Drey ay maiiyak na siyang tulad nito ngayon. Maya-may ay tumunog ang cellphone niya kaya napatigil siya saglit sa kakadrama. "Nasaan ka?" From Drey. Hindi niya iyon sinagot. Nakaka-inis! Ngayon magtatanong kung nasaan siya. Ni hindi nga nito magawang sunduin siya. Tumunog ulit ang cellphone niya, ngayon naman ay tawag mula kay Drey na hindi niya ulit sinagot. Bwesit yan. Ngayon bahala ka sa buhay mo! Nakakatampo. Nakasimangot siya habang tinitingnan ang cellphone niya hanggang sa mamatay ang tawag nito. Bigla ulit itong nag text sa kanya. "Hey, sorry kung di kita nasundo kanina. May ini-utos lang ang prof ko sa akin kaya late na ako." "You're not with your friends, where are you?" "Hey, pick up!" Sunod-sunod ang text na yun mula dito. Napa-pout siya at tinitigan lang iyon na para bang nakikita niya si Drey at ayaw niyang magsalita. "Babe?" Natigilan siya ng marinig ang boses na yun. "Are you here?" Tawag mula sa labas ng restroom. Nanlaki ang mga mata niya. Is that Drey? Biglang tumunog ulit ang cellphone niya na narinig mula sa labas ng women's comfort room. "There you are, come here... Let's eat now, Babe!" Mahinang sabi nito mula mismo sa labas ng cubicle kung saan siya naroroon. Babe... Tinawag ba siya nito niyon? "Nakaka-inis ka talaga! Kahit saglit lang di man lang ako makapag tampo sayo ng matagal." Suminghot siya at pinahid ang luhang tumulo kanina. "Sorry!" Mahinang usal nito. "Open the door now... Babe!" Anito. Binuksan na niya iyon. Nadadala kasi siya sa pagamit nito ng salitang "Babe." "Come here!" Nakabukas ang mga bisig nito dahilan upang yumakap siya dito ng mahigpit at suminghot. Wala na. Lusaw na ang tampo niya. To be continued... Not Edited
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD