Angela's POV Pagkarating ni Sir Allen ay nagpaalam na rin agad kami kay nanay. Hinalikan ko naman sa pisngi si Tatay at nagpaalam na rin ako sa kanya kahit na alam kong hindi niya ako naririnig. Pero masaya na ako dahil kahit papano ay alam kong unti-unti ng nagiging okay si Tatay. Sabay kaming naglakad ni Sir Allen palabas ng room ni Tatay, kapag may nakakakita sa kanyang staff ng hospital ay agad na yumuyuko sa kanya at ang iba naman ay binabati siya. Ngayon ko lalo napagtanto ang kaibahan naming dalawa. Na para bang hindi talaga ako nababagay sa mundo niya--sa ngayon. Nang makasakay na kami sa sasakyan ay hindi siya agad nagmaneho. Nakahawak siya sa steering wheel pero hindi pa rin kami umaalis. "Bakit, Sir Allen? May problema po ba?" Nag-aalalang tanong ko. Hindi kasi ako sanay

