bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

book_age18+
2.9K
FOLLOW
19.0K
READ
HE
age gap
arranged marriage
sweet
small town
secrets
like
intro-logo
Blurb

~COMPLETED~

Blurb:

Four years of waiting...

Four years of anger...

Iniwan ko siya ng walang paalam kaya paghahandaan ko na ang galit at paghihiganti niya.

***********

"S-Sir Allen!" Gilalas ko ng bigla niya akong hilahin sa aking braso. Ipinasok niya ako sa banyo at agad na idinikit sa dingding nito.

"So, totoo nga na bumalik ka na." He smirked. "Umalis ka ng walang paalam at babalik ka na parang wala kang iniwan? Ganun na lang ba yun, Angela?"

"Sir Allen, n-nasasaktan ako--"

"Talagang masasaktan ka! You're twenty one years old now, right? So ngayon, pwede na kitang angkinin kagaya ng sinabi mo, four years ago... hmm?"

Nagulat ako bigla niyang itaas ang skirt na suot ko at ibaba ang undies ko!

"Humanda ka dahil ipaparamdam ko rin sa'yo ang poot at galit dulot ng pag-iwan mo akin sa loob ng apat na taon, Angela!"

Paano ko nga ba matatakasan ang kasalanang nagawa ko sa kanya?

ANGELA CARAIG X ALLEN DELAFUENTE LOVE STORY!

chap-preview
Free preview
Ang Muling Pagkikita
Angela's POV "Inay! Inay!" nagtatatakbong tawag ko kay inay dahil sobrang saya ko ngayong araw na 'to. "Oh, anak. Ano bang nangyari at sumisigaw ka?" aniya ni Nanay na agad lumabas sa aming tarangkahan dahil nakatira lang kami sa aming kubo. Kalahati ay semento at kalahati ay tabla na may bubong na yero. Agad ko namang niyakap si Inay habang hawak ko pa ang brown envelope na may lamang papel na nagpapatunay na nakapasa ako sa scholarship na ibinibigay ng mga Dela Fuente sa mga beneficiary nila. "Tingnan mo ito, Inay!" Humiwalay ako kay inay at iniabot sa kanya ang papel. Nagtataka naman na tumingin sa akin si Inay pagkaabot ko ng brown envelope sa kanya pero agad ding nagbago ang awra niya ng mabasa ang nilalaman ng brown envelope. "Wow! Anak! Congratulations! Masayang-masaya ako para sa'yo!" wika niya sa malawak na ngiti at ngayon ay ako naman ang kanyang niyakap ng mahigpit. "Salamat naman sa Diyos at nakapasa ka. Dininig niya talaga ang dasal ko na sana ay isa ka sa mapili ng mga Dela Fuente." dagdag pang sabi ni Inay habang yakap yakap pa rin ako ng mahigpit. "Opo, Inay! Makakapag-aral na po ako ng kolehiyo! Matutupad ko na po ang mga pangarap ko at maiiahon ko na po kayo sa kahirapan! Nay, promise ko po kapag nakapagtapos na ako ay maghahanap po agad ako ng maayos na trabaho at kapag sumweldo na po ako ay mag iipon ako tapos bibilhan ko po kayo ng magandang bahay! Ipaparanas ko po sa inyo lahat ng kasiyahan habang nabubuhay pa po kayo ni Tatay!" "Nakakatuwa naman itong anak ko. Pero anak, huwag mo na muna kaming isipin. Ang isipin mo muna ay ikaw at ang pag aaral mo. Makapagtapos ka lang ng kolehiyo ay magiging masaya na kami ng tatay mo." aniya ni inay at agad akong niyakap na muli saka hinalikan sa aking pisngi. Walang pagsidlan ang aking kasiyahan kaya naman hindi ko na nahintay na makauwi si Tatay. Ako na mismo ang pumunta sa kanya sa bukid. Naabutan ko pa siyang nag-aararo sa sakahan pero pinuntahan ko pa rin siya doon. "Tay!" tawag ko sa kanya. Nung una ay hindi niya pa ako naririnig pero ng ulitin ko na ay agad niyang pinahinto ang kanyang kalabaw at tumingin na sa gawi ko. "Oh, anak? Bakit? May nangyari ba?" tila ba nag aalala pang tanong niya sa akin pero ngumiti naman agad ako para ipaalam sa kanya na walang problema, masyado kasing maalalahanin si Tatay kaya naman aakalain niya palaging may problema kapag ganitong tinatawag na siya sa bukid at hindi na nahihintay ang pag-uwi. "Wala po, Itay. Ibabalita ko lang po sa inyo na nakapasa po ako sa scholarship sa kolehiyo." "Aba! Ay pagkagaling naman sadya ng anak ko, ah!" aniya at binitawan ang tali ng kalabaw at agad akong niyakap pero bumitaw din agad dahil amoy pawis na raw siya. "Narinig nyo? Nakapasa ang anak ko sa scholarship sa kolehiyo! Makakapag aral na ang anak ko!" masayang balita pa niya sa kanyang kapwa magsasaka. Kanyanang bati rin naman sila sa akin kaya nagpasalamat din ako sa kanila. Maya-maya pa ay dumating na rin si Nanay na may dalang pananghalian ni Tatay. "Pedring, Angela, halina kayo at kakain na." aniya ni Nanay. May bitbit itong basket na naglalaman ng kanyang mga niluto. Mahirap lang kami pero kahit kailan ay hindi kami nawalan ng pagkain sa aming hapagkainan. "Andyan na po, Nay!" sagot ko kay Nanay. Inaya ko na rin si Tatay at pagkatali nga sa kalabaw niya ay magkasabay na kaming pumunta sa kinaroroonan ni Nanay sa ilalim ng malaking puno ng mangga. Nauna ako kay Tatay dahil mas mabilis akong maglakad sa kanya kaya naman pagdating ko ay tinulungan ko na si Nanay na maiayos sa ibabaw ng dahon ng saging ang mga pagkain na dala niya. May sinabawang isda, pritong galunggong na may sawsawang toyo at kalamansi. Hinaluan pa iyon ni Nanay ng kamatis kaya naman natatakam na agad ako unang tingin ko pa lang. Naglabas din si Nanay ng kanyang specialty na cassava cake na palagi niyang niluluto. May mga tanim din kasi si Tatay na kamoteng kahoy kaya walang kahirap-hirap kay nanay ang paggawa niyon. May dala din pala si Nanay na itlog na pula dahil paborito din ito ni Tatay. "Grabe, nanay! Ang sarap naman po ng mga ito." gilalas ko kay Nanay habang humihigop ako ng sinabawang isda. "Dapat lang anak na masarap ang ihain ko sa tatay mo para naman maibsan ang pagod niya sa kanyang trabaho." aniya ni Nanay na tila ba naglalambing pa kay Tatay. "Kaya mahal na mahal ko itong nanay mo, napakabait na masarap pang magluto. At higit sa lahat napakaganda pa." wika naman ni Tatay kaya natawa si Nanay. "Naku! Ikaw talaga Pedring, dinadaan mo na naman ako sa iyong pambobola!" saad pa ni nanay sabay tawa kay Tatay. Ang sarap nilang pagmasdan. Parehong masayahin, mapagmahal at maalaga. Kaya gagawin ko ang lahat para mapawi ang lahat ng pagod nila dahil sa magiging tagumpay ko ay sila ang magiging prioridad ko. "Oh, Angela. Ikaw na ang mag-uwi nito, ha. Tutulungan ko muna ang itay mo rito sa bukid para maagang makauwi mamaya." utos sa akin ni Inay pagkatapos naming kumain. "Sige po, Inay. Ako na po ang bahala rito." nakangiting sabi ko kay Inay. Si Itay naman ay tumayo na at tinanaw ang mga lupang kanya pang aararuhin. Sa sobrang lawak ng lupain ng mag asawang Nicholas at Leticia Dela Fuente ay halos hindi na ito maabot ng tingin. Napakarami din nilang tauhan at trabahador na hindi ko na alam kung paano pa ba nila napapasahod ang lahat ng iyon. May dalawa silang anak na lalake. Si Allen Dela Fuente at Coby Del Fuente. Hindi ko pa nakikita si Sir Allen dahil sa Amerika na daw ito nag-aral simula nung maliit pa lang ito pero si Sir Coby ay kilalang - kilala ko dahil madalas akong batiin nito kapag nakikita ko ito sa bukid. Kadalasan kasi ay si Sir Coby na ang namamahala sa ibang bukirin lalo na at may katandaan na rin si Senior Nicholas. Pag - uwi ko nga sa bahay ay hinugasan ko na ang aming kinainan kanina sa bukid at iniayos ko na sa aming banggerahan. Pininaw ko na rin ang sinampay ni Nanay at tiniklop ko na rin isa-isa. Ginagawa ko na ito ngayon dahil siguradong kapag pumapasok na ulit ako sa eskwelahan ay si Nanay na ulit ang gagawa ng lahat ng ito. Malinis na ang bahay dahil palaging naglilinis si Nanay. Maliit man ang bahay namin ngunit maaliwalas at napakalinis naman tingnan. Nang makaramdam na ako ng pagod ay humiga na ako sa aming upuan na gawa sa kawayan. May mga foam ito na kasing laki ng unan na kapag marumi na ay pwedeng tanggalin at pwede ng labhan. Muli kong hinawakan at binasa ang nilalaman ng brown envelope. "Dela Fuente University." naisatinig ko. At bigla ay sumagi sa isip ko ang mga gagawin ko sa unang araw ng pagiging kolehiyala ko. Isa ito sa kilalang eskwelahan dito sa nayon namin na kung saan mga anak din ng kapwa magsasaka ang mga estudyante. Meron din namang anak ng mga hacienderos at hacienderas pero ang sabi ay nakahiwalay ang building ng mga ito sa mga kagaya naming scholar at beneficiaries lamang. Kinahapunan nga ay dumating na sina Nanay At Tatay. Mga mukhang pagod sila pero nananatiling nakangiti pagkakita sa akin. May dala pa nga si Nanay na mais at ang sabi pa ay yun na lang daw ang gugulayin niya sa hapunan. Alas singko lagi ang uwian ng mga magsasaka at trabahador sa Hacienda kaya naman pagkakauwi ni Nanay ay agad itong nag aasikaso ng aming panghapunan. Hanga nga ako kay Nanay dahil para siyang walang kapaguran kung kumilos. "Ay! Anak! Naku! Muntik ko ng makalimutan. Sabi nga pala sa amin ng tatay mo ay hinihintay ka raw sa mansion ni Seniora Leticia. Siguro ay tungkol yan sa scholarship mo." wika ni Nanay habang nagyayadyad ng gugulaying mais. "Ganun po ba, sige po. Papalitan ko lang itong suot kong damit." paalam ko kay Nanay at dumiretso na ako sa aking silid. Binuksan ko ang aking silid at nagsuot ako ng bestida. Maliwanag pa naman kaya hindi na ako magpapahatid kay Tatay. Pagkabihis ko ay lumabas na rin ako at agad na nagpaalam kay Nanay. "Nay, alis na po ako." wika ko habang nagmamadali akong isuot ang tsinelas ko. "Sige anak, magpahatid ka na lang sa tatay mo sa kalabaw!" paalala pa ni Nanay. "Hindi na po, Nay! Kaya ko naman pong lakarin saka malapit lang naman po ang mansion. Hindi po ako aabutin ng trenta minutos sa paglalakad." saad ko kay Nanay habang naglalakad na papunta sa kinaroroonan ni Tatay para makapag paalam na. Nagsabi din si Tatay na ihahatid niya ako gamit ang kalabaw niya pero kagaya ng sinabi ko kay Nanay ay tumanggi rin ako. Isa pa, gusto ko na rin siyang makapagpahinga dahil alam kong pagod na pagod na siya sa trabaho sa bukid. Ngayon nga ay binabaybay ko ang hile-hilerang taniman ng mangga. Malalaki ang puno nito kaya naman kapag namunga na ay hitik na hitik. Alaga rin kasi sa pag spray ng pampatabang gamot. Iilan na lang ang mga natitirang magsasaka na naririto. Wari ko ay hindi pa umuuwi at mas piniling magpahinga na muna. "Oh! Angela? Saan ang punta mo dis oras ng hapon?" Wika pa sa akin ni Miguelito na aking kababata. Inaalis niya ang tali ng kalabaw sa punong mangga at uuwi na rin yata. "Doon sa mansion ng Dela Fuente. Ipinapatawag daw ako ni Seniora Leticia!" wika ko sa malakas na boses habang naglalakad ako dahil para marinig niya ako. "Sige, mag iingat ka at umuwi rin kaagad dahil maggagabi na!" paalala pa niya pero hindi na ako tumugon at mas binilisan ko pa ang aking paglalakad. "Mabilis lang naman siguro akong kakausapin ni Seniora Leticia kaya siguro naman ay makakauwi rin ako kaagad," sa isip-isip ko pa. Napakalawak ng mansion ng mga Dela Fuente na sa tingin ko kapag naiwan akong mag isa sa loob nito ay maliligaw ako. Ang dami kasing pasikot-sikot at napakarami ng kwarto. Nakabukod din ang silid ng mga katulong at kahit katulong sila ay napakagaganda rin ng silid. Alam ko yun dahil kay Edna. Kaklase ko dati. Maid siya habang pinapaaral ng mga Dela Fuente. Maswerte pa nga ako dahil hindi ko kailangan na mamasukan ng katulong para lang makapag-aral ako kaya bilib ako sa mga kagaya nila. At heto na nga, nakarating na nga ako sa malawak nilang bulwagan. Agad naman akong pinapasok ng kanilang bantay dahil naibilin na raw naman ang aking pangalan bilang kanilang panauhin sa araw na ito. Ganyan sila. Lahat ng papasok at lalabas sa kanilang mansion ay dapat nakalista ang pangalan para kapag may nawalang mahalagang bagay ay alam daw nila kung sino-sino ang tatanungin. Pagdating ko nga sa loob ay naabutan ko pa silang kumakain ng hapunan. "Magandang hapon po, Seniora Leticia." magalang na bati ko. Hindi ko alam kung tapos na ba sila o sadyang tinapos na ang pagkain pagkarating ko dahil nagpunas na agad ito ng puting tela sa kanyang bibig. "Let's go to my office, hija..." anito sa akin at naglakad na paitaas ng hagdanan. Napasulyap pa ako kay Sir Coby na nakatingin din pala sa akin kaya naman binati ko rin ito at nginitian at pagkatapos ay sumunod na ako kay Seniora Leticia. Pagdating ko sa itaas ay kumatok muna ako ng tatlong beses. Expected naman na niya ako kaya binuksan ko na ang pintuan na bahagya pang nakaawang. Pagpasok ko ay may hawak na papel ang Seniora na para bang binabasa at pinag aaralan pang mabuti dahil titig na titig siya roon. "Magandang Hapon po, ulit." magalang na bati ko saka ako bahagyang yumuko sa kanyang harapan. "Have a seat, hija." aniya sabay mwestra ng kamay sa upuan sa harapan ng table niya. Pagkaupo ko ay may binuklat siyang mga papel na sa tingin ko ay kabilang sa akin. "Hija, hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa." sambit niya kaya naman inihanda ko na ang aking tainga sa bagay na sasabihin niya. "Being our scholarship beneficiaries. You need to maintain a flat 1 grades in college. At kapag na-maintain mo ito ay malaki rin ang magiging kapalit nito mula sa amin, hija." Napanganga naman ako sa sinabi ng Senyora. "Ano pong ibig mong sabihin, Senyora? Na may balik po kapag na-maintain ko ang flat 1 na grades?" naguguluhang tanong ko. Hindi ko alam na may paganito pa pala silang patakaran. Ngumiti naman muna sa akin ang Senyora bago nagsalita. "Hindi ko pa pwedeng sabihin sa'yo, hija. You'll know it, soon." aniya. "Paano po kapag hindi ko napanindigan? Tatanggalin nyo po ba ako sa pagiging beneficiaries ko?" hindi ko alam kung bakit ko ito natanong. Hindi naman sa wala akong tiwala sa aking sarili pero ini-a-advance ko lang din siguro ang aking sarili. "Well, mawawalan ka ng gamtimpala, hija. At gaya nga ng sinabi mo ay tatanggalin din namin ang pagiging beneficiaries mo." at sa sinabing iyon ng Señora... ang kasiyahan ko kanina ay tila ba nabawasan. Hindi na ako muling nagtanong. Ibinigay lang sa akin ni Señora ang papeles na pinapirmahan niya pa sa akin bilang kasunduan. Ngayon ko lang ito nalaman. Na kapag pala bumaba ang grades mo ay ireremove ka nila as beneficiaries nila. Tulala akong lumabas sa silid ng Señora. Ngunit tila ba napabalik ako sa aking ulirat ng may makabunggo akong malaking bulto ng lalake. Sa sobrang laki niya ay muntik na akong matumba sa sahig. Mabuti na lang at mabilis siya. Agad niya akong nasalo. Ngunit hindi ko inaasahan na nakauwi na pala siya. "S-Sir Allen?" naisatinig ko. Hindi rin ako sigurado kung siya nga ang lalakeng nakikita ko dahil base noon ay napakalaki na ng ipinagbago niya. Lalong-lalo na ng hitsura niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
90.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.7K
bc

His Obsession

read
72.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K
bc

The Ruthless Blind Master (SSPG/ R-18)

read
27.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook