Sariling Desisyon

1858 Words
Angela's POV "Sir Allen?" Gilalas ko. Mabagal niya akong itinayo habang titig na titig sa mukha ko. "Angela? Ikaw na ba yan?" "Opo, Sir Allen." Ngumiti ako dahil natutuwa rin akong makita siya. Ang tagal rin kasi niyang nawala dito sa Pilipinas. Bata pa ako nung huli kaming magkita. Ngayon ay bata pa rin naman ako pero siya ay alam kong medyo may edad na. "Hindi kita nakilala, ah? Saan ka ba galing? Halika, dun muna tayo mag-usap." Aya nito sa akin sa may garden sa akin papunta sa terrace nila dito sa itaas. "Naku, Sir. Gabi na po e. Pinapunta lang po ako rito ng iyong ina dahil isa po ako sa napili ng universty nyong bigyan ng scholarship." "Really? That's great. In fact, magiging professor na rin ako roon. Mas gusto ko kasing dito ako da Pilipinas magturo." "Talaga po? Wow! Congrats po, Sir Allen. Pero kailangan ko na po talagang umuwi. Baka abutan pa po ako ng sobrang dilim sa daan." "G-ganun ba? Gusto mo bang ihatid kita-" "Naku! Hindi na po. Nakakahiya naman po sa inyo. Kaya ko naman pong mag-isa pag-uwi. Sige po, aalis na po ako." Yumuko ako sa kanya. Ramdam kong ayaw pa niya akong paalisin dahil sigurado matagal rin kaming hindi nagkita at nagkausap pero ayoko naman na masyado akong gabihin sa daan. "Bye, Angela! Nice seeing you again!" Paalam pa nito sa akin. Nasa terrace siya sa itaas habang ako ay nasa ibaba na pero nakabantay pa rin siya sa pag-alis ko. "Bye po, Sir Allen!" Paalam ko rin at nagmamadali na rin akong naglakad palayo. Pagdating ko sa bahay ay eksaktong nakaluto na rin si Nanay ng hapunan dahil naghahain na siya sa lamesa naming gawa pa sa kawayan. "Nandito na po ako, Inay..." pabatid ko pa kay nanay. "Tamang-tama. Halika na rito at kakain na tayo." Ako na ang nagsalin sa pitchel ng tubig saka ko inilagay sa lamesa. Kumuha na rin ako ng baso at umupo na rin ako sa unahan nina nanay at tatay. "Kamusta? Anong sabi ni Senyora Letticia?" "Okay na po, Inay. Ang kailangan ko lang po gawin ay ma-maintain ko po ang grades ko." Masayang balita ko kay Inay. "Naku! Siguradong kayang-kaya mo yan, anak!" Ani tatay na sobrang laki rin ng tiwala sa akin. "Opo naman! Ako pa ba? Syempre, para po sa inyo itong pag-aaral ko. Salamat po sa pagsisikap at pagtaguyod sa akin, nay, tay..." "Walang anuman, anak. Basta para sayo, gagawin namin ang lahat ng tatay mo." Sobrang swerte ko talaga na sila ang naging magulang ko. Napakabait nila at napakasupportive sa akin. Pagkatapos naming kumain ay ako na ang nagpresinta kay nanay na maghuhugas ng plato. Ayaw pa sana niyang pumayag pero nagpumilit ako. Kakaunti lang din naman ang hugasin kasi tatlo lang naman kami kaya mabilis ko lang natapos. At bago nga ako natulog ay nagpunas pa ako ng katawan. Inayos ko na rin ang mga gamit at bag na gagamitin ko sa school para wala na akong aalalahanin sa sa monday. "Nay, alis po muna ako, ha. Ngayon ko po kukunin ang schedule ko sa university para alam ko po ang oras ng mga subject at pagpasok ko." "Ganun ba, sumubo ka muna kahit kaunti. Huwag kang aalis ng walang laman ang tiyan mo," paalala pa ni Nanay. Kahit na uminom naman na ako ng gatas ay ayaw pa rin talaga ni nanay na umaalis ako na hindi nag-aalmusal dahil baka sumakit raw ang tiyan ko kaya sumubo ako kahit dalawang kutsara lang ng kanin. "Tapos ka na agad?" Pigil pa ni nanay nung tatayo na ako. Wala na si Tatay dahil nasa bukid na ito at nagsisimula na ulit magtrabaho doon. "Opo, nay. Mamaya na lang po ulit ako kakain pag-uwi ko po. Busog pa po talaga ako, e." "Oh siya, sige. Uwi rin agad, ha? Huwag ng gagala kung saan-saan." "Opo, Inay!" Uminom lang ako ng tubig. Pinunasan ko ang bibig ko ng panyong dala ko saka ko hinalikan si Nanay sa pisngi at naglakad na rin ako paalis. Malapit lang naman ang Dela Fuente University kaya kayang-kayang lakarin. Isa pa, magandang ehersisyo rin ito sa umaga. Diretsong naglalakad ako habang pakanta-kanta pa ng makarinig ako ng busina ng sasakyan. Huminto sa tapat ko ang sasakyan at pagtingin ko ay bumukas ang bintana niyon. "Sir Allen, kayo po pala? Goodmorning po..." nakangiting bati ko. "Saan ang punta mo? Ikaw lang bang mag-isa?" Tanong pa nito sa akin habang sinasabayan ng kotse niya ang paglalakad ko. "Sa university po. Ngayon po ang kuhaan ng schedule para po sa pasukan. Sanay naman po akong mag-isa at sanay na rin po ako dito sa lugar natin kaya okay lang po kahit wala akong kasama." "Kahit na. Delikado pa rin lalo at babae ka. Halika na. Sumabay ka na sa akin. Doon din naman ang punta ko." Aya pa nito sa akin pero umiling ako. "Hindi na po, Sir Allen. Maglalakad na lang po ako." Tanggi ko dahil ayoko rin na may makakakita sa amin. Nakakahiya. Baka kung ano ang isipin nila. "Angela, I insist! Sige ka, kapag hindi ka sumabay sa akin, magtatampo ako sa'yo." Huminto ako sa paglalakad kaya huminto rin ang sasakyan niya. "E, Sir Allen. Nakakahiya naman po. Kaya ko naman po maglakad." "Halika na," ulit pa niya. Nang hindi ako sumasakay ay bumaba siya at pilit akong pinasakay sa tabi niya. "From now on, ayaw ko ng mahihiya ka sa akin, ha? And infact magiging guro mo rin ako. Malapit ang pamilya nyo sa amin kaya huwag ka ng mahiya, okay?" "S-sige po, Sir Allen." Sambit ko na lang pero naiilang pa rin ako. Isa pa, hindi ako sanay na sumama sa lalake lalo na sa tulad ni Sir Allen. Ilang sandaling pagtitig na naman ang ginawa niya sa akin bago niya paandarin ang kanyang sasakyan. "Ilang taon ka na pala, Angela?" Tanong niya habang nagmamaneho. Diretso ang tingin niya sa kalsada pero sumulyap ako sa kanya. "Sixteen na po, Sir Allen." "Ang bata mo pa pala talaga..." mahinang sambit niya. "E, ikaw, Sir Allen? Ilang taon ka na po?" Hindi ko alam kung bakit naitanong ko rin ang edad niya. Siguro ay dahil gusto ko rin na hindi maputol ang pag-uusap naming dalawa. "Twenty Eight," maikling sagot niya. "May asawa ka na po ba?" "Asawa? Wala pa. Wala kasi akong magustuhan pero ngayon ay meron na." "Talaga po? Naku! Abay po ako, ah? Kapag nagpakasal na po kayo." Nagulat ako ng biglang niyang ihinto ang kotse at tumitig na naman siya sa mukha ko. "Wala pa akong balak magpakasal, Angela. Sa tamang panahon siguro kapag dumating na ang babaeng hinihintay ko." Aniya at nagpatuloy na ulit sa pagmamaneho. Napakunot naman ang noo ko. May hinihintay siya? Siguro ay naiwan niya sa ibang bansa ang girlfriend niya? Hindi na ako nagtanong ulit. Sa gate pa lang ng university ay nagsabi na ako kay Sir Allen na bababa na ako. Pumayag naman siya at inihinto agad ang sasakyan bago pa niya maipasok sa loob. Nagpasalamat naman ako at nauna pa akong pumasok sa loob. "Angela!" "Oh, Miguelito? Ang aga mo, ah? Nakuha mo na ang schedule mo?" "Hindi pa nga e, tara! Sabay na tayo!" Aya niya sa akin kaya sabay na kaming pumunta ni Miguelito. Nakapunta pa lang ako rito nung nag exam ako for scholarship at talaga namang nakakamangha dahil ang ganda at ang laki ng buong eskwelahan. Noon ay pangarap ko lang na makapasok rito pero ngayon ay heto ay naisakatuparan ko na. "Ang ganda dito, nuh?" Saad ko kay Miguelito. "Oo, pero mas maganda at sosyal daw dun sa kabilang building." "Talaga? Napuntahan mo na ba yun?" "Isang beses. Pero hindi na naulit." "Bawal ba tayo dun?" Tanong ko pa kay Miguelito. "Hindi naman daw at ang sabi pa ay minsan daw ay nagrere-shuffle din daw ang mga estudyante. Lalo na daw kapag sobrang talino mo? Minsan daw ay kukunin ka nila bilang isang halimbawa sa mga estudyanteng mayayaman na hindi nagsisikap na mag-aral." "Wow! Ang exciting naman niyan!" "Anong exciting dun, Angela? Pag iinitan ka kamo nila at baka hindi mo na gustuhin na nakilala mo sila! Iba sila, Angela. Iba rin tayo kaya huwag mo ng pangarapin na mapunta dun." Babala sa akin ni Miguelito. "Ikaw naman. Hindi naman masamang mangarap. Hayaan mo pagdating na panahon na makapagtapos na tayo. Yayaman din tayo, Miguelito." Determinadong saad ko. At sinisigurado kong matutupad ko yun! Pero isinaisip ko na lang. Pagkakuha namin ng schedule namin ay sabay naming tiningnan ni Miguelito. May lang same kami ng oras at may iba na magkaiba rin. "Mauna na ako sa'yo, Miguel. Sabi kasi ni nanay ay umuwi rin ako kaagad e," "Ganun ba, aayain pa naman sana kita dun sa park malapit lang rito." "Next time na lang siguro. Sige na! Ba-bye na!" Palabas na ako ng malawak na gate ng may makabunggo ako. Pakiramdam ko tuloy ay ang laki kong tao dahil palagi akong may nabubunggo. "Ops! Sorry, Miss! Nagmamadali kasi ako." "Okay lang! Sige." Nagmamadaling paalam ko rin. Hindi naman ako nasaktan kaya okay lang naman sa akin. "Miss?" Napalingon ako ng muli akong tawagin ng lalakeng nakabunggo sa akin. "Bakit?" Nagtatakang tanong ko. "Sa'yo ata itong ballpen! Nahulog!" Napakapa naman agad ako sa bandang dibdib ko kung saan ko inipit ang ballpen kanina at wala nga rito. Siya na ang kusang lumapit sa akin at iniabot ang ballpen ko. "Noah nga pala, sorry ulit, ha?" "O-okay lang. A-angela..." ngumiti ako ng bahagya at kagaya ni Sir Allen ay ganun rin ang naging reaksyon niya kaya napahawak ako sa mukha ko. Iniisip ko kasing baka may dumi rito kanina pa. "Ang ganda mo-" "Angela? Pauwi ka na ba? Sumabay ka na ulit sa akin." "Sir Allen? Ah- opo, pauwi na rin po ako-" pero hindi pa ako tapos magsalita ay hinila na agad ako ni Sir Allen sa kamay ko. "Sige, Noah! Paalam din sa'yo." Magalang na sambit ko. Hindi na kasi ako nakapagpaalam dahil tila ba nagmamadali naman itong si Sir Allen na hilahin ako. Binuksan niya agad ang unahan ng sasakyan niya at pinasakay ako. Saka siya umikot at sumakay na rin sa driver's seat. "Kilala mo ba yun?" Tanong agad niya sa akin pagkasarado ng pintuan ng kotse niya. "Hindi po, nabunggo niya po ako. Nag-sorry naman siya kaya ini-accept ko na lang. Tas ibinalik niya pa itong ballpen ko. Mukha rin po siyang mabait." "Ganun ba... May I see your schedule?" Hindi ko pa nabibigaybsa kanya ay hinila na niya sa kamay ko na nakalagay sa brown envelope. "Okay, now I know kung kelan kita makakasabay sa daan." Nakangiting saad ni Sir Allen. Napakunot naman ang noo ko. "Ano pong ibig mong sabihin? Na palagi nyo po akong isasabay sa kotse mo?" Wika ko dahil parang hindi ako aware sa binabalak niya. "Oo, bakit ayaw mo ba?" "E sir, Huwag na po. Baka makaabala pa po ako sa inyo-" "No, Angela. Alam ko ang ginagawa ko at kahit kailan ay hinding-hindi ka magiging abala sa akin. From now on ay ihahatid at susunduin kita sa inyo." "Po?" Gilalas ko dahil sa gulat sa mga sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD