Angela's POV Pagkababa ko ng eroplano ay napapikit ako at pinuno ko ng sariwang hangin ang baga ko. Hindi maipagkakailang nasa Pilipinas na nga ako dahil sa kakaibang klima lalo na ang mainit na sikat ng araw na tumatama sa aking balat. It's been almost five years bago rin ako nakabalik dito. Wala pa sana akong balak na umuwi pero kailangan kong i-finalize ang lahat sa wedding ni Kath. I am her wedding coordinator pero assistant ko lang ang pinag-asikaso ko dito sa Pilipinas. Pagkagaling ko sa condo ay nakipagkita ako kay Kath kasama ang assistant kong si Vanessa. Isinama niya ako sa paggaganapan ng wedding and reception. Chineck ko na rin ang lahat, flowers, designs, decorations and everything at ng masatisfied ako ay saka lang ako umalis at nagpaalam na ulit kay Kath. Sinabi pa nito

