Angela's POV "Angela! Kamusta na ang itay mo? Nagkamalay na ba?" Tanong sa akin ni Miguelito. Sinalubong niya agad ako pagkalabas ko sa kotse ni Sir Allen. Hindi ko na nga hinintay si Sir Allen at sumabay na agad ako kay Miguelito dahil ayaw kong maka-agaw pansin pa kami sa iba pang estudyanteng nagpapasukan. "Hindi pa nga rin, Miguelito." Malungkot na sagot ko sagot ko sa kanya. Nais ko na ngang sabihin kay nanat ang pinoproblema ko pero wala akong lakas ng loob lalo na at nakikita kong ganun pa rin ang kalagayan ni Tatay. "Nakakalungkot naman ang nangyari kay kay Mang Pedring. Hindi ko akalain na bigla siyang magkakaganun." Malungkot na saad din ni Miguelito. Hindi na ako nagsalita pa dahil alam ko naman na ako ang dahilan kaya nagkaganun si Tatay. Habang nalalapit ang pag-alis

