Angela's POV "Ang ganda talaga dito, Sir Allen." Natutuwang sambit ko. Nakaupo kami dalawa sa mataas na lugar. Overlooking ito at kitang-kita ang mga tanim na puno, gulay at mga prutas. Makikita rin dito ang mga alaga nilang hayop. Sa ibaba ng pwesto namin ay may ilog na sobrang ganda dahil malinis at malinaw ang tubig. "Nung bata pa ako, palagi ako dito sa lugar na ito. Dito ako laging pumupwesto at minsan pa nga ay kumakain ako ng prutas. Palagi akong tumatakas sa bahay noon dahil ayaw akong payagan ni mommy na pumunta kung saan-saan na mag-isa lang. Gusto niya palagi ay may kasama kaming yaya o kaya ay driver na maaring magbantay sa amin. Pero dahil matigas ang ulo ko. Tinatakasan ko silang lahat." Mahabang kwento niya. Natawa naman ako. "Why are you laughing?" Natatawa din na ta

