Angela's POV Habang palapit ako ng palapit sa bahay namin ay lumalakas din ang kabog ng dibdib ko. Kung dati ay punong-puno ako ng excitement, ngayon ay kaba na dahil baka galit pa rin sa akin si Tatay. Nang matanaw ko na ang bahay namin ay para bang nakaramdam ako ng pagpatak ng aking luha dahil ni minsan ay hindi ko inisip na mahihiwalay agad ako kina nanay. Mabait si Sir Allen, pero hindi pa talaga ako handa sa ganung set up. Hindi pa ako handa at hindi pa rin ako handang mag-asawa sa ganitong edad ko pa lamang. Marami pa akong gustong marating sa buhay at marami pa akonng pangarap na nais kong matupad. "N-nay..." nanginig agad ang boses ko at ang luhang nagbabadya pa lang na pumatak kanina ay mabilis na umagos sa pisngi ko. "Oh, Angela? Bakit narito ka? Alam na ni Allen na nagpun

