Angela's POV Abot-abot na ang kaba ko dahil sa ginagawa sa akin ni Sir Allen, ngunit nagulat na lang kami pareho ng makarinig kami ng kumakatok sa labas ng sasakyan. "S-sir Allen, may tao!" Gilalas ko at bahagya ko siyang naitulak paalis sa ibabaw ko. Dismayado namang umupo si Sir Allen sa driver's seat. Inayos ang sarili at nag-seatbelt. Nang masigurado niyang okay na rin ako ay ibinaba na niya ang bintana ng sasakyan sa tapat niya. Napapikit ako ng aking mata ng makita kong may dumungaw na pulis. "Sir, may problema ba? Bakit nakatigil ang sasakyan nyo dito sa gilid ng highway? Tow-away zone dito, Sir." Ani ng pulis. Ang lakas na ng kabog ng dibdib ko ngunit si Sir Allen ay nananatiling kalmado pa rin. "I'm sorry, Sir. Medyo sumama kasi ang pakiramdam ko kaya pinalipas ko lang.

