"Boss, nando'n na po ang lalaki sa JR Ayaw pa rin pong umamin." ani ng isang tauhan na sumalubong kay Travis. JR o Judgment Room lugar kung saan dinadala ng matataas na tao sa HMO ang mga taong pinaparusahan ng organisasyon nila. "Isa lang ang tanong ko. Sino ang nag-utos sa 'yo na sundan ang asawa ko?" ani ni Travis na naka-de-kwatrong naupo sa harap ng lalaking nakatali. Nakita ni Travis ang lalaking nakamasid sa labas. No'ng una hindi niya ito pinapansin hanggang sa araw-araw na niya itong nakikita sa labas ng pamamahay nila. Kahapon nagpaalam si Stephany kay Travis na pupunta sa ospital para bisitahin ang kuya nito. Pagkaalis na pagkaalis ng asawa agad naman itong sinundan nong lalaki. Kinutuban si Travis kaya agad naman niyang sinundan ang asawa at tinawagan ang driver nitong si Gr

