bc

NEXT IN THE THRONE

book_age18+
2.1K
FOLLOW
17.0K
READ
love after marriage
badboy
goodgirl
brave
drama
comedy
sweet
bxg
evil
like
intro-logo
Blurb

Nang dahil hindi tinanggap ng ibang kapamilya ang trono ng susunod na leader ng Hayes-McCain Organization napilitan si Travis na akuin ang responsibilidad. Pero bago nito makuha ng tuluyan ang trono kailangan niya muna magkaroon ng asawa alinsunod sa batas ng kanilang organisasyon. Subalit ang babaeng mahal at gusto niya makasama habambuhay ay bigla na lang naglaho ng parang bula.

Then his new secretary appear in the picture. Stephany Gueverra na puno ng sense of humor at mapagmahal at nakahandang gawin ang lahat para maipagamot ang kapatid niya.

An idea crossed his mind. Aalukin niya ito ng kasal kapalit ng pampapagamot sa kapatid nito.

Tatanggapin kaya ni Stephany ang alok ng boss kahit kalayaan niya ang nakasasalay? o Tuluyan ng mawawala ang trono sa pamilya nina Travis na matagal na nitong inaalagaan?

chap-preview
Free preview
Prologue
Nang dahil sa hindi pagtanggap ng nakakatandang pinsan at ng kakambal sa trono ng susunod na mamumuno ng Hayes-McCain Organization ay napilitan si Travis McCain na akuin ang trono. Ayaw niyang may ibang taong mamumuno sa organisasyon na pinaghirapang  itinayo ng mga magulang at ng tiyuhin niya. Pero bago siya maupo sa trono kinailangan muna niyang magpakasal alinsunod sa batas ng kanilang organisasyon. Hindi naman na babahala si Travis dahil may girlfriend siya at may plano na rin siyang magpropose rito. "I'm sorry, hindi pa ako handang magpakasal." Nanlumo si Travis sa sagot ng girlfriend pero hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa sapagkat mahal na mahal niya ito. Kahit nanlulumo ay niyakap pa rin niya ito. "Handa akong maghintay babe kahit kailan gusto mo na akong pakasalan. Mahal na mahal kita." Kahit ang totoo n'yan ay gustong-gusto na niya itong itali sa kanya nang wala ng makakaagaw pa nito mula sa kanya at para rin maupo na siya sa trono. Nagdaan ang mga araw naging malamig ang pakikitungo ng girlfriend niya sa kanya at palagi na rin itong umaalis na hindi nagpapaalam. Hanggang isang araw paggising niya wala na ito sa tabi niya at wala na rin ang mga damit nito sa closet nila. Hinanap niya ito sa buong mansyon at maging ang mga tauhan nila ay tinanong niya isa-isa kung nakita ba nila ang girlfriend niya pero wala. Sinubukan niyang tawagan ito sa telepono nito pero hindi rin ito makontak. Tinawagan na rin niya ang mga kaibigan nito pero sila rin ay hindi alam kung nasa'n ang girlfriend. Nanlulumong bumalik si Travis sa kwarto nila, pasalampak siyang naupo sa kama at inihilamos ang dalawang palad sa mukha. Nahagip ng mata niya ang isang papel na nakapatong sa side table ng kama niya. Kinakabahan na kinuha niya ito at binasa ang nakasulat. Nilukot niya ang sulat at ibinato kung saan nang matapos niyang basahin. Iniwan na talaga siya ng babaeng gusto niyang pakasalan. Nang babaeng gusto niyang makasama habang-buhay. Nang babaeng gusto niyang maging ina ng magiging anak nila. Nang babaeng mahal na mahal niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

EASY MONEY

read
174.4K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
12.7K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.6K
bc

Dangerous Spy

read
298.9K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
32.0K
bc

YOU'RE MINE

read
893.9K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
196.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook