Chapter 1

1232 Words
Itinuon ni Travis ang kanyang atensyon sa trabaho para makalimutan ang girlfriend. Apat na buwan na ang nakaraan nang siya'y iwan nito. Sa nagdaang tatlong buwan umasa siyang babalik pa ito at nakahanda ng magpakasal sa kanya pero wala. Kahit ni text or tawag wala rin siyang natanggap mula rito. Kung hindi pa siya nakatikim ng isang malakas na sapak mula sa ate Suzanne niya hindi siya magigising sa kahibangan niya. Simula nang magising sa katotohanan siya na ang namamahala sa negosyo ng pamilya nila. Walang araw na hindi ito nag-oover time sa trabaho halos do'n na rin ito nakatira. Umuuwi lang ito sa mansyon para maligo at magpalit ng damit. Malaki ang pinagbago ni Travis. Kung dati masayahin at malambing ito ngayon naging masama ang ugali at malupit sa mga taong hindi nagagawa ang gusto niya. Binansagan pa nga ito ng mga empleyado niya na 'the living dragon'. "I said make it realistic and not this trash!" Binato niya ang folder na binigay ng sekretarya niya at nagkalat ang laman nito. Agad naman itong pinulot ng sekretarya at pagkatapos dali-daling lumabas ng opisina. "What kind of report is this? Bakit bumaba ng limang daang libong peso ang sales natin last month?" Nakasigaw na ani niya sa CFO ng kompanya. Sasagot na sana ang CFO nang biglang pumasok si Chris Calibre, ang matalik niyang kaibigan. "Hey! Easy lang Mr. CEO. Aaga kang tatanda n'yan." Sinenyasan ni Chris ang CFO na lumabas muna. "What are you doing here?" Masungit na ani nito kay Chris habang nakatuon ang mga mata sa papeles na nasa mesa. "Wala man lang 'Kumusta, pare?' Ang tagal na nating hindi nagkita tapos ganyan ka? Nagbago ka na talaga." Napaismid na lamang si Chris habang nakatitig kay Travis. "Can't you see, I'm busy? You may leave now." Walang emosyong ani nito na hindi pa rin pinagtuonan ng pansin si Chris. Napailing na lang si Chris. Wala naman talaga siyang balak puntahan si Travis nagkataon lang na may meeting siya sa katapat na coffee shop at nakiusap din ang butihin niyang asawa na bisitahin ang pinsan na inalipin na ng trabaho. "Pasensiya na istorbo, huh. Aalis na ako." ani ni Chris saka lumabas ng opisina. Pagkaalis ni Chris napagtanto niyang mali ang pakikitungo niya sa kaibigan. ----- "Did I tell you that make the presentation perfect?" Tumango naman ang pobreng sekretarya. Umaga pa lang galit na galit si Travis sa kanyang sekretarya nang tiningnan nito ang ginawang presentation para sa gaganaping meeting. "Then what the hell is this? Mas maayos pang gumawa ng presentation ang isang grade schooler sa 'yo. You're fired!" Binato ni Travis ang flash drive sa mukha ng sekretarya. "Sir, parang awa niyo na po. 'Wag niyo po akong tanggalin ako na lang po ang inaasahan ng pamilya namin." Nakaluhod at nagmamakaawa sa harap niya ang sekretarya. "Get out! I have no time for your drama." Luhaang lumabas ng opisina ang dating sekrtarya. Pagkalabas nito agad niyang tinawagan ang kanyang assistant. "Carl, find me another secretary as soon as possible." ----- "This is ridiculous! You're fired!" Dumadagungdong ang boses ni Travis sa apat na sulok ng opisina nito. Luhaang umiiyak na lumabas ng opisina ang pang labing dalawang sekretarya nito. "Kawawa naman si Alice wala pang isang linggo natanggal na agad siya. Ang sama talaga ng ugali ng boss natin." ani ng isang empleyado nang makitang umiiyak at naliligpit ng mga gamit ang sekretarya nito. "Sinabi mo pa. Wala na talaga makakapagbago sa ugali niya." ani ng isa pang empleyado. "Goodluck na lang sasusunod na maging sekretarya niya." "'Yan kong may mag-aaply pa." Napatawa ang dalawa. Hindi nila alam na may isang taong nakatayo sa likod nila. "Kayong dalawa, anong ginagawa niyo rito? Sa tingin ko hindi riti ang work place niyo." ani ni Trivor McCain, ang kakambal ni Travis. Nanlamig na lumingon ang dalawa. "Boss, parang awa niyo na po. 'Wag niyo po kaming tatanggalin. Hindi na po mauulit." ani ng isa na nakaluhod habang nagmamakaawa. Tumaas naman ang kilay ni Trivor sa ginawa ng babae. "Kami na lang po ang inaasahan ng aming mga pamilya. Pakiusap po 'wag niyo po kaming tanggalin." Nakaluhod at nagmamakaawa na rin ang isa. Napabuntong hininga si Trivor nang mapagtanto ang lahat. Gano'n na ba kalupit ang kapatid na kahit kaunting mali tinatanggal na niya? "Tumayo na kayong dalawa r'yan at bumalik na kayong dalawa sa station niyo bago pa makita kayo ng boss niyo." ani ni Trivor. Naguguluhang tumayo ang dalawa at napatingin sa lalaki nasa harap nila. "I'm not your boss. I'm his twin brother." Nabunutan ng tinik ang dalawa at nagpasalamat kay Trivor bago bumalik sa kanya-kanyang station. Pagkatapos umalis ng dalawa dire-diretsong pumasok si Trivor sa opisina ng kapatid. "Did I tell you that I don't want any visitor today?" ani ni Travis na hindi tinapunan ng tingin ang bagong dating. Alam naman nito ang sekretarya lang niya ang pumasok. "Baka nakakalimutan mo, you fired your secretary." Nag-angat ng tingin si Travis. "What are you doing here? Hindi naman kita pinapatawag na kailanman hindi ko gagawin." "Masama bang bisitahin ang kompanya ng magulang ko at kapatid kong sinapian ng masamang espirito?" ani ni Trivor na may nakakalokong ngiti. Napaismid naman si Travis. "I've heard naghahanap ka na naman ng bagong sekretarya. Pang ilang sekretarya mo na 'to ngayong buwan?" ani ni Trivor. "Kasalanan ko ba ang tanga nila." Napailing na lang si Trivor. ----- "O, anong masamang hangin ang nagdala sa 'yo rito?" ani ni Chris nang tumabi sa kanya si Travis sa bar counter nito. Kinuha ni Travis ang basong may lamang whiskey at ininom. "Aba! Pare, anong problema mo? Kinuha mo pa ang baso ko." Kinuha ni Chris ang baso at muling sinalinan ng whiskey. Bigla namang kinuha ito ni Travis at ininom. "Namumuro ka na, a. Matuto kang mag-self service, oy, alalahanin mo nasa pamamahay kita." Nakapamwewang na ani ni Chris. "E, kung sabihin ko kaya kay pinsan na may kasama kang chicks at nagpunta kayo ng bar kagabi. Ano kaya ang magiging reaksyon ni pinsan?" ani ni Travis habang ini-imagine ang namumula sa galit na mukha ng pinsan. "Ito pa, o. Ano pa gusto mo? Baka gusto mo ng Jhonny Walker? Tamang-tama may bagong bili ako r'yan. Teka, kukunin ko." Dire-diretsang ani ni Chris. Napatawa naman siya sa inakto ng kaibigan. Napaka-UNDERstanding naman pala nito. Sa isip niya. "Pakiusap pare 'wag mo ng sabihin sa pinsan mo. Nagpasama lang naman si Ms. Guzman do'n sa bar para puntahan ang boyfriend niya matapos ang meeting namin." Pagpaliwanag ni Chris at ininom ang whiskey niya. "Ano ba talaga ang problema mo at dito mo pa napiling mag-emot sa pamamahay ko?" ani ni Chris. Ininom muna ni Travis ang sinalin ni Chris sa baso bago sinagot ang tanong nito. "I'm tried. I'm tried facing stupid and useless people." Anya. "Grabe ka naman maka-stupid at useless people r'yan." Muling nagsalin si Chris ng alak saka ininom. "E, yan ang tingin ko sa kanila. Simpleng bagay hindi pa magawa ng maayos." Anya. "Sa mga empleyado mo ba 'yan sa kompanya o sa inutusan mong maghanap kay Claire?" Mariing ani ni Chris sa huli. Napataas naman ang kilay ni Travis sa narinig. 'Paano nito nalaman na ipinapahanap ko si Claire?' Sa isip niya. "Matagal na akong walang pakialam sa babaeng 'yon." Matigas na anya. "Sinabi mo, e."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD