Labis na nag-aalala si Stephany kay Travis. Magdadalawang buwan na siyang walang balita rito. Pati pamilya nito ay wala ring alam kung nasa'n ito. Dali-daling napatakbo si Stephany sa banyo nang maramdamang maduduwal siya. Ilang linggo na ring masama ang pakiramdam niya at nagsusuka tuwing umaga. Hindi naman siya kahapon isinilang upang hindi malaman kung ano ang nangyayari sa kanya. Posibleng buntis siya. Matapos magsuka at gawin ang morning routine niya napagpasyahan na niyang magpatingin sa doktor. Hindi muna siya nagpatingin sa doktor nang maramdaman ang mga sinyales na siya'y nagdadalang tao gusto niyang sabay nilang matuklasan ni Travis na magkakababy na sila. Pero mukhang hindi na mangyayari yun. "Hija, saan ka pupunta? Kabilin-bilinan ni Trivor na pagpahingahin ka lang dito sa

