You left

3346 Words
Kasali ako ngayon sa isang gc. Gusto kong mag-chat, pero nahihiya ako. Hindi ko alam sa pakiramdam ko ngayon. So weird. *Connor SH • active now* Lily Connor: Hey,may bago tayo! Sofia Connor: Haahhlluuuuh!! Wiiisii! Wisii? Ano naman 'yun? Kung hindi letter na consonant, word na 'di ko naman alam. Baka sa susunod Vowels na lang 'yan ah. Santana Connor: wisii? Ano ba 'yun? Sorry na, bago pa lang kasi ako. Paano ba kasi intindihin ang language ng nga roleplayer? Sofia Connor: Hndi mo alm yun? Hindi e. Sorry ah ganito lang ako. Ano ba kasi 'yun? Lily Connor: Guys, bago lang siya dito sa mundong 'to kaya hindi niya pa alam ang meaning ng wisii. Kapapanganak lang sa akin ng nanay ko kanina kaya bago lang ako sa mundong 'to. Sino kaya sila sa totoong buhay? Sofia Connor: Ahhh kaya pla Santana Connor: ano 'yung wisii? Tanong ko ulit sa kanila. Wala talaga akong alam. Sofia Connor: WC pi Oh? E ano yu'n? Santana Connor WC? Lily Connor: Opo, ganiyan namin itype ang WC. And WC means Welcome Ahhhh okay... okay, hayy nasagot din ang tanong ko. Santana Connor: Ahhh gano'n ba? salamat pala sa pag-we-welcome sa akin hehe. Lily Connor No worries. BTW, mag-attendance ka na May attendance pa pala dito? Santana Connor: attendance? Lily Connor: Oo, dito ka magattendance. Dapat yung date ngayon, 'yun ang lagyan mo ah. Santana Connor: Oh sige, wait lang May isinend din siyang link sa akin. Isa siyang post sa group page na naka-private. Sa post na ito ay may kasamang image. Ang image na naka-post ay may text na “attendance”. Nag-scroll ako sa post na iyon hanggang sa makaabot ako sa pinakababa. Ni-click ko ang pinaka bagong comment at kinilabutan ako bigla. “Jackie Nirvana Connor” “Akala ko, nakaabot si Jake dito sa group page ng Connor SH. Jackie Nirvana pala. Akala ko, Jake Navarro,” saad ko sa isipan ko. Ako'y nagbabasa-basa ng comments sa post na iyon. Ikinakunot naman ng aking noo ang comment ni Lily. “Name, Time, and Pos,” iyan ang mga salita na nakapaste as comment sa attendance post. Agad naman akong nagbalik sa group chat ng Connor SH para itanong kung ano ba ang ibig-sabihin ng mga nakasulat, lalo na ang ‘pos’. Santana Connor: Name, time and pos? Ano yu'ng pos? L ily Connor: Pos means position. 'Wag mong ilagay, "Nakaupo". Ang Ilagay mo is Member, since member ka dito. Santana Connor: Ano ba 'yung ibang position? Lily Connor: Founder or Foundress, Co-founder/dress, Head, Co-Head, Lead, co-Lead, Act Maker, punisher, member. Santana Connor: Ahhh parang officer o kaya Government? Like may President, Vice and Secretary? gano'n? Lily Connor: Ye, parang gano'n na nga. Santana Connor: ahhh salamat. Buti naman at hindi nila ako jina-judge haha. Negative kasi ako mag-isip. Malay ko bang iba ang maging pakikitungo nila, since wala pa akong masyadong alam sa mundong 'to. Lily Connor: mag-attendance ka na. Baka makalimutan mo. Haha. Santana Connor: Sige, wait lang. "Wait, anong name ilalagay ko?" Tanong ko sa sarili ko. Pero base sa mga comment nila, ang mga inilalagay nilang name ay ang kanilang pangalan na ginagamit nila sa RPW. 'Yun ata ang ilalagay ko, ano? Mukha namang 'yun ang ilalagay ko, e. "Lily - 7:14 am - Co-Foundress." "Sofia - 7:15 am - Lead na nakatayo" "Angel - 7:15 am - Mama mo na Member" "Akala ko ba 'wag lalagyan ng nakaupo? o baka siguro pwede naman yu'ng gano'n?" Napatawa na lang ako nang mahina at inisip kung anong ilalagay ko dito. Ano naman kaya? "Siguro Santana ang ilalagay ko?" "Santana - 8:18 am - Nakaupo na nakatayong Member." Okay, comment submitted. Medyo natawa ako sa ginawa ko. Mukha 'kong timang. Ano kaya itsura ng nakatayo tapos, nakaupo at the same time? "Okay na siguro 'yan? okay na 'yan." Alam kong corny, pero natatawa ako. *Connor SH • active now* Sofia Connor: hahahah Hoi Santaaaana! Nagpopped up ang message niya sa notification ko kaya binuksan ko ka agad ito. Sofia Connor: Gaaaajjii ka hahahbuang ka ba? Santana Connor: Medyo? Sofia Connor: Paano umupo nang nakatayo? paki explain nga haha Malay ko rin, e. 'Yan na kasi ang lumabas sa isip ko at ni-type bigla. Santana Connor: Natawa kayo ro'n? Bakit ako hindi" Ang corny-corny, e. BooDaga: baka manhid ka. hahaha Santana Connor: Pwede rin. Ang ganda naman ng pangalan nito — BooDaga. Since tapos naman na akong mag-attendance ay nag-log out na muna ako at inilipat ko ang aking account from roleplay to real para makanood sa sss ng kung anu-ano. Ang messenger ko lang ang hindi naka-switch. Nanatiling nasa roleplay account ko ang messenger ko. Nandito lang ako sa classroom. Walang magawa kun'di ang mahiga lang sa upuan. Pa-scroll-scroll lang sa sss tapos, medyo inaantok. Biglaan namang may nag-popped up na bubble chat sa cellphone ko. Binuksan ko ito at ... *Julia Added you to this group.* Bagong GC? Ang dami ko naman na GC dito. I mean, para saan? Tiningnan ko kung anong gc ito. Para ba akong nalula nang makita ang pangalan ng gc na kung saan idinagdag ako ni Julia. Apilyidong iniiwasan ko, Navarro. *Navarro SBH • active now* Mamamo blue: Kamusta kayong lahat! Spicy Chicken Sandwich: Jake! Jake? Jake Navarro? Legit ba 'to? What the heck?! Please, joke lang 'to, di ba? Sinubukan kong i-check ang account nitong may nickname na “Mamamo Blue”, at laking gulat ko ngang si Jake Navarro ito. Mamamo blue: Po? Spicy Chicken Sandwich: may bago tayo! Mamamo blue: Walang tayo, uy! hahah. What the heck?! Seryoso ba 'tong nakikita ko ngayon? Jake Navarro? Oh, feeling ko, hindi siya 'yan. Pero, what if siya pala 'yan? Baka mabuking ako! What if, ibang account lang 'to? Ibang account ang kumokontrol? Spicy Chicken Sandwich: Gusto mo? Kanina ko pa nakikita 'tong Spicy Chicken Sandwich na chat nang chat sa gc. Na-curious naman ako kung sino 'to. I checked the unknown's profile at si Angela Connor pala ito. Member ng Connor SH. Mamamo blue: Ayaw Spicy Chicken Sandwich: Nako naman Jake Sabayan mo ako Mamamo blue: Ayaw ko ngaaaaaa Dahil sa bored ako ngayon at gusto ko ng kausap. Napag-isipan kong mag-chat sa group chat para the more, the merrier. Mas maraming kausap, mas masaya. Santana Connor: Hi. Napanganga na lamang ako nang biglang nag-reply si mamamong blue sa message ko sa group chat ng Navarro. Mamamo blue replied to your message: Oh hello! Jake Navarro At your service, madam. Jake Navarro? Sana naman ay maraming Jake Navarro dito sa lugar na 'to. Dahil sa iniisip kong ito, naisipan kong mag-chat na related sa dati kong account tungkol kay Jake. Pero biro lang. Hindi ko i-se-send. Santana Connor: Jake Navarro? as in 'yung lalaking nagpapa-unblock? *Message sent* Wait! Hala! Unsend! Unsend! Unsend! *Message Unsent* Mamamo blue: Hala! Nakita ko, bago pa ma-unsent ay naseen niya na. What if siya nga iyon? Naku naman! Baka sabihin niya kay Quinny na nandito ako! Mamamo blue: Unsent pa! Ang bagal mo magunsent Spicy Chicken Sandwich: Anong nagpapa-unblock? Wag mo nang alamin. Hind naman siguro kailangang malaman ng iba ang tungkol doon, 'di ba? Hindi naman siya big deal. Kaso paano kapag malaman ni Quinny na may account ulit ako? What if sabihin ni Jake 'yung tungkol doon? Edi mayayari ako. Mamamo blue: Ang bagal daliri mo, Santana. Bagal mo mag-unsend Santana, PM. Dagdag niya pa at na-curious ako kung bakit gusto niya mag Private message kami. Pwede namang dito na lang sa group chat, 'di ba? Bakit hindi niya na lang sabihin dito yu'ng gusto niyang sabihin? Santana Connor: Paano kung ayaw ko? I rejected him. Ayaw ko nang may kachat. Okay lang sa akin if sa group chat 'yan, pero kung through DM? 'Wag na lang. Licio Navarro replied to your message: Ay paniiiiiis! ikaw lang ang nangreject jan Santana Saad naman ng Licio na isa sa nagmessage sa akin kung pwede ko raw bang i-unclock si Jake. Tanda ko pa mga profile pictures nila kaya naalala ko pa kung sino ang nag-send ng message sa akin sa isa kong account na deleted na ngayon. Santana Connor: ako lang? sino ba kasi 'yan para tanggapin ko? Licio Navarro: Oh!!!!!! Jake! payag ka nun? Jake Navarro: Pshh 'di mo ko kilala? Santana Connor: Bakit? mukha bang kilala kita? Licio Navarro: Oo nga naman Jake pati kami hindi namin alam kung sino ka. Lily Connor replied to Licio: Obvious naman! kasi nga RPW 'to! bawal ipagsabi kung sino!" “Bakit nandito 'yung ibang Connor? Anong meron? ** *: hahaha Si Jake, rejected ng bagong pasok sa RPW. Kawawa ka naman. Hindi ko mabasa name niya kasi iba ang character. Chinese Character kasi ang nakasulat kaya hindi ko mabasa, tapos may line na kasunod. Miss you: Sikat ka Jake tapos nirerejec ka lang ng bagong pasok kawawa ka naman Santana Connor: Sikat 'yan? Mamamo blue: Oo! Sikat ako! Santana Connor: ahh okay. salamat sa pagsagot. Lily Connor: Hahahah Founder : Julia Connor Hoi mag-attendance kayo! lalo ka na Jake! sikat nga ka pero tamad ka naman mag-attendance! Angela Connor: Ohhh tamad e tapos, magpapa-unblock ka pa? Mamamo blue: pa-Unblock na kasi… ??? Licio Navarro: Bakit hindi mo sabihin 'yan doon sa ni-reto ni Quinny? Hahaha. Hindi naman siya ung nireto ni quin ** *: Hahaha kawawa ka talaga Pre. HAHAHAHAHAHA Chase Villanueva: Tingnan mo nga naman 'tong si Jaime, tamang tawa lang. Jaime? Jaime pala name nung naka pang Chinese Character na name? Infairness ah, nabasa niya 'yun. Marunong siguro 'to mag Chinese o siguro nag-introduce yourselves sila. ** * replied to Chase: Atleast hindi seener kaagaya mo saka atleast , hindi rejected ng bago. HAHAHAHA Santana Connor: Bakit pala ako nandito sa SBH na 'to? Connor SH lang sinalihan ko ah. ** * replied to your message: Alam mo yu'ng SBH? Akala ko ba bago ka lang dto Tanong naman ng isa. Siguro inisip niya na nagkukunwari ako na bago lang ako dito. Bago lang naman talaga. Bagong account. Santana Connor: ahh introduce lang sa akin 'yung ng kaibigan ko sa isa kong account. Sinabihan niya ako na ang SBH ay Sister-Bro-Hood. Kaso dinelete ko na ang account ko na 'yun kasi marami akong kaaway. Ako na lalayo. Kunwari lang marami akong nakaaway. Mamamo blue: Kaya marami kang kaaway Ganyan ugali mo Lucio Navarro: Hahaha kawawang Jake Navarro Mamamo blue replied to your message: Ako nga meron akong isa pang SBH. Navarro ang name tapos itong SBH. Dalawa lang ang SBH ko. Loyal ako e. Santana Connor: Panget kapag Loyal. Maganda kapag faithful Ba't mo nga pala sinabi yan? Hindi ko naman tinanong. Mamamo blue replied to your message: Aba! sinali lang nila ako dito Santana Connor: Oh, kasalanan ko? *Lily Connor changed her nickname to BooDaga* *BooDaga changed the emoji to ?* BooDaga: Hhaahha Jake! hawakan mo nga sa tenga!" Co-Founder : Jacqueline Navarro: Jake! Sino 'yan? ex mo ba 'yan at bakit kayo magkaaway? *Co-Founder : Jacqueline Navarro changed the emoji to ?* Co-Founder : Jacqueline Navarro: @BooDaga, subukan mong palitan ang emoji, ipapalit kita sa gustong maging member ng Navarro. Mamamo blue: Hindi kami magkaaway Chaelie Navarro: Hi Guys Message ng isang babae. Chaelie ang nakalagay sa name niya. Inistalk ko ito saglit at napamilyaran ako sa picture niya. Feeling ko ay isa ito sa nagmessage sa akin sa deleted kong account tapos, ang sabi niya ay layuan ang Jake niyang 'yan. Chaelie Navarro: Sino si Santana at bakit nagpapa-unblock si Jake? Santana Connor: Ako po si Santana. Chaelie Navarro: Ang ibig kong sabihin ay SINO KA BA PARA I-UNBLOCK SI JAKE? Santana Connor: Si Santana po. Licio Navarro: Hahahahahha ** *: HAHAHAHAHAHA CAPS LOCK PARA DAMA! Julia Connor: OO NGA NAMAN HAHAHA SANTANA Chaelie Navarro: Ang ibig kong sabihin ay bakit ba nagpapa-unblock si Jake sa 'yo? Aba! Malay ko diyan! Ano ba siya para malaman ang dahilan kung bakit ko siya dapat i-unblock? Hindi naman siya naka-block sa account na 'to. Kagagawa ko nga lang, e. Santana Connor: Hindi po sa akin nagpapa-unblock si Mr. Jake. Bago lang po ako dito. Mamamo blue: Alam ko ang dahilan! Talaga namang alam niya ang dahilan e kasi siya si Jake! Siya ang nagpapa-unblock. Pagsabihan mo nga 'yang jowa mo. Tsk. Mamamo blue: Add ko si Quinny dito ah Santana Connor: Quinny? Mamamo blue: Oo! *You left the group* Nagdesisyon akong magleave lalo na't baka sabihin ni Jake na nandirito ako. Ayokong malaman ni quinny na nandirito ako. Baka isipin niya pa na naghahanap ako ng jowa. Iiwww *Julia Added you to the group* *You left the group* *Julia Added you to the group* *You left the group* *Julia Added you to the group* Ay po- Julia Connor: Wag ka na magleave! Part ka ng SH ng Navarro! Sinadya talaga ng Navarro na magkaroon ng SH pero iba ang name Santana Connor: E ano yu'ng BH? Chase Villanueva: Villanueva Santana Connor: Villanueva? Chaelie Navarro: Nabasa mo naman 'di ba? Bawal bang manigurado? Santana Connor: Oo, naninigurado lang. Chaelie Navarro: 'yu'n naman pala e Santana Connor: Good Last message ko sa GC at nagdesisyon ulit akong magleave. Sana naman ay hindi na ako I add ng Julia na iyon, ano? *You left the group* *Julia Added you to the group* Aiisshh Bakit baaaaaaa. *You left the group* *Julia Added you to the group* "Ay ang kulit naman," saad ko sa sarili ko. Maglileave ako, basta hindi lang malaman ni Quinny kung nasaan ako. Santana Connor: Wag niyong i add si Quinny. Julia Connor: Kilala mo si Quinny? Santana Connor: Ah... Sinong Quinny pala? May friend kasi akong Quinny ang name, baka magkita kami rito. Julia Connor: Hindi naman kayo magkikita rito, e lalo na't nakatago ang identity niyo. Mamamo blue: Tama! Julia Connor: Jake, manahimik ka n Mamamo blue: Sorna po, Babe. So, siya pala ang Jowa? Ohhh. Chaelie Navarro: Jake?! Mamamo blue: Bakit? Zishio Navarro: Hi guys. May nagmessage naman na isang lalaki sa group chat. Familiar ang profile pic at name niya. Inistalk ko rin saglit at nakita ang apilyidong Navarro then , may nakalagay na "Founder" sa bio niya at marami siyang followers. Wow, sana ol. Julia Connor: Hi Founder. Santana Connor: Ano yu'ng Founder? Chaelie Navarro: Hindi mo alam 'yun? b/obo mo naman. Ano bang problema nito? Wala naman akong ginawang masama ah, bakit siya ganiyan? Problema nito sa akin? Malay ko bang meaning ng founder ay may nahanap na nahanap na. Santana Connor: B/bo na ba agad kapag nagtanong? Chaelie Navarro: Oo! Santana Connor: Then, huwag mo akong tanungin kung sino ako at kung bakit nag-papa-unblock 'yang Jake na 'yan sa akin kahit hindi ko naman alam kung paano ko ia-unblock 'yan, since hindi naman kami nagkakausap through DM, arasso? Zishio Navarro: Stop. Santana Connor: Wag ka nang magtatanong kahit kanino, baka masabihan lang din kita ng bobita. Late ko nang nakita ang message ng founder ng Navarro SBH. Balak ko sanang i-unsent kaso hindi ko na ma-a-unsent, since ang daming member ng Navarro ang nakakita na. Ang daming nag-react sa last message ko. May tumawa at may na-shookt. Chelsea Connor: Oh. palaban. Zishio Navarro: I said STOP. Nang makita ko na ulit ang message ng founder. Agad ko namang ni-off ang messenger ko at pinower off ang cellphone ko. Nag-vibrate na lang bigla ang cellphone ko nang tuloy-tuloy. Walang tigil sa pag-vibrate. Pagbukas ko ng cellphone ko ay sunud-sunod ang messages ang natanggap ko. Wala akong na-receive sa private message, sa group chat, marami. Ayoko sanang buksan ang cellphone ko. Ang kaso lang ay ayaw tumigil sa pag-vibrate at pag-send nila ng messages. Binuksan ko naman na ito at binasa ang lahat ng messages na na-receive ko. Chaelie Navarro: You call me stupid without actually knowing that i am the famous here? Oh? Where's my pake? Punta ka muna sa Bermuda triangle para mahanap mo ang paki ko. Porque famous bawal na siyang tawaging bo/o? Oh talaga ba Chaelie? Zishio Navarro: CHAELIE! Licio Navarro: Waiting sa reply @Santana Mamamo blue: Nasaan na ang pambato ko? Julia Connor: Offline siya, guys. 3 minutes ago. Chaelie Navarro: Ang tawag diyan, hindi niya kaya ang energy ko. Dzuh Kapag malaman ng followers ko na may nangaaway sakin sure ako na masusunog acct niya Zishio Navarro: @Chaelie, hindi ka ba titigil? Chaelie Navarro: No. Not yet. Santana Connor replied to Chaelie: Being FAMOUS doesn't mean na matalino ka. Utak ang gamitin mo hindi ang pagiging sikat mo. Bakit? utak rin ba ang ginamit mo to be FAMOUS? or for being a SUPERABUNDANT DELULU or sa pagiging maldita mo? I replied back na siguradong mas ikinagalit ng Founder. 'Wag mo akong kinakalaban. Sa chat lang ako matapang kaya wag mo akong kalabanin haha. ** * replied to you: Pambato ko to!!!! Mamamo blue replied to you: Sheeesshhh Licio Navarro to you: Naknam Julia Connor: Please, last na yan ah @Chaelie, huwag ka na rumebat Zishio Navarro: I SAID STOP! Naka caps lock talaga ang pagkaka-type niya sa mensaheng iyon. Medyo natakot na ako kasi kapag capslock daw ang message ay galit iyon. Base sa napag-aralan namin sa TLE iyon. Zishio Navarro: Chaelie! ano bang problema mo?! Chaelie Navarro: Nothing! Zishio Navarro: Nothing? kung wala e di sana hindi mo na inumpisahan. And you Ms. Santana! kabago-bago mo pa lang is ganiyan ka na? Dapat hindi mo na pinatulan! Aba! Ayokong manahimik na lang forever! Palagi na lang ako ang nagiging kawawa kaya papatulan ko na! Once in a lifetime 'to. Pwede naman akong umalis. FOA, Connor ang sinalihan ko, ba't kasi may Navarro. May kumulo tuloy ang dugo. Santana Connor: My parents didn't gave birth to me just to be quiet and be a loser, i was born to Fight and have a rights to talk and that's how life works. Chaelie Navarro: Hindi ka ba titigil? Aba'y! Santana Connor: Titigil lang ako kapag tinigilan mo ko, Charlie and the chocolate factory. Chaelie: It's Chaelie, only. And also the spelling of my name Santana Connor: Mukha ba akong may pake sa spelling ng pangalan mo? Julia Connor: Tama na guys. BooDaga: Kalma ka na Santana. Zishio Navarro: Jake, patahimikin mo nga 'yang bestfriend mo. Tamo, bestfriend lang pero kung makapag capslock kanina akala mo naman kung sinong girlfriend. Tuktukan kita diyan, e. Kaso hindi kita matutuktukan lalo na't magkalayo tayo. Kagigil. Mamamo blue: Wait, kausapin ko lang. Siya ang huling nagsend ng message. At mga ilang minuto ang nakalipas ay nagsend siya ulit ng message at... Mamamo blue: Magsosorry na raw siya. Santana Connor: Hindi naman ako tumatanggap ng pasensya. Palagi na lang akong tumatanggap ng apology. Matututo na ako. Gagawin kong bato ang puso ko ngayon. Syempre, maliban sa family. Lab lab ko 'yun e. Chaelie Navarro: WHAT?! Santana Connor: Nabasa mo naman 'di ba? Chaelie Navarro: Oo. E anong gagawin ko? Santana Connor: Manahimik ka lang at 'wag akong guluhin. Masaya na ako. Chaelie Navarro: Okay, fine. ? ** *: Good. 'Yun naman pala e. Nagbabati rin kayo. Santana Connor: We're not. I did not accept her apology. Hindi rin kami okay. Chaelie Navarro: It's fine. If she's not good with me , okay. I'll understand. Tsk plastik. *You left the group* Nagleave muna ako dahil trip ko. Charot. Nagleave muna ako lalo na't baka isali nila si Quinny. Ayokong malaman niya na nandito ako. *Julia Added you to the group* *You left the group* *Julia Added you to the group* *You leftt the group* *Julia Added you to the group* *You left the group* *Julia Added you to the group* Julia Connor: Ang kulit mo naman. 'Wag ka na nagleave Santana Connor: Bakit mo ba ako inaadd? 'Di ba , doon lang ako sa SH nag Fill ng form? Julia Connor: Oo, pero part ka na nito. Hayst. Marami na namang messages ang mag nonotif sa cellphone ko. Ayoko na. Dapat pala hindi na ako sumali. Hmp! Santana Connor: Okay. Iyan na lamang ang nasabi ko at pinatay ang cellphone ko. Pero bago ko patayin ang cellphone ko… *You left the group*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD