Unang Kabanata : Ang pagpapakilala
MALAMIG ang umaga pero mainit ang tubig - how? Syempre! Nagpainit ako ng tubig. Haha! May pasok pa kasi, eh, kaya need kong maligo. Monday na monday tapos, hindi ako maliligo? I mean, pwede rin naman. Kaso, iw! Huwag tayong gano'n. May subject pa naman na katabi ko crush ko seating arrangement, baka maamoy niya ang baho kong taglay.
Kumakanta ako sa loob ng banyo. Maliban sa maligo, wala naman akong magawa sa loob, kaya nag-concert na lang ako. Wala rin naman akong ibang maisip na kanta at wala talaga akong maiparinig na kanta sa mga sachet ng shampoo at conditioner dito sa loob kun'di ito lang na kanta.
"I was a girl in the village doin' alright and I became a pr–"
"Satana!" Nagulat ako sa sigaw ni mama mula sa labas. Hindi ko maidilat ang mga mata ko, Dios mio! May bula ng shampoo sa mata ko. "Po?!" Sigaw ko mula sa banyo nang may natikman akong hindi kaaya-aya sa panlada ko. Ano ba 'yan?! Pwe! Pwe! Sa lahat ng pwedeng i-almusal, bula pa! Hindi na nga ako makadilat, natikman pa kita.
"Kain ka na't baka ma-late ka pa." Sigaw ni mama sa labas. Wait lang po. Hindi pa nga ako tapos maligo.
Nagbuhos ako nang ilang tabo ng tubig para matanggal ang mga bula sa ulo ko at nag-reply naman ako sa pahayag ni mama kanina sa akin.
Wait, mag-aalmusal pa ba ako? Nakakain na ako ng bula, eh. Nakabubusog, sobra!
"Opo , mama."
Hi , my name is Satana Jones Reyes Ocampo. I'm 17 years old and nanonood pa rin ng Sofia the First sa madaling araw. Ang ganda naman kasi. Saka wala naman akong ibang mapapanood sa T.V. kun'di Sofia the first, Mickey mouse clubhouse saka Jake and the Neverland Pirates lang.
Jake and the Neverland Pirates, and me!
Nakatira ako sa bahay at may alaga akong pet. Nakikinig din ako ng mga music sa cellphone at kumakain ako ng pagkain. Pumapasok sa pintuan ng bahay at lumalabas galing sa loob. Naglalakad gamit ang paa at nandurukot ng mata - ayan ako.
Kilala ko ang sarili ko bilang isang tahimik pero masayahing tao at boyish. My favorite color is black. Kapag binigyan niyo ko ng matingkad na kulay, huwag na kayong nagbalak at magkamatayan muna tayo saka ko 'yan tatanggapin but, na-appreciate ko naman. Sadyang parang cellphone lang ng nanay ko ang brightness kapag nakakakita ako ng matitingkad. 'Yung tipong gusto mong babaan ang brightness, ang sakit sa mata.
Ito lang ang masasabi ko dahil wala na akong masabi.
...
TAPOS na akong kumain at pinalayas na ako sa bahay para pumunta sa school. Binigyan ako ng pipti pesos pero hindi ko 'yun gagastusin. Iipunin ko na lang 'yun. Nakakain naman na ako sa bahay kaya hindi na kailangan gumastos pa ng pagkain sa school.
Pagkalabas ko pa lang ng bahay ay sumalubong ang isang tricycle na may sakay na tatlong estudyante. Same lang kami ng unipormeng suot - ang suot ko pa lang ngayon ay hindi kasusyalan. Sa public ako nag-aaral kaya for sure, alam niyo na kung anong uniporme ang suot ko. No need to describe. Search niyo na lang sa Google kung ano ang uniporme ng mga taga-Public School students. Junior high school students para sure. Kasi iba-iba na ang uniform kapag nag-Senior ka na, eh.
"Iha , highschool?" Tanong sa akin ng tricycle driver na may sakay na mga highschool students. Isa na lang ang hinihintay at ako na 'to. "Opo , kuya." Sagot ko naman at sumakay na ako. Backride ako at nanggigigil ako kasi lumilipad 'yung palda ko. Thank you ba lang kay kuya na katabi ko kasi ginamitan niya ng binti 'yung palda ko as pampabigat at hindi lumipad. Ariga-Thanks!
Ang tahimik ng byahe namin. Hindi ko naman kasi kilala 'yung kasama ko sa labas ng traysikel at hindi ako friendly. Sapat na ang mga tropa kong bonak.
By the way, hindi first day ngayon. 2nd quarter na at sasabihin ko na lang din ang uniporme ko. Wala naman na kasi akong makwento, nakaka-bored. Under the knees 'yung palda na black ko at naka tuck-in naman 'yung blouse ko na may ribbon, at may logo ng school na nakatahi sa kwelyo ng blouse ko. Naka medyas din ako na mahaba pero hanggang gitna lang ng binti ko at black shoes na madumi dahil nga sa dugyot ako't tamad akong maglinis ng sapatos.Pero charot lang naman. Malinis ang sapatos ko pero dugyot ako - 50/50 , gano'n.
Mga ilang minuto ang nakalipas, nakarating na ako sa paroroonan ko. "Kuya, magkano po?" Tanong ko kay kuya na hindi ko naman ka-anu-ano at kadugo. "Dose lang , ija." Pagkabanggit niya ng presyo ay iniabot ko na ang singkwenta pesos na papel. Wala akong barya e. Pasensya na. Barya lang daw sa umaga, pero sensya na. Buo ang binigay sa akin ni mama, eh. Pero huwag niyong sisihin si mama.
"Thank you po." Pagpapasalamat ko sa kaniya bago ako umalis.
Bago ako makapasok ng paaralan ay nakita ko ang mga damuho kong mga kaibigan - lalo na 'yung lalakeng sinusuntok ako sa braso palagi which is 'yung boy bestfriend ko. Nakakainis nga, eh, kasi wala naman akong ginagawa sa kaniyang masama, pero sinusuntok niya ako. Anong trip nito?!
"Hoy , bonak!" Tawag sa akin ni Harry. Harry ang pangalan ng bestfriend ko. Napalingon naman ako sa kaniya pero biglang naagaw ng iba ang pansin ko. Si Brent, na kasama niya. Nandito si Brent Lythicos Vaderio, na pinsan ni Harry Vaderio at crush ko naman.
Awiieee ang liit niya haha
Mas matangkad ako ng mga 2 inches kay Brent. 5'7 ang height ko at 5'5 naman siya. Si Harry naman is ... ewan ko. Ano bang pake ko sa kaniya?
"Aray! Ba't mo ko sinuntok?!“ sigaw ko kay Harry na bigla akong sinuntok sa kanang braso ko. Iba talaga trip nitong lalakeng 'to, eh, 'no? "Kasi trip kita haha!" Kainis!
Bigla siyang tumakbo papasok sa may gate ng school at lumayo. Hinabol ko naman siya para bumawi. Ang sakit no'n!
"Bumalik ka dito!" Sigaw ko habang tumatakbo't bigat na bigat sa bag na nasa likod ko.
By the way, let me introduce Harry to all of you. His name is Harry Vaderio, 18 years old, at palagi siyang may topak. He always think that "he's the hottest amongst the hottest" like, iw, pare. Masyado kang assuming. He confessed his crush on me before and I confessed pero, ibang confession ang inamin ko sa kaniya. May gusto ako sa pinsan niya at alam kong nasaktan ko siya sa part na 'yun. Tanggap niya naman daw basta friends pa rin kami then, ayun, friends pa rin talaga. Hahaha.
Marami na rin ang nagtangkang msg-confess at manligaw pero tinawanan ko lang, why? Hahaha naka-droga ba sila? First of all, dugyot ako, second, may iba akong gusto, and third, ayoko pa sa jowa-jowa na 'yan. 'Di pa ako ready.
...
Harry's P.O.V.
KANINA pa ako takbo nang takbo hanggang sa makarating ako sa classroom namin. Room 308 , third floor, Junior High School building. Malayo sa may gate pero katabi lang ng Garden.
"Nakakapagod." Bulong ko sa sarili't hingal na hingal na umupo sa may Row 4 over 6 , Column 1 over 2, seat 3 over 5. Kayo na bahala mag-isip kung saan ba 'yang Row 4 , Column 1, seat 3 over 5.
Napasandal ako sa may sandalan ng wooden arm chair at tumingala. Napapikit ako at huminga ng malalim dahil sa pagod. Grabe, ang pangit niya. Napangiti at napatawa naman ako nang nakaloloko dahil sa kalokohan ko kanina. Paraan ko lang 'yun para mapansin ni bonak-su Satana.
"Hay0p ka." Napadilat ako bigla saka ko nakita si Satana na nakayuko, diretso ang tingin sa mukha ko at nasa likod ko at bigla niya akong sinabunutan. Aray ko!
"Pinagod mo pa ako! Ang sakit ng pagkakasuntok mo sa akin!" Patuloy niya lang akong sinasabunutan.
Ang sakit!
"Tama na! Aray ko!" Binitawan niya ako pero may pahabol pa siya. Binatukan pa nga ako.
Pasalamat ka , mahal kita. Psshh.
Umalis na nga siya nang tuluyan at umupo na sa upuan niya sa Junior High school building , Third floor , Room 308 , Row 3 over 6 , Column 2 over 2, Seat 1 over 5 - that means , nasa gitna siya. Magkaklase kami pati ng pinsan ko na nasa harap ni Satana.
Kainis kayo.
"Ayon nga't magandang umaga, mga mag-aaral." Nagsitayo naman kaming lahat at bumati. "Magandang umaga rin, Ginang Eliza."
"Salamat sa pagbati. Magsiupo na kayo." At nagsiupo na ang lahat.
"Maganda umaga ulit. Bago ako - natin umpisahan ang ating aralin, may tanong muna ako." Ito ang kinatatakutan namin, eh, review, tapos 'yung sagot sa tanong pang last-last year pa. Limot na namin 'yun - lalo na si Satana, mahina memorya. "Sa iyong sariling depinisyon, ano ang tula?" Basic lang pala 'yung tanong.
"Harry?" What the fudge? Bakit ako?
H-huh? M-ma-ma'am?
"Y-yes po?" Tanong ko. " Sa iyong sariling depinisyon , ano ang tula?" Ahmm... Shocks , biglaan.
"Ito'y ... Ito'y matalinhagang pagpapahayag ng isipan at damdamin?"
"Harry , bakit patanong ang sagot mo?" Tanong ng aking utak sa aking sarili. "Siguro , dahil sa kinakabahan ako kaya nagmukha akong hindi sigurado." Sagot ko naman dito. Mukha akong timang , nagtatanong at sinasagot ko ang sarili ko.
"Bakit parang hindi ka sigurado , iho?" Naagaw ng aming guro ang aking atensyon at nabalik sa reyalidad ang utak ko na kinakausap ang sarili...
"Ahm... Ma'am?" ...sariling kinakabahan dahil sa biglaang tawag para sa recitation.
"Ano iyon , Ginoong Vaderio?" Tanong ni ma'am sa akin.
"Pwede ko po bang dagdagan 'yong depinisyon ko sa 'tula'?" Dagdagan natin. Pakitaan natin ng talino si Satana. Pakitaan natin na mas better tayo kay Brent.
"Sige lang , iho."
"I-i-ito'y matalinhagang pagpapahayag ng isipan at damdamin. Ito'y ginagamitan ng mga salitang may sukat, tugma at matatalinhaga." Psshh.
"Konti lang dinagdag. Pakitaan , psshh." Pangingialam ng utak ko sa sinabi ko. Ano ba't napakapakielamero nitong utak kong 'to? "Huwag mo kong ginaganyan-ganyan , baka tanggalin kita sa ulo ko." Sagot ko naman sa utak kong pakelamero sa sagot ko. "E 'di hindi mo na mapapakitaan ng galing 'yang crush mo."
Psshh , bahala ka diyan. Gagamitin na lang kita kapag Math time na.
"Sigurado ka na ba diyan?" Tanong sa akin ni ma'am. "O-opo." Sagot ko naman na may halong kaba.
"Akala ko hindi pa , e. Kasi kanina , patanong ang sagot mo."
"Salamat , Harry. Maaari ka ng umupo."
Good. Sa wakas at makakahinga na ako nang maluwag.
...
TAPOS na ang tatlong subject ,Filipino, Science at English. Lunch time na rin namin at tatanungin ko sana si Satana kung may kasabay ba siyang kumain para magsuntukan kami kaso kasama na niya 'yung mga babae niyang kaibigan.
Naglalakad kami sa hallway papuntang Cafeteria. Kasama ko si Brent, Jazmine na muse namin, at iba pa. Marami kami e. Siguro, nasa kinse kaming magkakasama.
Tahimik kaming naglalakad - I mean, ako lang pala. Kung anu-ano kasi ang pinag-uusapan nila. Kesyo, paano raw ang treat sa kanila ng mga jowawers nila; kesyo, give them an advice kasi nag-away sila. Pssh, sarap talagang maging single.
Tahimik lang akong naglalakad at iniisip kung ano ang ulam ko ngayong umaga 8:20 a.m. nang kausapin ako ni Jazmine. "Ang pangit ng sagot mo kanina.", Eh?
"Anong pangit?" Tanong ko sa sinabi ni Jazmine. Maikli lang 'yun pero hindi pangit. Kung pangit 'yun, eh 'di sana, hindi ngumiti at tumango si Satana. "Ikaw." Sagot ni Jazmine sa tanong ko. Mga babae talaga , ano? Ang pangit kausap. "'Wag kang mag-alala dahil mas pangit ka."
"Hoi! Ang ganda-ganda ko tapos sinasabihan mo lang akong pangit? Muse nga ako e!" Pake ko kung muse ka? Pangit ka pa rin naman. Maganda ka nga physically, pangit naman ng ugali mo. "Mas maganda pa ako sa 'yo , tsk." sabay flip hair kahit hindi naman long hair ang buhok ko. Tatarayan ko lang siya, tsk.
"Ay? Haha buang. Pero dapat iniklian mo lang sagot mo kanina." Saad ni Jazmine. Bakit ko pa iiklian, e , ang iksi na no'n? "H-huh?" Iyan na lamang ang naisagot ko sa sinabi niyang iyon. Binilang niya ba 'yung mga salitang ginamit ko para sabihing 'dapat iklian ko'?
"Dapat ang sinabi mo na lang , 'poem po , ma'am '. Oh , 'di ba , tatlong words lang." Sagot niya sa akin. Binilang nga.
...
"Quinny." Tawag ko sa kaibigan ni Satana - na kaibigan ko rin - sa loob ng cafeteria kahit canteen lang para sa kanila 'to, pero canteen naman talaga 'to, eh. Cafeteria na lang para sosyal. Sounds like, nasa private tayo. Haha!
Lumapit ako sa kanila Quinny at iniwan ang mga tropa ko. Pasensya na, mga p're. Makikita ko kasi si Satana sa kanina. Hindi ko lang makita ngayon sa table nila, kaya 'bye' muna sa inyo. "Bakit 'tay?" Salubong sa akin ni Quinny na nakaupo sa upuan na tabi ni Satana. Tatay ang tawag niya sa akin tapos tatay din ang tawag niya kay Satana, 'the tomboy'.
"Sino ba talaga tunay mong ama sa amin ni Satana?" Tumawa lang siya sa tanong ko. Bakit kasi dala-dalawa? Dalawa ama mo tapos wala kang nanay? So , paano? Sino ba'ng nanay nito? Ayokong iba, ah. Si Satana lang dapat. Hmp!
"Ewan ko sa inyo. Bahala kayo kung sino ba ang tunay sa inyo." Ako na lang. Ba't ba kasi tatay ang tawag mo sa kaniya?! Nanay na lang!
"Bakit hindi niyo pala kasama si Satana?" Silang tatlo lang nila Jade saka Attia ang magkasama ngayon. Hindi nila kasama si Satana. Pero kanina, kasama nila si Satana. Ano 'yun? Bumalik?
"Hindi raw siya kakain. Hindi niya raw gagastusin pera niya pero pinanggastos niya na raw pamasahe kanina, pfft." Ahhhh okay , okay. So, aanhin niya ang pera niya?
Ahh! Alam ko na kung saan niya igagasta 'yan! May idea na ako!
"Tara , pila na tayo." Pang-aaya ni Brent sa akin. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala siya. Hays, para kang kabute - kung saan-saan na lang sumusulpot. "Kayo na lang pumila diyan. Sa student lounge ako."
Cafeteria and student lounge are both tambayan ng mga estudyante rito sa school na 'to. Ang cafeteria namin ay tindahan kung saan healthy foods ang mabibili mo, included na ang mga lutong bahay - like, isda, menudo, caldereta, shanghai, sarciado, kare-kare, and many more. Makabibili ka rin pala dito ng mga street foods, kagaya ng kwek-kwek, siomai, palamig, fries, and others. More on, niluluto talaga ang mga pagkain dito. On the other hand, student lounge is tambayan talaga ng mga students. Mostly students dito ay pumupunta dito not because of mag-iingay lang, it is because of gagawa sila ng assignments nila. May tindahan din dito, at ang mga tinitinda nila ay mostly junk foods at mga tinapay kagaya ng fudgee bar o kaya ng ham and cheese sandwich. May burger din dito na palaging binibili ni Satana - I mean, minsan lang pala siya bumili ng pagkain. Kapag na-tripan ni Satana na kumain, burger ang palagi niyang binibili. Dito mo rin mabibili ang tubig na hindi mo maiinom kasi grabe kung magyelo, 'yung tipong ilang minuto pa ang kailangan bago mo mainom. Hay nako.
Napagdesisyunan kong pumunta sa student lounge para doon bumili ng pagkain. As what i've said, dito kasi sa canteen- I mean, cafeteria is mga kanin at ulam ang tinitinda. 30 to 45 pesos per serving. Busog to the max ka. Ebarg sila kung maglagay ng gravy sa kanin mo, ang dami. Mapapa-"extra rice" ka na lang talaga.
Burger lang ang bibilhin ko. Hindi naman kumakain ng kanin si Satana every break time. Sayang naman kung kanin ang ibibigay ko sa kaniya.
"Pre , balik ka ah." Saad ni Brent sa akin.
"Balik pa ba ako sa canteen after kong magbigay ng pagkain kay Satana or 'wag na?"
"'Wag na. Nakatatamad bumalik ulit. Masakit sa tuhod at paa."
...
NAGLALAKAD ako sa hallway nang maisip ko na 'wag na ako bumalik sa cafeteria at dumeretso na nang tuluyan sa classroom.
Pupunta talaga ako ng student lounge para bumili ng pagkain para sa akin at para na rin kay Satana. Kawawa rin naman e. Paano ba naman, eh, nag-iipon para bumili ng balisong? Pang self-defense raw. 'Yun ang hula ko, ah. 'Yun 'yung idea na pumasok sa isipan ko. Si Satana ba naman, eh, ang hilig sa mga armas. Ni, ginagalaw niya nga 'yung baril ng tatay niya, eh. Kinakasa tapos, pinapuputok. Buti na lang talaga at walang bala 'yun. Yari tayo kung meron- I mean, siya lang pala.
Nakapila na ako at mga ilang tao pa ang kailangang bumili para makabili ako. Kwentuhan ko muna kayo kung paano ako nagkagusto kay Satana. Una, hindi ko alam. Hindi ko talaga alam kung paano ako nagkagusto sa kaniya, pero may feeling ako na dahil sa ngiti, talino , bait at tapang niya. Malalim ang boses niya at maganda ang boses kapag kumakanta. Tapos mahilig makipag–
"Next!" Sigaw ng tindero sa may tindahan sa student lounge. Ang sakit sa tenga ng sigaw, ah. "May burger pa po?" Sana meron pa. Mabilis kasing ma-sold out ang burger dito. Kaya sana, meron pa.
"Wala na." Ay… "Joke lang , meron pa. Haha" Okay. Nice joke. Bibigyan kita ng 10 points for making me pissed.
"Iba talaga trip mo, kuya Lance?" Si kuya Lance ay aming Senior. Grade 12 na siya at malapit na ring mawala. Mabait na nilalang, sana kunin ka na ni Rold. "Dalawang burger tapos dalawang malamig na tubig , kuya Lance."
"Ayoko nga." Tang— kuya Lance naman, oh! Hayst. Baka gusto na 'yun doon. Kuya Lance naman, pagbilhan mo na ako. "Luh. Parang timang 'to oh. Dali na, kuya Lance. Kiss kita riyan kapag ayaw mo akong pagbilhan."
"Kiss muna." Sabay pout niya. 'Yung parang nanghihingi talaga ng kiss.
Wtf? Joke lang, eh!
"Kadiri ka naman. Ang baho-baho mo , e." Tawanan naman ang ibang tao sa narinig nila sa akin lalo na si ate na kasama niya sa pagtitinda. Napalakas yata ang pagkakabigkas ko sa linyang 'yon.
"Ay, wow, hiyang-hiya naman ako sa 'yo." Saad niya pabalik. Aish! Ang bagal! May tao pa sa likod ko na bibili, oh! Nagugutom na rin ako. "Dali na , kuya." Pagmamadali ko sa kaniya na ikinataray niya naman. 'tude 'yarn?
"54 pesos lahat." Wala akong quatro pero meron akong limang piso. May panukli naman sila sa fifty-five pesos , 'no? "54?"
"Kinse ang burger, dose ang tubig - multy by two. Open parenthesis fifteen add to twelve close parenthesis then, add to two. Okay ka na?"
"Nabobo ako lalo sa 'yo." Iba talaga kapag S.T.E.M. student, bigla-bigla na lang naglalabas ng sama ng loob.
"Dali na, 54." Inabot ko na sa kaniya ang pera ko't kinuha lahat ng pinamili ko.
"Oh. Piso ko." Ayaw niya kasing ibigay 'yung piso ko. Piso na nga lang, ayaw pa ibigay. "Oh. Layas! Next!"
Layas amp.
...
BUMALIK na ako sa classroom at nakita ko si Satana na nakayuko lang. Kawawa naman 'to batang 'to. May pera pambili ng balisong, pero pera pambili ng pagkain, wala.
Balisong > Pagkain
Mas importante pa ang balisong niya. Juskolor.
"Satana." Tumingala naman siya't tiningnan muna ako saka siya umupo ng maayos. "Hmm?" Kita ko sa mga mata niya na kagigising niya lang. May muta e.
"Oh , kain na." Napangiti naman siya sa ginawa ko pero tubig lang ang kinuha niya sa akin. "Ito , burger." Pag-aabot ko sa kaniya ng pagkain. Sarap ng burger, may halong repolyo.
"Ayoko. Tubig lang ang akin." Napakunot naman ako ng noo dahil sa sinabi niya. Wala ba talaga 'ting balak kumain? Dios mio!
Ano? Por que sinabi mong hindi ka gagastos para sa pagkain dahil para sa balisong ang pera' , hindi ka na kakain? Pshh. Kumain ka! Ikaw na nga binibigyan, eh. Tapos, kapag wala na 'yung pagkain, saka manghihingi? Para kang timang!
Ang hirap sabihin sa kaniya ng mga ito. Parang gusto ko na lang lamunin ng lupa.
"Dali na , kain na." Pagpipilit ko sa kaniya na kunin ang pagkain."Hindi na. Busog ako." Busog? Paano ka naman nabusog? Kumain ka ng hangin tapos, busog ka na? Tubig lang naman ang ni-take niya, 'di ba? "Paano ka naman nabusog?"
'Kumain ng hangin' sabi ng utak ko sa sarili ko.
Agad namang may kinuha si Satana sa loob ng bag niya na tupperware na basa ang loob at kulay itim ang tubig. Adobo?
"Nagbaon ako ng kanin. Adobo ang ulam ko. 'Yung adobo ay ulam namin kagabi tapos pinainit na lang kanina , okay?" Ahhh pero sayang naman 'tong burger na binili ko. Ako na lang ang kakain kung ayaw mo ng burger. Hmp! "Pero... pwedeng akin na lang 'yan?" Tatalikod na sana ako pero biglang nagsalita si Satana. Napatingin ulit ako sa kaniya dahil sa sinabi niya sa akin. Ano raw?
"Huh? Akala ko ba , ayaw mo?" Tanong ko sa kaniya pabalik. "Nagutom ako bigla e. Burger 'yan e."
Pagkain nga naman.
"Ow. Oh , ubusin mo 'yan. Sa 'yo na lang din 'yang tubig."
"Thank you , 'tol." Tol? Hindi ba pwedeng 'Love' na lang. Joke. Next time na lang siguro ang 'Love', 'no?
...
Brent's P.O.V.
So , Hi?
Nandito ako ngayon sa classroom. Uwian na rin at nainis ako sa pinsan ko kanina. Sabi ko kanina sa kaniya , "balik siya sa cafeteria" , pero hindi naman siya bumalik then, nang bumalik kami sa may classroom, nakita na namin siya na masaya sa iba - I mean , nakita namin siya na nakikipagtawanan kay Satana.
Akala ko ba , Satana , may gusto ka sa akin pero bakit parang kay Harry? Tsk.
Monday ngayon , so grupo ko ang maglilinis ng classroom. Ang daming tumakas at nagalit si Jazmine. Babatukan niya raw sila isa-isa bukas. Si Harry at ang iba pa naming tropa ay hinihintay kami since lahat nasa iisang subdivision naman nakatira , naghihintayan na lang kami.
"Pre, bilisan niyo na riyan. Natatae na ako." Napahinto naman kami nang biglang tumawa nang malakas si Jazmine.
Ang lakas. Ang sakit sa tenga.
"Dali na! Ang sakit na ng tyan ko. Tapos may mga grade 9 na naghihintay na umalis kayo!" Dagdag pa niya.
May cr naman sa school , bakit hindi muna siya doon maglabas ng umire? May cr naman sa school , bakit hindi muna siya doon maglabas ng sama ng loob tapos hintayin na lang namin siya?
"Bakit hindi ka pa umuwi kung natatae ka na pala? Buang." Sagot naman ni Jazmine na may tama naman. I mean, punto.
Kanina pa ako Jazmine nang Jazmine, let me introduce her. She's Jazmine, my classmate and neighbor. She's our class' muse, she's one of the honors and malakas tumawa. Para siyang mangkukulam kung tumawa o kaya tawa na parang walang bukas. She's also palaaway, same as Satana. But the difference between them is Jazmine is fighting using words and eye movements, Satana on the other hand is fighting using actions.
"Oo nga." Pagsasang-ayon namin sa kaniya. "Dalian niyo na kasi , please."
"Umuwi ka na!" Natawa naman ang lahat pati ang ibang grade 9. "Oh! Tapos na! Happy?"
"Thank you , Jazmine." Saad ni Clarence na masakit ang tiyan.
"Palagi kayong magkaaway. Feeling ko , kayo talaga ang magkakatuluyan. Haha" sabi ko sa kanila na ikinatawa naman ng iba. I'm not smiling, I'm dang serious. Malakas ang pagkakabigkas ko ng mga salitang iyon kaya may mga grade 9 din na tumawa.
"Yuck. Kadiri." Pandidiri ni Jazmine na may halong tili. Binilisan niya ang paglakad niya hanggang sa makalayo na siya sa amin nang tuluyan.
Mukhang nagtampo si bebe Jaz hahaha. "Ay wow. Ako pa nahiya sa 'yo." Bulong ni Clarence the gay.
Yes po, gay po siya tapos, same pa sila ni Jazmine ng natitipuhan which is 'yun ang nagiging dahilan kung bakit sila nag-aaway. Minsan lang naman sila mag-away. Kumbaga 'Frenemy' sila. Friends na enemies.
By the way , kanina pa ako nakakaamoy ng mabaho. Amoy bulok na ewan.
"Clarence..."
"Ay gastug! May tao pala sa likod ko! Sorry."
"Wait , kaya ba kanina pa ako nakakaamoy ng mabaho ay dahil sa 'yo?"
"Naamoy mo?! Gastug! Sorry talaga!"
"Clarence! Ang baho!" Putcha! Parang naglabas ka ng sama ng loob sa akin kahit wala naman akong ginagawa sa 'yo! Ang baho ng utot mo!