Ikalawang Kabanata : Partners

3465 Words
Satana's PoV NANDITO na kami ni Quinny sa classroom na pinapasukan namin then, nakita ko si Harry Vaderio - ang bestfriend ko baliw. Best friend ko siya simula pa lang noong first year highschool pa lang kami at siya ang pinaka unang bestfriend ko rito sa school na ito. Bestfriend na rin siya ng mga kuya ko. Pinakilala ko siya noon dahil sa pagiging baliw namin, like, dahil talaga sa sobrang pagiging friendly-bully namin sa isa't isa ay napatawag kami sa guidance office. Simula no'n naging close sila. Medyo pinagkatiwalaan na nila ang bestfriend kong 'yon. Tapos minsan napagkakamalan na kaming magjowa. Like, what the heck? Hahahaha. "Mr. Bueno" Nabalik ako sa reyalidad nang magsalita ang Science teacher namin. Ang science teacher namin ay si Mr. Jerome Lindang. Ang pinaka mabait at friendly na teacher dito sa buong school. Volleyball coach din 'yan. Saka, kapag may trip ka, sasakyan ni sir 'yang trip mong 'yan. Huwag mo lang siyang iinisin sa mga bagay na nakaiinis naman talaga. Ang pinakamaganda pa kay sir ay ang mataas siyang magbigay ng grades. Mapapa-wow ka na lang talaga. Kapag may basher ka, basher naman siya ng basher mo; kapag naiiyak ka or nasasaktan, pwede siyang maging karamay mo. Gano'n siya ka-sweet, lalong lalo na sa section namin - hindi lang pala sa section namin, kun'di sa ibang tao rin pala. Section namin ang worst sa lahat, base sa mga teacher dito, pero best naman para sa kaniya. Pero mukha nga kasi halos sa amin lang siya sobrang sweet. 'Yun ang nakikita ko, ah. Minsan na rin akong nagpaalam na mag si-cr ako at nadaanan ko ang kwarto na kung saan siya nagtuturo at nakita ko siyang cold sa kanila. Nakita niya naman ako at nginitian. Syempre nag-bow ako as paggalang sa kaniya at mas lalong lumawak ang ngiti niya. Hehe Tumayo si Carl Bueno at tinanong na siya ng guro naming si sir Lindang, "what is Genotype and Phenotype?" "G-genes po." Nanginginig-nginig nitong saad kay sir. Gusto kong itaas ang kamay ko at tulungan ang espren ng espren ko pero hindi ko rin alam. Gusto ko ring magtaas ng kamay para may plus ako sa recitation kaso, hindi ko alam ang sagot. Dios ko po! "Oo nga, genes. What I meant is define what is genotype and phenotype. Hula ko, 'di kayo nagbasa-basa habang may bagyo?" Hahaha korek kayo diyan sir. Charot. Alam ko naman ang sagot pero nakakahiya lang magtaas ng kamay, baka mapagsabihan pang bida-bida e. Pero charot lang ulit. 'Di ko talaga alam ang sagot. "Sabi na e." Hihihi "Okay, pag-aaralan ulit natin ang tungkol sa Genes. Ano nga ba ulit ang Genotype at Phenotype?" Tumingin muna siya sa amin nang mga ilang segundo at nagsimula nang magsalita ulit. "Ang phenotype ay yung physical na characteristics nung bagay. Ito ang mga bagay na visible sa atin, mga nao-obserbahan natin, nga nakikita natin. Halimbawa na lang nito ay ang kulay ng bulaklak, halimbawa ay puti. Isa pang halimbawa ng Phenotype ay ang height ng isang hayop, height ng isang tao o kaya'y height ng mga living things, etcetera. Ang phenotype ay ang mismong kaanyuan na nakikita natin sa isang bagay. Katulad ng example ko kanina na kulay ng bulaklak, height ng hayop, etcetera. While ang genotype ay yung mismong genes." Patango-tango na lamang kami dito pero naiintindihan ko naman. 'Di ko lang sure sa iba. "Sir, panong mismong genes?" Tanong niya sa sarili niya. "Genotype it's a combination of alleles organism siya na na-inherit galing sa Parents or pinagmulan ng bagay na iyon. " "Ano nga ba ang alleles? Ito ay isa sa dalawa o higit pang mga alternatibong anyo ng isang gene na lumitaw sa pamamagitan ng mutation at matatagpuan sa parehong lugar sa isang chromosome.." [Mutation ▪︎noun▪︎ - a significant and basic change ] E.g.: The building is a mutation of the original design. | mutational ▪︎adjective▪︎ | |Mutationally ▪︎ adjective▪︎| |• Synonym(s): transformation , deformation , change , redoing , etc.•| "Okay ganito, Yung may dominant kung tawagin natin. Kunwari, pag pinagcross yung Hybrid red flower or kung tawagin natin ay Heterozygous at purebred red flower or kung tawagin natin ay homozygous ; ang Hybrid ay magkaiba ng laki at ang purebred naman ay parehas ng laki. Pag parehas , magiging capital at kapag Hybrid naman ay capital and lower case. 'RR' and 'Rr', gets ba?" Medyo po. 'Sana naintindihan niyo 'yung explanation, juskolor' -author 'Sabihin niyo kapag hindi niyo naintindihan, aayusin ko hahaha juskolor' -author "Opo..." buti naman haha "Opo kayo nang opo tapos 'di niyo naman na-gets." Napatawa na lamang ang iba lalong lalo na ang katabi ko which is si Harry. Opo, katabi ko siya. Katabi ko rin si Xrushiii hahahha. Ang bango niya mga marecakessss! "Kung meron tayong dominant, ano naman ang isa? Starts with letter -" Naputol ang salita ni sir nang magsalita si Pollo - isa sa mga bakulaw sa classroom. "Non-dominant po sir." Sagot ni Pollo sa tanong ni sir. "Non-dominant? Sa'n mo naman 'yan nakuha?" "Hehe" Wala na siyang ibang naisagot kun 'di 'yan na lang. Nahiya dahil sa sagot. Napangiti na lang si sir at nagsalita pero hindi rinig ang mga salitang inilalabas nito, pero nabasa ko pa rin. Ang sabi niya, "At least, sinubukan mo." "Okay so, the opposite of dominant is recessive. If the capital represents dominant then, the recessive represents the small or lower cases letters kapag gagamitin na natin sa isang kagamitan. Hindi kagamitan na nahahawakan, naisusulat lamang ito, at mamaya ko na sasabihin kung ano ito. Halimbawa sa purebred dominant brown bear or homozygous dominant brown bear - it is capital B and B - 'BB'." "Bakit letter B ang inilagay ko?" Because of the physical characteristics ng bagay or example? "Because of 'yun ang pinag-uusapan. About the COLOR BROWN bear. The letter B represents the color, which is the initial letter of the color brown, the phenotype of our example for today." Oh di 'ba ! Tama ako! Boom panis! "Continue, when it is recessive, it represents the lower cases. Purebred recessive white bear or homozygous recessive white bear - it is lower cases w and w then, we write it as 'ww'." "Why is it w? Because of the color of the bear - it is white, naintindihan ba?" Yes! The ano... 'yung phenotype ... 'yung physical characteristic nung sample kanina. Ehe "Opo sir!!!" Sigaw ng mga lalaki sa likod. Sigaw na sa sobrang lakas at para kang mabibingi. Napalingon na lang kami sa kanila nang bigla silang tumawa. "Siguraduhin niyo lang ah , magpapa-quiz ako." Hala, sino ba kasi ang nagpauso ng quiz na 'yan? "Okay, hybrid? Or should we call Heterozygous? Any ideas?" Napahinto kami, lalong lalo na ako. Wala akong alam, kokonti lang ang alam ko. Mostly formula sa math ang lagi kong iniisip. Wala akong alam sa mga terms pero sa mga solving using formulas lang ako may alam. Gusto kong magaya ako kina kuya, magagaling silang lahat sa math kaya gusto ko maging math genius. 'Ay wow hahaha math genius. Sabaok.' - author "Capital and lower case? Uhm… pinaghalong genes sa iisang subject?" Patanong nitong sagot kay sir. Wushu crush, pabida ka, ah - charot lang. Alam kong easy lang 'yan, pero kasi siya lang ang sumagot sa tanong ni sir hahaha. 'Easy raw pero sabi niya 'di niya daw alam ang Hybrid. Oh tologo bo sotono?' - author 'Ako po talaga ang kontrabida ni Satana.' - author "Okay! Very good Brent! It is an offspring of two parents that had different species or varieties. Example is parents mo ay blonde na maputi at morenong brunette, ang kinalabasan at ikaw - brunette na maputi. Nagkakaintindihan ba tayo?" Opo! "Opo!" Sigaw naming lahat. Madali lang pala 'to, eh. "Sure?" Tanong ni sir pa pabalik sa amin. 'Sensya na, hindi sure si sir. Haha. "Legit, no lies?" Hahhaa 'di po sure. "Opo!" "Okay, very good" very bad. "Ano nga ulit ang tawag sa physical characteristic genes ng isang bagay?" Adunno charot. "Phenotype!" Pino tayypp! Sigaw naming lahat na dahilan kaya may sumilip na dalawang teacher: isang teacher sa pintuan malapit sa blackboard at isang teacher naman sa likod bandang pintuan. "How about the combination of alleles?" "Genotype!" Genes daw po sabi ni Bueno. "Sasabihin ko lang 'yung types ng Genotype." Okay po... hahahha wala na ko masabi. "May homozygous dominant - it has 2 dominant alleles. Example is BB, capital. Next is homozygous recessive - it has 2 recessive alleles. Example is bb, lowercase naman. Last but not the least is the Heterozygous - it has 1 dominant and 1 recessive. Example is Bb, Capital letter first then small letter, okay?" So, tatlo? Three types ang meron ang Genotype. Wala lang, sinasabi ko lang. Hindi nabanggit ni sir, eh. "Baka malito kayo sa Homozygous and Heterozygous. Homozygous or from the clue word Homo - means same, even or identical. Next is Heterozygous from the clue word hetero - means different, unlike, diverse or nonidentical, okay?" Homo means same, Hetero means different. Okay gets. "Opo sir Lindang!" Madali lang naman talaga pero depende 'yan sa teacher. Mas ginaganahan ang mga mag-aaral kung may energy din ang teacher. Mas ginaganahan ang mga mag-aaral kung same vibes kayo, friendly, kumbaga. Base sa experience ko, nagiging memorable kasi 'tong araw then, maaalala mo rin 'yung mga pinag-aaralan niyo no'ng araw na iyon. "Siguraduhin niyo lang ah! Opo kayo nang Opo diyan tapos 'di niyo pala naintindihan!" Haahhha opo! "Opo sir!" "So, next tayo. Pag-aaralan naman natin kung paano nagkakaroon ng recessive or dominant inheritance. I will introduce to all of you the Punnet Square." "What is Punnet Square? It is a square diagram, it used to predict genotypical genes. Punnett Square was named after Reginald A. Punnett." Ohhh... ang galing. Solving din kaya 'to kagaya ng algebra, geometry? Gan'yan talaga ako. Everytime na nagle-lesson tapos na-gets ko nang konti, magsasalita 'yung utak ko. Sa inyo ba? Dumadaldal din? "Reginald A. Punnett was the one devised, make u, invent, manufacture an approach in 1905. In Tagalog, siya ang nakagawa ng diskarte kung paano malalaman ang magiging Genotype ng isang bagay noong isang libo't siyam na raan at lima." ••• Devised, make up, invent, manufacture are just the same. ••• "Ang diagram na ito ay ang karaniwang ginagamit ng mga biologist para malaman nila kung ano ang particular na genes ang na inherit ng isang bagay sa pinagmulan niya." Pagkatapos no'n ay gumuhit si sir ng box na malaki. Hindi naman masyadong malaki, basta malaki siya then, hinati niya ito sa apat. Horizontally and vertically. Dalawa sa taas, dalawa sa baba, dalawa sa kaliwa at sa kanan. Gets niyo? Okay. "Paano nga ba ito ginagamit? Okay, let's have an example. Anyone can give an example? Give me one homozygous dominant and homozygous recessive." "Sir!" 'Di na ako magtataka kung sino iyon. Halata naman sa boses niyang mala anime. I mean, ginagawa niya para makakuha ng atensyon. Basher kasi ako, dzuh. "Yes, Ms. Natividad?" Kaklase ko siya simula pa lang noong grade 5 kami. At oo, kaklase ko pa rin siya hanggang ngayon. Hindi ko alam pero gusto ko na talaga siyang mawala - hindi sa mawala na ano, ha, ano lang, 'yung ayaw ko na siya maging kaklase. Para siyang kabuti, 'yung fungi, gano'n kasi halos lahat ng boys dito parang alam niyo na… basta 'yun nga 'yon. Pero hindi ko pa rin maalis sa sarili ko na mas better siya sa akin. Matalino siya , maganda, matangkad, sexy rin saka marunong siyang mag-ayos ng sarili niya. Samantalang ako? Hahaha talampakan lang niya. I'm her silent basher, ayokong magkalat ng ka-toxic-an kaya sinarili ko na lang. Maliban sa pagkahilig niya sa pag-entertain ng mga lalake sa room, hilig niya ring maging kabuti sa kuya ko. Hayst, kailan kaya siya titigil? "For homozygous dominant is white cow and homozygous recessive is brown cow. Double capital dobolyu for white cow and double capital for brown." Di 'ba ang talino. Wait - parang may mali. "Okay, thank you miss." Wait, sir! May mali! "So first, write down the given. As what Miss Natividad said, two capital dobolyu and two - wait? Recessive 'nak. Recessive is lower case kapag gagamitin natin as sample, okay?" Akala ko ako lang ang nakapansin, pati rin pala si sir. "Hmm..." tango ng katabi ko with sound kumbaga. Naiinlab ako sa kanya. Charot, basher ako. "So ulitin natin ang sinabi natin." Sir, ikaw lang po ang nagsalita... de joke lang.. labyu sir… "Number 1 example are cows. Two capital dobolyu for white and two lower case b." "For the first parent, ilalagay natin siya sa labas , sa itaas. Dapat naka-align ito sa boxes, ah. So, ganito ang magiging itsura niya. " W W _ _ |_|_| |_|_| "Next ay ang ating homozygous recessive genes , ang second parent which is lowercase b. Sa labas at sa gilid naman siya." W W _ _ b |_|_| b |_|_| "Kung sa labas ang parents , sa loob naman ang magiging posibleng maging Genotype ng anak nila. Once na gusto mo nang malaman ang magiging Genotype ng anak nila ay Gagamitin natin ang CROSS. Yes , cross. Cross ang tawag sa paraan kung paano makuha ang resulta ng genotype if we combine the two parents. Pa'no nga ba ito gumagana?" W W _ _ b |_|_| b |_|_| "For now, ipagko-cross lang natin ang mga ito. Paano ba ang cross ang ginagawa sa punnet Square? Just bring the first parent down - like this..." W W _______ | | | b |W |W | | — | — | b |W |W | | __ | __ | " Then, copy and paste the second parent's Genotype. Like this ..." W W _______ | | | b|Wb |Wb | |——|——| b|Wb |Wb | | __ | ___ | "Anong napansin niyo?" Then he looked at us. Naghihintay si sir ng sagot mula sa amin. Wala na siyang pake kung hindi ka na magtaas ng kamay , basta ay nakikinig at interesado ka talagang malaman bawat tinuturo niya. "Nagsama sa magiging anak ang genes ng parents?" Sagot ko. Sorry na, 'di ako sure e kaya patanong ang sagot ko. "Okay! Naghalo ang genes ng dalawang parents to create an offspring, tama naman si Satana. How about the others?" Ay, owwshii tama hahaha pero obvious naman, di 'ba? Nagkaro'n ng bagong genes? "Hybrid... Heterozygous Genotype o kaya -" hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang biglang nagsalita si sir. Nagulat kaming lahat dahil sa sigaw niya. Nagising lahat ng kaluluwa namin. "Okay! Nagkaroon ng panibagong genes at nag-iba ang uri nito, naging Heterozygous. Thank you Brent and Satana." Ayiieee dapat Mr. and Mrs. na lang , di 'ba Brent? Ehe... "So, iyan ang prediction natin. May posibilidad na maging brown-white ang children ng ating baka. White-brown, pwedeng mixed or mixture, pwedeng hindi. 'Yung tinutukoy kong hindi is magkasama sila sa iisang bagay pero hindi sila magkahalo, kuha ba?" Eh? 'Nu raw? Sorry slow hahaha "Huh?" Hatdog "Hahaha okay , buti naman at hindi kayo nag-opo kasi, bakit naman kayo mag-o-opo e halata namang hindi niyo gets? Okay, ganito 'yan. Meron tayong dalawang uri ng result ng ating prediction, at ito naman is for Phenotype. Ano nga ulit ang phenotype?" "Physical characteristic!" "Okay, very good. There are two types of offspring - Incomplete Dominance and Codominance. What is incomplete dominance ba? Ito ay ang result mixture ng dalawang parent, as in nag mix talaga sila. Like, the first parent is Homozygous Dominant red flower and the second parent is Homozygous recessive white flower. If we cross them up, the possile result of our prediction is one hundred percent Heterozygous which is apat na 'Rw'. Iyong Hybrid flower na iyan ay pwedeng mag resulta ng Pink Flower. Yes, pink. Mix the two colors, red and white then, you can get pink..." Ahhh ito 'yung gets ko na mixture daw. 'Yung isa? "Pero meron pa tayong isang prediction, we called it Codominance. Kung ang incomplete dominance ay nag mixed, ang codominance ay hindi kun 'di, nagkasama lang sa isang product. Example natin ang ating Cows, 'yung kanina. Nakita natin sa result natin kanina na a hundred percent is Hybrid or Heterozygous ang genotype. How about the phenotype? Ang possible na maging itsura niya ay magkahiwalay. Hindi nag mixed kun 'di ay nagkasama lang sa isang product." Paanong magkasama? "Sir, kanina ka pa po sabi nang sabi ng magkasama sa isang product, 'di namin magets... Polka dots... parang Polka dots... ganon. Pwede ring stripes ang pagkakabukod nila. Pwede ring may heart shape." Ang tawag sa ginawa ni sir ay 'tanong ko, sagot ko'. Ahh okay gets ko na. Parang Polka dots, hindi magkahalo. Like parang baka na puti tapos itim, 'yun ay Codominance, kapag puti naman tapos itim then, naging gray, eh di, incomplete dominance 'yon? Ohhh okay. "Ahhhhh!!!!" So... "Gets niyo na?" Opo sir , Opo... "Opo!" "Okay. Isa pa bang example o okay na iyan?" "Okay na po iyan sir." Sigaw ng adib-adib. Hahaha ang sama kong nilalang. "Okay, sige. Let's have a seat work. Just two examples ang ibinigay ko. Get one half crosswise piece of paper then, copy and answer. " "Luh" huh? Copy and answer? "So, isulat niyo ito. Gumamit din kayo ng punnet square so, kahit pa-paano ay nakikita ko kung paano niyo gamitin iyon." Okay po. "For number 1 and 2, copy this." "Pre…" tawag sa akin ng katabi kong si Harry sa kaliwa ko. Huwag niya akong guluhin! Nakikita na nagsusulat ako, eh. "Oh?" Sinagot ko siya nang hindi lumilingon. Huwag siya sa akin manghingi ng sagot, obob ako. Na-gets ko 'yung tinuro ni sir, pero nakalimutan ko rin. Hayst. "Copy and answer, 'di ba?" Napalingon ako sa sinabi niya. Hayst, halatang hindi nakikinig. Mariin akong napapikit at hinarap siya. "Oo. Kaya hayaan mo na muna akong magsulat dito." Ipinakita na ni sir ang example sa may TV. Opo , may TV dito , hindi lang magamit at maipakita yoong mga example sa amin kasi wala ang remote. Hiniram ng ibang section. Baka universal remote yarn hahah. ••• Written work #05 '1.) One parent is dominant tall , one is mixed Hybrid. Name the four possible offspring' Use a punnet Square: 1. _________ 2._________ 3. _________ 4._________ How many are Tall ? _______ How many are Short ? ______ How many are Hybrid? ______ '2.) One parent has green eyes, one has black. Name the four possible offspring' 1. __________ 2. ________ 3. __________ 4. ________ How many has green eyes?____ How many has black eyes?____ How many are Hybrid? _______ ••• Grabe, witten work number 5 pa lang pala? Sabagay, minsan lang magpawritten work si sir sa amin dahil more on pa-experiment ang pinapagawa niya sa amin. Ito ang dahil kung bakit mas lalo kaming ginaganahan kapag oras na ng science. Palagi kaming pinag-e-experiment, pero hindi muna ngayon since, wala namang pinadadala si sir sa amin. Then, makaka-partner ko si crushshiiee hahahah. "Kaya pala dalawa lang example kasi maraming sasagutan...", saad ng katabi ko, si Harry. Opo, siya po ang nagsabi no'n. Matalino 'yan, sadyang pinanganak lang talagang tamad. Halos lahat naman ng estudyante dito sa eskuwelahan namin ay matatalino, eh, tamad nga lang. 'Daming reklamo , 'di ka nga nagsusulat. ' 'Nanghihiram ka lang naman ng notes sa akin. ' 'Tapos nangongopya ka pa.' 'Then, mali rin ang sagot ko hahaha.' 'Damay damay na 'to.' … Nagsimula na ang oras at nagsimula na rin kaming magsagot. Ang iba'y ang bilis matapos at ako? Kasama ako doon sa mabilis matapos. Mali-mali rin sagot ko. Medyo nalito ako dahil na rin sa gulo sa isip ko na dinagdagan ng katabi kong si Harry. Buti na lang at hindi masyadong madaldal 'tong isa kong katabi at hindi ako ginugulo. Bakit nga naman ako guguluhin nito? Pssh. Pero, ako na ang nanggulo sa kaniya para mabilis akong matapos. Nagpatulong ako since, nalilito na rin ako. Nangopya lang talaga ako kay Brent. Charot. Si Harry ang nangopya kay Brent. Nagtanong siya sa akin ng sagot kaso pinasa ko na raw 'yung papel ko, kaya doon siya nangopya sa espren niyang si Brent. Sinisi pa nga ako no'ng hindi ko siya pinakopya. Aba! Bakit naging kasalanan ko?! Natapos na kaming lahat at naipasa na ang mga gawain namin sa science. Recess na rin namin. Sampung minuto pa bago ang recess pero pinalabas na rin kami ni sir para sa health din daw. Habang kinukwento ko rin ito ay naglalakad na ako sa hallway papuntang canteen. Oh, diva! hahahah nice haha. Nagugutom na rin naman ako kaya thankful ako-kami na maaga kaming pinalabas sa classroom para kumain. Ehe!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD