Ikatlong kabanata : Pila

3524 Words
Satana's NANDIRITO kami sa may ground floor, hallway papuntang cafeteria. Naglalakad lakad kami ng mga kaibigan ko papuntang cafeteria. Papasok na sana kami nang may biglang may pumasok na lalaki. I mean malapit na kami sa pinto tapos, may biglang nakipag-unahan sa amin sa pagpasok, gano'n. "Hi, madapakas!" Sigaw ng isang lalaki na pumasok bigla sa cafeteria na suki ng guidance office ng school. Palagi siyang napapa-guidance dahil sa ginagawa niya sa school. Katulad niyan, sigaw nang sigaw sa cafeteria. No loitering nga raw, pero napakaingay. Ang sarap tahiin ng bibig. Wala nang basagan ng trip. Cafeteria gusto ko hindi canteen. "Hello..." Sabi ko sa lalaki pagkaraan namin sa kanila mula sa likod. Wala naman kasing pumansin sa kaniya sa cafeteria. Lahat ng mga estudyante rito, busy sa pagkain at sa mga kaibigan nila. Kung hindi naman sa kaibigan, sa mga jowawers nila. Kawawa naman si kuyang suki kung hindi natin papansinin, 'di ba? "Huy! Hahaha buang, nag-hello ang p–" sabi naman ng kasama niya na tawa nang tawa dahil sa sinabi ko. Bawal bang mag-hello? Labag ba 'yon sa batas? Excuse me? "Nag-hi siya e." Talaga naman kasi, eh. 'Pag nag hi, mag-hello ka. Nakababastos naman kung hindi ka mag-he-hello, di 'ba? Saka baka mapahiya lang siya. Pero feeling ko, ako ang mapapahiya rito. "Oh, e bakit ka nag-hello?" Kasi nag-hi siya. Kasasabi ko lang kanina, dzuh. "Kawawa naman kung walang papansin sa kaniya, di 'ba?" Kawawa naman kasi e. "Sabagay hahahah" tawa nila sabay alis. Anong nakakatawa do'n? Tsk. Napaghahalataang may mga problema sa buhay na hindi na yata kayang masolusyonan. Nasa harap kami ng counter at nagtanong ang cook ng cafeteria sa amin. Mataray siya minsan tapos, kendi ang pinangsusukli niya sa akin before. Kainis nga, eh. Kulang tuloy ang pamasahe ko kaya auto-lakad na lang ako, hmp! Buti na lang talaga at ilang lakad lang ang kailangan, kasi mainit kasi, eh! Okay lang din naman ako doon sa kendi, fres. Ang bango kaya nito. Sarap kaya nu'n kaso wala akong pambayad kapag may ambagan sa room. "Anong o-orderin niyo?" Tanong ng cook sa may canteen. Manipis at nakataas lang naman ang isa sa kaniyang mga kilay at chubby ang mga pisngi nito. Naka blush on din pero hindi iyon makapal. Naka liptint din ito. Halata naman na may liptint. Nakapuslit pa nga sa may apron. "Kanin sa akin tapos sarciadong isda, kayo?" Sabi ko sa cook at tumingin sa mga kaibigan ko, after. Sarap ng sarciadong isda, ano? Pero mas masarap ako. Hahaha chariz! "Ano ba pwede?" Tanong ni Quinny sa sarili na kahit sa sarili niya lang sinabi ay narinig namin. "Lahat..." Sabi naman ni Jane. Sabagay , lahat naman pwede. Ang importante , makakain. "I mean, ano ba ang masara?" "Lahat..." "Alam kong masarap ang lahat ng ulam dito. Alin kako ang pinaka masarap?" "Lahat..." "Bakit ba puro ka lahat, huh?" Inis na banggit nito. Totoo naman kasi na LAHAT ng pagkain dito sa canteen ay masarap, eh. Ewan ko na lang sa 'yo kapag hindi mo pa nagustuhan. "Lahat naman talaga kasi pwede saka masarap e." Correct ka riyan Jane. Lahat naman kasi talaga masarap; adobo, tinola, sinigang na bangus, pritong bangus, saka tilapia; meron pang siomai, kwek-kwek, fries, fishballs, kikiam, at marami pang iba. Ewan ko na lang talaga kung hindi mo pa talaga magustuhan ang iba riyan. "Including you?" Tanong ni Quinny sa kaniya. Hahaha including you? Sana orl. Kadiri naman 'tong mga 'to. Imbis na mag-order na't makakain kami, naggaganiyan pa. May mga customer pa, oh! "Yes charot hahaha" hayst, kadiri. "Mga buang haha,", saad ng lalake sa likod namin. Napalingon naman ako at boyfriend ito ni Jane. Mahina lang ang pagkakabanggit niya ng mga salitang inilabas niya sa kaniyang bibig, pero narinig ko ito — ewan ko na lang sa iba kung narinig din nila. "pero legit, masarap si Jane." Nanlaki ang mga mata namin nang may marinig ulit ako — at narinig din ng mga kasama ko 'yun. Paglingon naman namin doon sa likod namin ay may isang lalakeng nakangisi at nakatitig kay Jane. Naknam, bf niya na naman 'yan! He's name is Steve, by the way. "Hoi gagi! Natikman mo na?!" Ang tatagal naman nitong mga ito umorder. Naghihintay na si ateng cook tapos, meron pang mga nakapila. "Ate, pa-ready na lang po ako ng akin. Pwede po ba?" Bulong ko kay ateng cook sa harap ko. Tumango naman siya. Hindi na ako makapaghintay. Nagugutom na talaga ako! "Ano bang sa 'yo, iha?" Tanong sa akin na dahilan ng pagngiti ko. "Sarciadong isda po sa akin tapos kalahating kanin lang po.", sabi ko sa cook. Umalis na siya at inihahanda na ang pagkain ko. Then balik tayo sa mga kasama ko. "Medyo," Ngisi nito. Napaka kadiri nga naman, oh, oh. Loh, edi wow. "Huh?!" Umorder na kayo! Nagugutom na ako! Huhuness! May naghihintay pa, oh! "Hahaha joke lang. Pero soon." Soon-soon pang nalalaman pwede naman umorder muna bago maglandian. Please lang, oh! "King ina kayo! Landi hahaha" inis kong banggit pero may halong tawa. Gano'n po ako kabaliw. "Wala ka lang jowa, e 'di 'ba babe?" Tsk. Atleast buhay. Saka, aanhin ko naman ang jowa na 'yan? Panggulo lang 'yan sa pag-aaral ko. "O-order ba kayo o hindi?" Oh ayan! Nagsalita na si ateng cook. Ang tatagal niyo kasing umorder. "Ay sabi ko nga, o-order na.", saad ni Clarisa sa tabi ko. "Oh, 'te, ikaw um-order." Kalabit sa akin ni Clarisa. Bakit ako? "Huh? Bakit ako ang o-order?" "O-order ka, 'di ba?" "Kanina pa ako um-order. Ang "Sa akin po, adobo saka yung ampalaya saka kanin po, isa lang." Sabi naman ni Clarisa. Clarisa is one of my friends and also classmate. Matalino, matangkad tapos, maganda pa. Oh, sa'n ka pa? Oh, i forgot. Minsan may sayad 'yan. Kagaya namin — I mean, sila lang pala. "Sa akin naman, ano...kare-kare 'yung ulam." Order ni Quinny. "Sa akin, 'yung patty tapos, kanin. Gravy din po." Sabi naman ni Jane sa tindera. Gravy? Bakit ngayon ko lang nabalitaan na may ganyan na pala sa canteen? "May gravy?" Tanong ko kina Jane at napatingin naman sa akin 'yung cook na nag-aasikaso sa amin. "Oo bhie, palibhasa ngayon ka na lang ulit bumaba. Hindi ka na updated sa canteen.", ay sorry naman. "Eh nagbabaon ako ng pagkain kong kanin, eh Ayaw ko rin namang gumastos." Para may pambayad ng kung anu-anong pag-aambagan. Baka kasi masabihan pa ako ng "ano ba 'yan! Alam kong may maibibigay ka kaya akin na!" akala mo naman pera niya 'yung pera ko. May pinag-iipunan din kasi ako. "Oh. Yung sa may sarciado, 30 pesos lahat." Ay bumaba na? Dati 40 palagi ang bili ko sa sarciadong isda. Sabagay, mag-i-isang buwan na rin akong hindi kumakain sa canteen kaya may tumataas, may bumababa at hindi ko alam kung anu-ano ang tumaas at bumaba. "'Yung sa may adobo't ampalaya, 65 pesos; sa may kare-kare, 45 pesos; sa may huli, sa may patty, 25 lang." "Libre 'yung gravy?" Tanong ko. Sorry na, na-cu-curious ako, eh. "Bakit? Gusto mo bang may bayad?" Loh, nagtatanong lang naman ako, eh. Bawal bang magtanong ate cook? "Nagtatanong lang naman po ako haha." Napatawa na lang ako't napakamot ng ulo. Nagtatanong lang naman, eh. Naghanap hanap na rin kami ng mauupuan syempre dapat may kasamang lamesa kasi saan naman namin ilalapag 'yung in-order namin. Mga ilang segudo kaming nakatayo at nagsisilingon-lingon sa loob ng cafeteria para lang makahanap ng pwesto. Parami na rin nang parami ang mga tao kaya nahihirapan na rin kaming maghanap ng mapagpu-pwestuhan. … Sa wakas ay nakahanap na kami pero sa pwesto namin ay pangit ang view. Ang panget sa mata, ang sakit sa mata. Pwede ko bang tanggalin ko mata ko now tapos ibabalik ko na lang mamaya? "Ayiieee yuck kadiri. Dito pa talaga sa harap ng kumakain? Kailangan ba talagang maglandian ngayon? Pwedeng mamaya na lang uwian kayo maglandian?" "Bawal... Hihi" aissh na'ko naman. "Tsk. Lilipat na nga lang ako." Inayos ko ang mga pagkain ko na nasa tray at tumayo. "Hahaha ang bitter nito oh." Mukha na ba talaga akong bitter? Hindi ba pwedeng nandidiri lang talaga? Walang basagan ng trip, saka nakakadiri kaya. Nasa canteen kayo, dinaig niyo pa 'yung mga mas matanda sa inyo sa pagiging PDA ninyo. Nasa public tayo — baka nakakalimutan niyo. "Okay lang kung bitter, at least 'di nagpapaloko." Korek! Hahaha saad ko. "Hahaah okay, pero kailan ka ba magkaka-jowa?" Okay? Para saan naman? "Juskolor! Dise-siyete pa lang ako, Marites Jane! Dise-siyete, dise-siyete pa lang ako. Dise-siyete pa lang tayo tapos boypren agad?" Marites Jane Alibughaw, dise-siyete pa lang ako… dise-siyete. Pfft. Paulit-ulit. "Pwede naman 'yon ah. Fling, gano'n." Ay nako. Basta ayoko."A-yo-ko , o-kay?" "Oh! Kay!" "Sige, lilipat muna ako." Babush! "Sasama na ako." Bahala ka Quinny, basta lilipat muna ako at pupunta ako sa student lounge. Habang naglalakad kami ko Quinny ay naisipan kong itanong sa kaniya ang dahilan kung bakit siya sasama sa akin. Imposible namang walang dahilan, 'di ba? "Bakit?" Tanong ko na ikinakunot niya naman. Itinaas ko ang dalawa kong kilay at saka niya naintindihan ang tanong ko. "Sakit sa mata, e." Napatawa at napailing na lang ako. Jusko naman kasi, eh. Bakit ba nauso 'yang 'jowa-jowa' na 'yan? … Naglakad-lakad na kami ni Quinny papuntang student lounge. Nang makahanap na kami ng pwesto ay syempre umupo na kami. Alangan namang titigan lang namin 'yon , edi naunahan kami sa pwesto. "Bhie, gusto mo magkajowa?" Napatingin ako sa kaniya. Sabing, ayoko nga! Ano ba?~ */Insert nginig-nginig na boses ni Spencer Serafica "Ako? Mukha ba akong may interes sa lalaki?" Mukha ba? Baka nga wala ring interes sa akin ang mga lalake. More on kasi sa mga ni-re-reject ko, mga babae. "Oo, may interes ka sa lalaki pero kay Brent lang haha" loyal ako. Pake mo ba? "Oo. Kay Brent lang saka wala namang masamang maging loyal 'no." Well~ sweg~ hahaha "Wala naman akong sinabing gano'n, malay mo magkajowa ka sa ipapakita ko sa 'yo mamaya." Aissh wala nga akong interes. Nako naman, hindi makaintindi. "Tapos lolokohin lang ako?" Ayoko magpaloko, hindi ako uto-uto. Saka, wala sa bokabularyo ko ang mag-jowa — mag-asawa, oo. "Satana, kung may tiwala ka sa taong makikilala mo doon at mahal niyo ang isa't isa, walang magloloko sa inyo at sure ako diyan." Ano bang pake mo brad? Alam ko 'yan, mas magandang maging single kaysa magpaloko at da beri yang edge. "Hindi ko nilalahat, ah. Pero, marami na kasi sa panahon ngayon na manloloko, gan'yan. Hindi ko sinasabing lalake lang, ah, meron ding mga babae." And that's da throat. "'Di mo pa nga nararanasan magkajowa tapos, gan'yan na iniisip mo?" Hahahah. Base on my observation lang po. Saka, may problema ba kung ganito ako mag-isip? "Base po sa aking obserbasyon sa mundo." "Ay, nag-travel?" Pwede rin. You want? Samahan mo ako sa pagtanda ko, liparin natin ang mundo. "Hindi, nag teleport lang." We laughed pero hindi malakas — chuckle kung tawagin. "Pero bhie, 'wag ka papakabog kay Jane. Oi, kahit na kaibigan natin si Jane, 'wag ka papakabog." Pakabog? Saan naman ako magpapakabog? Ayos naman ang acads ko, ayos din ang pamilya ko. So, saan? "Paano ako papakabog? Anong bagay ang makakapagpakabog kay Jane? Sige nga." Saka, para saan ang pagpapakabog? "Maghanap ka ng jowa." Naknam— "Bakit ba puro kayo jowa? Wala naman akong interes mag-jowa at isa pa, takot nga ako sa commitment, 'di niyo ba maintindihan 'yon?" Ano ba't ang kukulit ng mga nanay niyo? Ilang beses ba kayo iniri, ha?! "Harapin mo ang takot mo. S-" "Dise-siyete pa nga lang ako! Dise-siyete!" "Sabagay. Pe-" isa- "Isa pa, tuktukan kita diyan." "Ito naman, magj-" dalawa- "Tuktok o lamay?" "Hehe sabi ko nga titigil na. Bakit ba kasi ayaw mo m-" napatigil siya sa sinasabi niya nang tingnan ko siya nang matalim. Tipong nakamamatay ang aking mga tingin na ibinibigay ko gamit ang aking mga mata na nagliliyab na parang apoy at kumukulo na parang lava. "Bukas ng 11:30 a.m., may lamay sa bahay niyo at ikaw ang paglalamayan namin." Be ready. "Ano ba 'yan! Bakit ba?! Ano b-" reklamo niya na pinutol ko naman. "Lima" "Magj-" "Apat. 'Wag mo akong paabutin ng isa, ha? Kasi paglalamayan ka talaga namin." "Try mo lang na-" "Tatlo" "Try lan-" Bakit ba napaka kulit? "Dalawa" "Ma-" "Is-" "Mananahimik na ako. Mananahimik na ako." "Good." 'Yun naman pala, eh. "Sata-" hmm? "Akala ko, mananahimik ka na?" "Wait lang kasi, patapusin mo muna ako." "Ano ba 'yun?" Hayst. "Pahingi ako ng ulam. Hehe" Dios mio! Ulam lan pala. Akala ko kung ano na. "Oh kuha" saad ko with sama ng loob. Ngayon na nga lang ako bumaba papuntang cafeteria, naburautan pa ng ulam. "Yiieee, ang bait mo talaga." Tsk. "Ayiiiieee, napaka buraot mo talaga." Tinitigan niya ako ng masama pagkatapos kong sabihin iyon. "Oh!" Ano? May reklamo ka? Totoo naman kasi! "Ano? Papalag ka?" Tumayo ako at humarap sa kaniya na para bang naghahamon ako ng suntukan. Nilakipan ko pa ang mga mata ko na mala Padre Salvi ang dating. Pero syempre, hindi puyat. "Ano? Ano? Papalag ka? Huh?" Saad ko pa. "Hinde. Sabi ko nga hindi." Napangiti na lang ito na para bang plastik. Bwahaha. "Very good." Then, I tapped her head as she's like a puppy. Cute mo, ante. Pero what if try natin 'yon? 'Yung ipapakita ni Quinny? What if lang naman i-try lang natin. Nagkaroon ng kaunting katahimikan — kumbaga, wala talagang nagsasalita sa aming dalawa — pero maraming maiingay sa paligid. Included na rito ang mga mag-aaral na bumili ng makakain nila sa student lounge's store. Naisipan kong putulin ang tahimik na mayroon sa pagitan namin ni Quinny. "By the way...", napatingin naman si Quinny sa akin nang kumot noo. "Ano 'yun?", saad niya. "Ipakita mo sa akin kung saan 'yon." Wala, eh. Na-curious ako bigla sa lugar kung saan niya ako ipakikilala. "Alin?" "'Yung sinabi mo sa akin kanina?" Tiningnan ko siya nang matagal dahil sa ganoon pa rin ang reaksyon niya. Mukhang hindi niya alam ang gusto kong sabihin. Ilang minuto siyang naging slow — ilang minuto siyang nakatulala sa akin na para bang wala talaga siyang alam sa gusto kong iparating. Hanggang sa nakita ko siyang nanlaki ang mga mata at ngumiti nang nakaloloko. "Mag jojowa ka na?!" Sigaw niyang banggit dahilan kaya nagsilingunan ang mga tao. Hindi naman lahat, pero marami-rami rin. Basta may lumingon. Siguro, nga ⅔ ng ng mga estudyante sa student lounge ang nakalingon sa amin. Agad ko namang sinabihang manahimik si Quinny, na nakangiti ngayon at nagmamala kiti-kiti sa kilig na naramdaman niya. " Ano ka ba? Hindi 'no!" Bulong ko sa kaniya. Nawala naman ang ngiti niya kanina at ang excitement na naramdaman niya. Napalitan ito ng simangot na may halong mukha ng inosenteng bata na naghahanap ng mga sagot sa katanungan nito. "Eh, ano?" "Maghahanap ng kasuntukan sa kanto. Mag-aabangan kami sa kanto. Sakto rin na may pina-order ako kay Aliah na penknife. Magagamit ko 'yun panaksak." Sinamaan naman ako ni Quinny ng tingin. "Baliw ka talaga." Bakit? Ang boring kaya. Nananahimik lang ako sa bahay tapos, nanonood ng wrestling. Pshh boring. "Baliw kay Brent. Hahahaa awiiee hahaha" dagdag niya na ikinangiti ko. Perengtenge nemen 'te. "Kilig ka naman?" Opkors hahaha. Ewan ko kung bakit ako kinikilig sa ganoong bagay. Simpleng asar lang then, kikiligin ako — basta kay Brent. "Sino bang hindi?" Tanong ko sa kaniya. "Sabagay..." Huh? "Anong sabagay?" "Sabagay. Sino bang hindi kikiligin, eh, nasa likod mo si Brent? Kanina pa siya nandiyan, nakatitig sa 'yo." Loh. Huh? Wait, nakatitig? "Weh?" Hindi ako makapaniwalang nakatingin kay Quinny at sumusunod ng kutsarang may lamang kanin. "Oo nga! Lingon ka." Sinunod ko naman ang sinabi niya. Dahan-dahan ako napalingon. Feeling ko kasi, prank lang at kapag lumingon ako, biglang may manggugulat sa akin. Pero...totoo nga! Nandito si Brent at nakatingin sa akin. Ibig sabihin no'n narinig niya pinagsasasabi ko? Wadahek? "O-oh... B-b-brent..." "Pwede ba akong makitabi?" Saan? Sa pagtulog? De joke lang. Ow! Bad, Satana! Bad! "P-p-pw-pwede." utal kong sagot at napausod na lang ng pwesto. "Salamat..." Then i feel something on my face. I feel like, I'm blushing. Alam naman kasi ni Brent na may gusto ako sa kaniya. Opo, alam niya. Umamin ako sa kaniya after isigaw ng girl friend niya na may gusto ako kay Brent. Friend na girl. "Pst... " Nilingon ko si Quinny sa tabi ko. I saw her winked and smiled at me. Hoi! hahhaa mas kinikilig ka pa sa akin ah. She also mouthed 'ayiieee'. Hindi naman ako kinikilig, eh. Mga 927728181730 % lang. Hahaha. "Alis pala muna ako Satana, ah. Babalik ako kina Jane. Bye!" Huy! Hala ka! Quinny! "Huy! Sama ako!" Tatayo na sana ako sa kinauupuan ko nang bigla akong pigilan ni Quinny. "D'yan ka na muna. May pag-uusapan lang kami nila Clarisa. Saglit lang naman 'to, eh." Ano ba 'yan! Nakakainis! Nang-iiwan ka na! Gan'yanan na pala ah! 'Di mo na ako lab! Charot. Ba't ba kasi kailangan mo akong iwanan dito! Alam mo namang hindi ako marunong makipag-usap lalo na pagdating sa kaniya, eh. "A-ah s-sa-sama a-" "Iiwanan mo ko dito?" Pagputol ni Brent sa sasabihin ko kay Quinny. Ayoko namang iwan 'to dito. 'Di nga ako marunong mang-iwan e tapos, iiwanan kita rito? Makapagsabi naman 'to ng iiwanan, kala mo naman nasa bokabularyo ko 'yun? Ikaw nga hindi marunong mangcrush back, eh. "P-pw-pwede na-namang sila Harry na lang kasama mo, di 'ba?" Hehe. May kaibigan naman 'to, ah. Bakit 'di ka sumama sa kanila? Ma-issue pa tayo rito, eh. Or ako lang talaga ang ma-issue? "Ahh, hindi raw sila kakain." Ay gano'n? Kaya pala. "Nagugutom na ako kaya bumaba na rin ako. Wala naman ako ibang mga kaibigan dito, eh. Saka pwede na rin naman nating pag-usapan 'yung tungkol sa project natin sa science." Project? Anong project? Wala namang sinabi kanina, ah. "M-meron?" "Oo, nasa labas na kayo no'ng nag-announce si sir Jerome patungkol doon. Ikaw 'yung napili naming leader ni Harry." Ako?! Wadahek?! Ang hina-hina ko sa science tapos, ako pinili niyo? Ay wow. "Sana, pagiging leader na lang ako sa buhay mo para palagi akong piliin — charot." "Hala kayo?! Ako?! Hindi naman ako 'yung leader, eh! Di 'ba si Harry 'yun! 'Yung pinsan mo?!" "Oo nga, nagpaalam din siya kay sir kanina. Ikaw na lang daw leader ng group natin." To be honest, gusto ko talagang maging leader. As a perfectionist and judgemental, ayokong ma-mali-mali ang ginagawa ng mga ka-grupo ko. And since perfectionist and judgemental nga ako, at the same time, kung ako ang magiging leader at katamaran ang ipinapakita nila sa akin, ay aba! Ako na lang ang gagawa. Hehe. Pero sa lahat-lahat ng subject na meron, bakit science pa? "Mahina ako sa science. Ikaw mas matalino sa atin. Bakit hindi na lang Ikaw?" "Ayoko din, eh. Alangan namang sina Paul saka si Nicki ang maging leader; ayaw din nila, saka hindi marunong mag-lead ang mga 'yon." Ano ba 'yan! 'Yan ang pinaka ayaw ko, eh. Nagdedesisyon kayo nang wala ako! Kainis. Dahil nga sa inis ko ay konti na lang ay sumabog ang ulo ko. Nakakainis naman kasi talaga. Ikaw kaya nasa posisyon ko, matutuwa ka? "A-ayoko din e." Ayoko. As in hundred percent, A.YO.KO. Paano ako makakapag-lead nito? Ni-matter sa science nakalimutan ko na — kahit… ano nga ulit 'yun? Tatlo raw, eh. Wait… ahm… wait! Nakalimutan ko n—ah! Solid, liquid and gas! "P-pa-pa'no na 'yan? Nasabi na namin kay sir." Hasyt. Napasapo na lang ako ng mukha ko. Nawalan ako bigla ng gana nang ako na pala ang leader ng grupo namin. Hindi man lang nagsasabi na papalitan. Automatic, bagsak kami nito. "Naku naman..." "Pero, pwede naman kitang tulungan sa pag-li-lead. Kung sakaling wala kang maintindihan o kaya kailangan lang i-excuse kasi nga, di 'ba part ka... ahm… member ka ng mga arnisador? Ako na lang assistant mo... partner, gan'yan." h-h-ha-ha? P-p-pa— "P-p-pa-part-partner?" "Sa science." sa science lang? Ehe. "Okay, sa science hehe" "Alam kong iba ang iniisip mo sa word na partner kaya nilinaw ko lang na sa science ang ibig kong sabihin." Ang tawag diyan, awts peyn. "Alam ko hehe." Ahh kawawa naman ako. Hindi na crushback. Pero oks lang 'yan, marami naman kami, eh. Hahaha. "Paano ba 'yan, tapos na ako kumain. Ihahatid ko na 'to tapos, akyat na ako. Maiwan na kita rito." Sabi ko sa kaniya. Tatayo na sana ako para ihatid ang plato na ginamit sa pagkain ko sa canteen nang bigla siyang nagsalita't dahilan ng pagkahinto ko. "Saglit, intayin mo ko. Sasabay na ako sa 'yo." Sabay saan? Hahahah charot lang. Kung anu-ano iniisip, eh. "Sharala-la-la-la-la~" "Bilisan mo na riyan." Oo nga, bilis pa. Hahaha. "Wait. Ito na nga, eh." "Oh tubig." Mukha kasing uhaw ka na, eh — sa pag-ibig ko — charot. "Salamat" I love u, too. Ayiiiee yuck. Nandidiri ako. "Konti na lang 'yan kasi ininuman ko na." Indirect kiss 'yarn? Hahaha itatabi ko lang 'yang bote na 'yan tapos, ilalagay ko sa may kwarto ko. Hahaha Mukha naman akong baliw sa kaniya. Kaso mas nagmumukha akong creepy-girl na obsessed sa lalaking 'to. "Oks lang" Okay, sabi mo, eh. "Tara na." Tara na, pasakal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD