Ikaapat na kabanata : ESP Time!

2662 Words
Satana's P.O.V "Nandirito na ba ang lahat?" Sigaw ni Mrs. Mika sa room. Oo, nababasa niyo? M-R-S - Misis. Yes. Misis na si Mrs. Mika pero 23 pa lang — Mrs. Mika Lauren Rosa — ganda nga niya, sobra! Tapos, shini-ship namin siya sa T.L.E. teacher namin na si Mr. Scorp — kahit na may asawa na si ma'am. Bagay naman kasi talaga sila: gwapo si sir at maganda si ma'am; matalino't mabait pa sila pareho. Sila rin 'yung tinatawag naming parent-teacher. Si ma'am, nanay namin na sweet at masiyahin; tapos, si sir na strict na may matatamis na ngiti. Scorpio Agnas — name ng T.L.E. teacher namin. Gwapo niya, tangkad tapos, friendly din. Binansagan siyang campus' crush kasi halos lahat ng mga naroon ay naa-attract sa kaniya. He's also our advisery class's teacher at syempre, isa sa aming subject teacher na kanina ko pa sinasabi, which is T.L.E. — Technology and livelihood education. Palagi niya kaming inaalagaan kahit na adviser lang namin siya. He's also strict, lalo na sa mga babae. Ayaw niya ng may jowa ang mga babae rito sa room na taga ibang section nor nasa loob nitong school. Kapag mag-jo-jowa raw kami ay kailangan naming ipakilala sa kaniya — kahit hindi raw namin siya totoong ama ay siya raw ang magpapakaama sa amin. Hindi raw niya sasabihin sa parents namin, basta ile-legal sa kaniya 'yung lalaking 'yon. "Yes ma'am." Sagot namin kay ma'am Mika sa kaniyang tanong kanina. "Okay, before we start our lesson — Jane?" "Yes po, ma'am?" "Kindly lead the prayer, please?" Agad namang nagsitawanan ang mga kaklase namin, lalong-lalo na ang nga nasa likod — mga lalake, to be specific. "Of course ma'am! Ay hehehe." "So, let's bow our head and feel the presence of our Lord. Lord, thank you for this wonderful day…" huminto bigla si Jane sa pag-li-lead ng prayer. Agad namang nagsitingalaan ang mga kaklase ko at halata sa mga mukha nila ang pagtataka. Anong meron? "ahm... Ma'am?" "Yes, 'nak?" "Ma'am, tagalog na lang po? Pwede po?" Pwede naman 'yan kahit ano. Ang importante ay ma-blessed tayo after. "No problem. Magtagalog ka. It's a prayer, so just make sure na bukal sa loob 'yan." "Yes po ma'am. So, guys! Attention please! Ipagpapatuloy ko na po ang naudlot na pagdarasal. Amen?" "Amen!" "Huy!" Saway sa amin ni ma'am at nagpailing-iling siya sa ginawa ng mga kaklase ko. Napatawa na lang ako nang mahina dahil sa pinaggagagawa nila. "Iyuko ang ating ulo — ulit — at pakiramdaman na nasa tabi natin ang Panginoon. Lord, thank you sa lahat ng blessing na ibinigay mo this day. Bigyan mo po kami ng talino para maisagot namin ang mga tanong ni ma'am. Sobrang saya po ng aming araw at sana'y maging masaya pa. Patawarin mo po kami sa mga kasalanang nagawa namin ngayong araw. Mananatili kaming sa iyo, mananatiling ikaw ang makapangyarihan sa lahat ng makapangyarihan at patuloy ka naming mamahalin, sa ngalan ng ama at ng iyong ipinadalang bugtong na anak, aming Panginoon, Amen." "Amen!" Sigaw ng mga lalaki sa likod, na sa sobrang mahal ang Diyos ay isinisigaw na ang Amen. Para raw rinig. "Huy, tama na. Haha!" Saway ni ma'am. "So, hi, alam kong kilala niyo na ako lalo na't ako ang E.S.P. teacher niyo haha. Kamusta ang bagyo?" Tanong ni ma'am sa amin na ikina-react naman ni Jane. Nakita ko rin siyang naka-pout na para bang gusto ng lambing. Iw! Mukha siyang bibe riyan. Pa-cute, amp. Pero 'wag kang mag-alala, maganda ka pa rin. "Ma'am, bakit ang bagyo po ang kinamusta niyo, hindi kami? Ma'am nakakatampo ka po. Hmp!" Pagtatampo ni Jane kay ma'am. Ni-pinagkrus niya pa ang kaniyang mga braso para ipakitang nagtatampo talaga siya. Ikinatawa naman ito ng mga kaklase ko. Kahit ang dalawang babaeng katabi niya na sina Clarisa at Quinny ay nahihiya na sa ginagawa niya. "Hahaha. Hoy! Jane, 'nak. Kinamusta ko ang bagyo, at kung magsalita man siya, sana ang sabihin niya sa akin ay 'wag na siyang maninira ng mga bahay, okay?" Yun naman pala, eh. May pa tampo-tampo pang nalalaman. Pasuyo ka sa jowa mo. Tutal, meron ka naman no'n. "So , kamusta kayo? Oh ayan na Jane, ah hahaha. "Ayiee! I love you po, ma'am!" Sigaw niya sa loob ng klase. Napasapo na lang ako ng mukha ako dahil sa kahihiyan na ginagawa ni Jane — ang mga katabi niya? Ganoon din ang reaksyon. Napayuko na lang din si Clarisa dahil sa hindi na niya kinaya. Para siyang umiiyak na tumatawa dahil sa kahihiyan. "Hahaha thank you." Sagot naman ni ma'am sa kaklase ko na bigla namang ngumusl ulit. "Ma'am, nagtatampo ako. Bakit 'thank you' lang?" Hay na'ko, Jane. Sa dami-raming pwedeng pagtampuhan, si ma'am pa talaga? "Di 'ba may jowa ka? Pasuyo ka do'n saka sa kaniya ka manghingi ng 3 words na gusto mong matanggap." Napailing na lang si ma'am sa ibinahaging mga salita ng isa sa mga kaklase ko. "Oo nga! Hahaha!" Sigaw ng mga tao sa room. Totoo naman kasi, bakit hindi siya magpasuyo sa jowa niya? "Okay. Hahaha kamusta kayo?" "Okay naman po ma'am." Reply ng mga kaklase ko. "Nilamig ba kayo? Jane? Hahaha!" Alin ba ang nilamig? "Sino ma'am nilamig?" Ikaw daw, ikaw nga tinatanong, eh. "Nilamig ba kako kayo habang bumabagyo? Di 'ba, pangyayari 'yon? Bakit sino ang tanong mo?" "Ay akala ko ma'am mag-jowa ang tinutukoy niyo hahahah" "'Yan puro ka jowa." Yan! Kasi! Puro jowa! "Yan! Haha!" Sigaw ng mga lalaki sa likod na dahilan na mas matawa pa si ma'am lalo. "Shutap! Haha!" Sigaw ni Jane at tinarayan niya ang mga boys sa likod. "Hahaha. Sige na at magtuturo na ako." … "So our lesson for today is pakikipag-kapwa. Ano sa tingin ninyo ang pakikipag kapwa? I'll count your participation, recitation, cooperation as part of your performance." Ano ba 'yun? Nagtaas ng kamay si Leo at siya naman ang napiling sumagot. Tumayo siya't nagkamot ng kaniyang ulo na parang hindi siya sigurado sa isasagot niya. "Pakikipag komunikasyon nang tama?" Hindi niya siguradong sagot kay ma'am. Napangiti rin siya nang may halong hiya kaya napangiti naman si ma'am na parang sumesenyas na ayos lang na magkamali OR ayos lang kung susubukan. "Paanong tama?" Mas nanginig pa lalo si Leo sa tanong ni ma'am. Pati ako kakabahan diyan, eh. May pa follow-up question after ng isa. "Pakikipag ugnayan na may respeto at pagmamahal." "Okay, very good. Ito ay pakikipag ugnayan ng dalawa o higit pang tao na may halong pagmamahal, respeto sa isa't isa. Dito sa pakikipagkapwa na ito ay kailangan ng birtud ng katarungan at pagmamahal sa pagpapatatag ng pakikipagkapwa. In english, Virtue of justice and charity. Nag tetake down notes ba kayo?" Ay, kailangan po ba ma'am mag take down? Ang ganda ng pakikinig ko, eh. Kailangan pala no'n? Ay, ako, malamang sa malamang, need ko 'to. Makalilimutin ako, eh. Agad na kaming nagsikilos na kumuha ng notebook at isulat ang mga nailabas na salita ni ma'am kanina. Ano raw ulit 'yon? Virtue of ano? Search ko na lang mamaya pag-uwi. 'Virtue of ----- (birtud na Kailangan sa pakikipagkapwa.)' — 'yan ang isinulat ko. Nakalimutan ko, eh. "Hay nako... so, ano nga ba ulit ang birtud na sa tagalog ay virtue, anyone?" Oops...yumuko ako at kunwaring nagsusulat para hindi ako matawag. May na-takedown naman ako tungkol sa birtud na 'yan, sadyang hindi lang ako nagre-review. "Pagiging malakas at matatag." Okay, auto sulat. "Okay, thank you. Sino pala 'yung sumagot?" "Si Mica po." "Okay, thank you Mica." "Ano pala ulit ang dalawang uri ng birtud? Ang clue natin ay IQ and EQ." Ano 'yung EQ? IQ lang ang "Ma'am! Ma'am!" "Okay , Jane." "Hahah oh my gosh hahah ako ang natawag." "Intelektwal at Moral na Birtud po ma'am." Wow. Ang gagaling niyo naman. Sana matalas din ang memorya ko kagaya nila. Haystt. "Okay, tama! Intelektwal at Moral. Thank you Mrs. Lapiz." Ani ni ma'am kay Jane na ikina-react naman naming lahat. Mrs. Lapiz? Di 'ba — oh…okay. "Ay sana ol/Ayiiieee yuck!/Ay Misis pala!/Hahahaha mag bibreak din kayo!" Ba't alam nila na may karelasyon na si Jane? Sinabi kaya ito ni sir sa kaniya? 'Hayst. Wait nga lang, isusulat ko lang 'to nang kahit papaano'y maalala ko 'yung mga pinagsasasabi nila.' "Ay, ma'am? Ba't ka naman gan'yan? Ehe. Haha!" "Umupo ka na. So, let's go back to our main topic. Naaapektuhan din ng pakikipagkapwa ang mga tao sa ating paligid at naaapektuhan din nila tayo lalo na at tayo ay nagkakaroon ng ugnayan. Naintindihan ba?" Opo! Wait, mag tetakedown notes ako. Baka kasi makalimutan ko tapos bigla akong tawagin ni ma'am. "Opo!" "Okay... mayroong aspekto ang pakikipag-ugnayan sa kapwa — aspektong intelektwal, pangkabuhayan, pampolitikal, at panlipunan." Aspektong intelektuwal, pangkabuhayan, pap- wait. Mali 'yung sulat. Pampolitikal tapos, pan... panlipunan. Okay next na. "Ang aspektong intelektuwal — syempre, from the word itself INTELEKTWAL nakabase siya sa pag-iisip. Daragdagan nito ang iyong kaalaman, kakayahan, mapapaunlad din ang iyong kakayahang mag-isip, maging malikhain at ang mangatwiran. Halimbawa nito ay ang pag-unawa sa mga sinasabi ng iyong kausap o kaya'y mga bagay sa paligid mo. Katulad ng mga taong nagkakaroon ng problema tapos, ikaw ang napili nilang mag aadvise, sa pakikipagugnayan mong iyon ay magkakaroon ka ng kakayahan sa pag-unawa ng mga bagay na kagaya no'n. Mauunawaan mo ang nangyayari sa kaniya, nauunawaan mo 'yung problema na meron siya," Advise na nasayang kasi ang rupok. "okay?" Yes po ma'am. "Parang sa pag-unawa nagkakaroon ng malalalim na komunikasyon saka nagkakaroon ng malalalim na ideya? Gano'n po ba ma'am?" Ahhh wait, take down ko rin 'to. "Yes, gano'n na nga. Next na tayo?" "Yes po!" "Sa aspektong pangkabuhayan naman tayo. Ito naman ang kaalaman at kakayahang matugunan ang pangangailangan sa sarili at sa kapwa mo. Ano siya... ahm... maaaring materyal, trabaho o ano mang uri ng pagbuhay — mga bagay na kailangan para sa pangkabuhayan. Halimbawa na lang dito ay ang pagtatrabaho; syempre, kailangan talaga natin 'yan tapos, ng... pagtitipid, pwede rin 'yan." "Kakayahang magtanim po ma'am para may pangkain saka mabuhay nang matagal." Oo, saka makakatulong din ito sa iba. Bibili sila sa 'yo o kaya kapag nagtanim ka ng puno ng malungggay, puputulin nila 'yung sanga. "Yes, correct, pwede rin iyon. Naintindihan ba? Ang aspektong pangkabuhayan ay tumutukoy sa pangangailangan o kakayahang matugunan ang pangangailangan ng sarili at kapwa, okay?" "Yes po! Next na ma'am!" Ang excited naman nito ni Leo. Parang kanina lang, eh. "Oh, sige po. haha. Next natin ay ang aspektong pampolitikal, Ano sa tingin niyo ito?" "Ma'am!" Sigaw ni Kaye "Yes, Ms. Lorecia?" "Siguro po, ito po 'yung tungkol sa mga isyu na may kinalaman sa batas?" "Batas saan?" Sa classroom may batas sabi ni Kim. "Sa bansa po. Mga batas at alituntunin na ginawa ng mga gobyerno." "Okay, very good. Ito ay ang kaalaman at kakayahang makibahagi sa pagbuo at pagtamo ng makatao at makatarungang lipunan." "Pagsunod sa mga batas, ma'am?" "Yes, pagsunod sa mga batas. Basta, kapag sinabing pampolitikal — syempre, from the word politikal — konektado ito sa mga batas, gobyerno, at mga politiko. "Okay last naman tayo. Sa aspektong panlipunan naman. Ito ang mga kaalaman at kakayahang matugunan ang pangangailangan ng kapwa." "Ma'am, hindi po ba gan'yan din 'yung sa may pangkabuhayan po?" Tanong ni Jane. Oo nga, parang magkapareha lang. Pa'no 'yun? "Yes, pero ang sa pangkabuhayan ay para sa iyo at sa kapwa, ang sa panlipunan ay para sa kapwa lamang. Halimbawa nito ay… 'di ba, nasusunog ang bahay nila, so ito ang aspektong panlipunan na makakapag tugon sa pangangailangan ng kapwa mo. Isa pa, binagyo sila. Wala na silang natirang gamit o mga pangangailangan kaya nagdonate ka , bale dito ka na nakapagtugon sa pangangailangan nila." ahh! Okay, gets ko na then, makakalimutan ko ulit. "Ahhhh...." "Okay na?" "Opo!!" "Magtatanong muna ako tapos, may ipapakopya ako sa inyo. Wala kasi kayong mga aklat kaya papakopyahin ko na lang kayo about sa lesson natin for today." Magtatanong? Hala! Wait, review-hin ko muna 'yung mga naisulat ko! Wait, ma'am! 'Wag mo akong tawagin, please! "Here's my question. Ano ang Aspektong panlipunan?" Huhu! Recitation na. Babasahin ko na ulit 'yung mga natakedown ko. Sana makasagot ako. "Yes, Mr. Agila?" Tawag ni ma'am sa isa kong kaklaseng nagtaas ng kamay. Sana ol talaga! "Kakayahang matugunan ang pangangailangan ng kapwa." "Okay. Thank you, Christian. How about Satana, ano ang aspektong pangkabuhayan?" Holy sh — gagix ako na! Uy! Hala! Wait lang nagulat ako hahaha. Tumayo ako at tumayo nang tuwid. Huminga muna ako nang malalim dahil sa kaba ko. Straight body, mukhang confident, pero masisira lang kasi mauutal. Kainis! "Ahmm... kaalaman at kakayahang m-ma-matugunan ang pangangailangan ng s-sarili at kap-wa." Hehe "Iha, practice ka mag-public speak para hindi ka na mautal-utal. Practice ka para mag improve ang speaking skills mo," Hoo... pero tama naman di 'ba? 'Yung sagot ko? Tama naman di 'ba? "and by the way, tama ang sagot mo." Ngumiti si ma'am. Oh my gosh! Tama ako! Hahaha! Tama! Napangiti na lang din ako kay ma'am at patango-tangong umupo. Sige po, ma'am. Since tama ang sagot ko, mag-aaral ako ng public speaking. "O-opo, m-ma'am." Hoo... buti naman at makakapagrelax na ulit ako. Chineck ko ang t***k ng puso ko at mabilis an pagtibok nito. Masyado yata akong kinabahan kaya nagkagayon. "Okay, let's go to Reynaldo? Am i right? " "Renaldo po ma'am." "Ah.. sorry, Renaldo pala. Ano ang birtud?" "Ay..." hahahaa gagix hahaha "May reklamo ka? " "Wala po ma'am haha. Ang birtud po ay… pagiging malakas at pagiging matapang — pagiging tao?" "Matatag po, pero sige. Matapang? I think, pwede na? But matatag is the proper word to describe the virtue. You may now sit down." "Ano ang pakikipagkapwa? Yes... Mr. Young." "Ugnayan with love —" ay wow with love. "Ay wow hahaha anong klaseng ugnayan ba 'yan?" Tanong ni Jane kay Julio. "Huy! " "Hahaha wait lang po, ma'am. Hindi pa po tapos ang aking answer. " "Oh, sige. Continue. " Then, she let Julio to continue his spokening dollars. Hahaha, ano bang english ng pagsagot? Answering? "Thank you for that wonderful question. I believe, ito ay uri ng komunikasyon. I believe, this is a morality, " beauty Queen yarn? "Ay wow, morality." "yahhh! and i believe that this is communication or ugnayan with love and respect to each other, and i, thanks guys!" "Ay hahaha." "Okay, maraming maraming salamat contestant number 4 haha." "Thank you, too, ma'am. Ehe" "So, ano naman ang pampolitikal na aspekto?" "Pagbuo at pagtamo ng makataong lipunan." "Great job, section Picasso! Let's Continue. Question pa rin ito ah. Last na rin naman then, may ipapakopya na lang ako sa inyo dahil sa kaunti na lang ang time natin." Awiiiee na Great job na naman po tayo hahahah. "Paano mo masasabi na ang tao ay isang panlipunang nilalang?" Sa paglutas ng problema ng ibang tao para sa kanila lamang? 'Di ko sure pero sana tama. "Kapag ang tao ay tumulong sa iba nang walang kapalit at nagiging mabuti tayo sa ibang tao kahit na hindi sila mabuti sa atin para sa ikabubuti at ikapapayapa ng ating lipunan." Oh, parang gano'n na rin naman ang sagot ko, 'di ba? "Okay! Thank you. Kasasabi nga lang natin na?" Na? "Ang aspektong panlipunan ay ang pagtugon sa pangangailangan ng?" "Kapwa!" "Okay! Very good. So, copy niyo na lang ito and continue na lang natin sa Thursday. Baka kasi kapag pinagsabay ko ang pagtuturo tapos, nagsusulat kayo, parang wala akong kausap. So, copy this and let's cntinue our lesson on Thursday." Nagsimula nang ipakopya ni ma'am ang dapat naming isulat. Nagsimula na ring mag-ingay ang mga kaklase ko dahil sa sulat na lang naman ang gagawin namin. Alam niyo 'yung pinaka masayang part ng Section namin? Iyon ay ang mga subject teacher namin na nagsasabing best kami. Sila lang ang nakakaintindi sa section namin. Some of the teachers — some, ha, some lang — dito ay kino-compare kami palagi sa ibang section. Ganoon na nga lang kami magsaya kasi kami palagi ang nakakakuha ng ganoong comment tapos, iko-compare pa kami? Hayst.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD