MARAMING subject na ang dumaan. Mahirap intindihin pero kinaya ko naman. History ang pinakakinahihinaan ko kaya sinubukan kong intindihin at hanggang ngayon, iniintindi ko pa rin.
History ang pinakakinahihinaan ko sa lahat pati politics. Kaya 'yung mga pinag-aralan noong elementary pa lang ako? Limot na limot ko na. Ni hindi ko nga alam kung sino ang sumunod na naging presidente pagkatapos ni Aguinaldo, eh.
Ang alam ko lang na naging presidente, si Aguinaldo, si Marcos, Aquino, Arroyo, Erap, Hahaha di ko sure. Si ano pa si Ninoy , Cory ayon... Aquino tapos, si Duterte. 'Yun lang, hindi ko rin alam kung anong taon sila naging presidente kaya wala akong alam.
'Wag niyo 'kong kausapin tungkol diyan kasi wala akong maisasagot. Bigyan niyo muna ako ng data — ng load para masagot ko 'yang tanong niyo.
Science and math ang pinaka focus ko e. 'Yun din ang mga pinaka paborito kong subject kaya mas magpo-focus ako sa subject na 'yan. Alam kong dapat na pinagbibigyan ko ng focus ay 'yung mga subject na mahina ako. Wala e , ka-boring.
~~~~Sorry na~~~~
Nandirito ako sa loob ng basketball court — sa may entrance ng basketball court, to be specific. Nagse-cellphone lang ako. Naka-earphones at naghahanap din ako ng mababasa, mga bago na science fiction and History Fiction na stories sa w*****d.
Wattpad ang naging libangan ko, ever since binilhan ako ng tatay ko ng cellphone at in-introduce ng mga kaibigan ko ang w*****d sa akin. Nawalan ako ng time sa f*******: Kaya hindi na ako updated sa nangyayari ngayon sa paligid. Maski issue ng mga artista, hindi ko na rin alam.
Sinabi ko kanina na mahina ako sa history and politics, pero when it comes to fictional stories, I'm into Scific and HistoFic stories.
Napahinto ako nang marinig kong may tumatawag sa akin. Babae ang boses niya at sure ako na isa siya sa mga kaibigan ko. "Satana!" Oh di 'ba. Isa siya sa mga kaibigan ko. Hahaha
"Uy bes, sali ka na," salubong sa akin ni Quinny. Sali saan naman? Baka mapahamak lang ako kapag sumali ako riyan.
"Saan naman?"
"sali ka sa amin sa pekeng mundo." Agad na napangiti ang kaibigan kong ito dahil sa sinabi nito na dahilan pa na mas lumawak pa ang aking kyuryosidad patungkol sa pekeng mundo na kaniyang sinasabi.
"Sasakay tayo ng spaceship?" Tanong ko sa kaniya na dahilan para kumunot ang aking noo. Malay ko ba kung anong tinutukoy niya at kung need pang sumakay ng spaceship kasi mukha siyang rosas.
"Buang! Hindi!" Sigaw na may halong tawa pagkabanggit ng kaibigan ko. "Eh sabi mo pupuntang ibang mundo? May iba pa bang mundo maliban sa earth?"
"Hindi tayo sasakay ng spaceship, okay?" Paano naman tayo makakapunta sa mundong tinutukoy mo kung wala tayong sasakyan? Lilipad ba?
"Ahhh! So, mamamasahe lang tayo? Magkano naman 'yung pamasahe? Tricycle lang ba sasakyan natin o sasakay din tayo ng jeep? Bus?" Sorry na talaga bes. Saan ba kasi 'yon?
"Wala tayong sasakyan, okay?" Eh? Paano?
"Huh? Eh pa'no tayo makakapunta sa pekeng mundo na sinasabi mo?" Magteteleport tayo? Paano? Dive? Galing sa Pilipinas tapos lalangoy sa Pacific Ocean then, puntang Bermuda triangle? Hala! Hindi ako marunong lumangoy!
"Gamit lang ang internet" Ay wow naman. Internet? Paano naman 'yun? "Internet? Cellphone? Ganon? So mag gagrab tayo?" Or kung hindi grab. Wait... grab? Ay, oo, grab - taxi. Kung hindi grab? Papasok tayo ng cellphone? Paano naman 'yun?
"Wala nga tayong sasakyan. Hindi mo ba
maintindihan 'yon?" Ay! Sorry, ha? Wala kasi akong alam, e.
"Aba! Ewan ko ba kung anong pekeng Mundo ba 'yung tinutukoy mo!" Ano ba kasi 'yang pekeng mundong 'yan?!
"Magkakajowa ka rin dito." Jowa? Kasasabi ko lang kanina na ayaw ko magjowa tapos, bibigyan mo ako? Hindi nga naman makaintindi ang mga ito.
"Aanhin ko naman yan?"
"Jowa — syempre para 'di ka maiwan sa amin. Hahanapan na rin kita rito." Ahhh! ito 'yung tinutukoy niya kanina na isasama ako.
Wait... sa amin? Meron kang Jowa? Ay wow, naks! Kadiri naman!
"Aanhin ko ang lalaki kung mas lalaki pa ako sa kaniya?" Ye! At aanhin naman ako ng lalaki kung pwede namang solo na lang? Pwede naman sigurong maging single poreber, di'ba?
"Dali na kasi. Sali ka na, please." Bakit ba kasi?! Ang gusto ko ay kasuntukan, hindi 'yung lablayp.
'Di ko nga alam plano ko sa lablayp na iyan, e. Bakit pa kasi may gan'yan? Sino ba kasi nagpauso ng jowa-jowa na yan?
Ilang minuto ang lumipas ay napapaisip na lang ako ng "what if i-try ko?". Ayokong masaktan kaya ayoko talagang subukan ang bagay na ito. Takot ako sa commitment, kaya ayokong subukan. Ayokong makita ko ang sarili kong umiiyak dahil sa isang lalake na nanakit sa akin. Psshhh, ayoko. "Oo na, pa'no ba yan?" Pero, hayst, sige na nga. Napaka kulit.
Napansin ko namang ang taas ng talon ni Quinny. Para bang isa siyang bata na nahikayat niyang magawa ng ibang tao 'yung gusto niya, which is nakuha nga niya talaga.
Sumenyas siya na hihiramin niya ang cellphone ko, kinuha ko naman ang ito ko at ibinigay sa kaniya. Sumilip ako nang konti sa cellphone ko kung anong gagawin niya. Kita ko naman mula sa pwesto ko na binuksan niya ang f*******: ko. Don't tell me makikipag-chat siya sa random guy then, sasabihin niyang hiwain ko sila?
Dahil sa pag-o-overthink ko ay nagbalak akong pigilan siya, pero hindi na natuloy dahil ipinunta niya sa menu at ni-log out niya ang account kong ginagamit ko sa acads. Wala naman akong ibang account kun'di 'yun lang, at nag-o-online lang ako dahil sa mga group chat.
Ibinigay niya na sa akin ang cellphone ko na ikinataka ko kung bakit naka-sign in ito. May account na ako, ba't nasa sign in 'yan? Hindi ba dapat ay nasa log-in 'yan?
"Gawa ka lang ng RPA" Ar-Pi-Ey? Ano na naman 'yan? New word? Kung anu-ano na lang talaga ang naiisip nitong babaeng 'to. Alam na ngang bago lang ako sa mundong sinasabi niya, magsasabi agad ng mga words na hindi ko naman maintindihan. "Ar-pi-ey?" Ano ba 'yan at paano ba gawin 'yan? "Oo, RPA" "R-P-A?"
"ANO BA KASI 'YUNG ARPIEY NA 'YAN?!" Mukha ba akong may alam diyan? Huh?! Ano ba~
"Role play account!" Ano ba kasi 'yon?!
Role play account? Asan ang Arpiey doon?
Arpiey… arpiey…ar— ahh! R-P-A! Abbreviation! Okay!
"Ano 'yun? Hehe." Tanong ko sa kaniya. Magsasabi-sabi ng kung anu-ano, wala naman akong alam diyan. "Gawa ka isa pang account tapos, mag-isip ka ng name mo. Dapat matatago ang identity mo sa account mong 'yon."
"Satana Jones Reyes Ocampo"
"Ibahin mo. 'Wag real name mo." Ba't? Pangalan lang naman ang alam sa akin, hindi ang buong pagkatao ko. Malay ba nilang demonyo 'yung kausap nila at hindi sumasanto ng mga santo.
"Akala ko ba—" Akala ko ba...
"Ibang pangalan."
"O-okay.
"Okay na."
"Anong name nilagay mo?" Tanong sa akin. Paano pa natatago ang identity ko kung sasabihin ko sa kaniya? 'Di ba ang nararapat na gawin at hindi sabihin sa kaniya? Oh? Ba't ko sasabihin? "Hellmon Infier."
"Ay wow taray ah. Ganda ng name. Saan mo naman nakuha 'yan?" Sa utak ko, syempre. Sabi mo mag isip, hindi kumuha. "Since demonyo mga kaibigan ko-"
"Anong demonyo?!" Ay? May reklamo ka, 'te? Bakit? Hindi ka ba part ng Demonyo Organization sa mundong 'to? Kasali kaya kayo doon. Oo, kayo lang, good girl ako, e. "Totoo naman di'ba?"
"Baliw ka talaga kahit kailan!" Yes! Ever since iniluwal ako ng nanay ko.
"So, since mga buang tsaka demonyo kayo, para sa akin lang, ah, Hellmon means Hell and DemOn kasi halos palagi niyong pinapakita na nasa impyerno ako tapos mga demonyo 'yung kasama ko. Kumbaga, parang ipinararanas niyo na sa akin ang free trial sa impyerno. Then, Infier from the word infierno — kasi ang hot ko — charot lang. Basta parang katulad lang din sa Hellmon 'yung meaning no'n"
"Lagyan mo rin ng fake profiles." Hindi ba ako makukulong sa ginagawa kong ito?
"Bakit kailangang fake? Kung pwede namang picture and profiles ko ang ilagay ko dito?"
"May picture ka bang matino?" Tanong niya sa akin. Hindi naman ako mahilig kumuha ang litrato. Kung kukuha man ako, gagawin ko lang itong katatawanan. Walang matinong pictures.
"W-wa-wala, p-pu-puro kabaliwan l-la-lang"
"Search ka sa Pinterest, marami do'n. Mag-add ka rin ng kung sinu-sinong roleplayer." Kung sinu-sino? As in kahit hindi ko kilala is i-aadd ko? Paano kung may masama pala silang intensyon? Paano kung may mangyari sa aking masama dahil doon. Kapag meron, ikaw ang sisisihin ko, Quinny.
Saka, ano nga ulit 'yun? "Roleplayer?" Ano na naman 'yun? "Ang dami mong tanong," aba'y! Syempre! Bago lang ako rito, kaya madali talaga akong tanong. Nakakita ka na ba ng beginner tapos, mas maraming alam sa 'yo kahit alam mong pro ka na? "Gawa ka na lang hahahha" naku-curious lang naman ako, e. Ayaw pang sagutin. Damot... hmp. "Okay , sabi mo eh"
"Ito ang tandaan mo 'Fake world, fake identities, fake love, fake feelings." Wait, what? Kung fake pala ang lahat, bakit kailangan ko pang gawin 'to kung hindi naman ako seseryosohin?
Kaya mas natatakot akong mag-commit, eh. Puro na lang pagpapanggap. "So, hindi talaga ako magkakajowa rito?" Hayst.
"Depende kung gusto rin ng lalaki na maging kayo in real life pero, if ever na ma-fall ka, talo ka" Oh? Pag nafall? Talo? May Prize? Ay wow naman. Ay sige bet ko 'to. May palaro pala dito e. "May premyo?"
"Gaga, wala yan hahaha," eh, ang sabi niya, “kapag nahulog ka, talo ka,” so there's a possibility na may premyo?
"O-o-okay" Ay... akala ko meron. Tsk.
"Ay, nandiyan na si mommy" napalingon kami sa may gate kung saan palaging nakapuwesto ang nanay niya. Nasa may tabi lang ng gate 'yung nanay niya: nakatayo at nag-se-cellphone. Hinihintay si Quinny.
"Ano na 'yung susunod kong gagawin?" Tanong ko sa kaniya. Hindi ko na alam gagawin ko. Paano ba 'to?
"QUINNY!" Rinig naming sigaw ng mudra niya galing sa may gate. Wait lang, 'wag ka munang umalis. Hindi ko alam ang gagawin ko!
"Bye na, bhie. Tawag na ako ni mommy. Chat mo na lang ako kapag may tanong ka. Magre-reply naman ako, eh. Bye!" agad na tumakbo si Quinny papunta sa kaniyang ina na naghihintay sa labas ng gate ng aming pinapasukang paaralan.
"Uy, wait!" Ano naman na ang gagawin ko? Anong next kong gagawin? Dios mio!
Nakagawa na ako ng account. Fake identities at saka naglagay din ng fake profile picture, nakapag-add na rin ako ng ibang roleplayer na sinasabi ni Quinny. 'Yun 'yung sabi niya, e. Ang mag-add ng random stranger na hindi mo alam kung kay magandang intensyon ba sa 'yo o wala.
Nagkaroon scroll na lang ako sa bago kong account nang biglang may nag-chat sa akin. Base sa profile niya ay gwapo. Medyo dark din ang color ng profile niya.
Inistalk ko muna siya at nakita ko sa may bio niya na “Navarro SBH • co-founder” then, sa ibaba no'n ay mayroon ding nakalagay na “kapag may butas, may papasukan,” oh tapos?
*Message request*
"S-si-si-si-no t-t-'to?" Sabi ko sa sarili ko. Wala na akong ibang masabi kung hindi ang isipin kung sino ito.
Medyo kinakabahan ako, baka kasi masamang tao 'to. Sana naman hindi. Kasi kung masamang tao ito — ay! Nako po! — baka may masamang mangyari sa akin. Huwag din naman sanang scammer ito, 'no? 'Yung nag-a-announce na nanalo ka raw sa random raffle ng mahigit kumulang, hindi mabilang na pera. Sana ol.
In-open ko ang message na iyon. At nakita ko ang message ng isang lalaki.
Jake Navarro:
Hi miss. Bago ka lang dito?
I'm Jake Navarro and I'm
from Navarro SBH.
SBH? Ang dami ko namang bagay na hindi ko alam haha. Late na late na ako. Pero hindi ko naman siguro kailangang alamin ang tungkol sa mga bagay na ito, 'no?
Hellmon Infier:
Saan? Saka ano 'yung SBH?
Hayst. Ang dami ko ngang mga bagay na hindi alam. Mukhang kailangan ko na alamin lahat ng mga bagay na tungkol dito. Baka kasi kapag May nag-chat sa akin ang mga kaibigan ko ay ganyan din ipagse-send nila sa akin, e.
Jake Navarro:
SBH means Sister-Brother Hood.
In my own definition, SBH or
Sister-Brother Hood is a group of
friends that treats you like a family.
Tsaka sa RPW 'yung tinutukoy
ko na bago ka lang
Ahh! Group of friends? Parang tropa lang, gano'n? Sister-Brother Hood? Siguro babae tapos, lalaki 'to. Sister tsaka Brother, e.
Hellmon Infier:
RPW?
Wala talaga akong alam huhuness
Jake Navarro:
Ahhh Role play world.
Hindi mo alam 'yon?
Kaya nga nagtatanong ako kung ano 'yun, e.
Hellmon Infier:
Ahh oo eh
Jake Navarro:
Hahaha halata nga.
BTW Can we be friends?
We can be friends but sabihin mo muna sa akin meaning ng BTW. Bakit kasi kailangang iletter letter pa? Pwede naman yatang i-kompleto na lang , di 'ba? Ay... tamad siguro 'tong magtype.
Hellmon Infier:
BTW?
Jake Navarro:
Hahaa *by the way*
ahh okay.
Hellary Infier:
Ahhh okay, pwede naman.
Hehe I'm Hellmon Infier,
BTW haha
Ano pa bang pwedeng sabihin dito? Hindi naman ako madaldal ih. Wala kong alam kung anong pag- uusapan, pero pwede naman patutor ako sa History hahaha.
Jake Navarro:
Paano ka nga pala
napasok dito sa RPW?
Gumawa ako ng account tapos naglagay ako ng fake identities and profile picture tapos, nakapasok na ako sa RPW.
Hellary Infier:
Inintroduce 'to ng kaibigan ko,
classmate ko, to be exact.
Jake Navarro:
Ahhh bakit? Para saan?
Hellary Infier:
Gustong gusto na kasi nila ako
magkajowa. Kaya inintroduce
'to ng kaibigan ko
Jake Navarro:
Hahaha so , pumayag ka rin kasi
gusto mo rin magkajowa?
Hellary Infier:
Sa totoo lang , hindi. Napilitan lang
ako sa kanila. Ilang beses ko na
silang sinabihan na ayoko nga
magkajowa pero pinipilit pa rin nila
ako. Nakakainis na nga, e.
Pero pagbigyan natin haha.
Infairness dito, ah. Ang daming tanong. Kapapasok ko lang sa RPW. May interview pala. Hindi ako informed at prepared.
Jake Navarro:
Hahah buti naman at
pumayag ka
Hindi, never. Papayag lang ako, pero hindi ako jojowa.
Hellary Infier:
Anong buti doon? Naistorbo nga
ako, e. Nagbabasa basa lang ako sa
wattpad ini-invite na ako rito. Akala
ko nga gagala kami, e, kasi sabi niya
may ipapakita raw siya.
Jake Navarro:
Someone actually message
me in RPW.
Tapos? Punta ka Pacific Ocean para malaman mo kung may pake ako. Sino ka ba?
Hellary Infier:
Oh tapos? Anong gagawin ko?
Jake Navarro:
Hahaha nothing.
Someone just introduce you to me.
Her name is Quinny Leona.
Quinny? Baka si Quinny Rifol 'to? Wait tanong ko na lang mamaya.
Hellary Infier:
Quinny Leona? Magkasing
pangalan sila ng friend ko.
Jake Navarro:
Friend sa RW?
Ano na namang letra 'yan?
Hellary Infier:
RW?
Jake Navarro:
Real world po. Real world,
sa tagalog - totoong Mundo.
Hellary Infier:
Kumbaga ito 'yung reality, gano'n?
'Yung parang ako na ako talaga?
Totoong pangalan, identities,
profile, gan'yan?
Jake Navarro:
Yup
Hellary Infier:
Ahhh okay.
Jake Navarro:
She actually introduced you
to me. Sabi niya message daw kita.
Para raw magkajowa ka.
HAHAHAHAHAHAHAHAH
Wadahek? Kailangan talaga no'n? Bakit ba kailangan ko na ba talaga magjowa kahit trese pa lang ako? Kailangan na ba talaga?
Hellary Infier:
Tsk. Mas excited pa sila magkaroon
ako ng jowa. Ni wala nga akong
plano nor alam kung anong mangyayari
sa lovelife ko tapos ... hay nako.
Jake Navarro:
Ahmm sige, log out muna ako.
Kailangan ako ng fam ko,
kakain na kami.
Bye.
Log out ka. Wala naman akong pake sa 'yo, e. Mabulunan ka sana.
•••
Hindi na ako nagreply, seen lang ang ibinalik ko sa kaniya. Nag-log-out na ako at minessage ko si Quinny kung siya ba 'yung Quinny Leona. Bago ko pa man buksan ang messenger ko ay may lumabas ang bubble chat ng messenger ko ay nakita ko ang mukha ni Quinny. Syempre, mukha ni Quinny 'yon kaya, si Quinny ang nag-chat.
Quinny Rifol:
Ano? May nagchat na ba sa 'yo?
Okay, siya nga si Quinny Leona. Nagtanong agad tungkol sa nag-chat sa akin, e.
Satana Jones Reyes Ocampo:
Oo.
Quinny Rifol:
Awiiiieee never 'yan nagkajowa,
alam mo ba 'yun?
Ay? Kailangan ko bang alamin tungkol sa kaniya?
Satana Jones Reyes Ocampo:
Pake ko?
Quinny Rifol:
Ay... may nakilala lang na BRP
tapos gan'yan na siya. Ayiiee!
Eh? Kahit naman hindi ko siya nakilala, hanggat nagmamadali kayo na magkaroon ako ng lovelife at the age of 13 ay mananatili akong ganito sa inyo.
Satana Jones Reyes Ocampo:
Ano ba 'yang letters na pinagsesend
niyo? Ano bang meaning niyan? Kung
ano anong letter na pinagsesend.
Ano ba 'yung BRP?
Hindi ba pwedeng sabihin mo muna sa akin lahat ng meaning ng mga letter letter na pinagsesend mo nang hindi na ako magtanong kung ano pa meaning no'n?
Quinny Rifol:
Boy Roleplayer
Satana Jones Reyes Ocampo:
Ano naman 'yun?
Quinny Rifol:
Di 'ba ang tawag sa atin Role
Player or RP'er
Tawag sa babaeng Rp'ier is Girl
Role player or GRP
sa mga lalaki naman na Roleplayer
is BRP.
Okay.
Satana Jones Reyes Ocampo:
Ahhh okay. Sige na uuwi na ako. Nandirito na sila kuya.
Oo, ngayon pa lang ako uuwi. Na flat na ang pwet ko kakaupo't hintay kila kuya Sandie at Simuel.
Quinny Rifol:
Ngayon ka pa lang uuwi?
Ay hindi, bukas pa po.
Satana Jones Reyes Ocampo:
Oo, e. Nagkasagutan na
naman daw sila kuya Simuel
ni Nicole Natividad. Ayaw
tantanan si kuya Simuel.
Gan'yan talaga 'yan. Hinding hindi titigil si Nicole kay kuya. Hanggat hindi niya nakukuha si kuya , mala-imbestigador ang tag line - hinding hindi ko kayo tatantanan!
Quinny Rifol:
Crush na crush niya
talaga ang kuya mo no?
Satana Jones Reyes Ocampo:
Obvious naman e.
Sige na bye.
Quinny Rifol:
Bye
chat kayo ah
hihihi
Hay nako. Bahala ka na riyan.