Satana's P.O.V.
"Oh kuya," salubong ko kina kuya ko sa may basketball court. 12:p.m. na at kanina pa pala kami hinihintay ni Kuya Samuel sa labas ng eskuwelahan. Pumunta na rin kami sa may labas ng eskuwelahan para salubungin si Kuya Samuel na kanina pa naghihintay. "Sorry, ngayon lang kami," saad ni kuya Simuel kay kuya Sam.
"Ayaw ka pa rin talaga tigilan kuya, ano?" Tanong ko kay kuya Simuel na nagpabalik ng inis niya sa mukha. Dapat pala hindi ko na tinanong.
"Oo, e. Nakakainis na nga, e." Halata sa boses nito ang inis. Nakita ko rin si Kuya Sandie na napatawa nang mahina. Nakita naman ito ni kuya Simuel kaya nanahimik na lang si kuya Sandie. Baka kung ano pa ang mangyari sa loob ng sasakyan ni kuya. Nang-aasar pa nga hahaha.
"Kuya, uwi na tayo. Nagugutom na rin ako, please?" Gusto ko na talaga kumain kaso ang tagal nila kuyang bumaba. Pero ngayong nandirito na sila ay happy na ako hahaha. Syempre, makakakain na ako.
"Oh sige, tara na. Kahit din kami ay nagugutom na." 'Yown! Lezzgo "Hahaha yehey!" Iyan lang pinag-usapan naming tatlo at kinabukasan na agad.
Oh diba? Hahaha ang bilis. Parang pag-iwan niya sa iyo. Mabilis pa sa fast.
•••
Umaga na, mga 4:30 a.m., oras na para sa almusal namin. Chineck ko ang cellphone ko at 4:27 a.m. na nga talaga ng umaga. Hindi man eksaktong 4:30 a.m., pero mag-po-four-thirty na.
Bumaba na ako para magbanyo, pero may tao roon. Kaya naghintay na lang ako kahit ihing-ihi na ako. Konti na lang ay lalabas na ang ihi ko galing sa aking --- uwu hahaha.
Hanggang sa banyo ay dala ko ang cellphone ko. Nagbabasa ako sa w*****d hanggang banyo, e. Minsan, ang lakas ng loob ko. Pati sa tabi ng kalsada, nagbabasa. w*****d is Life.
Nag-asikaso na rin ako lalo na't may pag-uusapan pa raw kami. Sabi sa group chat ng group namin sa science. Dahil nga sa apat kaming papasok sa umaga ay nagsiligo na sila. Nagpahuli na ako kasi nag-update si author ng tatlong chapter ng story niya. Mamaya na lang ako maliligo, magbabasa at kakain muna ako.
As always, pupunta na kami ng school. At boom! Nasa school na kami. Voila!
"Oh, hindi ka pa papasok sa room niyo?" Papasok ako. May nagkakabit pa raw ng electricfan sa room namin. 5:40 am pa lang, oh. Excited yarn? "Kuya, may nag-aayos pa raw ng electric fan sa mga classroom."
"Ay meron? So, dito ka muna sa may guard house?" Yez Yez yah "Yup."
"Oh, sige, ingat ka dito ah." Okay po "Opo kuya."
"Babay!"
*ting* tunong ng cellphone.
Nang marinig ko ang pag notif ng cellphone ko kasabay ng pag-vibrate nito sa bulsa ko ay agad ko itong kinuha. Tiningnan ko ang notification at sumakit ang mata ko nang makita ko ang pangalan ng lalaking nagpakilala na ipinakilala raw siya ni Quinny.
Bakit ba kasi? Kailangan ko na bang magjowa?
Jake Navarro:
Hi
Eh? Umagang kay gandang ihagis ang cellphone. Bakit pa 'to nagparamdam?
Hellmon Infier:
???
Jake Navarro:
Wala kang Jowa, di 'ba?
Oh, tapos? Hindi siguro 'to nagbackread.
Hellmon Infier:
Pake mo?
Jake Navarro:
Loh, grabe naman
Nagtatanong lang e.
Oo, pero ang tanong mo ay nakakainis lalo na at ikaw pa ang nagtanong.
Hellmon Infier:
Hindi pa ba nasabi sa 'yo ng
kaibigan ko? Nagbackread ka ba?
Hindi ba't na sabi ko na sa 'yo?
Jake Navarro:
Nagtatanong lang e
'Wag ka kasing magtanong ng obvious. Hindi ata uso sa 'yo ang backread kaya ka pa nagtanong.
Hellmon Infier:
Ba't 'di ka mag backread?
Jake Navarro:
Nakapag backread na ako
Bakit ka pa kasj nagtatanong?
Hellmon Infier:
Oh, alam mo na ang sagot?
Jake Navarro:
Malay ko bang nagkajowa ka
kahapon o kaya kanina.
Anong akala niya sa akin, malandi?
Hellmon Infier:
Nag backread ka ba talaga?"
Jake Navarro:
Oo…
Para kasing hindi e. Kung nagbackread ma talaga edi sana alam mo na ayaw ko pang magjowa. Pano ako magiging taken?
Hellmon Infier:
Kung oo edi dapat alam mo
rin na ayaw ko mag jowa lalo
na't desisyete pa lang ako.
Jake Navarro:
Ay sorry na
Hellmon Infier:
Wag ka na mag sorry.
Jake Navarro:
Pero sorry pa rin
*Unblock*
*Report Problem*
Kaya wag ka na magsorry kasi bablock kita.
"Satana! Tara n-" nagulat ako nang biglang sumulpot si Quinny at hihilain sana ako nang nagparamdam sin Harry at Brent. Magkasama sila, magkalapit bahay lang naman 'yang dalawang 'yan e.
"Ano Satana? Nakapagplano ka na ba para sa performance sa science?" Yes! Ako pa ba? I'm always ready!
"Ahh oo. Hindi ko lang alam kung kakayanin ninyo." Science namin ay parang MAPEH, kakanta raw kami. Base sa sinabi sa akin nin Harry, gagawa raw kami ng music video then, panonoorin ng buong klase. Bahala sila riyan, sila ang a-acting, direktor na lang ako.
"Science? Anong meron sa science?" Tanong ni Quinny na halatang walang alam sa ganap. "Hindi ba sinabi sa inyo ng kagrupo niyo sa science?"
"Wala namang nagsabi sa amin, e." Ay, so xad. "Ia-anounce na lang siguro ng president 'yon o kaya ng announcer," wait, announcer? Announcer ba ang tawag do'n? "Announcer? Ano 'yan, boxing?" Bakit? Ano ba dapat? Nakalimutan ko 'yung tawag.
"Hahahah P.I.O. kasi." Ay P.I.O. ba? Akala ko kasi Announcer. Nag-a-announce din naman kasi ng Announcer, di 'ba? Kaya nga Announcer, e.
"'Yan, kakapanood mo 'yan ng boxing o kaya pwede ring wrestling." So? Announcer, Pio, parehas lang naman, di ba? Both of them are spreading information, spreading news. Hindi naman kasi about sa boxing nor wrestling ang tinutukoy ko. Kahit kailan talaga, panira 'tong si Harry.
"Tss. Sasabihin ko na lang mamaya 'yung tungkol doon." Naghihintay lang kami dito sa tabi ng guard house. Trip kasi naming tumambay muna. Masyado pa namang maaga para pumasok sa classroom kaya tambay muna kami.
Ilang minuto ang nakalipas, nababagot na kami sa tabi ng guard house. "Oh rayt! Tara na?" Pang-aaya ni Harry sabay hila sa akin. Takte! Ang sakit ng pagkahila! Akala mo naman, may balak akong tumakas.
"Arat na!" Sigaw ni Quinny na sumabay sa amin tumakbo. Napalingon naman ako saglit at nakita ko si Brent na parang hindi tumatakbo ang oras. Isinawalang bahala ko na lang at ibinalik ang tingin ko sa daraanan namin. Baka kasi matisod ako nang wala sa oras. Hila-hila pa naman ako nitong shet.
Third person's POV
NANG makarating sila sa kanilang kwarto ay syempre umupo na. Alangan namang nakatayo sila. Uso umupo.
"Guys!" Sigaw ng isa sa mga officer ng kwartong iyon. Nakuha naman ang atensyon ng buong klase, ang kaso lamang ay nawala rin saglit dahil sa mga naglalaro ang iba sa mga ito. May uno or deck of cards, any kind of Online Games, POGs at mga nagsasayawan. Meron ding mga nakahiga't nanonood ng movie sa kanilang cellphone na para bang nasa loob sila ng kanilang bahay. "Wala daw tayo teacher sa ngayon!" Linyang isinigaw ng officer na dahilan para magsihiyawan ang mga estudyante sa loob ng silid-aralan.
"Bakit daw pres? Ano meron? May meeting sila ma'am?" Tanong sa isa sa mga rito. "Walang meeting sina ma'am. Di ba nga, buntis si ma'am? Mga 5 months na. Pagpapahingahin daw muna siya tapos, after a year —"
"A year?" Pagputol ng isa. Hindi man lang pinatapos ang pinuno at pinutol agad ang sasabihin niyo. Nang banggitin ng isang mag-aaral na isang taong mawawala ang kanilang guro, nagsiingayan na ang mga mag-aaral.
"Saglit lang kase!" Sigaw ng namumuno sa harap. "After a year o kaya after niyang makarecover sa panganganak niya ay babalik na si ma'am," pagbibigay eksplenasyon ng kanilang presidente. Natahimik naman ang iba dahil sa isang taon mawawala ang kanilang guro.
'Kung isang taon, tapos na ang school year.' Mga salitang pumasok sa isipan ni Satana.
"Babalik na siya kung kailan tapos na ang school year?"
"Oo nga naman hahaha."
"E di, next school year! Pssh," pagtataray nito. Nagkaroon ng kaunting katahimikan sa silid kung saan naroon si Satana.
"Kasi kung isang taon siya mawawala, sino ang magiging guro nila ngayong taon?" Tanong ng mga mag-aaral sa kanilang isipan.
"E di, sino na ang magiging teacher natin sa Filipino ngayon?" Tanong ng isa sa klase. Tanong ng pinaka matalino sa klase, si Joan. "Hindi kilala ni sir Scorp, sabi niya sa akin. Siguro bukas or sa makalawa raw natin malalaman kung sino 'yung papalit kay Ma'am as Filipino subject teacher natin."
"Bakit hindi pa ngayon?" Saad ni Nerie.
"Nagmamadali ka? Ikaw na lang kaya nagturo," pareklamong sagot Erie, kapatid ni Nerie. Dahil sa pagiging repeater ni Erie ay naging magkaklase sila ni Nerie.
Charot, kambal 'yang dalawa.
"Okay! Madali naman akong kausap! Okay class! Sidown," tumayo't anunsyo ni Nerie sa Klase na ikinainis ng ibang officer sa klase maliban sa Vise Presidente, Muse, Auditor at S.A.
"Anong sidown? Kulang ka ng letter T!" Pagmamatalino ni Erie. Napakunot na lamang ng noo si Nerie kasi nga... "Pake mo? Ako teacher dito! Mga anak ko! Umupo kayo!"
"Akala ko ba teacher ka? Bakit mo naman kami naging anak?" Pangongontrang muli ni Erie. Kahit kailan, palaging kontra si Erie kay Nerie kaya napapaisip-isip ang iba kung magkapatid ba talaga itong dalawang 'to o magkaaway. Palagi kasing nagkakaroon ng kontra sa pagitan nilang dalawa. Seryoso man o hindi ang nangyayari, kontra pa rin sila sa isa't isa.
"Hindi ka kasama sa mga anak ko, asawa kasi kita," nagtawanan naman ang lahat. Kahit ang mga officers na kanina ay naiinis at nagbago ang emosyon. Ang iba ay nagsitawanan at sinisigaw ang family stro-
"Are you gagoing me? Hahhaa"
"Okay class! Class dismissed!" Padidismiso ni Nerie sa klase na ikinatuwa naman ng mga mag-aaral dito. "Yehey! Ikaw na lang teacher namin!"
"Hahaha Tara sa canteen!"
"Hoy! Manahimik kayo!"
"Respeto naman guys!"
"May nag ti-tiktik sa likod!"
"Anong tiktik?! t****k kasi!"
"Wala akong pake!"
"Mga tubol na hindi lumubog sa inidoro, manahimik!" Sigaw ng presidente ng kanilang klase. "Hoi! Mga timang! Manahimik na kasi kayo. Galit na 'yung president, oh. Respeto naman Section Picasso!"
"Kaya tayo natatawag na Worst section dahil sa inyo, e!"
"Bakit ka kasi nandito? E, ikaw lang naman ang Worst dito!" Sigaw ni Jazmine na kanina pa napipikon sa ingay ng klase. "Ano ba?! Manahimik na sabi, e! Buti pa si Kaye tahimik!" Iyan lamang ang sigawan sa klase. Sila nga ang tinaguriang worst section ngunit sila naman ang tinaguriang may best friendship, sabi ng taga ibang section.
Nagsitahimik naman ang iba nang may sumigaw. "Hoy! Mga baliw! Si Satana, umiiyak!" Sigaw ng katabi ni Satana. Napalingon naman ang lahat dahil ngayon lang nila nakitang si Satana na umiiyak sa klase. Ano nga ba ang makakapagpanakit sa kaniya? Wala namang nangyaring masasama sa kaniya.
"H-huh?" Bumangon sa pagyuko si Satana. Iyan lamang ang nasabi niya nang marinig niya ang pangalan niya na sinigaw. "Ay gago, natutulog pala."
"Ako? Anong meron sa 'kin? May teacher na?" Takang tanong nito na ikinatawa ng buong klase. "Hahaha gago natutulog lang pala."
"H-huh?" Walang sumagot sa kaniya dahil sa lahat ng nasa klase ay nagtatawanan lamang kaya't bumalik si Satana sa pagyuko at nagpatuloy sa pag-idlip. "Tahimik!" Sigaw ng presidente. "Tahimik na k-"
"Isa!"
"Hahah baliw! Bobo, patayin mo 'yan! Cancer ng Angela!" Sigaw ng mga lalaki sa likod. Sila palagi ang napapagalitan dahil sa angking kulit ng mga ito. Ni minsan lang sila makinig sa Presidente o officer ng klase. Sa teacher lang sila nakikinig.
"Dalawa!"
"Hoi boys sa likod! Manahimik kayo. Galit na si Pres."
"Tatlo! Mga king—!"
"Ano meron?" Napabangon ulit si Satana sa pagyuko at nagtanong sa katabi niya dahil sa ingay na naririnig niya. Hindi na sita makatulog. "Galit si Lorenz" Sagot nito. Lorenz, pangalan ng kanilang presidente. "Bakit? Ano nangyari?"
"Ang i-ingay kasi."
"Ahh, buti na lang ako tulog."
"As always sis," pagkabanggit ng katabi ni Satana ng linyang ito, agad namang bumalik sa pagtulog si Satana. "May sinasabi pa ako di 'ba? Bakit ba ang ingay ninyo?" Kasabay ng pagyuko ang pagsalita ng presidente nila. "Kasi hindi tahimik," pabulong na puna ng bise presidente ng klase ng Picasso. Minsan talaga wala ng pake ang ibang officer sa klaseng ito, basta maging malaya ang mga kaklase nila. "Anong sabi mo Jane? Vice president ka pa man din pero ikaw pasimuno ng ingay?!"
"Yaaannn..."
"Tahimik!"
"Ano ba 'yan? Nagtuturo ako sa Section van Gogh tapos ang ingay niyo? Wala ba kayong teacher?"
"..." napatahimik na lamang ang lahat lalong lalo na ang mga lalaki sa likod. Napahinto rin sila sa kanilang mga ginagawa at nagsiupo. Inayos din nila ang kanilang mga upuan at nagsiupo na. "Halata nga. Nasaan president ng Section na 'to?"
"A-ako p-p-po m-a-ma'am..." nagsalita ang presidente mula sa harap. Nasa tabi siya ng teacher's table, doon siya sa tabi nito nakatayo.
"Sino ba teacher niyo ngayon?" Tanong ng guro na galing sa kabilang kwarto para lamang sawayin ang section nila. "Ma'am Eliza po."
"Ahhh porque nasa pahinga si ma'am, mag-iingay na kayo?" Walang sagot na natanggap ang guro maliban sa katahimikan ng mga mag-aaral. "Isa pang mag-ingay kayo. Tatawagin ko ang adviser niyo." Dagdag pa ng guro.
"Sorry po, ma'am." Umalis na ang guro at nakahinga nang malalim ang mga tao sa klase ng Picasso. Nang makalayo ang guro ay bumalik na sa pagsasalita ang presidente. "So, ang gusto ko lang sabihin ay mga nakakastress kayo, na namamatay ang buhok ko dahil sa stress na binibigay niyo sa akin."
"Hihihi" hagikgik ng mga estudyante. Gusto nilang tumawa nang malakas ang kaso ay baka mapagalitan na naman sila. "Sorry na Pres."
"Oh, tumahimik kayo."
"So, si ma'am Eliza ay wala ngayon kasi nga nasa pahinga siya. Buntis nga kasi kaya nagpapahinga siya ngayon. Asawa niya ang nagdesisyon at nagpaalam sa Principal na maglileave muna si ma'am hanggang sa makarecover. Asawa niya ang nagsabi no'n kahit sabi ni ma'am Eliza na kaya pa naman daw niya. Sobrang nag-aalala si Mr. Lucio na baka may mangyaring masama sa bata sa sinapupunan ni ma'am Eliza, okay?" Mahabang Eksplanasyon niya sa kaniyang pinamumunuan. "Ahhh sino teacher natin sa Filipino muna?"
"Ewan, hindi pa sinasabi ni Sir saka wala pa raw siyang idea kung sino 'yon pero may idea na si sir para masabi niyang bukas or sa makalawa ang pasok nung teacher na 'yon." Sagot nito sa tanong ng kaniyang kaklase. "May idea ka ba kung bakit late makakapunta?"
"Sabi sa akin ni sir, victim daw si ma'am. Feeling ko naman, chismis na 'yun. Alam mo naman sa panahon ngayon, sisiraan ang isang tao basta gumanda lang ang kanila. And also, nanganak na raw si ma'am and still recovering."
"Victim ng - ahhhh kaya ba nabuntis?"
"Huy , Legit ba 'yang idea na 'yan? O baka ex siya ni sir Scorp kaya nasabi niyang Victim siya?"
"Siguro, nagkakasiraan lang sila." Doon na nga nagkaroon ng issue sa loob ng klase, doon din nagkaroon ng maliit na chismisan sa klaseng ito na pinangunahan ng ise presidente. "Ay, marites 'yarn?"
"Ako, name ko Marites," pgtaas ng kamay ni Jane. "Mga cheezemosa, lezzgooww."
"Huwag naman kayo mag isip ng ibang bagay, if ever na totoo 'yon, respect na lang. If hindi naman, respect pa rin natin, privacy 'yun, e," saad ng muse nila. Tama nga naman na huwag natin agad husgahan ang taong hindi pa natin nakikita lalo na at hindi pa natin nakikilala nang lubusan. Saka na natin husgahan kapag makita na natin nang personal. "Yup... kaya sana pag dumating si ma'am is welcome natin siya. And also, protektahan din natin si ma'am from the bad guys para hindi na mangyari 'yon."
"Hmm... maganda ba si ma'am?" Saad ng isa sa mga lalaki sa likod. "Wala pa ngang idea, e!"
"Oh kalma. Hahaha"
"Nasaan si Satana?" Pag-iiba ng topic ng presidente.
"Ito ohh, tulog," turo naman ng katabi nito. "Hayst. Boys at the back ..."
"Bakit po Master?"
"Harry?"
"Yes boss?"
"Diane?"
"Hmm? Bakit Mr. Lorenz?" Tanong ng Secretary nila. "Isama na rin natin si Satana."
"Ano bang meron?"
"Since kayo ang kilala kong matatapang dito sa classroom na 'to, kayo muna ang magiging surgent at arms. " May representado na ang section na ito, may napili na ngunit nagdesisyon ang presidente na pansalamantalang palitan muna. "Huh? Ako S.A. dito, ah."
"Ano bang naitulong mo? Make up lang, di 'ba? Nakapagpatahimik ka ba? Ikaw ang pasimuno ng gulo dito tapos S.A. ka?"
"Oh~~~~" sabay-sabay na ingay ng mga tao sa loob. "Pero ako ang pinili dito."
"Pinili ka ng mga kaklase natin kasi akala nila'y mapagkakatiwalaan ka," puna ng presidente. Nagsisimula na naman ang gulo. Ang pinaka matalik talagang magkaaway dito sa klaseng ito ay ang S.A. at presidente. Minsan na nilang pinigilan ang dalawa na huwag nang magsagutan ngunit parang wala silang naririnig na mga pagpipigil sa kanila. Kaya ang iba'y sumasabay na lamang sa away. "Gag0 hahaha Mia, hawakan mo nga sa tenga. Hahaha"
"But still, ako pa rin ang S.A."
"Pwede ko namang sabihin kay sir na tanggalin ka sa officers , tutal wala ka namang kwenta and AS A PRESIDENT, MAY KARAPATAN AKONG MAGDESISYON PARA SA IKABUBUTI NG CLASSROOM." Capslock para dama. Pandidiin ng Presidente sa kaniyang ipinamamalas na salita na nagpamukha naman sa babaeng nakasagutan niya na wala siyang magagawa dahil nga sa presidente ito.
"If you're making a decision that may cause a good impact in our room, bakit tinawag na worst ang klaseng 'to? Hm?" Sabat naman nito na ikinagulat ng lahat. Napatahimik ang lahat kasama na ang presidente. Mga ilang Segundo rin ay nagsalita na ulit si Lorenzo sa harap at nagtanong kay Mia , ang kasagutan niya. "Are you messing with me Ms. MIA DARIELL SANTIAGO?"
"Maybe yes, maybe no," pagtararay nito. Mayroon namang ibang pumipigil kay Mia ngunit nanatili itong nakatingin nang mataray sa kanilang pinuno. "Huy, wag mo nang kalabanin. Minention na niya whole name mo. Di ka pa ba natatakot?"
"So, kailangan ko bang matakot?"
"Huy ano ba? Baliw ka na ba?","wala akong kinatataku-" pagsasaway ng ibang tao kay Mia.
"Hindi ka mananahimik? Gusto mong maglagay ako ng ducktape sa bunganga mong itik ka?" Pagputol ng Muse sa klase. Oo, muse. Muse ang nakakapagpatahimik sa kaniya at siya lamang. Ang Muse kasi nila ang pinakakinatatakutan sa room, pumapangalawa ang presidente at sumunod si Satana dahil sa angking lakas nila pisikal at lakas nilang mambara. "Sabi ko nga, tatahimik na ako."
"Akala ko ba, wala kang kinatatakutan? Bakit parang natakot ka sa akin? Hindi naman ako katakot takot, di 'ba?"
"Jazmine, I said, I'll be quiet."
"Good, nakakarindi kasi e."
"Lorenz, tuloy mo na sinasabi mo at ako'y iidlip muna. Gagayahin ko lang si Satana." Yumuko ang Muse nila't ginaya nga si Satana. Nakayuko't naidlip.
"Jazmine, muse ka, di 'ba?" Napabangon na ulit ang Muse nila at umupo ng maayos. "Muse nga pero 'di naman maganda."
"Minmin! May sinasabi si Mia, oh." Minmin, 'yan ang kadalasang tinatawag sa kaniya ng mga klase. Ang kyut daw kasing pakinggan."Anong sabi?"
"Muse daw, pero hindi ka raw maganda."
"Atleast may silbi. And yes, muse ako. Bakit Lore?" Tanong niya sa presidente. "I want you to be part of S.A. kahit na Muse ka na. Muse ka pa rin naman pero part ka ng S.A."
Nag-uusap ang buong klase para sa pag-we-welcome nila sa bago nilang subject teacher. Naagaw ang kanilang atensyon nang may biglang humikab nang malakas sa loob ng klase. "Sino 'yun?"
"Si Satana 'yun."
"H-huh?" Tanong ni Satana nang marinig na naman niya ang kaniyang pangalan. "Satana, gising," sinampal naman ito ng katabi niya ngunit mahina lamang. "Gising naman ako ah. Haaaahhh"
"Oh kape." May nagabot sa kaniya ng tasa sa kwarto. Isa ito sa mga kaibigan niya. Sila ang nagdadala ng mga pagkain dito sa room lalo na at kung gusto mong uminom ng mainit na kape? Magdadala sila ng thermos. "Ayaw ko. Hindi naman ako nagkakape, e. Gatas lang. Sige, tulog ulit ako."
"Aishhh as always."
"So, class!" Sulpot ng kanilang adviser na ikinagulat naman ng lahat. "Ay!! "
"Ahhh!"
"Sir! Nu ba!" Sigaw ng bise presidente. "Sinisigawan mo ako?" Tanong nito na ikinatawa naman ng iba. "Hindi po."
"So, about sa Filipino teacher n-"
"Sir, alam na po namin." Pagputol ni Mia sa kanilang guro. "Paano niyo nalaman?"
"Sinabi po ni Lorenzo."
"Lorenzo?"
"Sir, about po doon sa Surgent at Arms."
"Alam ko na. Si Satana saka si Harry di 'ba?"
"Yes po, sir."
"Sir?!" Reklamo ni Mia sa kaniyang guro na si sir Scorp. Mangrireal talk 'to, sure 'yan. Mahilig 'yan mangrealtalk e. "Sa totoo lang, iha, mas nakikita ko pa silang active kaysa sa 'yo. Alam kong masakit malaman na pinalitan ka, but that's the truth. Gusto ko sa officer ay active and strict as me, not just using a beauty for making the class in peace, okay? Be responsable next time para maibalik sa 'yo ang posisyon mo. Hintayin niyo na lang next teacher niyo. Bye, class."
"Bye, sir. "
"Be responsable next time, masakit ba Mia?" Pang-aasar ng presidente sa kaniya na ikinainis pa niya lalo. "Mas masakit kapag naagaw ko BF mo. Psh."
"At ano namang kinalaman ng BF ko dito?" Pagtataas nito ng kaniyang kilay. Bakit naman kasi madadamay ang Bf ni Lorenzo?
"Nasa— babe! Pwede ba akong pumasok? May ibibigay lang... " sigaw ng lalaki sa may bandang likod na pintuan. Nang pumayag ang buong mag-aaral ng Picasso ay tumakbo siya papuntang font door at yumukong pumunta kay Lorenzo at may iniabot na regalo. Agad namang nagsihiyawan at nanginig sa kilig ang mga mag-aaral sa loob nito. May mga parang sinapian pero ang sumapi ay kaluluwa ng kalandian.
"Happy Third Monthsarry, Lorenzo," he hugged him thightly na mas ikinalakas pa ng boses ng mga tao rito. "Thanks "
"Alis na ako, ah, may quiz pa kami. Dinaan ko lang muna 'to. Labas din tayo mamaya. Bye, love you." Nagkamot siya ng ulo niya pagkatapos nitong sabihin. Hinintay niya munang magrespond ng I love you too si Lorenzo para pwede na siyang makaalis. Ayaw niya na nirereject nor hindi nagrerespond ng I love you si Lorenzo sa kaniya. One Week tampo. "Love you too."
"Byeeeiiii" tumakbo siya palabas ng classroom at kumaway din siya sa amin. Baka tatay namin 'yan. Charot.
"Hahaha paano mo maaagaw BF ni Lorenzo? Ayaw nga no'n na may dumidikit na ibang babae sa kaniya, e, ikaw pa kaya? Hahaha," tawa ng Vise presidente kay Mia. Pero totoo 'yon, ayaw ng BF nitong nalalapitan siya ng ibang babae kahit ayos lang sa kaniya. BI silang parehas, not Gay but Bi and support ang buong klase sa kanila except lang kay Mia na tutol dahil daw same gender. Nakakadiri raw.
----
Iba talaga kapag malakas ang loob na mang-agaw, pero ending, wala namang napala.