7: Plano

2996 Words
Satana's PoV NASA harap ako ngayon nakaupo. Second row, first column. Katabi ko sina Brent at Harry. Si Harry ang nasa kaliwa ko at si Brent naman ang nasa kaliwa. "Hello, class! May sinabi ako kahapon about sa project performance niyo, right? And I want you all participate," napalingon lingon ako sa mga kaklase ko. Kaliwa, kanan, harap at likod. Nakita ko ang mga reaksyon nila na para bang gulat at hindi inaasahan ang narinig na mayroon palang performance na ibinigay, pero walang umabot sa kanila. "Project?" Tanong ng kaklase ko na nas likod ko ngayon. "Sir, anong project?" Isa 'yan sa mga narinig kong tanong ng isa kong kaklase. Hindi ko na kailangan sabihin ang pangan sahil una sa lahat, hindi ko alam kung sino ang nagsabi no'n. Tumingin ako sa likod at tiningnan ko ulit ang nga mukha ng mga kaklase ko at nakita kong nag-aalala sila na para bang bukas ay kuhaan na ng card at babagsak na sila. Kumbaga magiging repeater sila, gano'n. "Wala ba kayo nang inanunsyo ko 'yun?" Nang magsalita si sir Jerome ay napansin niyang wala talagang nag-anunsyo ng tungkol dito. Agad naman siyang napasinghal nang malalim at nagsalita ang isa sa mga kaklase ko. "Wala po sila no'n, sir." Hindi ba't kahit wala, kung gusto mong malaman ng iba, gagawa ka ng paraan o baka siguro ay wala talaga ang iba at nakalimutan nilang sabihin sa klase tungkol doon sa darating na proyekto? Ahh basta. Sana i-announce na lang ulit para alam namin ang gagawin namin. Baka kasi mali pala 'yung sinabi nila tapos, pinapagawa nila ako ng plano. "Ay gano'n? Sige explain ko." Noice. Napangiti naman ang iba dahil sa sinabi ni Sir Jerome. Ang iba ay napangiti at ang iba naman ay naglabas ng papel upang isulat ang mga importanteng detalye ng proyektong gagawin namin. "Gagawa kayo ng anak para sa Genotype and Phenotype natin at ang magiging partner niyo ay ang partner niyo everytime na magkaroon tayo ng by-pair-projects," what the heck?! Para akong pinakain ng tinik at na-stuck na sa lalamunan ako ang kinain ko. Nakaramdam din ako ng init sa aking mukha dahil ang katabi kong si Brent ang aking partner. Hindi naman ine-expect ang sasabihin ni sir na dahilan para magsihiyawan ang mga estudyante. "Sir naman, gagawa talaga?" Bulong ko sa aking sarili. "Hala!" Hiyaw ng mga babae na ikinatawa naman ng boys including sir Jerome. Napalaki lang ang mga mata ko dahil dito. Sino ba namang hindi magugulat kung ganyan ang project, di ba? "Hahaha charot lang," sagot ni sir na ikinaluwag naman ng aking paghinga. "Gagawa kayo ng music video." Music Video? Oo alam ko, narinig ko ang sinabi ni sir. Pero about saan kaya? Ganyan din ang sinabi sa akin ni Brent kahapon, e. Ang kaso lang ay hindi niya rin alam. Sinabi lang daw ni sir na music video lang kaya ayun, hindi ako nakagawa ng plano. "Ay magiging singer tayo, mga marecakes," sigaw ni Jane na ikinatawa naman ng buong klase. "Okay class, quiet," pinutol ni sir ang tawanan ng klase sa pamamagitan ng pagsasalitang muli, at nagsitahimik naman sila. May ibang tumatawa pa rin, pero mukhang ako lang ang nakakarinig. Katabi ko 'yung tumatawa, e. Syempre si Harry na 'yan. "So wala na rin naman kasi kayong gagawin at since malapit na ang February 14 -" "Sir, next month pa po," pagputol ng isa sa mga kaklase ko sa sinabi ni sir. Totoo naman kasi na malapit na ang February 14, e. January 14 na kaya. "Oo nga, malapit na nga. " "This is a contest, actually. This is for coming Valentines day. Gagawa kayo ng music video and then, pipili by section kung sino ang mananalo." Pagpapatuloy ni sir sa sinasabi niya na naputol ng isa kong kaklase. "ahhhh! Ako artist!" Lakas loob ni Mia sumigaw na ikinalingon naman namin. Kung hindi si Nicole ang nakakainis, si Mia naman. Si Nicole minsan, pero si Mia? Pshh iba nang usapan 'yan. "Oo! Ikaw 'yung pet sa music video," sigaw naman ni Nicole na ikinatawa ng iba. Bakit naman may pet sa music video? Ano bang klaseng pet siya? "Ay, nako ha haha," tawa ni Jazmine. Ngayon lang siya natuwa kay Nicole. Magkaaway kasi 'yan pag dating sa kuya ko, e. Parehas may gusto. Hahaha gwapo mo, pero mas gwapo ako. "Okay, pwede kayong pumili ng song and make sure na mayroon kayong proper credits, naintindihan?" Ano kayang pwedeng song for Valentines? 'Yung pang break-up sana, ano? "Yes po!" "So, alam niyo naman kung ano ang music video na gagawin niyo, right?" Opo pero, 'yung song 'di pa namin alam. "Ang groupings natin ay ganito. This first row with five column and this second row with five column, okay?" So magkakagrupo ang tropa?! Awiieeee hahaha yowwnnn! "Yeeeehhh magkagrupo tayo!" Sigaw ni Jane sa akin mula sa likod na parte ng classroom. Nagsiyakapan naman sila Jane at Clarisa. Magkatabi lang naman sila, ako lang ang bukod. "Oh, akala ko ba naka by group na, tapos ang basehan ay 'yung groupings sa science?" Tanong ko kay Brent. Siya nagsabi sa akin na by group, e. "Nakapagplano ka na ba?" Tanong niya naman sa akin pa balik. Hindi, e, sorna. "Hindi pa hahaha. Kailangan ba no'n?" "Syempre, pero by row pala. Saka sabi mo, nakapagplano ka na. Tsk, sinungaling." Sorry na po hahaha inis 'yarn? "Ayoko sa lahat ay 'yung sinungaling..." bulong niya sa sarili niya pero narinig ko. Aba?! Sorry na nga, e! 'Wag ka na magtampo. Pasuyo ka sa crush mo, tsk. "Hindi uso sa akin ang plano. Ano 'yun? By group tapos, magpaplano ako nang mag-isa? Paano na lang kung meron pa lang may tutol?" Napatingin naman siya sa akin na ikinatango niya. Mayroon pa akong narinig mula Sa kaniya pero hindi malinaw pero parang binabawi niya 'yung sinabi niya kanina. Pero sana binawi nga niya. Sorry na kase..."Oo nga naman." Pag-agree niya sa sinabi ko. At yumuko. "Buti na lang at hindi ako magiging leader. Si Jazmine na lang ang leader." Napatingin ulit siya at napatango ulit at natawa siyang konti. "Si Jazmine? Taga saway na lang 'yan haha," sabi ni Harry na katabi ko lang. Saka niya ako biglang sinuntok sa braso, sinuntok ko rin siya pabalik. Binatukan niya ako nang malakas na dahilan ng pag-aray ko. Sinuntok ko naman siya sa may mukha na dahilan rin ng pag yuko niya dahil sa sakit na naramdaman niya. 'Wag mo kaming guluhin, kausap ko crush ko. "Before we start, sino muna ang leader ng first row?" Nagkatinginan kami nj Brent at napangiti. Agad naman naming isinigaw ang pangalan ni Jazmine para siya na ang leader. "Si Jazmine po sir!" "JAZMINE! JAZMINE! JAZMINE! JAZMINE!" hahaha nomination pa lang 'yan ng pagiging leader ah. "Okay Jazmine, ikaw na ang leader." "Second ro-" Hindi na natuloy ang sinabi ni sir dahil sa Hiyaw ng second group. Ang ingay! "LORENZO KAMI!" "Okay, ang presidente niyo ang leader niyo. So, go to your leader now para pag-usapan ang magiging music video ninyo." Nagsitayuan kaming mga nasa harapan at nagmadaling nagtungo sa likod na parte ng silid at dumeretso na sa leader namin na ikinaingay lalo ng classroom, sobrang ingay kumbaga. Like nasa palengke na kami. "Satana! Binlock mo raw siya?" Lumapit sa akin si Quinny at mahinang nagtanong. Sinong binlock? "Huh?" "Binlock mo raw siya?" Pag-ulit niya sa kaniyang tanong. "Sino?" "Si Jake, Jake Navarro," banggit niya sa pangalang iyan na ikinainit ng ulo ko. Aishhh bakit ba siya ang iniintindi mo? "Saka na natin pag usapan 'yang taong 'yan. May kailangan tayong gawin, oh, kaya 'wag na lang natin siyang pag-usapan, " pakikiusap ko sa kaniya. Bakit ba kasi kailangan pang pag-usapan 'yang lalaking 'yan Huh? Ano ba kasing dapat kong gawin para tigilan na nila ako sa jowa-jowa na 'yan? Nakakainis! "Satana naman..." ano ba?! "Ano ba't napaka kulit mo? 'Wag nang pag-usapan 'yan, okay?" Bulong ko sa kaniya. Good mood na ako kanina kasi nagkausap kami ng crush ko tapos, binanggit mo lang 'yang pangalan na 'yan, sumama na ang loob ko. Maayos na sana ang mood ko kaso, kailangan ba talagang pag-usapan 'yan kung kailan nasa good mood ako? "hayst." "May suggest ba kayo for our music sa music video natin?" Nahinto ang pag-uusap namin ni Quinny nang magsalita si Jazmine. Jazmine the cutie. "Maybe, Lorecia?" Pagtanong niya kay Lorecia. Ako, tamang kinig lang kahit 'di alam ang gagawin. "Hmm??" "May suggest ka ba na song? Ikaw mas maraming alam na song dito e." "Kay Satana lang din ako nagpapa recommend kaya nagmumukha akong maraming alam na song." Nang marinig ko ang pangalan ko ay agad akong nagkaroon ng enerhiya para makinig at ilaan ang atensyon ko sa kanila. "Nasaan si Satana?" I'm here po. "Hmm??" "Song?" Sabi ni Jazmine. Wait... ano nga ulit gagawin ko? "Huh?" "Song?" Pag-ulit niya. "Anong gagawin ko sa song?" Tanong ko pabalik. Ang bilis naman at nakalimutan ko kaagad ang gagawin ko. Hayst "Nakikinig ka ba?" Kanina, pero 'di ko sure. "Huh?" "Huh?" Sagot niya rin sa akin pabalik. Ano ba kasi 'yun? Asihhh shibal. "Ano ba 'yun?" "Song for our music video, Satana." Ahhh oh, sorry. Okay, okay... wala akong alam… "Ay, wala akong alam na song." I mean by beegees tapos, The Carpenters lang alam ko. Mga new songs kasi ang bet niyo, e. "Sabi ni Lorecia, sa 'yo raw siya nagpaparerecommend ng songs?." Mema 'to oh. Pshh "Isa lang alam ko, e. Puro old song na kasi ang tugtog ko. Kakaunti lang ang mga bago," paglilinaw ko sa sinabi ko. "Sige, ano 'yun?" Ahmm... marami… "Love song, 'di ba?" "How deep is your love by Bee Gees, tila luha by SB19, Higher by Albert Posis, Serendipity by Albert Posis, For you by Albert Posis ulit, Ehu girl by Koloke Kai, Love me by Fia, Unaware by Albert Posis and Jesse Barrera, We could happen By AJ Rafael, Close to you by The Carpenters, I love y—" Naputol ang sinasabi ko nang biglang nagsalita si Jazmine. Hindi pa ako tapos uy, naka shuffle pa. "Akala ko ba isa lang?" Tanong ni Jazmine. Oo nga, isa nga lang. Ngumiti at tumango naman ako bilang pagsagot sa tanong niya. "Oh e bakit ang dami?" "Isang playlist..." Sagot ko na ikinatawa ng marami. "Pot-" "Hahahaha ga- hahahahah" "Hoi baliw ka hahaha" "Isang playlist naman kasi talaga, e," sabi ko. Wala naman kasi akong sinabing isang song lang. Playlist ang nasa isip ko, e. "'Yung How deep is your love na lang para maganda," saad ko. Naganap 'yun o kaya 'yung kanta ng the beatles, ganda nu'n. "Wait..." Sabi ko. "Ano 'yun?" Sabi ni Jazmine. "Pwedeng ..." "Ano?" "Panalangjn na lang o kaya When i Met you." "Bakit?" Kasi pwet mo may raket. Kasi maganda rin 'yon saka kanta. Dzuhhh "Syempre para OPM tapos, gawin nating mala 80s. Harana gano'n." Yeahh boii "Pwede rin," pagsang-ayon ng iba sa suggestion ko. "O kaya yakap sa dilim na lang." "Anong yakap sa dilim?" Oo, bakit? Bawal ba iyon? "'Di ba sabi sa unang line, sandal mo sana ang ulo mo sa unan," pagkanta ko sa harap nila. Hindi ako singer, marunong lang ako kumanta. "Hmm?" "Katawan mo ay aking kukumutan," pagpapatuloy ko sa kanta. May ibang natawa dahil sa kinanta ko. Anong problema don? "huy hahaha" "Dito na lang sa bandang c****x," saad ko. May paubo-ubo effect pa ako kaya may ibang natawa. "Heto na ang pinakahihintay natin, heto na tayo magkayakap sa dilim. Oh, kay sarap ng nga nakaw na sandali," pagpapatuloy ko. Pero hindi pa diyan nagtatapos ang aking sinasabi, "tapos may maghahalikan sa music video natin." "huyy g4g0 hahaha!" Napahawak naman ang isa sa mga kaklase ko ng bibig kasi malakas at malutong ang pagkamura niya tapos, nariyan si sir. "Ganon naman ang mga nangyayari sa feb 14, 'di ba? Tapos may nanganganak sa buwan ng november?" Hindi naman lahat, okay? Wala akong sinabing lahat. Lilinawin ko lang. "Hahaha," napatingin naman ako kay Brent. Si Brent, tumatawa. Cute niya. Para siyang dwendeng tumatawa, happy lang, gano'n. "Hoi! Napaka buang mo naman hahaha!" "Ano na 'yang tawanan na 'yan?" Singit ni Sir Jerome sa grupo namin. Hindi na kami makapagplano nang maayos. "Hahaha sorry po sir! Hahahah." "Ano bang meron?" Tanong ulit ni sir sa amin. "Wala po sir..." "Jazmine?" Huwag mo akong isumbong! "Sir, si Satana po kasi…" Luh. "Huy! Hala siya. Wag mong sabihin." Hindi na nga itinuloy ni Jazmine ang sinabi niya, pero may sumingit na kontrabida which is si Harry. Nakakainis palagi. "Sir, may maghahalikan daw po sa Music Video namin sabi niya hahaha." "Laahh papansin ka bikos?" Sinipa ko rin siya sa binti. Katabi ko lang din naman siya, e. So hindi ako mahihirapan manakit. "Kinulang ka ba sa aruga? Tara dito, ako na ang mag-aalaga sa 'yo. Mukha ka namang useful kaya dito ka na sa akin," saad ko. "Ga-" "Ano? Ano? Ga??? "Ga... gawin na kasi 'yung plan" "ahhhh~~~" ••• Maganda na ang mga naiplano ng grupo namin, ang iba ay nakaupo na at hindi nakikinig kahit dapat na patuloy lamang kami sa pagpaplano. Nagnomination din kami sa pagiging officer ng grupo. At naboto ako bilang escort namin, charot, wala akong pwesto, pero naging personal assistant ako ng mag-a-acting sa darating na film making ng aming project at napili rin ako bilang one-of-the-director — kuno — ng aming grupo, since ang lawak daw ng imagination ko. Sinabi na rin ng leader na Yakap sa dilim ang tugtog namin, charot lang ulit, fiction by sumika ang napiling song. Isa ito sa ni-suggest ko, pero sa seryosong pagpaplano ko na sinabi. Maganda rin ito, isa ito sa paborito ko. Hirari hirari, mekuri mekuru! Okay na sana ang pagpaplano namin, maganda at nasa mood ulit ako, pero nawala na lang ulit bigla iyon nang biglang sumulpot sa may tabi ko si Quinny. Ayaw talaga niya ako tigilan. Kahit kailan! "Satana, bakit mo nga raw binlock?" "Eh, ang kulit, e!" Pati ikaw! "E di 'wag mo na lang siyang i-chat kesa sa I-block mo." Eh, bakit mo naman kasi ako pinakilala, di ba? Kaya ako pumasok sa lugar na iyon kasi na-cu-curious ako sa pinagsasasabi mo. Wala akong sinabing ipakilala mo ako sa lalaking iyon. "Ahh, so kasalanan ko?" "Hindi naman sa ga-" "Sa ayaw at sa gusto mo, i-dedelete ko na 'tong account na 'to, okay?" Pagputol ko sa sasabihin niya. "B-b-bakit m-mo naman idedelete?" Desisyon ako, e, may magagawa ka? "Ayokong may kachat. Ayokong may nagnonotif sa cellphone ko, ayokong vibrate nang vibrate ang cellphone cellphone dahil lang sa isang isang kwentang bagay at higit sa lahat, ayokong magkaroon ng kasintahan, naintindihan mo?" "hayst, sige na, ikaw bahala." "Talaga," kaagad kong kinuha ang cellphone kong nasa bulsa ko at binuksan ang account na ginawa ko. May nagchat din sa akin na 'di ko kilala. Zishio Navarro ang name at meron ding Licio Navarro. Mayroon ding kachachat lang at Navarro din ang apilyido nito. Bakit ba puro kayo Navarro?! Nacurious din ako at binuksan ang mga ito. Sabi ng Zishio ay "paki Unblock daw po siya ate, salamat.“ Abay? Napakalupit naman nito. Kaialangang kumausap pa ng ibang tao para ma-unblock ko? Bakit ko naman siya i-a-unblock? Sabi naman ng Licio, "ate, ang ganda mo raw sabi ni Jake." Oh tapos? Ito lang ang masasabi ko. Wala akong paki sa sinabi niya. Ang gwapo-gwapo kong tao tapos, sasabihan niyo ako ng gan'yan? Sabi naman ng isa pang Navarro— lima kasi silang nagchat. Sabi ng isa pang Navarro, "ate, pakilayuan si Jake. Napaka choosy mo. Ikaw na nga china-chat tapos ikaw pa mamblock. Tss." Medyo na inis ako sa sinabi nito. Ako? Choosy? Sino ba kasi ang nagsabing ipakilala ako sa kaniya? Binlock ko na rin siya para happy ako. Saka wala akong interest sa kaniya. Bakit ko pa kakausapin kung wala naman akong interest, 'di ba? Wala sa bokabularyo ko ang magpaasa. Thank you by the way sa sinabi mong layuan ko siya. Yu'ng isang Navarro naman," manifeting mai-unblock si Jake." At yung last ay "sana ol binlock," kaya binlock ko na rin siya. Nagtungo na ako sa settings at i-dinelete na ang account. Ayoko na sa mga pa-sanaol at pag-send ng message para lang mai-unblock 'yang lalakeng 'yan. Kainis! *Cring cring* Tunog ng bell. Hayst, kailan kaya ako titigilan ni Quinny tungkol diyan sa lalakeng 'yan? "Hoy! Magsidahan dahan kayo!" Sigaw ng presidente. Ang bibilis kasing magsitakbuhan ng mga tao palabas ng silid para pumunta sa canteen. "Aishh!" Ayaw makinig ng mga kaklase ko at nagsialisan nga sila, pero patakbo ang ginagawa nila. Pumunta na kami ng mga kaibigan ko sa canteen. Meron pa rin akong sama ng loob dahil nga kay Quinny. Nakakainis naman kasi. Bakit ba kasi pinagpipilitan niya 'yung lalakeng iyon sa akin? Bakit hindi na lang siya ang jumowa doon? Tutal mukha naman siyang nagmamadali. Pero don't worry, mahal ko pa rin 'yang kaibigan ko kahit na sobrang mapilit. "Nadelete mo na?" tanong sa akin ni Quinny na nakasimangot. Kumapit rin siya sa aking braso at mukhang nagmamakaawang huwag kong idelete ang account na iyon. Ngunit hindi ako nagpatinag sa pagpapa-cute niya. 'Pag sinabi kasing ayaw, ayaw, huwag mo na ipilit ang ayaw dahil sa huli, ikaw lang din naman ang masasaktan. "Oo kanina ko pa dinelete," sagot ko sa tanong niya na mas ikinalungkot pa niya. "Hayst..." bumitaw siya sa aking braso at nauna na siya sa paglalakad. Naiwan ako, nasa likod na nila ako. Nasa likod nila Jane, Clarisa, Quinny at ng jowa ni Jane. Nagkakasiyahan sila roon tapos, si Quinny, tingin nang tingin sa akin. "Tss." Ito na lamang ang lumabas sa labi ko. Wala na, e. Nakakainis na talaga. Pinagpipilitan ang ayaw tapos, kapag nainis ang isang tao, malulungkot ka? Damdamin mo lang ba ang iniisip mo? Kasiyahan mo lang ba at hindi mo rin iniisip na maiinis ang isang tao sa 'yo? Sa ginagawa mo? 'Wag naman sana kayong gano'n. Ano namang magagawa ko kung ayaw ko? Huwag na ipilit kasi masasaktan ka lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD