ALIANA "Yaya Molly?!" may halong excitement ang boses ko ng sagutin nito ang tawag. Mabilis lumipas ang mga araw mahigit isang Linggo na ang nakalipas simula ng mag-away kami ni Joyce hindi na ako masyado naglalabas ng k'warto. Umiiwas ako na magka salubong ulit kami. Dahil kasi sa nangyari ay nagalit si Drake sa akin. Bakit daw pinapatulan ko pa ang baliw na babaeng 'yon? Paano raw kung malala ang natamo ko? Ewan ko kung anong nangyari basta wala na raw si Joyce, rito sa bahay ng tanungin ko si Martha. Hindi ko rin alam kung galit ba si Nanay Salud sa akin, dahil tahimik lang naman ang may edad na babae. Although kinakausap niya ako hindi ko alam kung nagtatampo ba siya sa akin. Nang makapasok ako ng kitchen dumaan pa muna ako ng CR na naroon sa kusina upang ayusin ang sarili ko. Napa

