ALIANA Pinakiramdaman ko kung anong hakbang ang gagawin ni Daddy, simula ng tumawag ako kay Yaya Molly, dalawang araw na ang nakaraan ay wala naman kakaiba kaya napanatag ako. Baka nga hindi natunton ni Dad, kung saan kami nakatira. Wala ngayon si Drake. Nagpaalam sa akin na maraming aasikasuhin sa farm at doon din sa warehouse. Sabi niya sa akin ay ipapa renovate niya at gagawin daw na rice mill upang ang mga tauhan dati pa, ay doon parin hindi na kailangan lumipat sa farm kung matapos. Lumabas ako ng kwarto. Malapit ng mag tanghalian sa sala na lang ako tatambay baka meron tao roon meron ako makakausap. Pagdating ko sa baba nalungkot ako dahil wala ng tao sa living room, tapos na siguro sila sa mga nakatukang gawain. Kapag tapos na nila kahit wala pang hapon ay maaari na silang magpa

