ALAINA "Baby, aalis na ako," wika ni Drake sa akin. Isang halik sa noo ko ang naramdaman ko subalit nanatili akong nakapikit. Mahina itong tumawa. "Sasabihin mo na naman hindi mo ako naabutan na gising sa tabi mo. Bangon na sabay na tayo mag-almusal," I didn't answer to him super ako tinatamad gumising tinatalo ako ng antok kahit gusto ko ng dumilat ayaw ng talukap ng mata ko. Kahit nga siguro maghapon akong tulog hindi 'yon sasapat sa akin. I heard him take a long breath. Ilang sandali narinig ko ang mahina nitong tawa. "Great hindi talaga ako pinansin," he said. Panigurado nakailing pa ito habang natatawa dahil kahit anong tawag niya ayaw kong dumilat ng mata. "Ibinilin na lang kita kay, Martha. Isang halik sa labi ko naramdaman ko bumaba na ito sa kama," Nagising ako ng tanghalian

