ALIANA "Naku talaga kayo kanina pa malamig ang sabaw na pinahahanda mo, Drake. Sabi mo kasi ay tatawagin mo lang si Aliana," sermon sa amin ni Nay Salud. Pinaghila muna ako ni Drake ng upuan bago ito maupo. Napanguso ako dahil uminit ang pisngi ko. Nang masayang tumawa si Drake. Tumikhim ako upang mag-alis ng kahihiyan. "Nakatulog po kasi ako Nay Salud, pasensya na po," ani ko. Abala na si Drake maglagay ng pagkain sa plato ko hinayaan ko na lang. "Siya nga pala hijo, natapos mo ba ang mga gawain mo ngayon?" ani ni Nay Salud kay Drake. "Bakit ho Nay?" aniya. Saglit lang nito tiningnan si Nay Salud nasa atensyon na si Drake sa sinigang na bangus. Tinatangal ni Drake ang tinik bago ilagay ang Isda sa plato ko. Wala pa ito nasusubo kaya sinubuan ko hindi man lamang tumingin kung ano ang

