ALIANA "Baby, Aliana, gising baby," "Drake?" pabulong kong tawag sa kaniya. Tulala akong nakatitig kay Drake. Siya ba talaga ito. Kinilabutan ako, panaginip lang pala iyon. Napalunok ako ng maisip kung paano kaya kung totoo? Mariin akong napapikit sa aking mata at pagdilat ko walang kurap si Drake nakatitig lang sa akin. "Mukhang masama ang panaginip mo, baby," wika nito. Yumuko ito sa akin at hinalikan ako sa noo. Hindi ko siya pinakawalan dahil yumakap ako ng mahigpit sa kaniya. Natatawa naman ito sa kilos ko. "Parang gusto ko ng palagi kang managinip dahil extra lambing ka sa akin," tukso niya, pero hindi ako umimik dahil natatakot ako. Napansin siguro nito ang hindi ko, pagsakay sa biro niya kaya niyuko ako. Pinatakan ulit ng halik ang noo ko. "What's wrong baby? Tell me, ano ba

