Alam kong nafufrustrate na kayo kay Reene at Wave dahil sa push and pull nila. Pero konting tiis na lang. Marami pang dapat mangyari kaya huwag kayong bibitaw. Chapter 56 Napabalik ako sa ospital kung nasaan sila mommy dahil sa sinabi niya nang tumawag ito sa akin. Hinatid ako ni Sir Silver nang makita niya na balisa ako at hindi mapakali. Nang makarating kami sa ospital ay nandoon ang totoong magulang ni Kiel sa loob ng kwarto kaya kami ang nasa labas. "Paano niyo nalaman na sila iyong totoong magulang ni Kiel, my?" "Tulad ni Kiel, matagal-tagal na rin nilang hinahanap ang anak nila. Ang sabi nila sa amin, kinuha raw ng dating kasambahay nila ang batang sanggol na si Finley at itinakas. Pagkatapos ay iniwan sa bahay ampunan sa Santa Elena kung nasaan ka. Nakakulong na ang dating kasam

