Chapter 57 "Tanya, siya ang magiging bago mong daddy." Iyon ang unang sinabi ng ina ni Tanya pagkatungtong niya ng high school. Hindi lingid sa kaalaman niya na hiwalay na sila ng totoo niyang papa at ngayon ay nakapag-asawa na ito ng bago. Iyong mayaman. Hindi naman talaga sila mayaman. Sinwerte lang sila dahil may nagmahal sa mama niya ng mayamang business man. Ang Almonte. Kilala ang pamilya nila sa business ng Hotel and Resort dahil kulang ang mga daliri sa pagbibilang ng hotel and resort na pagmamay-ari nila mismo. "Hindi ka ba masaya anak?" Her happiness matter to her mother the most. Sabi ng mama niya ay hindi ito magiging masaya kung hindi siya masaya dahil lahat ng ginagawa naman niya ay para sa kanya. Lumaki si Tanya na hindi niya nakukuha ang mga bagay na gusto niya, madalas

