Chapter 63 Tinanggap ni Tanya ang offer sa kanya ni Mr. Valencia sa CIMA. Sinabi niya iyon kay Wave at laking tuwa niya na sinusuportahan siya nito sa pangarap niya katulad ng pagsuporta na ginagawa nito. Sa ngayon ay wala na siyang mahihiling pa dahil nasa rurok na siya ng tagumpay pero sabi nga nila, kung kailan nasa rurok ka na ay doon ka pa babagsak. Nalaman ni Tanya kung sino ang totoong nagmamay-ari ng CIMA. Walang iba kundi ang panganay na anak ng mga Chua, si Orson. Si Orson ang lalaking nambubully sa kanya noong nasa high school pa lamang siya. Bukod kasi na nagtatrabaho ang mama ni Tanya noon sa kanila ay inaapi siya nito dahil lumaki ito na walang kinikilalang ama at ngayong mayaman na siya ay hindi niya maiwasan na matakot sa alam nito sa pamilya niya. One wrong move and it

