At last. Chapter 64 "Paano mo nalaman na si Mr. Chua ang may pakana ng lahat?" kuryosong tanong ko sa kanya. Ngayong iniimbestigahan na ng mga pulis si Mr. Chua ay siguradong matatahimik na kami. Pagkatapos maaresto nito kanina ay doon lang nagbigay ng salita si Wave at si Silver sa media. Maraming tanong ang mga reporters sa kanila pero iilan lang ang sinagot ng mga ito. "I already suspect him since Dianne got arrested." Nakaupo na siya ngayon sa kanyang swivel chair habang nakahalumbaba at nakatingin sa akin. Ngayong malinaw na ang lahat ay siguro naman, wala ng kukwestyon sa kanya at sa kumpanya. Si Dianne? Anong kinalaman ni Dianne kay Mr. Chua? "Anong kinalaman niya roon?" "Let's say that Dianne is one of his pawn. Mas nahuli siya ng maaga kaya nasira ang plano niya. Later on, h

