CHAPTER 2

1289 Words
LOVE MASK " DESTINED " by May Asuncion "Manong Cesar baka pwede naman niyo ako bigyan ng isa pang pagkakataon?-----aksidente lang po talaga yung nangyari hindi ko ho kasalanan kung nabangga ako nung babae kaya nabasag yung mga itlog..nakikiusap ho ako manong Cesar.."pakiusap ni Idan sa boss na pinagtratrabahuan nito! "Nawalan ako ng malaking buyer ng dahil sa kapalpakan mo Idan!----at hindi na mauulit yun dahil tinatanggal na kita sa trabaho mo rito sa farm!umalis ka na!"si Manong Cesar! "Nakikiusap ho ako Manong Cesar..kailangang kailangan ko po ang trabahong toh..nabayaran ko naman ho yung mga nabasag na itlog sobra sobra pa.."pakiusap ni Idan! "Oo nabayaran mo nga!pero mas malaki ang nawala sa negosyo ko!alam mo bang si Mr Reyes ang pinakamalaking buyer ko dito sa farm!at sangkatutak na mura pa ang inabot ko dahil sa kagagawan mo!kaya umalis ka na dahil buo na ang pasya ko!"si Cesar na agad tinalikuran ang binata! Wala namang nagawa si Idan kundi ang umalis! ~~~~ "Oh kuya?kamusta?,naipaliwanag mo naman ba ng mabuti yung nangyari kanina kay Manong Cesar?"bungad ni May ng makita nitong dumating na  ang kapatid nito! Dirediretso naman si Idan sa lamesa at agad nagsalin ng tubig sa baso!inisang lagok naman muna niya ito bago ito humarap sa kapatid! "Sinesante ako sa trabaho ni Manong Cesar.." "Ano?pero diba binayaran mo naman yung mga nabasag na itlog?"si May! "Oo..pero nagback out yung buyer at hindi na kokontratahin si Manong Cesar kaya galit na galit sa akin si Manong dahil nawalan siya ng malaking buyer!"paliwanag naman ni Idan! "So wala ka nang trabaho sa farm kuya?----"nalungkot namang si May! "Hinaan mo yang boses mo-----baka marinig ka ni Mama--mag iisip na naman yun at makakasama yun sa kondisyon niya..maghahanap ako bukas ng bagong mapapasukan.."si Idan! "Maghahanap ka na naman?-----meron pa naman sa maisan tas sa eskwelahan din..tas pag linggo nasa gasolinahan ka naman..sa contraction rin...tas nag aaral ka pa sa gabi....kaya mo pa ba kuya?"mi himig pag aalala namang si May! "Oo naman...kaya ikaw mag aral ka ng mabuti..."si Idan! "Oo naman kuya!para sayo at para kay Mama..makakapagtapos ako ng pag aaral kuya..pangako yan..."si May! Napatango lang naman si Idan sa kapatid hanggang sa nagsalin na naman ito ng tubig sa baso! Mayamaya pay walang ano anong lumabas naman sa silid ang ginang! "Oh Idan nakauwi ka na pala...kumain ka na ba anak?sandali at ipaghahanda kita...may itinabi kami jan ng kapatid mo...."ang ginang! "Wag na po kayo mag abala Ma...mamaya na ho ako kakain..tsaka bakit bumangon kayo..."si Idan! "Anak ayos lang ako..tsaka palagi na lang akong nakahiga..hindi ko na kayo naaasikaso ng kapatid mo.."ang ginang! "Ma...alam naman niyong hindi pa ho kayo magaling..uminom na ho ba kayo ng gamot niyo?"si Idan! "Tapos na anak..eh kamusta nga pala yung pag aaral niyo?---Ikaw May?---"ang ginang! "Ayos naman po lahat Mama!sisiguraduhin ko po sa inyong gragraduate ho ako with honors!"masayang pagbibida naman ni May sa ina nito! Natuwa naman ang ginang sa sinabi ng anak nito! "mabuti naman kung ganoon anak..masaya akong marinig ang bagay na yan.."ang ginang! "Ikaw Idan anak?----nakakapasok ka pa ba sa eskwelahan mo?baka napapabayaan mo na yang pag aaral mo dahil sa pagtratrabaho mo..eh pwede naman akong kumuha ulit ng mga labada...para sana naman may maidagdag na pambili sa mga gamot ko anak.."nanghihinang sambit ng ginang! "Ma...ako nang bahala...wag niyo na hong isipin ang tungkol sa bagay na yan..maayos po ang lahat...ang gusto ko po ngayon eh yung tuluyan kayong magpa galing.."si Idan! "maraming salamat anak...maraming salamat sa lahat ng sakripisyo mo para sa pamilyang natin...simula ng mawala ang Papa mo inako mo na lahat ng responsibilidad para sa pamilya ...nagpapasalamat ako sa panginoong Diyos at nagkaroon ako ng mga mabubuting anak..."maluha luhang sambit ng ginang! "Ako ho ang dapat magpasalamat sa inyo Mama...napakalaki po ng utang na loob ko sa inyo..dahil sa kabila ng hindi naman niyo ako kadugo...hindi niyo naman ako kaano ano..pero itinuring niyo pa rin akong isang tunay na anak..itinuring niyo akong pamilya niyo!---kaya kahit pa ibigay ko ang buong buhay ko para sa inyo..gagawin ko.."si  Idan! Marahan namang niyakap ng ginang ang binata!hanggang sa nakiyakap na rin ang kapatid nitong si May sa kanila! ~~~~ Samantala nagmamadaling tinungo ni Idan ang panggabing klase nito!ilang minuto na lang at mahuhuli na naman siya sa klase nito! Hanggang sa pagliko nito sa bandang dulo ng pasilyo ay walang ano anong mi kung anong bulto na bigla na lang bumunggo sa kanya! "Ouch!-----"narinig pang sambit ng babae ni Idan! Samantala sa pagmamadali ni Bea ay hindi na nito naiwasan  ang malaking bulto ng bigla siyang kumaliwa! Nanlaki ang mga mata at kinabahan si Bea ng maramdaman nitong tila mawawalan siya ng balanse at anumang oras ay sasalampak siya sa sahig! Samantala mabilis namang hinila ni Idan ang babae palapit sa kanya ng mapansin nitong mawawalan ng balanse ang babae at malamang sasalampak ito sa sahig! Agad napapikit si Bea!hanggang sa maramdaman na lang nitong tila mi kung anong humila sa kanya! Napasubsub si Bea sa malapad na dibdib ng lalaking kanyang nakabangga! Agad napamulat ng mata si Bea!haggang sa maramdam rin nito ang tila mga brasong nakahapit at nakapulupot sa beywang nito! Nanlaki ang mga mata ni Bea!nailang at tila bumilis rin ang t***k ng puso nito ng mapagtanto niyang nakasubsub at nakayakap rin siya sa lalaki! Bigla siyang nahiya!Hanggang sa unti unting nag angat ng mukha si Bea! Sinalubong nito ang kunot noo at gulat na mata ng lalaking kanyang nakabangga! "Ikaw?-----"walang ano anong gulat ring sambit ni Bea! Samantala gulat at tila nanigas na naman mula sa kinatatayuan nito si Idan ng mapagsino ang babaeng nakabangga na naman nito!ang magandang babae sa palengke!ang dahilan kung bakit nasesante siya sa pinapasukan nitong farm! Agad agad namang kumawala si Bea mula sa pagkakahapit at pagkakayakap ng lalaki sa kanya!mabilis nitong inayos ang sarili saka ito muling bumaling sa lalaking kaharap! Napakunot noo si Bea at mi kung anong inis na naramdaman sa lalaking kaharap!tulala na naman kasi ito at tila nanigas na naman sa kinatatayuan! "Here we go again...."mahina at inis na sambit ni Bea! Napatingin ito sa kanyang bag na nahulog sa sahig! "Am i supposed to do this?!---wala na ba talagang gentleman sa panahon ngayon?tssk!---"inis na sambit ni Bea ng damputin nito ang kanyang bag!dinampot na rin nito ang libro na malamang pagmamay ari ng lalaking kaharap! "Here..."inis na si Bea sabay abot sa libro sa lalaki! Napaikot at napairap ng mata si Bea sa inis ng hindi na naman remoresponde ang lalaki na tila na naman naestatwa o naengkanto! Kinuha na lamang muli ni Bea ang kamay ng lalaki at  ibinigay ang libro nito!hanggang sa mi papitik pitik pa si Bea sa kamay nito para lang matauhan ang lalaking kaharap! Napakurap kurap naman si Idan sa ginawang iyon ni Bea! "Tsssk!at last.....so ano na??-----walang ka bang sasabihin ha mister?"si Bea! Napatapik ng noo si Bea ng nakatulala pa rin at titig na titig pa rin sa kanya ang lalaki! "Ano ba?!ano???------magsalita ka!pipi ka ba huh?!----"malakas at inis nang sambit ni Bea sa kaharap!hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit naiinis siya sa lalaking kaharap!siguro gusto lang niyang may gawin yung lalaki o marinig man lang magsalita kung nagsasalita man? Haggang sa mapalingon si Bea sa likuran nito ng marinig ang kaibigan nitong si Angeli! "Bea!-----sandali..."si Angeli! Mayamaya pay walang ano anong agad napabaling muli si Bea sa lalaki ng marinig nitong magsalita! "Pasensya na....hindi ko sinasadya..."nakayukong sambit ni Idan sa babaeng kaharap! Mi kung ano naman naramdaman ni Bea ng marinig nito ang boses ng lalaki!hindi niya maipaliwanag!pero bakit tila naexcite siya ng marinig ang boses nito! Hanggang sa mabilis at nagmamadaling naglakad palayo si Idan! "t-teka----sandali lang..."pigil naman sana ni Bea sa lalaki!balak naman sana niya itong sundan ng siya namang paglapit ng kaibigan nitong si Angeli!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD