bc

LOVE MASK

book_age16+
17
FOLLOW
1K
READ
billionaire
revenge
others
arrogant
powerful
heir/heiress
drama
tragedy
like
intro-logo
Blurb

Idan Magsaysay/ Dominic Alonzo Roque

Beatrice " Bea " Del Castillo

Idan Magsaysay/ Dominic Alonzo Roque

Beatrice " Bea " Del Castillo

Idan Magsaysay/ Dominic Alonzo Roque

Beatrice " Bea " Del Castillo

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
LOVE MASK " Destined " by May Asuncion "Miss Bea sandali...eh kasi kanina pa po tawag ng tawag ang Papa niyo..hindi niyo po ba sasagutin?"habol ang hiningang sambit ng kasambahay kay Bea! Agad na napatigil si Bea sa mabilis na paglalakad ng marinig ang sinabi ng kasama nitong kasambahay na siyang sumundo sa kanya sa airport! Mag iisang linggo na rin ng makauwi si Bea ng Pilipinas galing Europa!Isang linggo ring namalagi ang dalaga sa isang bahay ng mga ito sa Manila kasama nga nito ang kasambahay na si Azon!hanggang sa kumbinsihin nga siya ng kanyang Papa na umuwi sa kanilang Hacienda sa Ilocos! "Eh manang Azon..gusto ko lang namang maglakad lakad at libutin tong buong palengke eh..kasi pag nakauwi na ako sa hacienda hindi ko na magagawa ang lahat ng to.."si Bea! "Pero hindi ka pa ba pagod?kanina pa tayo lakad ng lakad wala ka naman binibili kahit isa..tsaka halos magdadalawang oras na tayong palakad lakad rito..."si Azon! "Saglit na lang to manang..sige na please pagbigyan mo na ako..ngayon lang naman ako nakalabas ng walang buntot ng buntot sakin na mga bodyguard eh.."si Bea! "haist sige na nga kung hindi ka lang malakas sakin eh...pero bilisan natin ha Miss Bea!"si Azon! "salamat manang! tara na!"masayang sambit ni Bea sabay yakap rito hanggang sa mabilis na namang naglakad ang dalaga!agad namang sumunod ang habol hiningang si Azon! Hanggamg sa mayamaya pay hindi agad napansin ni Bea ang isang lalaking mi buhat buhat na mga tray ng itlog!agad na tumilapon at nagsibagsakan ang mga buhat nitong mga itlog sa daan! "Oh my ghadd! mister im sorry!hindi ko sinasadya...oh mi ghad.."hindi malaman ang gagawing sambit ni Bea sa lalaki! "Ano ba naman yan!hindi ka ba tumi-----ti---ngin----sa----"agad na napatigil si Idan sa pagsasalita ng  makita nito ang napakagandang mukha ng dalaga! Mabilis namang nilapitan ni Azon ang dalaga! "Miss Bea okay lang po kayo?"agad namang sambit ni Azon pagkalapit nito! "Okay lang ako Manang Azon..."si Bea! "Im sorry...im sorry mister...ahm-----ganito na lang.."hindi malaman ang gagawin at sasabihing si Bea na agad kinuha ang wallet nito at hinugot ang limang libo sa loob nito! "Eto...kasya na ba yan?----pasensya na talaga mister...hindi ko sinasadya..."si Bea na agad iniabot ang limang libong piso sa lalaking kaharap! Napakunot noo si Bea ng hindi kinukuha ng lalaki ang iniaabot nitong pera!tulala at nakatitig lang ito sa kanya!medyo nakaawang pa ang mga labi ng lalaki sa kanya! Samantala hindi naman maalis alis ang tingin ni Idan sa babaeng kaharap!tila ba nag slowmo ang lahat ng nasa paligid nito ngayon! "M-Mister?----"sambit muli ni Bea sa lalaking nakatayo at titig na titig sa kanya! Hanggang sa kuhanin na lamang ni Bea ang kamay ng lalaki at ibinigay ang pera na hawak nito! "Pasensya na talaga mister..."sambit pang muli ni Bea sa lalaki!napakunot noo si Bea sa nakikita nitong reaction mula sa lalaking kaharap! Mayamaya pay naibaling ang attention  ni Bea sa dalagitang papalapit sa kanila! "Kuya kuya!anong nangyari?"agad na lapit ng katorse anyos na kapatid ni Idan na si May! "Ah eh k-kapatid mo ba siya?----ako yung mi kasalanan kaya nabasag yung mga itlog..."puno ng na si Bea! Agad namang bumaling ang dalagita kay Bea!mi kung ano namang paghanga sa mga mata ng dalagita kay Bea! "Ah ganun po ba?"si May na inilibot ang paningin sa mga nagkalat na basag na itlog!mi kung anong panghihinayang sa mga mata nito! "pasensya na talaga ha?----kasya naman na siguro yang ibinigay ko sa kuya mo..sige nagmamadali rin talaga kami eh..sige..im sorry..."si Bea na madaling naglakad palayo sa mga ito!nakasunod naman rito si Azon! Napatango na lamang ang dalagita sa papalayong dalaga! "Hoi kuya!----napano ka na jan?"takang tanong ni May sa kapatid ng hindi pa rin kumikilos ang kapatid sa kinatatayuan nito!hanggang sa marahang tapikin nga nito ang pisngi ng kuya nito! "Ano ba?"agad na sambit ng natauhang si Idan! "Ano ano ka jan!nakakita ka lang ng magandang babae natulala ka na!----"si May na agad sinabayan ng malutong n tawa! "a-anong pinagsasabi mo jan ha?"agad namang depensa ni Idan! "Yun si ate ganda...ang ganda niya noh kuya?basta magiging ganon rin ako kaganda!-------ayiiie si kuya!!alam kong ganun yung mga tipo mo eh ...tsaka alam mo kuya parang ang bait bait rin niya.."dagdag pang sambit ni May! "Tumigil ka na nga jan.."si Idan na napatingin sa nagkalat na basag na itlog sa daan!hanggang sa mapansin rin nito ang hawak hawak nitong tig iisang libo sa kamay nito! "Bigay yan ni ate ganda kuya....magkano ba yan?"si May! Agad namang binilang ni Idan ang hawak nito! "Wow limang libo?----"laking tuwang sambit ni May ng malaman kung magkano ang hawak na pera ng kapatid! "Sobra sobra tong ibinigay niya..."si Idan!inilibot nito ang paningin sa lugar!baka sakali kasing makita nito ang babae at maibalik ang sobra sa ibinigay nito! "Eh kasi ikaw kuya eh...mi patula-tulala ka pa jan...eh di sana naisauli mo yung iba..lakas ng tama mo kuya kay ate ganda noh?!"pagbibiro pa ni May sa kapatid! "Tama tama ka jan..ikaw tigil tigilan mo ako ha?!..kundi ikaw yun tatamaan sakin!sige na simulan mo nang maglinis...nakakahiya sa mga dumaraan.!"pag iiba naman ni Idan! "Wag mo sabihing lilinisan pa natin toh..meron namang naglilinis rito eh----"si May! "Wag nang maraming satsat!simulan mo na ng matapos tayo agad!" "Kuya naman eh...hayaan na lang natin yung----"napatigil na si May ng agad magsalita ang kapatid nito! "Sige na..nakakahiya sa mga dumaraan....tsaka sobra sobra tong ibinayad ng babae..kaya okay lang kahit linisan pa natin tong buong palengke!--"si Idan! Inis na lamang na pinagdadampot ni May ang mga tray ng itlog sa daan! ~~~~ Samantala agad na lamang tinungo ni Bea kung saan naroon ang sasakyan!madali naman siyang  pinagbuksan ng pinto ng sasakyan ng driver ng  makita siya ng mga itong papalapit! "Buti naman Miss Bea at uuwi na tayo..."si Azon! Mi kung ano namang gumugulo sa isipan ni Bea!Walang ano anong napabuntong hininga ito! "Manang...sapat na kaya yung ibinigay ko sa lalaki?-----baka kasi ako pa yung magiging dahilan kung sakaling matanggal yun sa trabaho niya.."problemadong si Bea! "Sobra sobra pa po yung ibinigay niyo Miss Bea...tsaka hindi niyo naman po yun sinasadya..maiintindihan naman po siguro nila yun..wag niyo na pong intindihin yun..binayaran naman po niyo yun sobra sobra pa.."si Azon! "Kunsabagay...pero kasi yung reaction ng lalaki kanina.."napapaisip namang si Bea! Agad nang rumehistro sa isipan nito ang mukha ng lalaki!mahaba ang buhok nito na halos natatakpan ng kalahating mukha nito kaya kalahati lang ng mukha nito ang nakikita!pero hindi maipagkakailang titig na titig sa kanya ang lalaki kanina!kahit hindi nito nakikita ang isang mata nito alam niyang mataman siyang pinagmamasdan ng lalaki!at mi kung anong gustong sabihin ang mga matang yun!sa isip-isipan ni Bea! "Ai nahalata niyo rin po?hihihi!ang lakas po ng tama ng lalaking yun sa inyo eh Miss Bea..."napahagikgik na si Azon! "hai nako manang Azon...mi ibig sabihin na naman yang pinagsasabi mo jan.."natawa namang si Bea si Bea! "Totoo Miss Bea...na love at first sight ata yung lalaki kanina sa inyo eh !------pero infairness matangkad at mukhang mi itsura naman ata????---hindi ko kasi masyadong makita yung mukha nung lalaki kanina kasi natatakpan ng buhok yung kalahating mukha niya!--hmmm parang napakamisteryoso ng lalaking yun..."dagdag pa ni Azon! "Oo...napakamisteryoso nga niya.."mahinang sambit ni Bea! "pero maganda yung mata niya Miss Bea..."si Azon na animoy kinikilig kilig pa! "Kung ano ano talaga pinagsasabi mo Manang..."napangiti namang si Bea! "Totoo po ang mga sinasabi ko...sino ba naman kasi ang hindi mapapalingon at hahanga sa sobrang ganda niyo Miss Bea ...daig niyo pa nga yung  ibang artista sa T.V eh..matalino,maputi ,makinis,maganda,mayaman..halos nasa inyo na lahat Miss Bea!---tsaka halos ng mga lalaking madaanan natin kanina sa inyo nakatingin eh----"puno ng paghangang si Azon sa dalaga! "Nako Manang ha?baka naman lumaki yung ulo ko niyan ah at maniwala ako!hahaha!pero sige na nga...ano bang gusto mo at ibibigay ko rin ngayon din?!"pagbibiro rin namang ni Bea na sinabayan ng tawa! Nagkatawanan naman ang mga ito sa loob ng sasakyan!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
75.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook