Chapter 01

1210 Words
[Madison's Pov] May 01, 2021... Abala akong sinusuklay ang mahabang buhok ko habang nakaharap ako sa salamin. Papasok na ako sa trabaho ko sa Green Meadow Farm na isang orchidarium at mango leisure farm. Maraming activities na maaring gawin. Mayroong swimming pool, picnic groove, camping site, may ilog na pwedeng languyin at pasyalan. Maari ring mamingwit sa fish pond at may mga available room at cottage para sa mga bisita. Nagtatrabaho ako bilang isang assistant ng manager. Sina Mama at Papa ay namamasukan din doon bilang tagapangalaga ng mga iba't ibang klase ng bulaklak. Si Papa naman ay taga-harvest at nag-aalaga ng mga puno ng mangga. Sikat ang Green Meadow Farm dahil sa matamis at hitik na bunga ng mga punong mangga. Maging ang mayayaman na pamilya ay namamasyal at nagbabakasyon dito. Malawak ang taniman at masarap ang simoy ng hangin. Masarap sa mga mata ang luntian at makukulay na mga sari-saring bulaklak. “Anak, halika na! Sumabay ka na sa amin!” malakas na pagtawag ni Mama sa akin. “Sige po, 'Ma. Palabas na po ako.” Dali-dali akong nag-ayos ng istura ko at naglakad palabas ng kwarto. Malaki ang bahay namin at may dalawang kwarto. Sa isang kwarto ay doon natutulog sina Mama at Papa. Habang ang isa naman ay kaming tatlong magkakapatid. Naipundar ni papa ang bahay na ito dahil dati siyang nag-abroad sa bansang Japan. Isa siyang dairy farmer doon na nangangalaga sa mga baka at minsan ay naka-assign sa mga baka na nag-produce ng gatas. Malaki ang sahod pero malaki rin ang gastos ni Papa noon dahil nag-aral pa raw siya ng Nihonggo, 'yon ang lenggwahe sa bansang Japan. Mahigpit din dahil dadaan ka sa matinding interview ng mga Japanese at kailangan ay matatas kang magsalita ng lenggwahe nila. Nabanggit noon ni Papa na dapat ay maayos ang medicak record mo at maayos din ang mga ngipin mo. Bawal daw kapag may sira ang ngipin. Abala raw kasi sa pagtatrabaho kapag sumakit ang ngipin mo. Madalas 'yan ikwento ni Papa sa amin noong mga bata pa kami. Ang ganda kasi sa Japan. Pangarap kong makarating doon. Gusto kong makita ang puno ng cherry blossoms na namumukadkad at naglalaglagan sa lupa. Maging ang mga kanal doon ay kamangha-mangha. Malinis at may mga nakatirang buhay na makukulay na isda at kung tawagin ay koi fish. Ngunit hindi na nakabalik si Papa ulit dahil over age na siya. Si Papa Berto ngayon ay limampu't limang taong gulang na. Samantala si Mama Mila naman ay limampu't tatlong taong gulang. Paglabas ko ay abala sa panonood sina Michaela at Michael sa telebisyon. Hilig nila ang manood ng mga anime at cartoons. Ang mga pangalan naming tatlo ay nagsisimula sa letrang m. Ako si Madison Hontiveros, tatlumpu't tatlong taong gulang. Seryoso ako at walang oras sa lovelife dahil gusto kong makatulong sa mga magulang ko. Hindi rin ako nakapagtapos ng college dahil noong mga panahon na 'yon ay nagkasakit si Mama. Binenta ni Papa ang mga alagang kalabaw at maging ang sakahang lupa namin ay naibenta na rin. Sa awa ng Diyos ay gumaling si Mama. Nagkaroon siya ng kumplikasyon at napag-alaman naming lumala ang mayoma niya at kinailangan siyang operahan. Tanging natira sa amin ay ang bahay na ito. “Summer na naman kaya busy ang iba riyan,” patutsada ko sa dalawa habang abala sa panonood. “Pagbigyan mo na kami, Ate. Holiday ngayon kaya wala kaming pasok,” giit ni Michaela. Si Michaela ang pangalawa sa aming tatlong magkakapatid, dalawampu't walaong taong gulang na si Mikaela at ako ang panganay. Nagtatrabaho sa opisina si Mikaela sa Manila. Nakapagtapos si Mikaela ng B.S. major in Business Management sa publikong pamantasan dito sa Bulacan. Matalinong bata si Michaela at masipag sa pag-aaral kaya katunayan niyan ay scholar siya sa unibersidad na pinasukan niya. “Ate, may pasok ka pa rin kahit holiday?” tanong ni Michael habang nakapangalumbaba. at nakapatong sa hita niya ang kaniyang siko. Si Michael naman ang bunso, dalawampu't limang taong gulang at nagtapos sa kursong BS major in Management Engineering. Mabait na bata si Michael at matulungin. Nag-iisang lalaki si Michael kaya mahal na mahal namin siya ni Michaela. Malaking tulong sa amin na nakapagtapos silang dalawa at may magandang trabaho. “Oo naman, saka maraming bisita ang darating.” Sinukbit ko nang maayos ang shoulder bag sa aking balikat. “Ate, ang blooming mo ngayon. Excited ka na siguro sa kasal niyo ni Kuya Frank, noh?” ngingising-ngisi na sabi ni Mikaela. Lumawak ang ngiti ko sa aking labi. Sino ba ang hindi matutuwa at kiligin kung nalalapit na ang kasal mo sa boyfriend mo. “Kayo talaga... sige na, aalis na ako. Maglinis kayo rito at kayo na muna ang bahal sa kakainin niyo.” kumaway ako at tumalikod paalis. “Sure, Ate Madi! No worries,” tugon ni Mikaela. “Ate, pasalubong mamayang gabi,” pahabol na sabi ni Michael. “Sige ba, basta kayo naman ang babawi sa akin kapag sahod niyo na.” “Walang problema, Ate Madi. Sagot kita kapag sumahod na ako,” mayabang na sabi ni Michael. Ngumiti ako at naglakad patungo sa pintuan. Mahirap na at baka ma-late ako. Mas mabuting maagap pumasok at nakahihiyang ma-late. Nilingon ko silang dalawa at kinawayan hanggang sa tuluyan akong nakalabas sa bahay. Naghihintay sina Mama at Papa sa loob ng tricycle. Marahan akong tumakbo dahil maalikabok at ayaw kong maligo sa alikabok ang suot kong doll shoes na kulay asul. Summer ngayon kaya naman napakainit at dagsa rin ang mga bumibisita sa Green Meadow. “Okay ka na ba riyan, Madison?” tanong ni Mama. “Opo, Mama. Tara na, Kuya,” tugon ko. “Sige, kapit ka nang mabuti,” sabi ng driver at sinimulan niyang paandarin ang makina. Napako ang tingin ko sa kalsada at matatanaw mo ang ibang malawak na palayan sa tabi ng kalsada. Masisipag ang mga tao rito sa amin at mababait. Kapag dayo ka rito ay tatanggapin ka nila basta't mabait ka rin makitungo sa kapwa mo. Ilang minuto lang ay narating namin ang Green Meadow Farm. Naglakad kaming tatlo papasok sa malaking gate na may disenyong makukulay na bulakak at malaking litrato ng prutas na mangga, may nakasulat na 'Welcome to Green Meadow Farm'. Iginala ko ang aking paningin sa paligid. Tumambad sa akin ang malawak ma lupain ng Green Meadow Farm na pagmamay-ari ng pamilyang Celeste. Nasa ibang bansa ang mag-asawa pero ang kaisa-isahang anak nila ang nag-aasikaso rito na si Ma'am Natalie. Humiwalay na ng landas sina Mama at Papa dahil doon sila sa mga taniman. Nilakad ko nang marahan ang daanan na gawa sa semento patungo sa office namin. Lahat ng inquiries ay doon pag-uusapan. Maaliwalas ang panahon at masarap sa pakiramdam ang simoy ng hangin. Banayad na tumatama sa aking balat. Maging ang mabangong amoy ng mga natuyong dahon ay nanunuot sa aking ilong. Masarap talaga ang buhay probinsya. Habang natatanaw ko at papalapit na ako sa opisina ay naalala ko ang lahat. Three years ago kung saan kami nagkakilala ni Frank. Ang boyfriend ko, este ang fiance ko. Summer din noon at bumisita sila rito ng kan'yang pamilya. Dito lahat nag-umpisa hanggang sa magkamabutihan kami. Napangiti ako habang nakayuko na naglalakad. May pagkatorpe kasi si Frank noon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD