Chapter 02

1171 Words
[Madison's Pov] Three years ago... Nakaharap ako sa screen ng computer ko. Panaka-nakang mag-aayos ng mga schedule sa booking system namin. Fully book na kami this summer at maraming tumatawag sa telepono para sa mga inquiries. Ang iba ay nangungulit pa na baka maaari silang isingit sa schedule. Naiintriga ako sa anak ng may-ari ng Gold Coast Yulo Corporation, isa sila sa naka-book. Nagmamay-ari sila ng malalaking cruise ship at tanker na naglalayag sa iba't ibang bahagi ng mundo. May company outing sila rito at magtatagal sila rito ng isang linggo. Tinapik ako ni Aileen sa kaliwang balikat ko kaya nilingon ko siya at ginawaran ng matamis na ngiti. “Bakit, Aileen? Mang-iistorbo ka na naman,” tatawa-tawang biro ko. Nakatayo si Aileen sa tabi ko sa bandang kaliwa ko at ako ay nakaupo sa swivel chair. Itinutok kong muli ang atensyon ko sa harap ng computer. “Naunahan mo na naman ako. May itsi-chika ako sa 'yo,” magiliw niyang sagot. Siya si Aileen, twenty-eight years old, may asawa na at may dalawang anak. Isang taon na s'ya ritong namamasukan. Isa s'ya sa room attendant namin dito sa Green Meadow Farm. May pagaktsismosa lang talaga ang babaeng ito pero mabait naman si Aileen. S'ya ang madalas kong kasama at kabiruan. Kailangan kong matapos ang pag-aayos ng schedule dahil mamaya ay darating na ng Gold Coast Yulo Corporation. Muli ay binalingan ko ng tingin si Aileen. “Ano ba 'yang bagong tsismis mo? Baka naman narinig ko na 'yan, ha. Baka huli ka na sa balita.” Natawa nang bahagya si Aileen sa mga sinabi ko. Hinampas niya ako nang mahina sa aking kaliwang braso. “Hindi, bago lang 'to. 'Di ba darating 'yong si Sir Frank Yulo?” singit niya. “Oo, bakit? Ano'ng me'ron sa kan'ya?” tanong ko na may halong pagtataka. “Madison! Ang pogi raw ni Sir Frank!” nagtatalon s'ya nang bahagya sa labis na excitement. Ramdam ko ang tuwa at gigil ni Aileen sa sinabi n'ya. Ngunit nagkibit balikat lang ako na parang wala lang. “Alam mo, ikaw... ang hilig-hilig mo talaga sa gwapo! Pero tingnan mo kung sino ang napangasawa mo.” Umiling-iling ako sa kan'ya at palihim na nakangiti. “Uy, grabe ka! Gwapo naman ang asawa ko. Kinulang lang 'yon sa paligo!” ngingising-ngising giit niya. Nakatutuwa kasi itong si Aileen. Sa sobrang hilig n'ya raw noon sa mga magagandang lalaki ay doon ang bagsak n'ya sa lalaking inaayawan niya. Mabait kasi ang asawa n'yang si Philip at maaruga. Mahilig magpatawa kung kaya naman na-develop si Aileen rito. “Ano naman kung gwapo 'yang si Sir Frank, kung taken naman.” Isang malapad na ngiti sa aking labi nang mapagtanto kong tapos ko na ang pag-aayos ng schedule. Tumayo ako at inunat ang aking mga braso at kamay. Kanina pa kasi ako nakaupo at nag-aayos sa rami ng mga nagpa-book. Tinungo ko pwesto kung saan nakalagay ang water dispenser upang kumuha ng maiinom. Habang si Aileen ay sumunod sa akin at palinga-linga sa loob ng opisina. “Single raw si Sir Frank...” matigas n'yang bulong. Muntik na akong masamid sa pag-inom kung kaya umubo-ubo ako upang mahabol ang paghinga ko. “Okay ka lang ba?” tanong ni Aileen at hinaplos ang aking likuran. “O-Okay lang ako, Aileen. Nakakaloka ka, bakit alam mong single ang tao?” Nagtaas dibdib akong huminga. “Kasi narinig ko sina Ma'am Mariel at Ann na nagtsi-chikahan. Type niya raw si Sir Frank at handa s'yang ibigay ang sarili kay Sir Frank para magustuhan s'ya nito,” seryoso n'yang sabi. Namilog ang mga mata ko sa narinig. Seryoso ba talaga si Ma'am Mariel na gagawin ang bagay na 'yon? Natawa ako nang bahagya sa nalaman. Masungit kasi itong si Ma'am Mariel dahil walang boyfrien at manliligaw na mayaman. Matapobre ang lola dahil gusto niya 'yong mayaman, gwapo at matangkad. Halos mga nanliligaw kasi sa kan'ya ay mga trabahador dito sa farm. “T-Talaga? Ambisyosa naman pala ang lola. Pero malay mo 'di ba? Magustuhan siya ni Sir Frank na sinasabi mo,” litanya ko. Tatawa-tawa si Aileen sa sinabi ko. Ayaw kasi n'ya kay Ma'am Mariel dahil madalas s'yang pagalitan kapag nakitang nakikipag-usap sa akin. “Naku! Asa pa s'ya! Pustahan tayo, hindi siya matitipuhan ni Sir Frank. Baka ikaw ang matipuhan!” bulalas niya. Humakbang ako at naglakad palabas ng opisina. Nilingon ko si Aileen na kasunod ko rin. Nakakunot ang noo ko nang mapansin sa 'di kalayuan na may mga sasakyan na dumating. “Bakit naman ako matitipuhan ng Sir Frank na 'yon. Mayaman 'yon, tiyak akong mayaman din ang hanap no'n,” giit ko. “Ano ka ba? Sexy ka at maganda. Tapos single ka pa, walang boyfriend at walang anak. Mukha ka ngang anak ng mayaman dahil sa kutis mo.” Hinaplos niya ang balat ko sa braso at tinitigan niya ito na para bang namangha. Sasagot na sana ako nang biglang nagtatalon sa tabi ko si Aileen at hawak pa niya ang magkabilang balikat ko. Nawawalan ako ng balanse sa ginagawa niya. “A-Ano ba, Aileen. Para kang bulate na nilagyan ng asin,” naiinis kong sabi. Tinuro ni Aileen sa 'di kalayuan ang isang lalaking bumaba sa isang kulay itim na van. Matangkad at maganda ang pangangatawan. Nakasuot lang ito ng puting t-shirt kaya bakat ang matambok na dibdid nito na alaga sa gym. “S-Siya si Sir Frank! Si Sir Frank!” Nagtitili si Aileen na parang kinurot sa singit. Nang titigan ko ang lalaking naglalakad papalapit sa amin ay parang huminto ang oras ko. Parang bumagal ang takbo ng oras at pakiramdam ko ay ang lakas ng dating sa akin ni Sir Frank. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Bumilis sa pagtibok ang puso ko na para akong hinabol ng kalabaw. Bakit parang kinakabahan ako nang lalo s'yang palapit nang palapit. Hindi ko na napansin pa ang ibang nakasunod sa kan'ya. Tangin sa kan'ya lang nakatitig ang mga mata ko. Dumarubdob ang kaba sa aking dibdib nang magtama ang paningin naming dalawa. Ito ba ang sinasabi nilang love at first sight. Unang beses, unang beses kong makaramdam nito. Ni hindi ko na namalayan pa na nakatayo na siya sa harapan ko at kumurap-kurap akong nakatitig sa kabuuan niya. Taas baba ko siyang tinitigan upang suriin ang kaniyang kabuuan. Hanggang balikat lang ako at masasabi kong nasa 5'11" ang height n'ya. Ngumiti siya sa akin at bumuka ang kaniyang bibig. May sinasabi siya pero hindi ko naintindihan dahil tulala na pala ako. Naramdaman kong kinurot ako ni Aileen sa aking tagiliran kung kaya't bumalik ako sa aking ulirat. Napangiwi ako habang nakangiting nakatitig sa akin si Sir Frank. Narinig ko ring nagtawanan nang bahagya ang mga kasama n'yang kababaihan at kakalakihan. “Iba talaga ang tama ni Sir Frank sa mga babae,“ biro ng isa sa mga kasama nila. Nakahihiya! Sobrang nakahihiya ang unang tagpo namin ni Frank. Hindi ko makalimutan ang una naming pagkikitang ito at pakiramdam ko ay napaibig ako sa sandaling ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD