Chapter 3

2378 Words
[Madison’s POV]   NABALIK ako sa aking ulirat noong marating ko ang opisina. Pagpasok ko sa loob ay naroon na si Aileen ang aking kaibigan. Abala ito sa pag-mop ng sahig at araw-araw niya itong ginagawa. Walang palya dahil siya ang naatasan ng aming manager.   “Good morning, Aileen. Busy ka na riyan, ha. Ang sipag talaga ng kaibigan kong ‘to…” magiliw kong biro.   Napahinto si Aileen sa pag-mop at inangat ang mukha nang nakangiti.   “Uy, magandang umaga, Madison! Mukhang maganda ang mood mo ngayon, ha? Ganiyan ba talaga kapag malapit na ang kasal?” nakangiting tugon nito.   Tinungo ko ang aking table at inilapag ang bag sa itaas niyon. Malawak ang ngiti ko sa aking labi dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang malapit na akong ikasal kay Frank. Ang anak ng nagmamay-ari ng Gold Coast Yulo Corporation.   “Siguro… ang sarap pala sa feeling. Pero, pressured din pala, ano?” sabi ko.   “Ganiyan talaga… baka nga maiyak ka pa kapag nasa harap ka na ng altar.”   Tumayo si Aileen at nakatukod ang baba sa handle ng mop at para bang nananaginip nang gising sabay buntong-hininga.   “Bakit, umiyak ka rin ba noong kasal ninyo?” nakangisi kong sambit.   “Oo naman! Kahit nga si Philip umiyak. Ang saya namin pero pagkatapos noon ay ubos ang budget. Siguro ‘yon ang iniiyak namin!” tatawa-tawa niyang sabi.   Natawa ako sa sinabi ni Aileen at kahit kailan ay maloko talaga ang kaibigan kong ‘to. Sa kaniya ko nga lang nakuha ang pagiging madaldal at nahahawa ako sa mga kalokohan niya. Kinuha ko ang cellphone sa aking bag at binuksan niyon. May text pala galing kay Frank.   [Honey, tuloy ang date natin sa day-off mo.]   Napangiti akong binasa ang text ni Frank. Kahit kalian ay hindi ito pumalya sa pagte-text sa akin maliban na lamang kung may mahalaga siyang appointment sa mga client nila. Madalas din kaming magkita at paminsan-minsan ay dumadalaw sa amin. Sa Makati kasi nakatira si Frank kaya ang layo namin sa isa’t isa. Minsan ay sinusundo niya ako rito sa Bulacan dahil ayaw niyang mapagod ako sa biyahe.   “Uy… nakangiti na naman ang isa riyan,” kantyaw ni Aileen habang tuloy sa pag-mop ng sahig.   “Loka ka talaga, Aileen. Masama na ba ang ngumiti?” giit ko nang nakangiti.   “Baka langgamin na ‘yang screen ng cellphone mo, sige ka!” “Alam mo ang sweet lang kasi talaga ni Frank at hindi ako makapaniwalang mapangangasawa ko ang anak ng may-ari ng isa sa pinakamalaking kompanya sa bansa natin,” hindi ko makapaniwalang sabi.   “Sinabi mo pa! Pero keri na ‘yan, Bessy. Hindi ka na mahihirapan pa lalo na kung magkaanak ka man.”   Natigilan ako at nakaramdam ng kaba dahil naalala ko sa edad ko na ‘to ay hindi kaya ako mahirapang mabuntis? “Iyon na nga, Bessy at kinakabahan ako. Paano kung hindi ako mabuntis?”   Lumapit si Aileen sa lamesa ko at umupo sa harapan.   “Mabubuntis ka pa, Bessy! ‘Yong kakilala ko matanda pa sa ‘yo, nabuntis. Nagpaalaga sa ob-gyne. Saka paano ka mabubuntis? E, ‘di ba nga parating gumagamit si Papa Frank mo ng c*ndom!” Sinaway ko siya dahil baka marinig kami at hindi ako sanay na pag-usapan ang mga ganoong bagay.   “Sshhh! Ang ingay mo naman, Aileen. Baka marinig tayo!” natatawa kong sabi.   “Bakit, totoo naman? Ay, naku, Madi! Ako na ang nagsasabi sa ‘yo ang sarap kapag walang ginagamit na c*ndom!”   “A-Ano ang kinalaman niyan?”   “Basta, sinasabi ko sa ‘yo. Subukan niyo ring dalawa na walang ginagamit na cond*m at masasabi mo talagang heaven!”   “Nakakatakot at baka mabuntis pa ako.”   Napakunot ang noo ko dahil sa pag-aalala. Oo, inaamin kong hindi na ako virgin dahil nakuha na ako ni Frank. Ngunit siya ang nakauna sa akin at walang iba.   “Ayaw niya pa akong mabuntis hangga’t hindi kami kasal. Baka kung ano rin ang masabi ng pamilya ni Frank,” giit ko at binuksan ang computer sa aking harapan.   Mag-aayos kasi ako ng mga naka-schedule na booking para ngayong summer. Dagsa ang mga customer ngayon buwan ng Mayo.   “Sabagay, kilala kasi ang pamilya ni Frank. Pero, ang suwerte-suwerte mo, Bessy. Kami ni Philip nga ay nagpa-plano na rin na magkaanak ulit. Kaya nga nagpi-pills pa ako dahil nag-iipon kami. Ang hirap magbuntis kapag walang panggastos.”   Napaisip ako at balak kong sabihin ang bagay na ‘to kay Frank sa date naming dalawa sa darating na day-off ko. Maya-maya pa ay sumulpot si Mariel na nakasimangot.   “Aba, ang aga-aga! Tsismisan nang tsismisan!” Dinaanan ni Ann ang sahig na nalinis na ni Aileen at bumakat ang maruming sapatos nito sa sahig dahilan para manlaki ang mga mata namin ni Aileen.   “Hoy! Ikaw talagang babae ka!” singhal ni Aileen na inis kay Ann.   “Oopss, sorry. Akala ko kasi hindi ka pa nakapagsimula. Tsismosa ka kasi— ang aga-aga, e,” sarkastik nitong sabi.   “Gusto mo hambalusin kita nitong hawak kong mop? Atribida ka talaga, Ann. Alam mo inggit ka lang. Kung gusto mo makipagtsismisan ka rin. Inggit ka lang sa ‘min dahil magaganda kami,” mataray na sabi ni Aileen kaya natawa ako nang bahagya.   “Aileen, tama na ‘yan. Mabuti pa at ituloy mo na ang paglilinis.”   “Pagsabihan mo nga ‘yang kaibigan mo, Madison.”   Kumuha ng tubig si Ann sa water dispenser sabay irap sa aming dalawa ni Aileen. Pinandilatan ni Aileen ng mga mata si Ann.   “Ang aga-aga, Madi nasisiraan ako ng bait, pigilan mo ako,” natatawang sabi ni Aileen.   “Ano ka ba? Huwag mong ibaba ang level mo sa kaniya,” bulong ko.   Mapapel kasi talaga itong si Ann at hindi matanggap na ako ang assistant ng manager namin. ‘Di hamak na mas nauna raw kasi siya sa akin at bakit daw ako ang kinuha. Hindi ko naman kasalanan iyon kung bakit ako kinuha ng manager ko. Ngayon ay kumakapit siya kay Ma’am Mariel na isa rin sa humahawak sa kanila.   Araw ng huwebes ang day-off ko at hindi raw ako masusundo ni Frank kaya mag-isa akong babiyahe. Sumakay ako ng FX at at dumaan kami sa NLEX para mas mabilis ang biyahe. Sinusubukan kong tawagan si Frank ngunit hindi ito sumasagot.   “Ano ba, Frank… bakit hindi mo sinasagot,” inis kong bulong sa aking sarili.   Susunduin na lamang raw ako ni Frank sa Monumento at doon magkita sa isang fastfood. Nang marating ko ang Monumento ay naglakad ako patungo sa sinasabi niyang fast food. Pumasok ako at um-order muna ng isang pineapple juice dahil nauuhaw na rin ako at nakahihiyang tumambay rito na walang ino-order.   Habang nakaupo ay isa-isa kong tiningnan ang mga masayang picture namin sa aking cellphone. Ilang minuto pa bago ko maubos ang pineapple juice ay tumunog ang aking cellphone. Nang tingnan ko ang screen ng cellphone ko ay si Frank ang tumatawag. Mabilis kong sinagot ang tawag niya.     “Hello, Frank?” nag-aalalang sagot ko.   “Hello, Honey… sorry at mali-late ako ng isang oras. I’m very sorry… May biglaang pinagawa ang dad sa ‘kin…” malungkot na sabi nito sa kabilang linya.   Namilog ang mga mata ko at bagsak ang balikat sa aking narinig mula kay Frank.   “H-Huh? P-Pero ang tagal ng isang oras, Frank…” Palinga-linga ako sa paligid dahil iniisip ko kung mananatili ba ako rito sa loob ng fastfood or magliwaliw muna sa malapit na mall.   “I’m really sorry, Honey. Mamasyal ka muna riyan at babawi ako sa ‘yo mamaya, alright? I love you, Honey.” Bago man ako makasagot ay ibinaba kaagad ni Frank ang tawag niya. Napatitig ako sa cellphone ko na magkasalubong ang kilay. Hindi ko alam ang nararamdaman ko pero natitiyak kong naiinis ako sa ginawa ni Frank. Isang oras akong maghihintay rito at wala akong maisip na gawin.   Nang maubos ko ang iniinom ko ay nagpasya akong lumabas at pumunta sa kalapit na mall. Nag-ikot-ikot ako roon at tumingin ng mga paninda tulad ng mga sapatos, damit at kung anu-ano pa.   “Ibili ko kaya si Frank ng damit,” sabi ko habang nakatitig sa mga display.   “Magandang tanghali, Ma’am! Baka gusto ninyo ng couple shirt namin. Uso ‘to ngayon… two hundred fifty lang ang pares,” alok ng nakangiting tindera at ipinakita sa akin ang isang pares na damit na kulay pula at may hugis puso na nahati sa dalawa na naka-print. Napangiti ako habang nakatitig sa mga damit.   Magustuhan kaya ito ni Frank? Tanong ko sa sarili.   “Sige, bibilhin ko na ho. Ate, p’wede bang size extra-large ang panlalaki?”   “P’wede, Ma’am. Kaso magkaiba na ho ito ng presyo kapag magkaiba ng size, okay lang ba?” sabi niya.   “Magkano po?” tanong ko.   “Bale tig-one hundred fifty ang isa, Ma’am.”   Napaisip ako dahil mas mahal nga naman kung magkaiba ng size. Pero matangkad kasi si Frank at malaki ang pangangatawan baka pumutok sa kaniya ang small size. Kinuha ko ang wallet ko at tiningnan ang loob nito at binilang ang laman ng wallet. Nasa one thousand pesos ang dala ko kanina ngayon ay nabawasan na dahil sa pamasahe at ibinili ko ng juice kanina.   “Sige, okay na ‘yan, Ate…” nakangiti kong sabi.   Habang binabalot ni Ateng tindera ang binili kong damit ay napatingin ako sa wristwatch ko. Mahigit isang oras na ngunit wala pang tawag si Frank. Napairap ako noong makita ang orasan.   “Ma’am, ito na ho. Maraming salamat, ha…” Inabot nito sa akin ang isang plastic bag.   Habang naglalakad ay umupo ako sa bench sa gilid. Ang sakit na ng paa ko dahil kanina pa ako paikot-ikot.   “Frank, nasaan ka na ba?” sabi ko.   Biglang tumawag si Frank sa cellphone at mabilis kong sinagot. Humugot muna ako ng malalim na paghinga.   “Hello, matagal ka pa ba, Frank?” inis kong tanong.   “Sorry, Honey. I’m on my way… nasaan ka na ba?” sagot nito.   “Nasaan ka na?” direktang tanong ko.   “Balintawak na, Honey. I’m sorry, Honey. Nasaan ka na and I’ll fetch you.”    Bigla akong  nawalan ng gana at matipid ko siyang sinagot.   “Narito ako sa mall sa second floor. Puntahan mo na lang ako rito sa tapat ng C.A. Clothing Shop.” Napasandal ako sa bench dahil sa pagod.   “Okay, wait for me.”   Binaba ni Frank nang tuluyan ang tawag at napahilot ako sa sentido. Napansin kong alas-dose na ng tanghali kaya siguro masakit na rin ang aking ulo dahil sa gutom. Hindi ko magawang magalit kay Frank at pilit kong iniintindi dahil ngayon lang naman ito nangyari.   Ilang minuto pa ay may lumapit sa akin ang isang lalaki at nakangiti. Nakasimangot ako at lalong sumama ang timpla ng mukha ko dahil mukha itong hindi mapagkakatiwalaan.   “Miss, wala ka bang kasama o naghahanap ka ng booking?” ngingisi-ngisi nitong tanong.   “A-Ano’ng booking?” galit kong tanong.   Aba, loko itong mukhang tarsier na ‘to.   “Hindi ako pokpok at baka pukpukin ko ‘yang ulo mo!” Inilabas ko ang folded umbrella sa aking bag at inangat upang handa siyang hampasin.   Umilag ito at umatras habang nakangisi at dilat na dilat ang mga mata.   “Sungit mo naman, Miss. Sayang, babayaran naman kita.”   “Kuya, ano’ng nasinghot mo? Katol?”   Ngunit hinawakan nito ang hawak kong payong at hinawakan ako sa braso ko habang inalalapit pa ang mukha sa akin. Nanlaki ang  mga mata ko sa gulat dahil nilabas pa nito ang dila.   “Ano ba?!” hiyaw ko na may halong pandidiri.   “Hey!” malakas na sigaw ni Frank at marahas na hinablot sa braso ang lalaking mukhang tarsier dahil halos luwa na ang mga mata nito at namumula pa.   Susuntukin na sana siya ni Frank nang lumayo ito at mabilis na tumakbo.   “Frank!” mahigpit kong niyakap si Frank dahil sa takot.   “Bakit kasi rito ka nag-stay, Honey?” naiinis na tanong ni Frank.   Sa rami ng p’wede niyang sabihin ay iyon pa talaga.   “Ang tagal mo, Frank. Saan naman ako tatambay habang naghihintay?” inis kong sagot.   “Okay, sorry. Nevermind. May pinagawa si Daddy at hindi p’wedeng hindi ako sumunod.”   “Nagugutom na ako,” sabi ko na may halong lambing.   Ako na mismo ang nagpakumbaba dahil ayaw ko na magkatampuhan kami ni Frank. Kumain muna kami sa malapit na mamahaling restaurant.   “Kanina mo pa bitbit ang plastic bag na ‘yan, Honey?”   Inangat ko ang hawak na plastic bag sa tabi ko na nakapatong sa bag ko. Kamuntikan ko nang nakalimutan na ibibigay ko pala ‘to sa kaniya.   “Ah, heto ba. Bumili ako ng couple shirt nating dalawa,” excited kong sabi.   Huminto kami sa pagkain ni Frank at dali-dali kong binuksan ang plastic bag at inilabas ang kulay pulang couple shirt at inaladlad sa kaniyang harapan.   “What’s that?” nakakunot ang noo nitong nagtatanong.   Napawi ang ngiti sa aking labi. Bingi ba siya at sinabi ko nan gang couple shirt.   “Couple shirt? Hindi mo ba gusto?” sabi kong napipilitan ang ngiti.   “Honey, sorry. I-I can’t wear that kind of shirt.”   Para akong kinurot sa puso ko sa kaniyang sinabi. Tumanggi siyang tanggapin ang binili ko para sa kaniya.   “P-Pero… okay… nakalimutan kong branded shirt lang pala ang sinusuot mo,” malungkot kong sabi.   “Itago mo na lang ‘yan, Honey. Bilisan mo ang pagkain at mali-late tayo sa show,” sagot nito.   Pakiramdam ko ay ang bigat ng pakiramdam ko at itinago ko na lamang sa bag ang couple shirt na binili ko. Ibibigay ko na lamang ‘to sa kapatid ko o kina Mama at Papa.   “O-Okay…” tipid kong sagot.   Itinuloy ko ang pagkain ko ngunit hindi ko rin ito naubos dahil nawalan ako bigla ng ganang kumain. Hindi maganda ang araw na ‘to para sa ‘kin. Masyado lang siguro akong over reacting at nasasaktan ako ng ganito.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD