Chapter 4

2408 Words
[Madison’s POV] BUMILIS nang bumilis ang pag-ulos ni Frank sa aking pagkabab*e habang ako ay hingal na hingal na dahil sa bigat ng kaniyang katawan. Matapos kasi naming kumain ay dumiretso kami sa isang sikat na hotel. “Oh… Frank…” mahina kong usal. “Louder, Honey…” daing niya habang isinagad pa ang pag-ulos. “Ahh… F-Frank…” “I can’t hold it anymore, Honey! I-I can’t.” “P-Pero hindi pa ako nilalab*san, Frank…” hinihingal kong pagmamakaawa. Napapikit ako nang mariin noong pakawalan na ni Frank ang mainit niyang likido mula sa kaniyang pagkalal*ki. Dumagan si Frank sa aking ibabaw habang hingal na hingal. “I-I’m so sorry, Honey. H-Hindi ko na… napigilan pa,” sambit niya. “It’s okay.” Mabilis na bumangon si Frank at inalis ang nakasuot na cond*m sa kaniyang ibaba. Dali-dali siyang tumungo sa banyo at doon ay nagsimulang marinig ko ang pagbukas ng shower. Transparent na salamin ang tanging harang ng banyo. Bumangon ako at umupo habang matiim siyang pinagmamasdan. Palagi na lang ganito. Noon ay okay lang sa ‘kin na nabibitin ako pero ngayon ay hindi ako kuntento. Dahil siguro sa nangyari kaninang pagtanggi ni Frank sa ibinigay kong regalo. Dinampot ko ang kumot upang ipantakip sa aking hubad na katawan na ngayon ay nilalamig na dahil sa aircon. Nilingon ako ni Frank na ikinagulat ko at nakangiti ito sa akin, “ Come on, Honey. Sabayan mo akong mag-shower.” “S-Sige, mauna ka na, Frank.” “A-Alright…” Tinalikuran niya ako at nagpatuloy sa pagligo. Habang ako ay napayuko at hindi ko maintindihan ang sarili ngunit kanina ko pa gustong umiyak. Pinigilan ko ang sarili na maluha at tumayo. Inalis ko ang kumot sa aking katawan at inilang hakbang ang banyo. Pumasok ako at mabilis kong hinalikan si Frank sa labi nito na ikinagulat pa niya. “H-Hey, Honey?” pigil niya. Marahan kong minasahe ang kaniyang sandata sa ibaba na ngayon ay wala ng buhay. Desperada na ako ngunit talagang nabitin ako at gusto ko pa ng isa pa. “Frank, isa pa, please…” pakiusap ko. “B-But…” “Ayaw mo na ba? Nabitin kasi talaga ako, Honey.” Lumuhod ako sa kaniyang harapan at tiningala ko siya. “What are you doing?” gulat niyang tanong. “G-Gusto kitang i-bl*w job?” “No way, Honey. B-Baka sabihin mong hindi kita nirerespeto. Please, stand up. Maligo ka na at may pupuntahan pa tayong theater.” Tumayo ako nang marahan at pakiramdam ko ay napahiya ako noong oras na iyon. Hindi ko pa nasusubukan ang bagay na ‘yon at itinuro lang ‘yon ni Aileen sa ‘kin. Para raw lalong ganahan ang isang lalaki. A-Akala ko ba ay gustong-gusto nila ang bagay na ‘yon ngunit bakit tinanggihan ako ni Frank. “Honey, gusto kong i-try na walang suot na cond*m,” mungkahi ko habang nababasa ako ng tubig galing sa shower. “Honey, we can’t. Ayaw kitang mabuntis ng wala sa tamang panahon,” giit ni Frank. “Ikakasal na rin naman na tayo, Frank. Ano’ng problema?” naiinis kong tanong. “Madison, ano’ng nangyayari sa ‘yo. I told you already. We can’t. Ano na lang ang sasabihin sa ‘yo nina Mom at Dad. Baka magalit sa ‘kin ang magulang mo. Baka sabihin nilang—” “Sabihin ano? Na hindi mo ako nirerespeto? Heto na nga, Frank. Ginagawa na natin ang hindi dapat.” Sa inis ni Frank ay pinatay niya ang shower pagkatapos ay naglakad ito palabas ng banyo at isinuot ang bath robe. Naiwan ako sa loob ng banyo habang tumutulo ang mga luha ko sa aking mga mata. I’m overreacting at parang hindi ko na kilala pa ang sarili ko. Lumabas ako at isinuot ang kulay pink na bath robe na nakasabit. “What’s happening to you, Madi?! Kanina pa kita hindi maintindihan?” matigas niyang tanong habang binubuhol ang tali ng bathrobe. “S-Sorry, Frank. G-Gusto ko lang talaga kasi maranasan,” sabi ko at niyakap ko siya sa kaniyang likuran. Nagsimula akong humikbi habang nakapikit nang mariin. “Kapag kinasal na tayo, don’t worry magsasawa ka rin sa ‘kin. Let’s just wait until we get married,” giit niya. “Okay, okay… sorry na. Nasasaktan lang kasi talaga ako dahil hindi mo tinanggap ang ibinigay kong damit.” Laking gulat ni Frank sa aking sinabi at pinalis ang mga kamay ko sa kaniyang harapan. Nagkasalubong ang kilay nito habang nakatingin sa akin. “God d*mn it! Dahil lang ba sa damit na ‘yon. For God’s sake, Madi! Y-You know, I can’t even wear it! Ang babaw naman ng dahilan mong ‘yan!” Hindi ako nakakibo sa binitawang salita ni Frank at napaatras ang mga paa ko na tila nanigas ako sa pagkagulat. Hidni ako makapaniwalang ‘yon ang magiging reaksyon ni Frank. Sa inis ko ay dali-dali akong nagbihis ng mga damit ko at wala na akong pakialam kahit basa pa ang buhok ko. “What are you doing?” “Nagbibihis ako! Hindi mo ba nakikita? Uuwi na ako!” galit kong sabi. “What the—” “Alam mo nagpagod lang ako sa araw na ‘to, Frank. Isang oras mo akong pinaghintay sa mall… pagkatapos, hindi mo man lang magawang tanggapin ang ibinibigay kong couple shirt sa ‘yo. Hindi mo naman kailangang suotin ‘yon sa harap ng mga mayayaman ninyong client at investors. Dahil ba sa mahirap lang ako at wala akong kayang ibigay sa ‘yo, kun’di itong pagkabab*e ko lang!” Dinampot ko ang bag ko at mabilis ko siyang tinalikuran palabas ng vip room na kinuha niya. Mabilis kong inihakbang ang mga paa ko at walang pakialam sa mga nakasasalubong kong mga tao sa harapan ko. Ang main goal ko ay makaalis sa hotel na ito at makauwi. Mabuti na lamang at may pamasahe pa ako. Kung sakali ay magwi-withdraw na lang ako sa kalapit na ATM machine. “Madi! Come back!” isang malakas na sigaw ni Frank at hindi ko na siya nilingon pa. … Ginabi ako sa pag-uwi dahil sa tindi ng traffic sa Quezon City. Mabuti na lang at may Bus na pauwi diretso sa amin. Inis na inis pa rin ako hanggang ngayon kay Frank kaya hindi ko sinasagot ang kaniyang tawag. “Nakakainis! Hindi ko siya maintindihan! Ano’ng problema niya sa pagsuot ng couple shirt! Hindi man lang niya tinanggap at nagpasalamat!” matigas kong sabi sa aking sarili. Pagbaba ko ng bus ay sumakay ako ng tricycle. “Manong, tara na ho. Sa Candelaria ho ako.” “Special po ba tayo?” tanong ni Manong. “Opo, Manong.” Napatingin ako sa aking wristwatch at pasado alas sais na pala ng gabi. Kapag special ride ay mas mahal ang pamasahe ngunit kung ordinary ride naman ay maghihintay pa kami ng tatlong pasahero para mapuno ito bago umalis. Gusto ko nang umuwi at magpahinga. Pagdating ko ng bahay ay mabilis kong inabot ang bayad sa driver at naglakad papasok ng bakuran namin. Natanaw ko sina Nanay at Tatay na nasa loob na ng bahay kasama ang dalawang kapatid ko habang nanonood ng TV. “Anak, kumusta ang lakad ninyo ni Frank?” tanong ni Mama at panay silip pa nito sa labas. Alam kong nagtataka ito kung bakit bumaba ako lulan ng tricycle lamang hindi kagaya noong nakagawian nilang hinahatid ako ni Frank pauwi parati. Nilapitan ko sila at nagmano sa kanilang dalawa ni Papa. “Kaawaan ka ng Diyos, Madi,” sabi ni Nanay at umupo. Bakas pa rin sa mukha nito ang pagtataka. “Hindi na po ako naihatid ni Frank. Nasiraan po kasi siya at nagpasya na akong maunang umuwi. Pumayag naman siya dahil baka gabihin pa raw ako,” pagsisinungaling kong sabi. Pinangunahan ko na si Mama dahil alam kong magtatanong siya sa ‘kin. “Ganoon ba? Sayang naman at akala ko ay ihahatid ka niya.” “Hayaan mo, ‘Ma. Pupunta rin naman ‘yon dito. Busy lang masyado ang tao,” nakangiti kong pilit na sagot kay Mama. “Sabihin mo kay Frank— hindi niya na ako p’wedeng tanggihan sa inuman sa kasal ninyo,” tumatawang sabi ni Papa. “Opo, ‘Pa.” Inilabas ko ang couple shirt at ibinigay kay Michael. Nagtaka pa siya kung ano ‘yon at binuksan ang laman. Laking gulat niya na couple shirt ito. “Wow, ang ganda naman nito, Ate Madi! Sa ‘kin ba ‘to?” “Oo, kung gusto mo bigay mo sa girlfriend mo,” sabi ko. “E, bakit ako, Ate wala?” tanong ni Mikaela. “May boyfriend ka ba?” tanong ko. “W-Wala,” tatawa-tawang sagot ni Mikaela. Naglakad na ako patungo sa k’warto naming magkakapatid dahil inaantok na ako at napagod lang ako sa mahabang biyahe. Wala man lang akong napala kun ‘di ang makipagniig lang kanina kay Frank at hindi pa ako nakuntento. “Anak, hindi ka ba muna kakain?” pahabol na tanong ni Mama. “Hindi na po, ‘Ma. Busog po ako,” sagot ko habang patuloy sa paglakad. Pagpasok ko ng k’warto ay inilapag ko ang bag sa kama at pabagsak na humiga nang nakadapa. Sinubsob ko ang mukha sa unan dahil hanggang ngayon ay nakakaramdam ako ng kakaiba na gusto ko talagang makaraos. Tumawag bigla si Frank at mabilis kong na-cancel ang tawag niya. Kinuha ko ang isang unan at dinantayan para pigilan ang sarili ko sa matinding pag-iisip hanggang sa nakataulog ako nang tuluyan. … [Honey, please forgive me. Hindi ko sinasadyang saktan ang damdamin mo, Madi.] Text message ni Frank sa ‘kin habang nasa harapan ako ng computer ko. Simula paggising ko ay hindi ko siya nagawang reply-an. Wala akong ganang makipag-usap muna sa kan’ya. Kapag siya ang may gusto at nabitin ay nagagalit siya at pinagbibigyan ko kahit na pagod na ako. Natatampo lang talaga ako sa kan’ya at nasasaktan ako noong sabihan niya ang babaw ko. “Bakit mukhang malungkot ang beshy ko?” tanong ni Aileen habang kumukuha ng inumin sa water dispenser. “Wala naman. Napagod lang ako kahapon,” tipid kong sagot. “Madalas ka namang pagod kapag nag-de-date kayo ni Frank. E, bakit parang kakaiba ka yata ngayon?” Lumapit si Aileen at umupo sa harapan ko habang umiinom ng tubig sa tumbler niya. Napabuntong-hininga ako at sandaling tumigil sa ‘king ginagawa. Nagpangalumbaba ako at napabusangot. Hindi ko kasi gusto ang nararamdaman ko ngayon. “Nag-away kami ni Frank kahapon.” Nanlaki ang mga mat ani Aileen sa kaniyang narinig mula sa ‘kin. “Ano?! Bakit naman?” “Alam mo bang tinanggihan ni Frank ang offer kong sinasabi mong bl*w job? A-Akala ko ba gustong-gusto nila ang bagay na ‘yon?” nagtataka kong tanong kay Aileen. Natawa nang bahagya si Aileen na halos hindi makapaniwala. “Naku, imposible ‘yon! Si Philip nga gustong-gusto ‘yon. Siya pa nga mismo nagsabi sa ‘kin na mas masarap daw ‘yon.” “Tsk, hayaan mo na. Ang aga-aga— kahalayan na ang pinag-uusapan natin.” “E, may iba pa bang dahilan?” tanong niya ulit. “Oo. Pinaghintay niya ako ng isang oras. Matatanggap ko pa ang bagay na ‘yon—” Naputol ang sinasabi ko dahil sumingit si Aileen. “Isang oras?! Hindi nga katanggap-tanggap ‘yan, Madi! Kung sa ‘kin ginawa ‘yan ni Philip ay baka masuntok ko siya sa mukha.” “Oo, sandali lang hindi pa ako tapos. Naintindihan ko siya sa parting ‘yon, Aileen. May biglaan daw kasi siyang inayos at importante. Alam mo naman anak ng malaking kompanya. Ang hindi ko matanggap ay ‘yong binili kong couple shirt sana naming dalawa ay hindi niya tinanggap. Ang dami-dami niya pang sinasabi na kesyo hindi raw siya nagsusuot ng gano’ng damit,” naiinis kong paliwanag. Sa totoo lang ay iyon ang pinuputok ng butse ko kay Frank kaya hanggang ngayon ay inis na inis pa rin ako. “Naku naman. Ang hirap pala kapag milyonaryo ang dyowa, Madi. Nasaan na ang damit? Sa ‘kin na lang,” nakangising sabi niya. “Wala na. Ibinigay ko kay Michael. Heto naman… alam mong malungkot ako, may gana ka pang guman’yan?” “Joke lang ‘yon… ano ka ba? Pinapatawa lang kita. Alam mo naman ako, ni hindi na nga makabili ng damit, hahaha!” Natigilan kami sa pag-uusap noong dumating si Ma’am Natalie ang anak ng may-ari ng farm na ‘to at siyang namamahala sa ngayon. “Madi, may naghahanap sa ‘yo sa labas,” sabi ni Ma’am Natalie. Napatingin ako sa kaniya habang nagkasalubong ang magkabilang kilay ko sa pagtataka. “OMG, sino?” tanong ni Aileen. “S-Sige po, Ma’am Natalie. Lalabas na po ako.” Tumayo ako at yumuko bilang pagbibigay pasasalamat kay Ma’am Natalie. “Sige,” nakangiting sambit ni Ma’am Natalie. “Uy, sama ako!” sambit ni Aileen. “Saan ka pupunta, Aileen? Tsismosa ka talaga. Dito ka na lang at samahan mo ako at may iuutos ako sa ‘yo,” pigil ni Ma’am Natalie kay Aileen. Napangiti ako sa kanilang dalawa at lumabas na. Naglakad ako at tinungo ang labasan at natanaw ko ang sasakyan ni Frank. Napahugot ako ng malalim na paghinga. Bakit siya narito? Tanong ko sa aking isipan. “Madi! Honey!” sigaw ni Frank sa kalayuan at mabilis na tinakbo ang nilalakaran ko. Napahinto ako at ginawaran niya kaagad ako ng mainit na halik sa aking labi dahilan para pumikit ako nang mariin. Galit ako kay Frank ngunit ngayong narito na siya sa aking harapan ay hindi ko maitatangging nawala bigla ang galit ko at napalitan ng awa. Hindi ko kayang hindi siya patawarin dahil mahal na mahal ko siya. “Bakit nandito ka? Nagtatrabaho pa ako at baka magalit si Ma’am Natalie,” sabi ko. “Nagpaalam ako kay Ma’am Natalie mo. Pumayag siyang makausap kita.” Hinawakan ni Frank ang mga kamay ko at hinatak ako patungo sa may kotse niya at binuksan ng driver niya ang likurang bahagi ng kotse nito. Laking gulat ko noong makita kong ang daming bulaklak sa loob at may stufftoy pa at may bouquet ng puting rosas. Halos nagtatalon ang puso ko sa tuwa dahil sa sorpresa ni Frank.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD