Chapter 5

2417 Words
[Madison’s POV]   “MARAMING salamat para rito.” Nakangiti ako kay Frank habak hawak ko ang iilang tangkay ng putting rosas at inaamoy-amoy.   Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko habang nakaupo kami sa loob ng dala niyang sasakyan.   “Sorry, Hon… I know malaki ang naging kasalanan ko. Next time, we will do it.”   Natigilan ako sa sinabi ni Frank. Tinutukoy niya ba ang pinapakiusap ko sa kaniya nakaraang araw. But I already change my mind.   “P-Pero, nagbago na ang isip ko, Frank. N-Nadala lang yata ako,” nahihiya kong sabi.   “N-No, Honey. It’s alright. I know that you want to try it— bl*wjob thingy… gusto mong sumubok ng mga kakaiba. We will do it,” mahinahon nitong tugon.   “S-Sigurado ka? Hindi ka na magagalit?”   “Of course, I can’t. Nadala lang ako ng pagod ko the last time we checked in.”   Hinawakan ni Frank ang baba ko at hinalikan ako nang mariin. Napapikit ako habang dinadama ang init ng kaniyang halik. Ilang sandal pa ay nagkahiwalay na ang mga labi naming dalawa at gumuhit ang matamis na ngiti sa ‘king labi.   “Frank, sunduin mo na ako sa susunod, ha? S-Saka, baka magalit na ang manager ko.”   “Oh, I forgot. I wanna tell you something. Next week ay isasama kita sa company outing.”   Bahagya akong nagulat sa kaniyang sinabi dahil hindi ako sigurado sa isasagot ko.   “N-Next week? May pasok ako, Frank. Hindi ba p’wedeng sa susunod na lang?”   Napawi ang ngiti sa labi ni Frank at nalungkot. Para tuloy akong kinurot sa puso ko nang mga oras na ‘yon.   “Honey, please… I want you to be with me. Minsan lang naman, please…” nakangiting pakiusap niya.   “O-Okay. Pero, magpapaalam muna ako sa manager ko.” Natigilan ako sa aking sagot noong mapagtantong pumayag ako. Tsk! Hindi talaga ako makatanggi kay Frank sa mga ganitong bagay.   Napayakap si Frank sa ‘kin nang mahigpit at inundayan ako ng halik sa aking labi ng ilang beses na ikinatuwa ko. Minsan parang bata itong si Frank kapag kaming dalawa ang magkasama.   “O, siya, siya. Bababa na ako at baka mapagalitan na ako ni Ma’am Natalie.”   “Wait, Hon. Ipahahatid ko sa driver ko ang mga pinamili kong pasalubong sa office ninyo. May dala rin ako para sa kanila.” Labis akong namangha dahil napakabait ni Frank at hindi niya ako binigo sa pagsorpresa. Parati siyang may paandar at matutuwa sina Ma’am Natalie at Aileen nito. Nang silipin ko sa likuran ay may mga pagkain at may cake pa.   “Ano ‘yan, wala namang may birthday.”   “Peace offering ko ‘yan. May dinala na rin ako sa inyo,” ngiting sabi ni Frank.   “Talaga, nakahihiya naman sa ‘yo. Hindi mo naman kailangang mag-abala…”   “Don’t be shy, Honey. Barya lang sa ‘kin ‘yan. Besides, you’re my future wife.”   “Ayan ka na naman— nagyayabang,” ngingisi-ngising sabi ko.   “What? I’m just telling the truth,” tatawa-tawang giit niya.   Bumaba na ako ng kotse at hinatid ako ni Frank sa office. Nagpaalam kami sa isa’t isa at hinintay kong mawala sa paningin ko ang kotse ni Frank. Nang lingunin ko si Aileen ay laking gulat ko noong nilalantakan na nito ang cake na nasa loob ng kahon.   “Hindi ka naman gutom, Aileen?” ngingisi-ngising tanong ko.   “Tara, Bes! Kain tayo?!”   Natawa ako nang bahagya sa pag-aaya ni Aileen sa ‘kin habang nilalantakan na niya ang cake na dala ni Frank.   “Mahiya ka naman kay Ma’am Natalie, Aileen.”   “Ay, oo nga pala. Ma’am Natalie, kain po. Teka, kukuha muna ako ng platito.”   Tumayo si Aileen at kumuha ng platito at kutsara. Dali-dali siyang humiwa ng kapiraso ng cake para ibigay kay Ma’am Aileen.   “Naku, maraming salamat. Alam mo, ang sweet talaga ng future husband mo,” ani Ma’am Natalie habang kumakain ng cake.   “Hindi naman po masyado, Ma’am Natalie.”   “Ano’ng hindi masyado?! Mabuti nga at binigyan ka kaagad ng peace offering. Ako, kahit magdamag hindi kumain o kumibo kay Philip— wala akong mapapala. Isang kiss lang no’n, bati na kami, hahaha!”   Lumawak ang ngiti sa aking labi dahil walang kupas sa kalokohan si Aileen.   “Ang tindi kasi ng away namin. As in, nagkasagutan na kami at nagtaas ng boses.”   “Alam mo, dapat parati mong awayin si Frank, ‘di ba, Ma’am Natalie?” ngingisi-ngising sabi ni Aileen.   “P’wede rin para may pasalubong si Frank parati. Si Aileen ang tagakain, Madi,” natatawang tugon ni Ma’am Natalie.   “Lukarit ka talaga, Aileen.”   Nagtawanan kami at inabutan na rin ako ni Aileen ng platito.   “Ayan, tikman mo ang tamis ng pagmamahal ni Frank.”   “Gusto mo, iuwi mo na ang matitira sa cake. Pasalubong mo sa mga bata, Aileen.”   “Ay, gusto ko ‘yan! Hindi ko tatanggihan ‘to.”   “Thank you po pala, Ma’am Natalie. Pinayagan ninyo akong makapag-usap kami ni Frank.”   “Okay lang ‘yon. Hindi naman ako bitter sa mga ganiyang bagay…”   AFTER ONE WEEK…   Napatda ako noong sumigaw si Nanay Mila mula sa labas ng bahay.   “Madi, narito na si Frank!”   “Opo, Mama!”   Dali-dali akong lumabas ng k’warto ko at kinuha ang bag ko na nakalapag sa kama. Huminto ako sandal at inisip kung may nakaligtaan pa ba akong dadalhin. May company outing sila sa Cavite at mabuti na lamang ay walang pasok. Naglakad ako palabas ng bahay at naroon si Mama na abala sa pagwawalis habang nakikipagkuwentuhan kay Frank. Gumuhit ang ngiti sa aking labi habang pinagmamasdan silang dalawa.   “Ma, aalis na po ako.” Hinalikan ko si Mama sa kanang pisngi niya.   “O, siya… mag-iingat kayo. Frank, ingatan mo ‘tong dalaginging ko.”   “Maka-dalagingging ka naman, ‘Ma. Baka isipin ni Frank— bini-baby ninyo ako masyado.”   “At bakit? Wala namang problema roon, ‘di ba, Frank?”   Kinuha ni Frank ang bitbit kong backpack at sinukbit sa malapad niyang balikat.   “Thanks…”   “No worries, Hon. Don’t worry, ‘Ma. I’ll take care of her.”   Sumakay na kami ni Frank sa dala niyang kotse at umalis. Sa Cavite ang punta namin sa isang beach resort. Nakikinig kami ng magandang musika habang binabaybay ang kalsada.   “Marami ba’ng kasama, Frank?” tanong ko.   “Yup. It's good that you came along. It's like you get to know our employees.”   Napangiti ako nang hilaw habang nakatitig sa labas ng bintana. Kahit tatlong taon na kami ni Frank ay hindi ko pa rin na maiwasan na mahiya o mailang sa mga tauhan nila. Hindi talaga ako sanay.   “O-Okay. Alam mo namang simpleng tao lang ako.”   Hinawakan ni Frank ang kaliwa kong kamay at pinisil.   “You don’t have to be shy. I am proud of you, because you’re my fiancée and you’re beautiful.”   Napangiti ako nang biglaan at hindi ko mapigilan ang tuwa. Para akong kinikiliti sa buo kong katawan.   “Bolero ka talaga.”   “I’m just telling the truth… kaya nga ikaw ang pakakasalan ko.”   Napako ang tingin ko sa kaniyang palapulsuhan. Napansin ko ang suot ni Frank na bagong bracelet. “Bago ‘yan?” tanong ko na puno ng pagtataka.   “Ah, this? Oo, e.”   “Huh, nasaan ang niregalo ko sa ‘yo na bracelet?”   Noong third year anniversary kasi namin ay niregaluhan ko siya ng gold bracelet at simula noon ay parati na niyang suot. Ngayon ko lang napansin na iba na ang kaniyang suot. O, dahil baka parehong gold kaya hindi ko kaagad napansin.   “I’m sorry, Madi. I lost what you gave to me. I didn’t realize, it was broken.”   Namilog na lamang ang mga mata ko sa kaniyang sinabi. Bakit hindi niya kaagad sinabi sa ‘kin. Kung hindi ko pa mapapansin at itatanong ay hindi niya pa sasabihin sa ‘kin.   “Don’t get mad, Honey. Nakalimutan kong sabihin sa ‘yo. I’m too busy.”   “Ano ka ba? Hindi ako galit. Medyo nalungkot lang ako dahil pinag-ipunan ko kasi ang regaling ‘yon.”   Ang mahal kaya ng bracelet na ‘yon at talagang pinag-ipunan ko ‘yon kada suweldo ko. Nakahihiya naman kasing magregalo sa kaniya ng galing lang sa tabi-tabi.   “I know, Hon. Babawi ako sa ‘yo, okay.” Hinalikan ni Frank ang likuran ng kaliwang kamay ko.   Finally, narating din naming ang beach resort at naroon sa labas ng parking space ang dalawang minibus na nakapangalan sa Gold Coast Yulo Corporation. May sumalubong sa amin na babaeng nakasuot lang ng kulay pulang two-piece swimsuit at may patong na see through na kulay pink na cover up.   Wow, ang sexy niya naman.   “Good morning, Sir Frank,” magiliw na bati nito.   Nadako ang tingin ko kay Frank na nakangiti sa kaharap niyang dalaga.   “Good morning, okay na ba ang lahat?” tanong ni Frank.   “Yes, Sir. Everything is okay…”   “Siya nga pala, Madi. Siya si Aubrey—”   “Hi, Madi! I’m Aubrey. Ako nga pala ang secretary ni Mr. Oscar Yulo,” nakangiti niyang sambit.   Kinuha niya ang mga kamay ko at pinagsalikop ang mga niyon.   “Feel free to ask me— if you need something.”   “S-Salamat…” tipid kong sagot.   “Well, magkakilala na kayo. Saan ang kwarto namin ni Madi, Miss Aubrey?”   “Sasamahan ko po kayo,” nakangiting tugon ni Aubrey.   Napansin kong kakaiba ang titig ni Aubrey kay Frank at sa t’wing nagtatama ang mga titig naming dalawa ay mabilis siyang umiiwas. Hindi ko maintindihan ang sarili ngunit mabigat ang loob ko kay Aubrey.   “B-Bago ba siya?” tanong ko.   “Ah, yes… nag-resign na kasi ang dating secretary ni Dad. Umuwi ng province. Pero matagal na sa kompanya si Miss Aubrey. Nasa marketing department siya, before. Why?”   “Ah, wala naman. Nagagandahan lang ako sa kaniya,” pagsisinungaling kong sagot.   Ganiyan ba talaga siya maglakad at todo-kembot pa? Tumaas ang kanang kilay ko habang nakatuon ang aking atensyon sa likuran ni Aubrey. Narating naming ang katamtamang laki ng cottage na may kuwarto sa loob.   “Here is the key, Sir Frank. Enjoy po kayo,” nakangiting sabi ni Aubrey habang kagat pa ang pang-ibabang labi nito.   Tinanggap ni Frank ang susi at humugot ng malalim na hangin at ngumiti.   “Thanks…”   “Babalik na po ako roon, Sir Frank. Aayusin ko pa ang ibang kwarto.”   “Sure, Miss Aubrey. Thank you!”   Ngumiti lang si Aubrey sa akin at kaagad na umalis habang sinusundan ko siya ng tingin.     “Let’s go in, Hon.”   Hinakbang ko ang mga paa ko at pumasok sa loob ng cottage. May isang malaking kama roon at binuksan ni Frank ang jealousy ng bintana at pumasok ang hangin. Hinawi ko ang kurtina at abala naman si Frank sa pag-aayos ng dala niyang travel bag.   “May dala ka bang swimsuit?”   “H-Huh?” nagulat kong sagot.   “Don't you want to change yet?” tanong niya habang isa-isang sinalansan sa cabinet ang dala niya.   “Mamaya na lang siguro. Okay lang, ba?”   “Maybe it's better if you change… so, you won't be bothered later. Don't be ashamed of your beautiful body,” nakangiting sambit niya habang pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko.   “Nahihiya kasi ako magsuot ng swimsuit sa harap ng maraming tao, Frank.”   Inilang hakbang ni Frank ang aking kinatatayuan at niyakap ako mula sa aking likuran. Isinubsob niya ang kaniyang baba sa aking kanang leeg.   “Bakit ka naman mahihiya? Ang sexy-sexy mo kaya.”   “Hmmm… sige na nga. Magbibihis na ako,” sagot ko.   “That’s my girl!”   Umalis si Frank sa pagkakayakap sa ‘kin at nagsimula akong maghubad ng aking mga suot. Nakasuot ako ng two-piece na kulay itim at kinuha ko ang puting maxi dress upang ipatong.   “Will you still wear that?” gulat niyang tanong.   Napangisi akong nakaharap sa kaniya habang sinusuot ang maxi dress, “Oo naman…”   “Alright, just remove that when you swim later.”   Lumabas kami at tinungo ang kinatatayuan ng mga tauhan nila. Si Frank ang naatasan mag-manage ng outing na ito at libre ang lahat. Pagkain, entrance fee, cottage fee at maging ang service. May palaro rin silang inihanda at may premyo na malaking halaga sa bawat mananalo. Mabait at hindi madamot ang mga magulang ni Frank. Kaya nga siguro pinagpapala sila at lumalaki pa ang business nila.   Habang abala sila sa paglalaro na hinati sa dalawang grupo ay katabi ko si Aubrey. Habang si Frank ay hinila ng mga tauhan niya para isali sa laro. Iniwan muna ako saglit ni Frank at nanonood lang naman ako.   “Ang suwerte mo kay Sir Frank, girl…”   “H-Huh? Ah, oo nga, e.”   “Sigurado ka na ba sa pagpapakasal sa kaniya?” tanong niya habang nakatitig sa akin nang seryoso.   “O-Oo naman…”   “Paano kung malaman mong niloloko ka ng taong mahal na mahal mo?” nakangiti niyang tanong habang kumakain ng hotdog na nakatusok sa stick.   “Ano’ng klaseng tanong ‘yan?” nairita kong sabi.   “Ay, sorry. Huwag mong masamain, ha. I’m just asking lang naman— ano kaya ang gagawin mo kung sakali lang. Masakit kasing maloko, Girl.”   “Hindi ko alam… si Frank lang naman ang unang boyfriend ko.”   “Alam mo kasi, danas ko ‘yan, Girl. Ang dating boyfriend ko— ‘yong katrabaho niya ‘yong side chick niya.”   Napangiti na lamang ako nang pilit sa pinagsasabi ng Aubrey na ‘to. Siguro, gusto niya lang makipagkaibigan sa ‘kin. Wala naman sigurong masama.   “Sorry, ha. Kung madaldal ako. Bilib lang kasi ako kay Sir Frank.”   “Okay lang…”   “Alam mo minsan, nagloloko sila dahil sa hindi lang sila basta nakuntento o hindi sinadya. Minsan kasi may mga bagay na kayang ibigay noong side chick kaysa sa ‘yo. Sa ‘tin. Sorry, ‘yan kasi sabi ng ex ko noon sa ‘kin.”   “Ang kapal naman ng ex-boyfriend mo kung ganoon,” sabi ko na may halong inis.              
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD