Chapter 6

2500 Words
[Third Person’s POV]   TINITIGAN ni Aubrey si Madison nang matalim na titig habang abala sa panonood ng laro. Hindi mapigilan ni Madison ang kaniyang pagtawa dahil halos madapa si Frank sa katatakbo makuha lang ang flag.   “Go, Frank! Kaya mo ‘yan! Woooh!” sigaw ni Madison.   “Girl, gusto mong sumama mamaya?”   Natigilan si Madison upang ibaling ang atensyon niya kay Aubrey. Pilit na ngumiti si Madison sa dalaga.   “S-Saan naman?”   “Doon sa bar. Mag-iinuman tayo,” sagot ni Aubrey.   “H-Hindi kasi… ako umiinom. Pero susubukan ko.”   “Minsan lang naman. Kasama rin si Sir Frank.”   Binaling ni Madison ang tingin kay Frank.   “Tatanungin ko muna si Frank.”   “Sure. Magugustuhan mo roon mamaya. May disco pa,” dagdag ni Aubrey at matamis siyang nginitian.   Matapos ang palaro ay nagpasyang lumangoy sina Madison at Frank sa dagat. Sumakay sila sa bangka at dinala sa dulong bahagi ng bangkero para makita nila ang magandang tanawin at white sand beaches sa Cavite.   “Wow, ang ganda!” magiliw na sambit ni Madison at nilingon niya si Frank na nakangiti rin sa kaniya.   “Nagustuhan mo ba?”   “Oo naman. Pakiramdam ko ay nawala ang pagod at stress ko sa trabaho.”   Niyakap siya ni Frank mula sa likuran at ilang minuto rin silang namasyal. Ibinalik sila ng bangkero sa resort kung saan sila namalagi. Pagbaba nila ay natanaw nilang naghahanda na ng makakain ang mga empleyado ni Frank. Habang hawak kamay silang naglakakad sa dalampasigan at hinahampas ng mahinang alon ang kanilang mga paa ay naalala ni Madison ang pag-aaya ni Aubrey sa kaniya.   “Frank, may itatanong sana ako.”   “Yup?”   “Tinatanong kasi ni Aubrey…”   “Miss Aubrey? Ano ang tinatanong sa ‘yo?” nagtatakang tanong ni Frank sa kaniya.   “Ah, kasi… inaaya niya ako uminom mamaya. Kasama ka nga raw. Kaya kung papayagan mo ako… sasama sana ako.”   Humigpit ang pagkakahawak  ni Frank sa kaniyang mga kamay at hinarap siya.   “Of course, you can. Gusto ko rin naman na mag-enjoy ka,” sagot ni Frank.   “Talaga? Promise, hindi ako magpapakalasing,” dagdag niya pa.   “Hindi rin naman ako magtatagal doon. Mas gusto kitang makasama mamayang gabi,” ngingisi-ngising sabi ni Frank.   Napakagat sa ibabang bahagi ng labi niya si Madison dahil alam niya ang ibig sabibin ni Frank. Naalala niya ang pinag-usapan nilang sa susunod na magtatalik sila ay pagbibigyan na siya ni Frank na gawin niya ang gusto niya. Pakiramdam niya ay nag-init ang magkabilang pisngi niya dahil sa kahihiyang naramdaman. Natawa nang bahagya si Frank sa kaniyang itsura.   “Why are you blushing, Honey? Don’t tell me… you’re still ashamed?”   Hinampas niya si Frank sa balikat nito at napaatras habang tumatawa silang dalawa. Sa hindi kalayuan ay matiim silang tinititigan ni Aubrey na sa kaloob-looban nito ay kanina pang gustong sumabog sa inis at galit.   “Aubrey, pakiabot naman ng kutsara?” ani kasama niyang si Jonalyn.   Ngunit hindi iyon narinig ni Aubrey dahil nakatuon ang atensyon ng dalawa sa magkasintahan na hawak kamay na naglalakad at kapwa nakangiti sa isa’t isa.   “Hoy, Girl! Aubrey, kanina ka pa riyan?” Lumapit si Jonalyn kay Aubrey at tinapik siya sa braso.   Laking gulat ni Aubrey sa ginawa ni Jonalyn kaya ang tindi ng kabog sa dibdib niya.   “Oh, ano ‘yon, Girl?” tanong ni Aubrey.   “Ano ka ba? Bingi ka ba? Kanina pa ako nagtatawag sa ‘yo, Girl. Ang kutsara, pahingi.” Dali-daling inabutan ni Aubrey ng kutsara si Jonalyn at tumitig si Jonaly kay Aubrey na may halong pang-uuyam. Nakita iyon ni Aubrey kaya sinita niya ang katrabaho.   “Bakit gan’yan ka naman makatingin, aber?”   Natigilan si Jonalyn at ngumisi na parang aso sa harapan ni Aubrey.   “Ikaw, ha? Kanina pa kita napapansin. Tigil-tigilan mo ako sa pagpapanggap mo, Aubrey.”   Napakunot ang noo ni Aubrey sa binitawang salita ni Jonalyn. May alam ba ang babaeng ito tungkol sa ‘min ni Frank. Sabi niya sa kaniyang isipan.   Napangisi siya, “Ano’ng pinagsasabi mo, Jonalyn? If I were you, ititikom ko ang bibig ko.”   “What? Huwag mo akong pinagbabantaan nang gan’yan, Girl. Nakita ko kayo ni Sir Frank,” giit nito.   “I’ll remind you. Walang makakaalam kung ano man ‘yang nakita mo. Sige ka. Kung ayaw mo matanggal sa trabaho,” ngingiti-ngiting banta ni Aubrey.   Nagtawanan silang dalawa dahil nagbibiruan lang pala silang dalawa.   “Loka ka talaga. Ang galing-galing mo talagang umarte,” ani Jonalyn.   “Basta… tuloy ang plano mamaya, okay?”   “Palapit na sila, Girl,” sabi ni Jonalyn sabay lakad papunta sa kabilang lamesa.   Abala sa paghahain ang iba pa at lumapit silang dalawa ni Frank sa cottage.   “Hey, it looks delicious!”   “Sinunod ko lahat ng request mo, Sir Rank,” tugon ni Aubrey.   Sa mga sandaling iyon ay huling-huli ni Madison kung paanong titigan ni Aubrey nang malagkit ang kaniyang kasintahan. Yumuko na lamang si Madison at napapikit nang mariin upang pigilan ang sarili. Ayaw niyang gumawa ng eskandalo.   Tiyak na humahanga lamang si Aubrey sa aking nobyo.   ‘Yan ang kaniyang pilit na pinaniwalaan sa kaniyang isipan dahil hindi malabong magustuhan ng sinuman ang kaniyang nobyo dahil sa taglay nitong kakisigan, kagwapuhan at pagiging antipatiko.   “Here, Honey. Kumain ka na at mamaya ay mapapagod ka nang husto,” nakangising biro ni Frank.   “Thank you, Honey. Baka naman tumaba ako nito?” Napako ang tingin niya sa hawak niyang plato na nilagyan ni Frank ng kanin at iba’t ibang ulam.   “Kunti lang ‘yan, Hon… hindi ka tataba riyan,” tugon ni Frank.   Sa hindi malamang dahilan ay pakiramdam ni Madison ay bigla siyang nawalan ng ganang kumain. Para bang hindi niya inasahan ang naging sagot na iyon ni Frank. Iba ang kaniyang inaasahan. Napailing na lamang siya upang maiwaksi sa kaniyang isipan ang mga iniisip.   “Kumain na tayo,” pag-aaya niya kay Frank.   Matapos silang kumain ay nagpahinga lang sila saglit at nagpahinga sa ilalim ng puno ng  niyog. May duyan doon at magkatabi silang nakahiga ni Frank habang pinagmamasdan ang mga tauhan ng kompanya ni Frank na mayasang lumangoy kahit tirik ang araw.   “Thank you, Hon…” ani Frank.   Binalingan niya ito ng tingin at matamis na nginitian.   “Para saan?” tanong niya.   “Dito… sumama ka sa ‘kin.”   Pinagsalikop niya ang mga kamay nila ni Frank at yumakap siya sa nobyo. Isinubsob niya ang kaniyang ulo sa dibdib nito habang malayang nakahiga sa duyan.   “Mas nagpapasalamat ako sa ‘yo, Frank. Masuwerte ako dahil ikaw ang boyfriend ko at sinasama mo ako sa mga ganitong pagkakataon. Pakiramdam ko ay ipinagmamalaki mo ako sa mga tao,” paliwanag niya sa binata.   “From now on, masanay ka na. Once we get married, you will help me to manage our company. I’ll teach you how to hold a business.”   Nanlaki ang mga mata niya sa pagkabigla at napabalikwas siya nang bangon. Muntikan pa akong mahulog sa duyan dahil sumayaw ito nang bahagya. “Hey, you alright?” tanong ni Frank na may halong pag-aalala.   “Sorry, sorry. Nabigla lang ako sa sinabi mo.”   “Nabigla saan? You already knew it. Someday, I’m the one who will manage the Gold Coast Yulo Corporation.”   Umupo si Frank at hinawi ang mga takas niyang buhok sa mukha niya. Pagkaraan ay hinaplos ang kaniyang buhok. Ngayon pa lang na naiisip niya ang posibilidad na si Frank ang magma-manage ng kompanya ng mga magulang nito ay para siyang nasasakal sa tindi ng kaba.   “Alam mo naman… galing lang ako sa isang mahirap na pamilya, Frank. Pakiramdam ko ay lulubog ako sa kinatatayuan ko sa t’wing kasama kita. Lalo na kapag kaharap natin ang mga mayayamang tao na tulad mo. Pasensya ka na at hindi lang talaga ako sanay…”   “It’s alright, Hon. I understand. Hindi kita pini-pressure. But I rest assured, hindi ka magsisisi na ako ang pakakasalan mo,” nakangiting sambit ni Frank at ginawaran siya ng mainit na halik sa kaniyang mala-rosas na labi.   “I just wanna ask you something,” singit niya at pagbago sa usapan.   Sumeryoso ang mukha ni Frank na nakatitig sa kan’ya. Binundol siya ng matinding kaba habang inihahanda na mailuwa ang kaniyang nais itanong.   “Minsan ba… naranasan mong magloko? I mean—”   “What kind of question is that?”   Bahagyang tumaas ang tono ng boses ni Frank. Napalunok si Madison dahil parang may bumara sa kaniyang lalamunan nang mga oras na iyon. Umihip ang malakas na hangin na siyang nagpagulo ng buhok niya.   “Sorry, natanong ko lang… hindi ko naman sinasabing niloloko mo ako. Naisip ko kasi ang tanong ni Aubrey sa ‘kin, kanina…” “Tanong ni Miss Aubrey? Ano’ng mga sinabi niya sa ‘yo?”   “W-Wala naman. Sinabi niya lang— ano raw ang gagawin ko kung sakaling niloko ako. Pero wala ‘yon. Na-curious lang din ako,” ngumiting pilit na paliwanag ni Madison.   “You know, Hon. Wala akong tiwala sa Aubrey na ‘yan. Kaya kung ako sa ‘yo, iwasan mo siya. Mamaya sasama ka sa ‘kin sa bar. Iinom tayo roon— sisiguruhin kong mag-e-enjoy tayo, tonight.”   Sandaling napanatag ang loob ni Madison at binalewala ang tanong ni Aubrey na kanina pa sumisiksik sa kaniyang isipan. Bakit nga naman siya lolokohin ni Frank. Ikakasal na sila at buong-buo siyang nagtitiwala kay Frank.   …   Tanging mga makukulay na ilaw ang tumatama sa mga mata ni Madison kasabay ang malakas at masayang tugtog na indak ng musika sa loob ng Tiki Bar. Ang daming umiinom sa loob at nagsasayawan habang may hawak pa ang iba na baso na naglalaman ng alak sabay tungga. Hawak ni Frank ang kaniyang mga kamay at siya naman ang kaniyang pagsunod sa likuran ng kaniyang nobyo.   Pumunta sila sa counter at doon umupo habang umo-order si Frank ng alak. Ilang sandali lang ay tinapik ni Aubrey si Madison sa balikat na ikinagulat niya noong una. Napalingon siya sa may-ari ng kamay na nasa kaniyang balikat.   “Aubrey,” nakangiting sambit ni Madison.   “Akala ko hindi na kayo darating!” malakas na sabi ni Aubrey para magkarinigan sila.   Bahagyang inilapit ni  Madison ang sarili kay Aubrey at itinuon sa tainga nito ang kaniyang bibig.   “Natagalan kasi ako sa pagbibihis. Hindi ko kasi alam ang susuotin,” tatawa-tawang sagot ni Madison.   “Kaya naman pala, Girl. But it’s okay, narito na kayo,” dagdag ni Aubrey.   Lumapit ang isang lalaking empleyado ni Frank at hinatak sa kamay nito si Frank.   “Hye, hey, wait!”   “Come on, Sir Frank.”   “Pero— kasama ko si Madi,” tarantang sagot ni Frank.   “Si Aubrey na ang bahala sa kaniya, Sir Frank. Doon tayo sa p’westo natin. Puro lalaki lang,” ngingisi-ngising paliwanag ng lalaking empleyado.   “Madi, makulit kasi ‘tong tao ko. Pagbibigyan ko lang.”   “Don’t worry, Sir Frank. Ako ang bahala sa kaniya. ‘Di ba, Madison? Come here.”   Wala na silang nagawa kun’di ang sumunod at nagkatitigan na lamang habang nagkahiwalay sila ng landas. Pinaupo siya ni Aubrey at mabilis na inabutan ng baso na may lamang alak. Hawak niya ang baso at napako ang titig sa baso.   “Go, shot na! Dali, you can do it, Madison!” malakas na hiyaw ni Aubrey dahil sa lakas ng musika.   Bahagya siyang nag-alangan dahil ngayon lang siya iinom ng hindi kilalang alak at nang amuyin niya ito ay gumuhit na sa lalamunan niya ang mapait na lasa nito. Dali-dali niyang nilagok ang laman ng baso at napapikit nang mariin.   ‘Woooh! Ang galing mo, Girl!” hiyaw ni Aubrey at nagpalakpakan ang iba pa nilang mga kasama.   Palinga-linga si Madison at pilit na inaapuhap ng kaniyang mga mata ang anino ni Frank. Nasa kabilang gilid sina Frank kasama ang iba pa at masayang nag-iinuman. Ilang beses na siyang inabutan ni Aubrey ng alak at tuloy lang ang paglagok niya.   “Mukha ka naman palang matibay sa inuman!”   “Talaga? Kaso parang nahihilo na yata… ako!”   “Hindi ‘yan. Inom pa! Jonalyn, lagyan mo ‘tong baso ni Madison!”   “Sure! Iinom tayo hanggang sa maglupasay! Woooh!”   Nagsitayuan sila at inabot sa kaniya ang baso na may alak. Napako ang titig niya rito at napalunok. Pakiramdam niya ay nahihilo na siya at umaangat ang kinain niya at ininom sa lalamunan.   “Shot! Shot! Shot!” sabay-sabay nilang hiyaw kay Madison.   Gumuhit ang malawak niyang ngiti sa labi at mabilisang nilagok muli ang alak. Naghiyawan muli sina Aubrey at napatayo na rin siya at sumabay sa indak ng musika. Dahil sa kasasayaw niya ay umikot na ang kaniyang paningin at napahinto siya habang sapo ang kaniyang noo dahil sa pagkahilo.   “Okay ka lang ba?!” tanong ni Aubrey.   “Naku, mukhang lasing na yata!” singit ni Jonalyn.   “K-kaya ko pa,” pilit niyang sabi.   Hinawakan siya ni Aubrey sa mga kamay at inangat ang mga iyon. Patuloy sila sa pagsayaw at tuluyan na ngang umasim ang panlasa niya at hindi napigilan ang pagsusuka. “OMG!” hiyaw ni Jonalyn na may halong pandidiri.   “Oh no! Are you okay, Girl!”   Pabalya siyang napaupo sa upuan at halos umikot na ang kaniyang paningin at pakiramdam niya ay bagsak na rin ang mga mata niya sa dami ng kaniyang nainom.   “F-Frank…”   Mayamaya pa ay lumapit na si Frank sa kaniya at umupo ito nang pa-squat sa kaniyang harapan at hinawi ang kaniyang mga takas na buhok sa mukha. Lupaypay siyang nakasandal nang pahiga sa upuan habang ang waiter ay nililinis ang kaniyang sinuka.   “Honey, okay ka lang ba? Naparami na yata ang inom mo?”   “K-Kaya ko pa… Ka… ya… ko pa…” ngingisi-ngising sabi niya.   “Halika na at ihahatid na kita sa cottage natin. Nang makapagpahinga ka na, Honey…”   “Mabuti pa nga at magpahinga ka na, Girl!” dagdag ni Aubrey.   Tinulungan siyang makatayo ni Frank at binuhat. Wala na siya sa sarili at tuluyang ipinikit ang kaniyang mga mata.   “Jonalyn, ikaw muna ang bahala rito, ha. Ihahatid lang namin si Madison,” paalam na sabi ni Aubrey.   Naunang lumabas sina Frank at Madison at dali-daling kinuha ni Aubrey ang bag niya sa upuan. Hinatak siya ni Jonalyn at binulungan.   “Galingan mo, ha.”   “Of course!”   “Ginawa ko ang utos mo kaya dapat may reward ako,” ani Jonalyn at ngumiti nang nakakaloko.   “Don’t worry. Ako ang bahala sa ‘yo. Bye, babalikan na lang kita, later!” kinikilig na sambit ni Aubrey at dali-daling tumakbo palabas ng Tiki Bar.   “Sir Frank, wait!” sigaw niya at hinabol ang magkasintahan.          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD