Chapter 45 WALA NA YATANG mas masakit pa sa nararamdaman ngayon ni Madison. Para siyang lumipad maiwan lang resthouse ni Enzo kung saan naroon lahat ng magandang alaala. Walang tigil sa pagpatak ang kaniyang mga luha. “Madison! Madi!” sigaw ni Manang Maribel at hinabol siya. Maging si Manang Maribel ay nag-aalala sa kaniya. Nasasaktan din ito para sa kaniya. Nagulat lang din ito kung bakit may babaeng sumulpot at nagpakilalang fiancee ni Enzo. “Madison! Sandali!” Huminto si Madison at napasalampak nang upo sa daraanan. Hingal na hingal si Manang Maribel at lumuhod para kausapin siya. “Saan ka pupunta?” “Nanay…” umiiyak na sambit niya at niyakap ang matanda. “Sshh… huwag kang umiyak…” “Ang sakit… ang sa… kit!” pumalahaw si Madison nang iyak. Para siy

