Chapter 53

1074 Words

Chapter 53   HINDI maiwasan ni Madison ang mapangiti habang nakatitig sa malayo. Hindi siya makapaniwalang sinundan siya ni Enzo roon sa Bulacan para lang patunayan na nagsisinungaling lamang si Naomi. Bigla siyang ginulat ni Aileen kaya nabalik siya sa ulirat.   “Hoy! Iba talaga kapag in love! Laging tulala!” bulalas ni Aileen.   Napangisi siya, “Sira ka talaga. Panira ka ng moment!”   “Huwag mo masyadong isipin ‘yon. Mahal na mahal ka no’n!”   Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi, “Alam ko. Ako na yata ang pinakamasuwerteng babae sa mundo.”   Umupo si Aileen sa harapan niya at bakas sa mukha nito ang excitement.   “So, kailan ang kasal ninyo?”   “Hala, kasalan agad? Wala pa nga kaming isang buwan.”   “Malay mo naman. Hindi ka na pakawalan ni Sir Enzo.”  

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD