Chapter 66 ONE MONTH LATER… NIYAKAP siya ni Mila nang mahigpit at mangiyak-ngiyak pa ito dahil mawawalay siyang muli sa kanila. Ginantihan niya rin nang mahigpit na yakap ang kaniyang ina at hindi niya rin mapigilan ang mapaluha. Pinunasan niya kaagad ang luha sa mga mata niya nang magkahiwalay sila sa pagkakayakap. “Anak, mag-iingat kayo ni Enzo, ha?” paalala ni Mila. “Opo, ‘Ma. Balitaan ko kayo. Magkikita rin naman tayo roon kaya huwag kang mag-alala.” “Ate, congrats, ha. Ikaw na talaga! Ang haba ng hair!” ani Mikaela. “Magupit nga ang buhok mo, Ate Madi! Sobrang haba na, o! Naapakan ko na!” singit ni Michael. “Aray! Huwag mo namang apakan, bunso?!” Nagtawanan silang tatlo at lumapit naman si Robert ang kaniyang ama. Hinalikan siya nito sa noo at niyaka

