Chapter 67 Marahan niyang idinilat ang kaniyang mga mata at nakita niya si Enzo na tulog sa kaniyang tabi habang nakaupo. Hawak nito ang kaniyang kamay at napasapo siya sa kaniyang noo dahil bahagyang kumirot. May benda na nakapalibot sa kaniyang ulo dahil sa sugat na natamo. Naramdaman ni Enzo ang paggalaw ng kaniyang kamay kaya nagising ito. Namilog ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya. “My wife…” namamaos na sabi ni Enzo. Nagkasalubong ang kaniyang magkabilang kilay at puno ng pagtataka. Si Enzo ay bahagyang nagtaka sa kaniyang reaksyon. “Madi, I’m glad that you're awake.” Hinawakan nito ang kamay niya at hinalikan ang likuran ng kaniyang kamay. Hindi siya nakakibo at pilit na inalala ang nangyari. Ngunit wala siyang maalala at hindi niya alam na dalawang araw na

