Chapter 50 Halos madurog ang puso ni Frank sa nakita. Bakit kasama ni Aubrey ang lalaking iyon. Hindi siya makapaniwala kaya lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak kay Aubrey. Lalo na sa sinabi nito sa kaniya na matagal na siyang niloloko ni Aubrey. Nanlumo ang kaniyang mga binti at nanghina ang mga tuhod. Parang gusto niyang maglupasay at umiyak. Ngunit lalo laman siyang pinagtibay nang titigan niya ang mukha ni Josh. Pakiramdam niya ay gusto niyang pumatay. “Why are you doing this?!” mariin niyang tanong. Namumula na siya sa galit at maging ang mga mata niya ay namumula na rin. Ngumisi si Aubrey at taas-baba siyang tiningnan. Sinura ang buong pagkatao niya na may halong pang-uuyam. “Nagtaka ka pa?” Bumangon nang marahan si Josh at kinuha nito nang mabilis ang un

