DIA2: Chapter 20

3363 Words
Ice POV "Siguro kung nakakatunaw lang ang titig kanina pa siguro natunaw yung kisame."- rinig kong saad ni Ylana. Nagulat naman ako at agad na napatingin sa kanya. "I- ikaw pala.."- saad ko sabay ayos ko ng upo ko rito sa couch sa sala ng bahay namin. Tinabihan naman niya ko. "Iniisip mo ba yung mga payaso?"- tanong sakin ni Ylana. Inalis ko naman ang mga tingin ko sa kanya sabay tumango. "Oo eh, medyo nagtataka kasi ako."- saad ko sabay sandal ko sa sandalan ng couch. "Kung ganitong marami sila tulad nang sabi nila kahapon... sino sa kanila yung nagpapadala ng sulat? Yung ibinabalik ang mga pangyayari dati rito sa DIA? Adhikain ba nilang lahat yun o... ng iisang tao lang?"- saad ko. Napaisip naman si Ylana. "Oo nga 'no.."- saad niya sabay cross arms. "Pero alam mo Ice, hindi lang ikaw ang may katanungan at may ipinagtataka ukol sa mga payaso na yan."- saad ni Ylana. Napatingin namang muli ako sa kanya. "Anong ibig mong sabihin?"- tanong ko. Bumuntonghininga naman siya. "May ipinagtataka rin kasi ako, yung tatlo dun sa mga payaso.. parang kilala ko yung mga boses nila. Ewan ko kung guni-guni ko lang pero parang kilala ko talaga yung mga boses nila eh! Di ko lang maalala kung kaninong boses ang mga yun."- saad ni Ylana. Sandali naman akong natahimik. Tatlo sa mga payaso? "Sino sa limang payaso kahapon ang tinutukoy mo?"- tanong ko. Agad naman siyang sumagot. "Sila Bella, Joker at Shion. Yung Bella Bueno, iba man yung tono ng pananalita niya kahapon medyo narecognize ko pa rin. Parang narinig ko na yung boses na yun sa kung saan. Yung Joker naman sa tingin ko kilala natin yung lalaking payaso na yun kaya naman pamilyar sakin ang boses. Isa pa, may gusto siya sayo. May posibilidad na kilala o nakasalamuha na natin yun at yung Shion naman na siyang pinuno nung mga bwiset na payaso, yung boses ng Shion na yan narinig ko na rin. Pero yung kanya, naaalala ko ang boses niya. Naaalala ko kung kaninong boses yun."- saad ni Ylana sabay tingin sakin ng diretso sa mga mata. "Sa tingin ko yung mga payaso na yan, sa tingin ko nakikipagmabutihan o nakikipagkaibigan satin yang mga yan. May posibilidad na ginagawa nila yun! Kung tama ang hinala ko ukol sa pagkakakilanlan nung Shion... nakikipagkaibigan at nakikipagmabutihan nga sila satin."- saad ni Ylana. Bahagya naman akong napataas ng kilay. "Nakikipagmabutihan? Eh wala namang mga nakikipagmabutihan o nakikipagkaibigan satin ah!"- saad ko. Ngumiwi naman siya. "Wala nga ba? Sa pagkakaalala ko merong isa, at babae siya."- saad ni Ylana. This time, napakunot na ko ng noo. Sino ba ang tinutukoy niya? "Wala namang nakikipagkaibigan satin, wala namang mga estudyante ang lumalapit at nakikipag-usap o nakikipagmabutihan satin. Maliban na lang kay Joana na palagi nating nakakasalamuha at pinuntahan pa ko sa Clinic nung inatake kami ni Ate Rei ni Be--"- saad ko na hindi ko natuloy ng may marealize ako. Natawa naman si Ylana. "Narealize mo ba? Yang babaeng estudyante na yan, pinaghihinalaan ko siya ng sobra simula kahapon na lumabas yung limang malalakas na payaso. 'Etong sasabihin ko sayo ngayon Ice, narealize ko 'to kahapon."- saad ni Ylana. "Alam mo ba kung nasaan kami nila Ashlie nung inatake kayo ni Ate Rei ni Bella? Nagkita-kita kami nun nila Ashlie at Tala sa cafeteria para kumain. Nasa cafeteria lang kami nun at hindi yun kalayuan mula sa garden, kung tumakbo pakanan si Joana at ang mga kaklase niya.. makikita nila agad kami at makakaresbak agad kami lalo pa at malapit sa pinto ng cafeteria kami pumuwesto nun. Ayon sa nakita ko sa kuha ng CCTV sa loob ng garden nung araw na yun, tumakbo sila pakanan at ayon din sa kuha ng CCTV ng garden at sa kwento mo, inutusan mo agad sila na magtawag ng resbak pagkadating pa lang ni Bella. Ang tanong ngayon, bakit ang tagal nila? Kung tumakbo sila pakanan otomatikong madaraanan nila ang cafeteria dahil wala namang ibang daanan, matatawag nila agad kami! Pero bakit inabot sila ng ilang minuto na sapat upang mapabagsak kayong dalawa ni Ate Rei ng Bella na yun? Sa tingin ko Ice sinadya ni Joana na bagalan, sinadya nila ng kaklase niya na sa tingin ko ay kasabwat nila. Alam mo ba kung anong punto ko Ice? Isa si Joana sa mga payaso. At sa tingin ko, siya pa ang pinuno."- saad ni Ylana sabay alis niya sakin ng mga tingin niya. Nagulat naman ako sa sinabi niya. "Half Japanese si Joana hindi ba? Kahapon nang magpaalam ang payaso na si Shion, anong lenggwahe ang ginamit niya? salitang hapon hindi ba? Sayonara, yun ang sinabi niya."- saad ni Ylana. "Naisip ko rin yung tungkol sa music room, yung pagkanta niya ng demons at lalo na yung p*******t sa kanya nung unang payaso. Sa kanya nagsimula ang panggugulo ng mga payaso na yan hindi ba? kaya naman sa tingin ko isa talaga siya sa mga payaso. At siya, ang pinunong si Shion, planado nila ang mga nangyayari."- saad pa ni Ylana sabay ngisi. "Hinahanap ko yung kuha ng CCTV sa hallway mula sa garden hanggang sa cafeteria, but unluckily.. nakapatay ang CCTV sa parteng yun nung araw na inatake kayo ni Bella dahil may ginagawa si Grey na kaunting pag-aayos na may kaugnayan sa plano natin kaya naman obviously, walang footage ang CCTV na yun nung araw na yun. Hindi ko tuloy makita kung anong ginawa ni Joana at ng mga kaklase niya kaya ang tagal nila bago nila kami natawag pero hula ko, tumambay sila at nagpatagal. O hindi kaya, nanood muna sila sa nangyayari sa inyo ni Ate Rei habang nagtatago."- saad ni Ylana sabay dikwatro niya. "Yan ang narealize ko dahil sa nangyari kahapon Ice, kung hindi ka kumbinsido na si Joana ay posibleng si Shion. Di naman kita pipilitin na maging kumbinsido, sinabi ko lang sayo pero ako? iimbistigahan ko siya."- saad ni Ylana. Sandali naman akong napaisip. Sa totoo lang pakiramdam ko napakasama ko upang paghinalaan si Joana na napakabuti sakin. Sa pag-iimbistiga pa lamang sa kanya sa pagkakaroon niya ng kaalaman tungkol sa martial arts ay nagdalawang isip na ko, ngayon pa kaya na pinaghihinalaan siya na kabilang talaga siya sa mga payaso at siya pa ang pinuno? I feel bad for her, pero tulad nang sinabi ko nung nagpulong kami ng DCR at ng iba pa, marami ngayon na puro pakitang tao lang kaya naman mabuti nang maging sigurado... "Kahit papaano, kumbinsido ako sa sinabi mo kaya naman sige, ipagpatuloy mo lang ang pag-iimbistiga mo sa kanya. Oras na may maibigay o may maipakita ka na sakin na pruweba doon lang ako 100% na magiging kumbinsido. At isa pa, kung si Joana nga talaga si Shion na pinuno nung mga payaso.. hindi ko siya mapapatawad."- saad ko sabay tayo ko mula sa pagkakaupo ko. "Nasabi mo na rin ba sa iba yang sinabi mo sakin?"- tanong ko. Umiling naman si Ylana. "Hindi pa, sayo pa lang."- sagot niya. Bumuntonghininga naman ako. "Wag mo nang sabihin sa iba, tama na munang tayong dalawa pa lang ang nakakaalam. Oras na mapatunayan na natin na si Joana nga si Shion dun na lang natin sabihin sa iba, at kasabay nun ang paghuli at pagpaparusa din natin kay Joana."- saad ko sabay pamulsa ko. "Oras na nang pagroronda ko, kita na lang ulit tayo mamaya."- saad ko sabay lakad ko paalis. Habang nasa daan ako patungo sa gusali ng paaralan, hindi ko pa rin maiwasang hindi mapaisip ukol sa sinabi ni Ylana kanina kahit na nagdesisyon na ko. Tama ba, tama ba na paghinalaan at imbistigahan si Joana? Nakakainis! Parang hindi kaya ng konsensya ko. "Oh, Ms.Ice!"- rinig kong tawag sakin ng isang babae pagkatapak ko sa lobby. Pagtingin ko..... Tss... ang pinag-uusapan namin kanina ni Ylana at ang taong iniisip ko ngayon.... si Joana. "Ms.Ice!"- saad niya sabay lapit sakin. Umayos naman ako at hinarap siya ng maayos. Hindi dapat ako magpahalata sa kanya na pinaghihinalaan ko siya, umarte lang dapat ako ng normal. "Oh Joana, may kailangan ka?"- tanong ko. Tumango-tango naman ito. "Ms.Ice, may nakita po ako dun sa garden habang papunta po ako rito sa Lobby. Kailangan niyo pong pumunta dun sa garden ngayon na!"- saad ni Joana na tila naiinis. Napakunot naman ako ng noo. "Bakit, ano bang nakita mo dun?"- tanong ko. Lumapit naman sakin ito ng kaunti pa sabay bumulong. "Si Sir.Devin po, may babae pong maharot na dumadamoves po sa kanya dun sa garden! Hindi ko po alam kung nahahalata po ba yun ni Sir.Devin pero sa tingin ko hindi po niya nahahalata kaya patuloy pa rin po na nakakadamoves yung babae."- bulong sakin ni Joana na tila ikinabuhay ng mga ugat ko. "Sabihin mo, paanong dumadamoves yung babae?"- walang emosyon kong sabi. "Ganito po Ms.Ice, nakita ko po yung buong pangyayari. Nakita ko po kasi si Sir.Devin na papunta sa direksyon ng cafeteria, na-excite nga po ako kasi makakasalubong ko siya. Babatiin ko po sana siya pero nang mapadaan siya sa garden, bigla po siyang lumiko roon na tila parang may nakita siya na kung ano kaya niya pinuntahan. Nagtaka po ako kaya binilisan ko yung paglalakad at tinignan kung ano po yun at nakita ko po na may mga babae pong nag-aaway. Inawat po ni Sir.Devin yun and then yung babae po na siyang nakikipag-away, bigla na lang nagsimulang umarte, mag-emote at magsumbong kay Sir.Devin na akala mo po kung sino pong batang inagawan ng lollipop at nagsumbong sa ama niya. May pabebe effect pa pong nalalaman yung babae! At 'eto pa po, dahil parang mala Ms.Ashlie po yung kaaway nung girl nagalit po yun ng magsumbong yung babae kay Sir.Devin ng halata namang kasinungalingan kaya naman po sinugod po nun yung babae at sinabunutan. Edi umawat po ulit si Sir.Devin! Pagkaawat niya, 'eto pong malanding haliparot na babae biglang yumakap kay Sir.Devin at nagsimulang umiyak! Nung umalis po ako dun nakita ko pong pinapagalitan ni Sir.Devin yung kaaway po nung babaeng malandi tapos yung babaeng malandi naman po, nakakapit kay Sir.Devin at nagtatago sa likod nito."- kwento ni Joana. "Naiinis po ako dun sa babae kasi halata po na dumadamoves siya kay Sir.Devin! Buti po nakita kita kaya naman Ms.Ice gora na po! Pumunta na po kayo dun!"- saad ni Joana. Yung boses niya, tama si Ylana. Magkaboses sila ni Shion. Pero saka na muna yan at ginugulo nang isinusumbong niya sakin ang isip ko. Medyo pinakalma ko naman ang sarili ko. First of all, may babaeng lumalandi sa asawa ko. At pangalawa.. "Hindi pwedeng hindi nahahalata ni Devin yung ginagawa nung babae, paniguradong nahahalata niya yun dahil si Devin yung klase ng tao na hindi manhid at napapansin ang lahat ng bagay."- saad ko kasabay ng pagkuyom ko ng mga kamao ko. "Hindi lang yung babae ang malalagot sakin, maging si Devin mismo!"- saad ko sabay lakad ko patungo sa Garden. Agad naman akong sinundan ni Joana. "Ms.Ice! Aawayin niyo po si Sir.Devin? Wag po! Wag po kayong mag-away!"- saad ni Joana habang nasa daan kami patungo sa garden. Ngumiwi naman ako. "Wag kang mag-alala, hindi kami mag-aaway. Wala sa bukabolaryo namin yun."- saad ko sabay bulong. "Pero ngayon mukhang magkakaroon na."- bulong ko sabay lakad ko ng mabilis. Pagdating namin sa garden, tila naglabasan ang mga ugat ko sa ulo ng makitang... ganun pa rin ang itsura nila. Katulad pa rin nang sinabi ni Joana na huli niyang nakita na pangyayari bago siya umalis! "Eh? Di pa rin tapos yung away? Nakapagkwento na po ako sayo lahat-lahat Ms.Ice ganito pa rin yung ganap dito?"- mahinang saad ni Joana na nasa likuran ko. Bumuntonghininga naman ako at pagkatapos ay tahimik akong lumapit kila Devin. "Pero Sir.Devin, unfair naman po! Hindi po totoo yung sinasabi ng babaeng yan sainyo! Siya po yung dapat maparusahan dito hindi po ako! Binubully niya po ako, nainis lang po ako kaya lumaban ako! Hindi po totoong ako ang nambubully!"- saad nung babae na sa tingin ko ay yung kaaway nung bwiset na babae na nakakapit ngayon sa asawa ko. Kinuha ko naman ang cellphone ko at inutusan si Grey na isend sakin ang kuha ng CCTV dito sa garden nung mga oras na sa tingin ko ay nagsimula ang away. Agad namang nagreply si Grey at sinend sakin ang hinihingi ko. "No, ikaw ang nambubully. Wag mo ngang baliktarin ang pangyayari at tanggapin mo na lang yung ibinigay sayong parusa ni Sir.Devin! Dumapa ka sa tapat ng sikat ng araw!"- saad naman nung babaeng tuko na lalo pang kumakapit sa asawa ko. Halata naman ang inis sa mukha nung babaeng kaaway niya. "Baliktarin ang pangyayari? Hindi ko binabaliktad ang pangyayari! Ikaw ang gumagawa nun hindi ako!"- saad nito. Nagsalita naman si Devin. "Enough. Kung ano yung sinabi ko kanina, yun na yun."- saad ni Devin. "Pero--"- saad nung babaeng kaaway nung babaeng tuko na hindi niya natuloy nang magsalita ako. "Stop complaining dahil hindi ka parurusahan, 'etong babaeng kaaway mo na nakakapit sa asawa ko ang parurusahan."- saad ko. Nagulat naman si Devin at ang iba pa at agad na napatingin sakin. "I- Ice.."- gulat na saad ni Devin. Walang emosyon ko naman siyang tinignan. "Nagsasabi siya ng totoo, 'etong nakakapit sayo ang nagsisinungaling. And I have a proof."- saad ko sabay pakita ko sa kuha ng CCTV na nasa cellphone ko. Hindi naman nakapagsalita si Devin, ako naman tinignan ko yung babaeng kaaway nung babaeng tuko. "You can go now, wala kang kasalanan, Ikaw ang tunay na biktima kaya naman hindi ka parurusahan, 'etong babaeng 'to rito ang padadapain sa ilalim ng sikat ng araw at hindi ikaw."- saad ko sabay tingin ko sa babaeng ang kapal ng mukha dahil hanggang ngayon nakakapit pa rin sa asawa ko. Okay? Easy lang Ice. Wag mong sugurin at saktan okay? Easy ka lang... "Alam mo bang galit ako sa mga tulad mong babae? Ano kaya kung taasan ko pa yung parusa sayo? Umbis na P.2.. gawin ko kayang P.3 tapos ang DCR na mananakit sayo ay walang iba kundi ako mismo. Okay diba?"- may pagkasarkastiko kong sabi. Inalis naman ni Devin ang pagkakakapit sakanya nung babaeng tuko sabay lumapit sakin. "Ice, wag mong--"- saad ni Devin na hindi niya natuloy dahil inunahan ko siya. "Wag kong gawin? Sabihin mo nga, sino 'tong babaeng 'to bukod sa estudyante siya rito sa DIA at hinahayaan mo lang siyang kumapit sayo na tila para siyang isang tuko? At sino siya para hayaan mo siyang yumakap sayo at para paniwalaan mo siya sa arte at sinasabi niya sayo na halata namang peke o hindi totoo? Kailan ka pa naging tanga at manhid? Pwedeng pakipaliwanag? Give me a scientific explanation at kapag hindi mo nagawa pati ikaw malilintikan sakin!"- pagtataas ko ng boses kay Devin sabay tingin ko dun sa babaeng tuko. "Hindi 'bat first day pa lamang nagbanta na ko? Hindi mo ba narinig yun o nagbingibingihan ka dahil isa kang linta? Wag mong sabihing nakalimutan mo dahil yang mga ganyang palusot ay masyado ng bulok kaya hindi kapani-paniwala. Ano? explain! Give me also a scientific explanation at kapag hindi mo rin nagawa tulad ng bwiset na katabi ko rito ay gagawin kong P.4 ang parusa sayo, so ano? EXPLAIN!"- pagtataas ko rin ng boses sa babaeng tuko sabay lapit ko sana rito ng pigilan ako ni Devin. Nakakapang-init ng ulo! Pasensya na at di ko na kayang magtimpi. Putcha! Tatanggalan ko ng braso 'tong babaeng tuko na 'to oras na malapitan ko 'to! "Ice! Stop that, wag kang mag-iskandalo rito ano ba."- mahinang saway sakin ni Devin. Pinalagan ko naman siya. "Eh nakakahiya kasi sayo eh 'no! May paselos-selos ka pang nalalaman kahapon tapos ngayon may ganitong mangyayari? Ganti ba 'to o ano? Bwiset!"- saad ko sabay tingin ko ulit dun sa babaeng tuko na takot na takot ang itsura. "Hindi pa tayo tapos."- saad ko sabay lakad ko paalis. Sinundan naman ako ni Devin. "Ice sandali! Ice!"- tawag sakin ni Devin sabay higit niya sa braso ko. Huminto naman ako sa paglalakad at banas siyang hinarap. "Ano ba!"- banas kong sabi sabay alis ko sa pagkakahawak niya sa braso ko. "This is a misunderstanding! Hindi ako naghihiganti sayo dahil diba sinabi ko naman sayo na hindi naman kaselos-selos yung JTrio na yun? At isa pa, wala ka namang ginawa na kung ano na maaaring maging dahilan para gantihan kita!"- paliwanag niya. Ngumiwi naman ako. "Oh talaga? Oh sige nga! I-explain mo sakin kung bakit hinahayaan mong kumapit sayo yung babaeng tuko na yun at bakit mo siya pinaniwalaan sa sinabi niya kahit halata namang nagsisinungaling siya? Bakit mo siya kinampihan!?"- pagtataas ko ng boses. Sandali naman siyang napapikit at pagkatapos ay hinawakan niya ko sa magkabila kong balikat. "Makinig ka, kanina nakasalubong ko sila Tita Rica at Tito Rey. Sinabi nila sakin na yung babaeng yun ay may posibilidad na isa siya sa mga payaso. Yung babaeng yun Ice, isa siya sa mga estudyante na nakasulat ang pangalan sa papel, siya si Yura Bernabe ng Class A. Nang mapadaan ako sa garden kanina nagkataon na nakita ko siyang nakikipag-away, kinampihan ko siya bilang parte ng plano ko. Plano ko siyang imbistigahan, kinampihan ko siya at hinayaan ko siya kanina sa pagkapit niya sakin para makuha ko ang loob niya. Yun lang yun."- mahina niyang sabi sakin. Sapat upang ako lang ang makarinig. Nag-fake smile naman ako. "Oh talaga? Sige, sabihin na nga natin na may chance na isa siya sa mga payaso. Pero hindi ikaw yung tipo na nakikipagkaibigan o nakikipagmabutihan sa isang tao para maimbistigahan ito."- mahina ngunit mariin kong sabi sabay alis ko ng mga kamay niya sa balikat ko at lakad ko ulit paalis. Sinundan naman niya ko ulit. "Ice!"- tawag niya ulit sakin. Galit ako! Galit talaga ako! xxxxxxx Someone's POV "Nag-aaway ngayon sila Ice at Devin dahil sa isang gaga, ay hindi pala isa, dalawa pala! chance mo na."- saad ko kay Joker. Kumunot naman ang noo niya. "Chance na ano?"- kunot noo niyang sabi. Inirapan ko naman siya. "Hindi 'bat may gusto ka dun sa babaeng yun? Chance mo nang kuhanin ang loob niya. Nag-aaway sila ng asawa niya, chance mo nang sumingit."- saad ko sabay cross arms at ngisi. "Gusto mong makuha yung bwiset na babaeng yun pero hindi ka nag-iisip ng paraan para matupad mo yung gusto mo, hindi lang dapat sa pagpatay kay El Greco nakatuon ang pansin mo, dapat may iba ka ring ginagawa na paraan. Alam mo sa totoo lang, kung ako sayo wag mong ipapaalam na ikaw si Joker at pagkatapos, makipagmabutihan ka kay Ice. Kapag nakuha mo na ang loob niya, magpakajoker ka ulit at pagkatapos dun mo patayin si El Greco. Kapag patay na si El Greco, bumalik ka ulit sa pagiging ikaw at wag ka nang umalis sa tabi ni Ice. Paibigin mo siya sayo at gawin mo siyang sayo nang hindi niya nalalaman na ikaw si Joker na pumatay kay El Greco, paibigin mo siya nang hindi niya nalalaman na nagtagumpay si Joker. Na nakay Joker siya umiibig."- saad ko. Napaisip naman siya. "Tama ka, kapag ginawa ko yan walang magiging problema kapag nakuha ko na si Ice."- saad niya sabay ngisi. "Pero sabihin mo, hindi 'bat gusto mong patayin si Ice? Bakit mo sinasabi sakin ngayon 'to?"- tanong niya. Ngumiwi naman ako. "Oo gusto ko siyang patayin at gagawin ko yun oras na hindi ka magtagumpay sa gusto mo. Sinabi ko sayo yung magandang gawin para magtagumpay ka para naman may kaunting thrill, hindi naman porket maganda ang sinabi ko magtatagumpay ka na kapag sinunod mo yun hindi ba?"- saad ko sabay ngisi. "Oras na hindi ka magtagumpay sa gusto mo kahit na ginawa mo ang sinabi ko, patay yang si Killiano."- saad ko sabay ayos ko ng tayo ko at lakad ko paalis. "Alis na ko, may klase pa kong kailangang pasukan sa bwiset na paaralan na 'to."- saad ko. I know na hindi mo mapapaibig si Ice, masyado niyang mahal ang asawa niya kaya naman kahit anong mangyari... mapapatay ko siya. Magsasama silang dalawa sa hukay ng asawa niya. Isama na rin ang mga magulang at ang lahat ng mga tumutulong sa kanya. Mamamatay silang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD