DIA2: Chapter 19

4795 Words
Devin POV Nandito kami ngayon ng DCR kasama ang Skulls, Wolves, Souls at Phantomrick sa bahay naming DCR. Nandito rin si Prof.China at ang mga magulang ni Ice at ni Reign, nandito kaming lahat upang mag-usap. "Vin at Xandro, ngayong wala na rito sa DIA si Ate Rei at ang pinuno niyong si Luis aasahan ko pa rin ang maayos niyong trabaho. Kinailangan lang nilang umalis para sa kaligtasan ni Ate Rei, sana intindihin niyo."- saad ni Ice kila Vin at Xandro. Tumango naman ang mga ito. "Wag kang mag-alala Ice, naiintindihan namin ang sitwasyon at makakaasa ka rin samin na aayusin pa rin namin ang trabaho namin kahit wala ang pinuno namin."- saad ni Vin. "Pero may inaalala lang kami ni Vin, dalawa na lamang kami ngayon sa Dorm at wala pang mga naka-room sa mga katabi naming kwarto, paano kapag pinasok kami ng mga kalaban? kung ikaw Ice napabagsak ka ng kalaban... kami pa kaya?"- saad naman ni Xandro. Tinignan ko naman si Ice na tila nag-isip dahil sa sinabi ni Vin. "Siguro maki-room muna kayo sa Souls."- saad ni Ice sabay tingin niya kay Owen. "Sa dorm niyo muna patuluyin si Vin at Xandro."- saad ni Ice kay Owen. Agad naman itong tumango bilang pagpayag. "Sige."- sagot nito. Pagkatapos nun, tinignan naman ni Ice si Prof.China. "Prof. I need your report, kamusta ang trabaho?"- tanong ni Ice kay Prof.China. Naglabas naman ito ng isang papel. "Nandyan na lahat ng mga estudyante na nakitaan ko ng potensyal, wala pa man akong naituturo about martial arts yang mga nakasulat diyan... marami na agad silang alam. Ibig-sabihin, marunong silang makipaglaban."- saad ni Prof.China. Agad namang kinuha ni Ice ang papel at ito ay tinignan. "Sampu silang lahat, mula sa Class F. Niko Manalo at Tina Pagdayunan. Mula sa Class C sina Hazel Valenzuela, Mario Piña at Rehan Navarro. At ang huling lima pa, galing lahat sa Class A. Sina Jia Ocado, Jena Cawaling, Yura Bernabe, Josh Kristopher San Juan at Joana Katsuki."- basa ni Ice sa mga nakasulat sa papel. "Kilala ko ang tatlo rito."- saad ni Ice sabay baba niya sa hawak niyang papel. Nagsalita naman sila Ashlie, Ylana at Grey. "Kami rin."- saad nung tatlo. Tinignan naman kaming lahat ni Ice. "Si Joana, Jena at Josh. Si Joana, siya yung estudyante rito sa DIA na biniktima nung unang payaso. Si Jena naman yung kaibigan ni Joana na nag-on ng koneksyon ng mga speakers sa music room at si Josh, isa siya sa JTrio ng Sheria. Kaibigan namin siya nila Ylana, Ashlie at Grey, kilala rin siya ni Prof.China. Paborito niyang estudyante yun."- saad ni Ice. Tumango-tango naman si Prof.China. "Nang makita ko si Josh dito, inilista ko na kaagad ang pangalan niya diyan sa papel. Magaling sa martial arts si Josh, masasabi kong pwede siyang ihanay sa asawa mo Ice."- saad ni Prof.China. Bahagya naman akong nagulat dahil sa narinig ko. Pwedeng ihanay sakin? "Alam ko, sa totoo lang kalahati ng nalalaman ko ukol sa pakikipaglaban ay kay Josh ko natutunan. Magaling siya sa pakikipaglaban pero kahit ganun, hindi ko masasabing maaaring isa siya sa mga kalaban dahil una sa lahat, kaibigan namin siya. Mabuti siya at isa pa walang rason upang maging isa siya sa mga payaso kaya naman sa tingin ko siyam lang sa mga estudyanteng nakasulat dito sa papel ang nararapat nating subaybayan at imbistigahan."- saad ni Ice. Sumang-ayon naman sa kanya sila Ashlie. "Tama si Ice, imposibleng maging isa sa mga payaso si Josh."- saad ni Ashlie. "Sa totoo lang, pwedeng makatulong satin si Josh. Sa tingin ko matatapatan niya ang lakas ng mga kalaban natin."- saad naman ni Ylana. "Tama ka, mamaya samahan niyo ko at pupuntahan natin yung JTrio. Bukod kay Josh, makakatulong din satin yung dalawa pa. Sila Jenus at Jim, makakatulong sila kay Grey. Magaling din sa teknolohiya yung dalawang yun."- saad ni Ice. Tumango naman sila Ashlie. "Okay."- sagot nung tatlo. "Pero kay Joana, sa totoo lang nagdadalawang-isip ako na imbistigahan din siya. Masyado siyang mabait pero.. mabuti na rin siguro na imbistigahan siya. Hindi sa hinuhusgahan ko siya sa kabila ng pagiging mabuti niya pero ika nga ng iba, marami ngayon na puro pakitang tao lang. Mabuti nang maging sigurado."- saad ni Ice. Pagkatapos niyang sabihin yun, muli niyang tinignan si Prof.China. "Prof. May isa pa po akong ipagagawa sayo."- saad ni Ice kay Prof.China. "Ano yun?"- tanong nito. Tinuro naman ni Ice ang Souls, Phantomrick, Skulls at ang iba pa sa DCR. "Gusto kong magsanay sila ulit, sanayin mo sila."- saad ni Ice na ikinagulat ni Ashlie at ng iba pa. "What!? W- why?"- tanong ni Ashlie. Tinignan naman sila ng seryoso ni Ice. "Sundin niyo na lamang ako dahil maski si Devin, nagsasanay rin."- saad ni Ice sabay tingin naman niya sa mga magulang niya at sa mga magulang ni Reign. "Malapit na pong matapos ang konstraksyon sa ibaba hindi ba? Pasensya na po pero kailangan ko po kayong bigyan ulit ng panibagong trabaho."- saad ni Ice sa mga magulang nya at sa mga magulang ni Reign. Ngumiti naman ang mga ito. "Wala samin yun."- saad nila Tita Rica at Tito Rey. Samantalang ang mga magulang ni Ice, napailing na lamang. "Okay lang kahit di na kayo magsalita Mom and Dad, alam ko na ang nasa isip at sasabihin niyo. Nararapat lang na kumilos kayo dahil kayo ang nagtayo nitong DIA, obvious na yun."- saad ni Ice. Natawa naman ang mga ito sa kanya sabay nagthumbs up. "Anyway, sasabihin ko na po yung gagawin niyo."- saad ni Ice sabay tingin niya ng diretso sa mga magulang niya at sa mga magulang ni Reign. "Mommy Rica and Daddy Rey, gusto ko pong panoorin niyo palagi ang klase ni Prof.China. Gusto ko pong tignan at subaybayan niyo yung mga estudyanteng nakasulat ang pangalan dito sa papel habang sila ay nasa klase ni Prof.China, gusto ko pong pag-aralan niyo ang mga galaw nila pero sana.... wag po kayong magpapahalata."- saad ni Ice sa mga magulang ni Reign. Tumango naman ang mga ito. "Wag kang mag-alala, makakaasa ka samin."- saad nila Tita Rica at Tito Rey. Ngumiti naman si Ice sabay tinignan naman niya ang mga magulang niya. "Kayo naman po, gusto ko pong tulungan niyo si Prof.China na sanayin sila Ashlie at ang iba pa. Palakasin niyo pa po sila."- saad ni Ice. Tumango naman ang Mommy niya. "Sige, kami nang bahala."- saad nito sabay tingin ng nakakaloko kila Ashlie at sa iba pa na tila namutla dahil sa mga tingin sa kanila nito. "Paalala lang, tuwing magsasanay kayo... gusto kong bago magsimula ang klase o pagkatapos ng klase kayo magsanay. Ayokong makalabas sa iba na nagsasanay kayo o tayong lahat. Iniiwasan ko yun dahil oras na malaman yun ng iba malalaman ay din yun ng mga kalaban natin, ayokong pagtawanan nila tayo na siguradong gagawin nila bilang pangmamaliit at pang-aasar satin kaya naman magsanay tayong lahat ng palihim. Naiintindihan niyo ba?"- saad ni Ice. Sabay-sabay naman na nagtanguan ang lahat. "Kung ganun, tapos na ang pagpupulong na ito. Souls at Skulls, pumunta kayo sa comshop at ayusin niyo na ang lahat doon. Mom, Dad, Mommy Rica at Daddy Rey pati na rin kayo Grey at Alex, bumalik na kayo sa underground at tuluyan ng tapusin ang konstraksyon doon. Ashlie at Ylana tayo na lang ang pupunta sa JTrio samantalang ang Iba pa sa Cards at maging ang Phantomrick, simulan niyo nang rumonda sa DIA."- saad ni Ice. "Eh ako?"- tanong ni Prof.China. Ngumiwi naman si Ice. "Ano pa ba, edi bumalik ka na sa trabaho mo."- saad ni Ice. Napakamot naman sa ulo niya si Prof.China. "Oo nga pala.. hehe 'bat di ko naisip yun."- saad nito. Napailing naman si Ice at pagkatapos ay bumuntonghininga. "Sige, kumilos na."- saad ni Ice. Agad naman na nag-alisan ang lahat maliban sakin at kila Ashlie, Ylana, Brent at Bryan. Tinignan naman ako ni Ice at tinaasan ng kilay. "Bakit di pa kayo umaalis?"- tanong nito. Walang emosyon ko naman siyang tinignan. "Kayong tatlo lang talaga pupunta sa JTrio na yun?"- walang emosyon kong sabi. Tumaas naman ang kilay niya. "Oo, bakit?"- saad niya. Ngumiwi naman ako. "Wala, sige, enjoy kayo."- saad ko sabay talikod ko at lakad ko paalis. Bigla namang may bumato sakin kaya huminto ako sa paglalakad at hinarap si Ice na alam kong siyang bumato sakin. "Nakuha mo pang magselos, 'etong dalawa nga rito walang reklamo!"- saad niya sabay turo kila Brent at Bryan. Muli naman akong ngumiwi. "Paanong magrereklamo o magseselos yan eh kita mong takot yan kila Ashlie at Ylana. Sa tingin mo magrereklamo yan ngayong alam nilang mabubungangaan at masasaktan sila!?"- saad ko. Nakita ko namang umiwas ng tingin sila Ylana at Ashlie dahil sa sinabi ko. "Bakit? Sa tingin mo ba ikaw hindi magaganon?"- pagtataas sakin ng boses ni Ice. Ngumisi naman ako. "Atlis ako nakakapalag kaya nananahimik ka kaagad, pasalamat ka nga madalas akong manahimik kesa pumalag eh."- saad ko sabay talikod ko ulit. "Tara na Bryan, Brent."- saad ko sabay lakad ko ng mabilis paalis. Bago ako makaalis ng tuluyan, narinig ko pang sumigaw si Ice. "OH EDI THANK YOU! BWISET KA!"- sigaw ni Ice. Napailing naman ako. "King, buti ka pa. Kami kawawa dun sa dalawa."- saad sakin ni Bryan. Tinignan ko naman siya. "Under din naman ako, hindi lang kasing tindi ng inyo. Kapag ganyang lumalaban ako kay Ice nagtatampo yan pero nawawala rin naman agad kapag sinusuyo."- saad ko. "Try ko kayang gawin yung style mo."- saad ni Bryan. Natawa naman si Brent. "Bakit, si Ice ba si Ashlie?"- saad ni Brent. Natahimik naman si Bryan kaya't bahagya akong natawa. "Tama na yang usapan na yan, magtrabaho na tayo."- saad ko. xxxxxxx Ice POV "Ice, away ba yun?"- tanong sakin ni Ashlie habang naglalakad kami sa hallway at hinahanap ang JTrio. Walang gana ko naman siyang sinagot. "Hindi, hindi ko masasabing away yun kasi mamaya kapag nagkita kami maayos pa rin kami. Kaya hindi away yun."- sagot ko habang tumitingin-tingin ako sa paligid. Narinig ko namang tumawa si Ylana. "Alam mo Ash kung bakit ganun? Kasi konting lambing lang ni Devin kay Ice bati na agad sila. Kaya yung away nila, nauuwi sa hindi na away kasi nagiging okay din agad sila."- rinig kong saad ni Ylana. Huminto naman ako sa palalakad at inambaan ko siya ng suntok. "Manahimik ka."- saad ko sabay patuloy ko ulit sa paglalakad. Narinig ko naman silang tumawa ni Ashlie samantalang ako, napailing na lang. Mga bwiset! Pagdating namin sa Mini Garden, nakita ko yung hinahanap namin. "Ayun yung tatlong tukmol."- saad ko sabay turo ko sa JTrio. "Tara lapitan na natin."- saad ni Ashlie sabay takbo nila ni Ylana palapit sa JTrio. Ako naman, naglakad lang. "Tatlong tukmol!!"- sigaw ni Ashlie sa JTrio na ikinatingin ng mga ito sa kanya. "Ashlie! Ylana!"- masayang saad ni Jenson pagkakita sa dalawa. "Oops, may kasama pa kami."- saad ni Ashlie sabay tingin nila sakin. Agad namang napatingin sakin yung tatlo at pagkatapos, sabay-sabay silang nagtayuan at lumapit sakin. "ICE!!"- sigaw nila sabay yakap sana sakin ng..... "DEVIN! DEVIN!!"- sigaw ni Ylana. Naitulak ko naman yung tatlo palayo sakin sabay tumingin-tingin ako sa paligid. "Asan!?"- kinakabahan kong saad sabay tingin ko kay Ylana. Nagpeace sign naman ito. "Joke lang."- saad nito. Ngumiwi naman ako. "Gago!"- mura ko sa kanya. Nagtawanan naman sila ni Ashlie. "Takot din sa asawa niya! HAHA! Ayos! Dalawa silang takot sa isa't-isa!"- asar nung dalawa. Tinignan ko naman sila ng masama. Mga gago talaga. Nagulat naman ako ng biglang yakapin ako nung tatlong tukmol. "Waaah! Ice! Namiss ka namin!"- emote ni Jenson. "Nung umalis kayo sa Sheria naging tahimik kami. Grabe! Tagal nating di nagkita-kita!"- emote naman ni Jim. Samantalang si Josh, nakayakap lang at di nagsalita. Nagpoker face naman ako at pagkatapos, sabay-sabay ko silang inilayo sakin at pinagkukutusan. "Naiintindihan ko na namiss niyo ko pero di kailangan na yakapin niyo pa ko."- saad ko. "Oo nga! Di kailangan na yakapin siya. Baka mamaya niyan biglang dumaan si Devin tapos makita na yakap-yakap niyo siya nako lang. Lagot!"- asar ni Ylana. Napapikit naman ako. Kumalma ka Ice, intindihin mong sira ulo mga kaibigan mo. "Bakit, sinasaktan ka ba ng asawa mo?"- saad ni Josh na ikinadilat at ikinatingin ko sa kanya. "Ako? Sasaktan nun? Tch. Never! Masyado akong mahal nun para saktan niya."- saad ko sabay ayos ko ng tayo at tingin ko sa kanilang tatlo. "Anyway, may kailangan ako sa inyong tatlo kaya pinuntahan ko kayo. Tutal nandito kayo sa DIA, tumulong na kayo samin."- saad ko. Tila na-excite naman yung dalawa, habang si Josh nakapout. "Ano? Anong gagawin namin?"- excited na saad ni Jenson. Bumuntonghininga naman ako. "Well, may problema kami ngayon dito sa DIA. May mga payaso na nanggugulo rito na gusto naming mahuli at mapatahimik, gusto kong tumulong kayong tatlo na mahuli yung mga hinayupak na payaso na yun."- saad ko sabay turo ko kila Jim at Jenson. "Kayong dalawa, tulungan niyo si Grey. Mamaya bago mag-uwian pumunta kayong dalawa sa bahay naming DCR at kakausapin kayo ni Grey, lahat nang sasabihin niya sa inyong dalawa isaisip niyo lahat yun at gawin niyo! Walang susuway."- saad ko. Agad namang tumango yung dalawa. "Aye! Aye!"- excited na saad nung dalawa. Ngumiti naman ako at pagkatapos tinignan ko si Josh na nakapout pa rin. "At ikaw naman, pakinabangan natin yung galing mo sa martial arts. Turuan mo 'tong mga 'to tulad nang pagtuturo mo sakin dati, isa pa, tigilan mo na yang pagpout mo. Mukha kang aso."- saad ko kay Josh sabay turo ko kila Ashlie at Ylana. Bigla naman siyang ngumiwi. "Ayoko."- sagot ni Josh sabay upo niya sa isang bench. "Hindi na ko nagtuturo, isa pa di na ko nagma-martial arts. Tama nang si Jim at Jenson lang ang mapakinabangan niyo, wag na ko."- saad nito. Napataas naman ako ng kilay at pagkatapos tinignan ko sila Jim at Jenson. "Problema nun?"- mahina kong tanong sa dalawa. Sabay naman silang nagkibitbalikat. "Wag mo na lang pansinin, basta mamaya asahan mo kami dahil pupunta kami!"- saad ni Jim. "Okay."- saad ko sabay kibitbalikat ko rin. Nagulat naman ako ng biglang may nagsalita mula sa likuran ko. "So sila pala yun."- rinig kong saad ni Devin na bahagya kong ikina-istatwa. Narinig ko namang nagtawanan yung dalawang hinayupak na sila Ashlie at Ylana. Samantalang sila Jim at Jenson, titig na titig kay Devin. Si Josh naman, walang emosyong nakatingin kay Devin. Dahan-dahan ko namang hinarap si Devin at tinaasan ng kilay. Kasama niya yung kambal. "Bakit kayo nandito?"- taas kilay kong tanong kay Devin. Tinaasan din naman niya ko ng kilay. "Rumuronda kami diba? Napadaan kami rito tapos nakita namin kayo. Di mo ba ko ipapakilala sa kanila na mga kaibigan niyo nila Ashlie at Ylana?"- may pagkasarkastikong saad ni Devin na ikinatigil nung dalawang hinayupak sa pagtawa. Tinignan ko naman yung JTrio na nakatitig lang kay Devin. Sila Jim at Jenson, tila namamangha. Si Josh naman, wapake. Di pa rin sila nagbabago, mababaw pa rin yung dalawa habang yung isa na siyang pinakamaingay sa kanilang tatlo.. nawawalan ng pake kapag tinotopak. "Ah... Jim, Jenson, Josh. Asawa ko, si Devin."- pakilala ko kay Devin sa JTrio. Bigla namang tumakbo sila Jim at Jenson palapit kay Devin at sabay na yumuko bilang paggalang. "Ikinagagalak namin kayong makilala!"- sabay na saad nila Jim at Jenson at pagkatapos nagtinginan sila at tila kinikilig pa. Halata namang naweirduhan sa kanila si Devin kaya nagsalita ako. "Ganyan talaga sila, kapag may iniidolo sila na nakita nila tila para silang mga babae kung kiligin. Mababaw yang dalawang yan at maingay."- saad ko. Bigla namang nagpoker face si Devin. "Ganun ba?"- saad ni Devin sabay hila sa kambal at tulak papunta kila Jim at Jenson. "Magsama-sama kayong maiingay at pagkatapos magpakalayo-layo kayo sakin."- walang emosyong saad ni Devin na ikinatawa ulit nila Ashlie at Ylana. Ako naman, bahagya lang na natawa. "Eh yung isa, mukhang iba say sa dalawang 'to."- saad ni Devin sabay tingin niya kay Josh. Tinignan ko naman si Josh na wala pa ring emosyon. "Ganyan talaga yan kapag tinotopak, pero yan ang pinakamaingay sa kanilang tatlo."- saad ko. Tumango-tango naman si Devin. "Okay, nasabi mo na ba sa kanila yung dapat mong sabihin?"- tanong sakin ni Devin. "O- Oo.."- sagot ko. Nilapitan naman niya ko sabay hinila. "Naalala ko di pa pala tayo nag-aalmusal, kumain na muna tayo. May champorado sa cafeteria."- saad niya. Bahagya naman akong napailing at pagkatapos tinignan ko sila Ashlie at Ylana. "Sumama na kayo diyan sa mga mister niyo, kita tayo mamaya."- saad ko. Tumango naman yung dalawa. "Jim, Jenson. Yung sinabi ko wag kakalimutan at ikaw naman Josh, palamig ka na ng ulo."- saad ko sabay kaway ko sa kanila. "See you around."- saad ko at pagkatapos naglakad na kami paalis ni Devin. "Nagseselos ka pa ba?"- mahina kong tanong sa kanya. Inakbayan naman niya ko. "Nah. Hindi naman sila kaselos-selos."- walang gana niyang sabi. Natawa naman ako at pagkatapos ay niyakap ko siya. "Eh bakit ganyan itsura mo?"- saad ko. Tinignan naman niya ko at pagkatapos bigla siyang tumawa. "Hayst! Wag ka nang magtanong at wag na nating pag-usapan yung tatlong lalaki na yun!"- saad niya sabay gulo niya sa buhok ko. "Tayo na sa Cafeteria."- saad niya. Ngumiti naman ako at tumango. "Okay."- saad ko. xxxxxxx Ashlie POV "Haayy.. tignan mo yung dalawang yun. Parang kanina lang tila nagtatalo, sinigawan pa ni Ice si Devin pero tignan niyo ngayon, parang akala mo bago palang silang magjowa at hindi sila 2 years nang mag-asawa."- saad ni Ylana. Tumango-tango naman ako. "Tama ka, ang angas nilang dalawang mag-asawa."- saad ko sabay tingin ko sa asawa ko na nakikipagkwentuhan kila Jim at Jenson kasama ang kakambal niya. Nagpoker face naman ako. "Bryan."- tawag ko kay Bryan na agad namang humarap. Sinenyasan ko naman siyang lumapit at..... agad naman siyang lumapit sakin. Aba! Ang goodboy nang gago ah! "Tawagin mo na yung kakambal mo, rumonda tayo ng sama-sama."- saad ko. Agad naman siyang tumango. "Oy Brent, balik trabaho."- saad nito kay Brent na agad ding lumapit samin. "Babalik na kami sa trabaho."- saad ni Brent kila Jim at Jenson. Ngumiti naman yung dalawa. "Sige."- sabay na saad nung dalawa. Tila natawa naman si Ylana. "Ayos ah, magkakaibigan na kayo agad?"- saad ni Ylana kila Brent at Bryan. Ngumiwi naman ako. "Ganun talaga kapag magkakapareho ng ugali, nagkakasundo agad."- saad ko sabay simula ko na sa paglalakad. "Tayo na."- saad ko. Habang naglalakad kami sa hallway, nagtaka ako ng tila madaling-madali ang mga estudyante. At iisa rin ang tinatahak na direksyon ng mga ito. "Anong nangyayari? Saan papunta ang mga estudyante?"- saad ko. Pagkasabi ko nun, nakita ko ang Phantomrick na tumatakbo palapit samin. "Si Ice tsaka si Devin, nasaan sila?"- tanong sakin ni Henrick. "N- nasa Cafeteria, bakit? may problema ba?"- tanong ko. Tumango naman ito. "May bangkay ng isang estudyante sa balcony ng school, nakasabit sa railings."- sagot ni Henrick na ikinagulat namin nila Ylana. "Ano!?"- saad ko. Nagsalita naman si Brent. "Mukhang ang mga payaso ang may gawa nito."- saad ni Brent. Tinignan ko naman sila. "Puntahan natin sila Ice!"- saad ko sabay takbo. Agad naman nila kong sinundan. Saktong pagdating namin sa cafeteria, nakita namin si Ice at si Devin na papalabas. "Ice!"- tawag ko kay Ice. Agad naman itong tumingin sakin. "Lumabas tayo, hindi na maganda 'to. Pumapatay na ang mga payaso!"- saad ni Ice sabay kuyom niya sa kamao niya. "Tara na!"- saad niya sabay takbo niya kasama si Devin. Agad naman namin silang sinundan. Pagdating namin sa labas, napatakip na lamang ako ng bibig nang makita ko ang kalunos-lunos na sinapit ng bangkay ng lalaking estudyante na nakasabit sa railings ng balkonahe ng school. Wala na itong saplot, tanging underwear na lamang ang meron siya. Nakalabas ang isa sa mga mata nito samantalang tila tinalupan naman ang buo nitong katawan. Bukod pa roon, may isang metal na parihaba ang nakatarak sa leeg nito. "F*ck this!"- rinig kong mura ni Devin. Tinignan ko naman sila ni Ice. Si Devin, nanggagalaiti sobra sa galit. Samantalang si Ice, pinapakalma ang kanyang sarili. "Yung dugo..... tumutulo sa fountain."- rinig kong saad ni Ylana. Agad naman akong kumilos at ipinatawag ang mga Janitor ng school upang ipatanggal ang bangkay sa balkonahe at linisin ang fountain na natuluan ng dugo. "Yung estudyante na yun, isa siya sa sampung estudyante na nakalista sa papel na ibinigay ko sa inyo. Si Niko."- rinig kong saad ni Prof.China. Sabay-sabay naman kaming napatingin sa kanya. "Kung ganun hindi siya isa sa mga kalaban, anong nangyari? Bakit pinatay ng mga payaso ang estudyante na yun."- mahinang saad ni Ice. "Hindi katanggap-tanggap 'tong ginawa nila pero sa tingin ko 'etong ginawa nila na 'to ay nakatulong satin. Walo na lamang ang iimbistigahan natin dahil ayaw niyo namang isama si Josh sa mga iimbistigahan, dahil sa ginawa ng mga payaso na 'to ngayon medyo pinadali lang nila ang trabaho natin ukol sa pag-iimbistiga."- saad ni Prof.China. Isang malalim na buntonghininga naman ang pinakawalan ni Ice. "Ang iniisip ko ngayon ay anong sasabihin ko sa mga magulang ng estudyante na yan! Isa pa, nangako na ko na wala ng mangyayaring p*****n dito at isa ng normal na paaralan ang DIA tapos after 2 years biglang may ganito na mangyayari? Tiwala na ang mga magulang na maayos na ang DIA! Anong gagawin ko? paniguradong may magagalit na mga magulang. Baka mawalan tayo ng mga estudyante!"- kinakabahang saad ni Ice. Agad naman siyang pinakalma ni Devin. "Wag kang mag-alala, akong bahala diyan."- saad ni Devin sabay yakap niya kay Ice. "Yung mga payaso na yun..."- saad ni Devin kasabay ng pagkuyom niya sa kamao niya. Nagulat naman kami ng bigla na lamang may tumili na estudyante, pagtingin namin sa dahilan. Lahat kami nagpaka-alerto at naghanda. Mga Payaso! "Kamusta! Nagustuhan niyo ba yung regalo ko sa inyo?"- sarkastikong saad ng babaeng payaso na ngayon pa lamang namin nakita. Nasa may gate ito ng DIA at may hawak na megaphone. Bagong payaso! Ang pustura nito, wala siyang maskara ngunit natatakpan naman ng make-up ang mukha niya. Kalahating payaso at kalahating demonyo.... "Yan ang regalo ko sa unang beses kong paglitaw at pagpapakita sa inyo! Ang ganda diba? Ang ganda sa mata!"- saad nito sabay tawa. Narinig ko namang nagmura si Ice at pagkatapos ay susugod sana ito nang pigilan namin. "Ice tumigil ka, kapag sumugod ka tatakbo lang yan palabas at tutungo sa kagubatan kaya wag mo nang subukan."- pigil sa kanya ni Prof.China. Mabuti naman at nagpapigil si Ice at muling pinakalma ang sarili. "Brent, kunin mo yung megaphone sa registrar."- utos ni Devin kay Brent na agad sinunod ni Brent. Pagkabigay ni Brent ng megaphone kay Devin, agad yung kinuha ni Ice. "Oh talaga? salamat sa paregalo mo. Nagustuhan ko ng sobra! Sa sobrang pagkagusto ko sa regalo mo parang gusto ko tuloy gawin yun sayo!"- banas na saad ni Ice. Tumawa namang muli ang payaso. "Really? Gusto ko yan. Gawin mo yan kapag nahuli mo ko ah! pero ang tanong.. mahuhuli mo nga ba ako? Sa tingin ko kasi hindi eh!"- sarkastiko nitong sabi sabay tawa na naman. Narinig ko namang muling nagmura si Ice. "Anyway, narinig ko yung tinatawag niyo samin ng mga kasamahan ko. Killer Clown. You know, It's so kadiri! Tapos 'eto pang pangatlo eh pumayag pa sa sinabi mo Ms.Ice na bigyan kami ng numbering like KC1, KC2, KC3 like duh? It's so kadiri!"- maarteng saad nung payaso at pagkatapos bigla itong umayos. "Kaya naman ngayong araw na 'to, magpapakilala kami ng mga kasama ko ng maayos. Kaming lima na namumuno sa panggugulo rito sa DIA."- saad pa nito. Pagkatapos niyang sabihin yun, may apat na payaso ang lumabas mula sa likod ng gate. Isa roon, Lalaki. "Kamusta mahal na Hari! Kilala mo na ko hindi ba?"- saad ng lalaking payaso. Kinuha naman ni Devin ang megaphone kay Ice at nagsalita. "Oo, hindi kita kinalimutan kasi diba? Ikaw na mismo ang nagsabi, tayong dalawa ang magkalaban dito."- saad ni Devin. Pumalakpak naman ang lalaking payaso. "Good, magaling!"- saad nito sabay tingin kay Ice. "Wala ka pa ring pinagbago Ice, napakaganda mo pa rin."- muli namang kinuha ni Ice yung megaphone kay Devin. "Alam ko, pero kung sino ka man hindi kita magugustuhan. At para sabihin ko sayo kahit hamunin mo pa ang asawa ko matatalo ka niya, kahit anong mangyari hindi mo ko makukuha!"- saad ni Ice. Halatang galit na galit na ito. Kapag ganyan na yan lumalabas na yung pagka-warfreak niyan, hindi tulad ko na anytime at anywhere. Tumawa naman yung lalaking payaso. "Then, tignan na lang natin."- saad nito. Muli namang nagsalita yung babaeng kalahating payaso at kalahating demonyo. "Hindi na kami magtatagal pa, magpapakilala na kami at pagkatapos ay humanda na kayo dahil pagkatapos nito.. marami pang malalagutan ng hininga."- saad nito at pagkatapos, nagsimula na sila sa pagpapakilala. "Hindi ko man sabihin, obvious na kung anong pangalan ko. Joker, that's me."- saad nung lalaking payaso. "My name is Yuri, at mahilig akong manggulo."- saad naman nung babaeng payaso na natatakpan ng face mask ang kalahati ng mukha at pustura naman ng payaso ang kalahati pa. "Siya yung kumuha nung sulat."- mahinang saad ni Devin. "Ako naman si Je-an."- pakilala naman nung babaeng payaso na nakamaskara na takip ang buong mukha. Siya yung nanakit kay Joana! "At ako naman, ako si Bella Bueno. Ang anak ni Lorenzo Bueno."- pakilala naman nung babaeng payaso na tanging pustura lamang ng isang payaso ang tumatakip sa mukha. Nagulat naman kami dahil sa narinig namin. "A- anak ni Lorenzo Bueno?"- gulat at di makapaniwalang sabi ni Ice. "Halatang nagulat kayo, hindi ba kapanipaniwala? Well sige, ipaliliwanag ko. Anak niya ko sa isang babae na kahit kailan ay hindi niya sinuklian ng pagmamahal dahil sa Ina mo Ice, inaamin kong galit ako sa ama ko dahil doon at yun ang dahilan kung bakit ako nandito. Gusto kong tapusin ang buhay ng ama ko pero inunahan ako ng ama mo kaya naman nandito ako ngayon sa DIA upang parusahan ang mga magulang mo Ice. At sisimulan ko yun sa pagpapahirap ko sayo na anak nila, gusto sana kitang patayin din pero pasalamat ka rito kay Joker na siyang pumipigil sakin kaya naman mananatili na lamang ako sa pagpapahirap sayo na sinimulan ko nung isang araw, kamusta naman yung sugat mo. Magaling na ba?"- sarkastikong saad nung Bella. Nagkuyom naman ng kamao niya si Ice. Kung ganun, siya yung payaso na umatake kay Ice at kay Ate Rei sa garden.. "Hindi naman masyadong malalim yung sugat kaya naman magaling na yung ginawa mo, tungkol sa sinasabi mong pagpapahirap sakin.... hindi na mauulit yun. Sa susunod kasi ikaw naman ang babagsak at hindi na ako."- saad ni Ice sabay ngisi. "Anyway, ikinagagalak kitang makilala anak ni Mr.Bueno. Wag kang mag-alala, dahil sa ginagawa mong 'to susunod ka na sa ama mo. Doon sa impyerno, magpatayan kayo."- sarkastikong saad ni Ice. Nagkuyom naman ng kamao niya si Bella. "Ang lakas ng loob mong magsalita, tignan na lang natin kung anong mangyayari sa susunod nating paghaharap."- banas na saad ni Bella. Hindi naman nagsalita si Ice. "Ngayong tapos na kayong maghamunan, ako naman ang magpapakilala."- saad nung babaeng kalahating payaso at kalahating demonyo. "Ako si Shion, ang pinuno nila. Ngayong kilala niyo na kami, dito na talaga magsisimula ang tunay na laban, kung inaakala niyong lima lang kami pwes! nagkakamali kayo. Meron kaming mga alagad kaya naman maghanda kayo."- saad nung babaeng kalahating payaso at kalahating demonyo na Shion ang pangalan. "So paano, hanggang dito na lang muna."- saad ni Shion sabay talikod. "Sayonara."- saad pa nito at pagkatapos ay umalis na sila. Pagkaalis nung mga payaso, nagsimula na ang mga bulungan ng mga estudyante na nandito. "Ano nang gagawin natin?"- tanong ko. Bumuntonghininga naman si Ice. "Mananatili tayo sa plano."- saad ni Ice sabay tingin niya sa mga estudyante na nandito. "Kayong lahat! Bumalik kayo sa mga klase niyo ngayon na!"- sigaw ni Ice. Mabilis namang sumunod ang mga estudyante sa kanya. "Kayo, balik sa trabaho."- saad ni Ice samin sabay lakad niya paalis. Agad naman siyang sinundan ni Devin. "Napansin niyo? hindi sinabi nung mga payaso kung anong pangalan ng grupo nila."- saad ni Bryan. Tinignan ko naman siya. "Hayaan mo sila, ang mahalaga alam na natin ang mga pangalan nila."- saad ko sabay tingin ko kay Ylana na tila ang lalim nang iniisip. "Ylana, may problema ba?"- tanong ko kay Ylana. Nakakunot ang noo naman niya kong tinignan. "Para kasing may kaboses yung tatlo sa kanila tapos yung Shion... tsk! Ewan!"- saad ni Ylana sabay lakad paalis. Napataas naman ako ng kilay. Anong sinasabi nun? "Haayy! simula ngayon ayoko na sa mga payaso, imbis na nagbibigay sila ng kasiyahan perwisyo ang ibinibigay nila."- saad ko sabay hila ko kay Bryan paalis. "Balik trabaho."- saad ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD