DIA2: Chapter 18

2572 Words
Devin POV "Yan na muna ngayon, bukas na natin ituloy ang pagsasanay."- saad ko. Napaupo naman sa sahig si Ice dahil sa pagod. "Come to think of it, naiintindihan ko na kung bakit ang lakas mo. AAARRGGHHH!"- sigaw ni Ice sabay habol niya sa hininga niya. Natawa naman ako at pagkatapos ay nilapitan ko siya at binigyan ng tubig. "Kulang pa yan, marami pa kong ipapagawa sayo na ginawa ko dati."- saad ko. Natawa naman siya at pagkatapos ay kinuha niya yung tubig at bumuntonghininga. "Oo nga pala, naisip ko lang, never pa tayong naglaban ng pisikal kahit nung di pa tayo okay, yung hindi pa tayo close."- saad niya sabay tingin sakin. "Buti na lang ganun, dahil kung hindi malamang bali-bali na yung buto ko. Pumapatol ka pa naman sa babae."- saad pa niya sabay inom niya ng tubig at higa niya sa sahig. "Pero naisip ko rin, paanong hindi ka nakalaban dati nung hinuli ka ni Tito June para ikulong sa darkness room? Nanghina mga muscles mo? natulog yung lakas mo?"- saad niya. Natawa naman ako ulit at pagkatapos ay inalala ko yung dati. "Nope, sa totoo lang kaya kong lumaban nun. Kahit na hawak ako ng dalawa niyang tauhan nun at kahit na may mga armas sila, kaya ko pa ring lumaban at makatakas. Pero hindi ko ginawa, ipinakita ko sa kanila na kunwari hindi ko sila kaya... nagpumiglas ako tapos ayun nga kunwari hindi ko nga sila kaya pero ang hindi nila alam, sinadya kong magpatangay talaga kahit na alam kong maaari akong mamatay. Nung mga oras na yun kasi, may naalala ako. Yun yung rason kung bakit namin kayo ipinanalo at pinaalis dito sa DIA.."- saad ko. Umupo naman ulit si Ice at nagsalita. "Yung rason? Diba ang rason dun ay para mailigtas niyo ko mula kay Mr.Bueno dahil natatakot kayo na baka mamukhaan niya ko?"- saad ni Ice. Tumango naman ako. "Oo, pero hindi yun yung rason na sinasabi kong naisip ko nung mga oras na dinakip ako ng Headmaster. Sa totoo lang kasi, may isa pang rason. Yun yung sinabi sakin ni Vince nung naglaban kaming dalawa."- saad ko. "Sinabi sakin ni Vince nun na, ipakita ko sayo na desidido akong talunin siya at desidido akong magpaiwan dito sa DIA. Sabi niya, magiging inspirasyon mo ko para makapag-isip ka kaagad. Kapag naiwan ako dito, hindi ka magkakanda-ugaga sa pag-iisip ng paraan dahil nga nandito ako at mag-aalala ka nang mag-aalala. Yun yung naisip ko nung mga panahong dinakip ako ng Headmaster kaya naman pinili kong hindi manlaban, naisip ko kasi na kapag nalaman mo na nadakip ako ng Headmaster.. matataranta ka at baka makaisip ka na ng paraan. Nakita ko si Vince nun na napadaan sa pinto papunta sa likod ng school kaya naman nagsisisigaw ako para marinig niya ko at para makita niya ang nangyayari. Hindi naman ako nadismaya. Nakita niya ang nangyayari nung mga oras na yun at nailigtas niya ang mga kaibigan ko mula sa Headmaster. Isa pa, nakarating sayo ang balita. Nabasa ko sa libro ni Ylana na nung nalaman mo na hawak ako ng Headmaster, nanghina ka raw at di mo malaman ang gagawin. Pagkatapos, ilang sandali lang nakaisip ka na ng paraan."- saad ko sabay ngisi. "Grabe, kinilig ako nung nabasa ko yun."- saad ko sabay tawa ko ng bahagya. Inirapan naman niya ko kaya umayos ako. "Anyway, yun yung dahilan kung bakit hindi ako nanlaban kahit kaya ko naman. Hindi ko pinagsisisihan yun dahil nangyari ang inaasahan ko. Nakaisip ka ng paraan at pagkatapos nakabalik ka na sa DIA."- saad ko pa sabay tingin ko sa kanya. Napailing naman siya. "Oo na lang."- saad nya sabay hila niya sakin paupo sa sahig. "Sana lumabas na yung iba pa, sa tingin ko kasi mas mapapadali 'tong problema natin kapag lumabas na lahat ng mga kalaban natin."- saad niya sabay buntonghininga. "Kapag lumabas na silang lahat, malalaman na natin kung ilan sila. Bukod pa dun, may malalaman din tayong mga impormasyon ukol sa kanila kaya sana lumabas na silang lahat, wag na silang magpa-unti-unti pa."- saad ni Ice sabay tingin sakin. "Nagugutom ako, bilhan mo ko ng pagkain sa Cafeteria."- saad niya. Napapoker face naman ako. "Sabay ganun."- saad ko sabay kamot ko sa ulo ko. "Pumunta na lang tayo dun."- angal ko. Umiling-iling naman siya. "Ayoko, dito lang ako at magpapahinga. Hihintayin kita."- saad niya sabay higa niya ulit sa sahig. Bumulong naman ako. "Tss... hinila mo pa ko paupo kung uutusan mo lang din ako."- bulong ko sabay tayo ko. "Wag kang aalis dito, kapag may dumating na kalaban humingi ka kaagad ng tulong. Lalo na kapag yung pangatlong payaso ang dumating, tumawag ka kaagad."- saad ko kay Ice. Tumango naman siya. "Roger that, tatawag talaga ko agad ng tulong. Di ko kaya yung pangatlong payaso na yun."- saad niya sabay nguso. "Gaganti talaga ko."- saad pa niya. Napailing naman ako. "Oh siya, aalis na ko."- saad ko sabay lakad ko palabas sa training room at sara ko sa pinto. Pagkalabas ko, agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Grey. "Grey, bantayan mong mabuti yung harapan ng training room. Tawagan mo ko agad kapag may pumunta dun na kalaban."- saad ko kay Grey. "Okay pero bakit naman pupunta ang kalaban sa training room?"- tanong ni Grey. Bumuntonghininga naman ako. "Nandun ang target nung pangatlong payaso, Si Ice, nag-iingat lang ako, ayoko nang maulit yung nangyari nung isang araw."- saad ko. "Okay, sige. Babantayan kong mabuti yung training room."- saad ni Grey. "Sige."- saad ko sabay patay ko sa tawag at lakad ko na paalis. Hindi pa man ako masyadong nakakalayo sa training room, may naramdaman ako na tila sumusunod sakin. Kalaban.... Kung pakikiramdaman ang presensya niya, masyado yung mabigat. Tila galit na galit ito, sino 'to? Yung Una? Pangalawa? Pangatlo? o baka..... bagong payaso. Bago pa man ako makarating sa hagdan pababa sa ikalawang palapag, huminto ako sa paglalakad at hinarap ang sumusunod sakin. Kung aabot kami sa paglalaban, mas mabuti nang dito na lamang sa ikatlong palapag ng DIA na kung saan wala masyadong tao. Kapag bumaba pa ko posibleng may madamay pa na iba. "May kailangan ka? bakit mo ko sinusundan."- malamig na saad ko sa taong sumusunod sakin. Nakayuko ito, at kung titignan ang katawan niya... malalaman mong isa siyang lalaki. "Gusto lang kitang makausap, mahal na Hari."- sarkastiko nitong saad sabay angat nito sa kanyang ulo at tingin sakin. Nagpakaalerto naman ako nang makita kong nakapustura itong pang-payaso. Joker? "Gusto mo kong makausap? Ano namang gusto mong pag-usapan. Joker."- saad ko. Ang pustura niya, katulad ng postura ng kalaban ni Batman na si Joker. Mukhang iba't-ibang payaso ang makikilala namin nito. Sinong susunod pagkatapos niya? Yung katambal niyang si Harley Quin? Nakakatawa ang tema nila. "Tungkol kay Ice."- sagot nito. "Target siya ng pangatlo samin pero wag kang mag-alala, hindi siya nito papatayin, alam mo kung bakit?"- saad nito sabay ngisi. "Dahil sakin."- dugtong nito sabay lakad niya palapit sakin. "You know what? kung hindi lang dahil sa bwiset na Reign Daves na yan hindi sana pupunta si Ice dito. Hindi siya aalis, hindi siya malalayo at isa pa.. hindi ka niya makikilala ulit, hindi kayo magmamahalan ulit at hindi kayo magpapakasal na siyang ikinaiinit ng ulo ko kaya naman, yang Reign Daves na yan.. Oo at hindi siya natuluyan nung pangatlo saming mga payaso pero Ako? oras na makita ko yang Reign Daves na yan.. patay say sakin."- saad nito sabay hinto niya sa harapan ko. "Naiintindihan mo ba ko mahal na Hari? Naiintindihan mo ba ang gusto kong iparating? Kung hindi, ipapaliwanag ko sayo."- saad nito kasabay ng kanyang pagseryoso. "May gusto ako kay Ice, gustong-gusto ko siya kaya naman ngayon na napagdesisyunan ko nang kunin siya dahil hindi ko makayanang kalimutan siya, lahat ng may kasalanan sa paglayo niya at lahat ng harang ay papatayin ko. Lalong-lalo ka na na siyang pinakamalaking harang sa pagitan naming dalawa."- saad nito sabay ngisi. Nagsimula naman nang maglabasan ang mga ugat ko sa noo kasabay ng pagkuyom ko ng mga kamao ko. "At sa tingin mo magtatagumpay ka?"- saad ko. Tinignan naman niya ko ng diretso sa mga mata. "Oo, magtatagumpay ako. Mapapatay kita at ang iba pang mga harang. At si Ice, mapupunta siya sakin sa ayaw niya at sa hindi."- saad niya sabay hakbang niya paatras. "Pero hindi pa ngayon ang oras, may mga kailangan pa munang mangyari upang mapaganda ang takbo ng istorya kaya naman.... magpapaalam na muna ko. Lumabas ako ngayon upang magpakilala lang sayo na siyang kalaban mo."- saad niya habang patuloy siyang lumalakad paatras. "So paano? be ready. Kukunin ko si Ice sayo."- saad niya sabay tawa, talikod sakin at alis. Pinakalma ko naman ang sarili ko at pinigilan ko rin ang sarili ko na habulin siya. Kapag hinabol ko siya ngayon alam kong mauuwi yun sa wala, sa itsura niya at sa pangangatawan niya. Kitang-kitang malakas siya.. Mukhang hindi lang si Ice ang dapat na magsanay, maging ako rin. "Hindi mo makukuha ang asawa ko, dahil bago mo pa man ako mapatay.. napatay na kita. Hindi ka magtatagumpay."- mariin kong sabi sabay patuloy ko na ulit sa paglalakad. Sisiguraduhin kong mapapatay ko yung Joker na yun, pero bago yun..... kailangan ko munang bumili ng pagkain ngayon ng reyna ko at kailangan ko ring bilisan dahil kung hindi, yun ang papatay sakin. "Hayst. makatakbo na nga."- saad ko. xxxxxxx Ice POV "Ang boring."- saad ko sabay tayo ko at kuha ko sa cellphone ko. To: Mister kong pogi. Ang tagal mooooooo! "Tss... ano bang ginagawa nito? Pumila pa ba siya kaya ang tagal niya? Hindi eh! Hindi pa breaktime ng mga estudyante... 'bat ang tagal niya!"- saad ko. Tumunog naman yung cellphone ko. Pagtingin ko, nagreply si Devin. From: Mister kong pogi. Wala pa kong 20 minutes na nawawala, nasa ground floor ang cafeteria habang nasa 3rd floor ang training room. Anong aasahan mo? Hindi ako si Flash na sobrang bilis kaya diyan ka lang na pasaway ka at maghintay ng tahimik. Habaan mo pasensya mo, kung nabuburyo ka edi bumalik ka sa pag-eensayo! Love you. Napangiwi naman ako matapos kong mabasa yung reply niya. "Gago 'to ah! Sino 'to yung isang karakter ni Michael V sa bubble gang? Pagkatapos mangaral biglang love you sa dulo!"- pagtataas ko ng boses sabay reply ko sa kanya. To: Mister kong pogi. Pekyuuuuuuuu! *insert cactus emoji* Pagka-send ko nun, wala pang ilang segundo may natanggap agad ako na mensahe. "Huh? bilis magreply."- saad ko sabay tingin ko sa mensahe. Pagtingin ko, si Ashlie pala. From: Ashlie the noisy. Iceeee! Yung mga ka-batchmate natin dati sa Sheria yung JTrio na puro gwapo taena nandito pala sa DIA!! Dito sila nagpatuloy ng college! Nakita ko sila ngayon-ngayon lang at ehem! puro mga gwapo pa rin walang pagbabago! Lalo na si Josh waaaaahh! Okay enough na may mga asawa na landi ko talaga taena alam ko Oo na! Hehe! Bye. pinaalam ko lang sayo ^^ Napailing naman ako pagkatapos kong mabasa yung text sakin ni Ashlie. "Kahit kailan talaga yung babaeng yun."- saad ko sabay alala ko sa JTrio. Sila yung Tatlong lalaki na nagsisimula ang pangalan sa J. Sila Jenus, Jim at Josh. Sikat sila sa Sheria dahil sa pagiging gwapo, matalino, sporty at friendly. Kaibigan namin sila nila Ashlie, Grey at Ylana. Mga mababait din sila at maiingay. Bakit kaya nagtransfer dito yung mga tukmol na yun? For sure magiging maingay na naman lalo na at nagkita na sila ni Ashlie. To: Ashlie the noisy. For sure magiging maingay na naman, lalo na kapag nagsama ulit kayong lima kasama si Ylana. But anyways, buti naman at dito nila naisipang magpatuloy ng pag-aaral. May libre silang kutos sakin kapag nakita ko sila. Saktong pagkasend ko nun, biglang bumukas ang pinto at pumasok si Devin. "Mahal na Reyna, 'eto na po yung pagkain mo."- saad nito sabay lapit sakin. Agad ko namang kinuha yung pagkain sa kanya at pagkatapos ay bumalik ako sa pagkakaupo ko sa sahig. "Yown! Ang dami niyang binili."- sigaw ko habang nilalabas ko yung mga pagkain sa supot. Tinabihan naman ako ni Devin sa sahig at pagkatapos ay kinuha niya yung cellphone ko. "From Ashlie the noisy, binigyan ko na sila kanina ng tig-iisang suntok. Kapag kinutusan mo sila lakasan mo, pambawi kamo sa mga araw, linggo, buwan at taon na hindi mo sila nasaktan."- basa ni Devin sa reply sakin ni Ashlie. "Ano 'to?"- tanong sakin ni Devin. Umiling-iling naman ako. "Nonsense lang."- saad ko sabay kain ko sa fried chicken. "Talaga?"- di niya naniniwalang sabi. Tinignan ko naman siya ng diretso sa mga mata. Nabasa niya ata yung unang text, nanghihingi siya ng paliwanag. "Tss.... yung JTrio ng Sheria, sila yung tatlong naggagwapuhang lalaki sa Sheria na kaibigan namin nila Ashlie, Ylana at Grey. Sabihin na natin na puro kasing iingay nila Ashlie at Bryan yang tatlo na yan kaya nakakabwiset, nagtransfer sila rito sa DIA. Nakita sila ni Ashlie at sabi ko kapag nakita ko yung tatlo kukutusan ko. Lagi ko kasing ginagawa sa kanila yun lalo na kapag nag-iingay sila. Nonsense lang yan, wag mong intindihin."- walang gana kong sabi sabay kain ko ulit ng fried chicken. Mukhang nakuntento naman siya sa paliwanag ko kaya iniba niya ang usapan. "Anyway Ice, yung pang-apat na payaso lumitaw na. Nagpakita siya sakin kanina."- saad ni Devin na muntik ko ng ikinabulunan. "Ano!!"- sigaw ko sabay ubo ko. Agad naman niya kong binigyan ng tubig. "Hayy... dahan-dahan lang kasi sa paglamon este pagkain!"- pagtataas niya sakin ng boses. Ininom ko naman agad yung tubig at pagkatapos ay inilunok ko muna lahat ng pagkain na nasa bunganga ko bago ako nagsalita. "Y- tun ba yung dahilan kaya ang tagal mo?"- saad ko. Tumango naman siya. "Actualy, sandali lang naman siya nagpakita. May sinabi lang siya sakin at pagkatapos umalis na siya."- saad niya. Napakunot naman ako ng noo. "Ano? Hindi kita maintindihan!"- kunot noo kong sabi. Bumuntonghininga naman siya at pagkatapos ay ikinuwento niya sakin yung nangyari. Pagkaraan lang ng ilang minuto, muli akong napainom ng tubig. "Hindi ko kilala yang Joker na yan, pero kung may gusto siya sakin at gusto niya kong kunin mukhang kailangan mo nga ring magsanay. Magsanay ka habang sinasanay mo ko, at isa pa, si Ate Rei. Kailangang maialis na natin siya agad dito sa DIA bago pa siya mapatay nung Joker na yun, ilipad na natin siya agad kahit hindi pa siya ganun kalakas para bumiyahe. Papasamahin ko si Luis sa kanya, madaling araw sila aalis dito sa DIA."- saad ko sabay baba ko sa hawak kong bottled water at hawak ko ulit sa kutsara't tinidor. "Tatapusin ko lang yung pagkain ko at pagkatapos pupunta tayo agad sa Dorm ng Skulls. Tanungin mo yung Skulls kung nasaan sila ngayon at kapag wala sila sa dorm nila, papuntahin mo sila agad dun. Mabuting nandun sila kasama si Ate Rei."- saad ko. Tumango naman si Devin. "Sige."- sagot nito. Apat na, at lalaki pa ang pang-apat. Mas pagbubutihin ko pa ang pagsasanay, hindi namin alam kung ilan lahat ang mga payasong kalaban namin at kung gaano kalakas ang mga ito. Kasing lakas ba silang lahat ni KC3 o mas higit pa? Walang nakakaalam..... Kaya naman si Devin, kahit na malakas na siya ay kailangan pa rin niyang magsanay. At sa tingin ko hindi lang kaming dalawa ang dapat na magsanay rito kundi maging ang iba rin kaya naman mamaya.... pagsasanayin ko na sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD