Ice POV "Ice."- tawag sakin ni Devin. Agad ko naman siyang nilingon. "May problema ba?"- nag-aalala niyang tanong sakin. Umiwas naman ako ng tingin sa kanya sabay bumuntonghininga. "Pakiramdam ko may gagawin akong masama o sobra mamaya sa laban."- saad ko. Napakunot naman siya ng kanyang noo. "A- ano naman?"- tanong niya. Umiling-iling naman ako. "Hindi ko alam."- saad ko sabay tayo ko mula sa pagkakaupo ko. "Sila Mom at Dad, nakaalis na ba sila?"- tanong ko. Tumango naman si Devin. "Oo, nakita ko kanina na papaalis na yung eroplano."- saad ni Devin. Muli naman akong bumuntonghininga. "Ganun ba?"- saad ko sabay ayos ko ng tayo ko. "Lalabas na ko, may gagawin lang ako bago natin simulan ang lahat. Wala munang kikilos, hintayin niyo ang go signal ko."- saad ko. "Masusunod."-

