Ice POV Tch. "Sigurado ba kayo na nasa loob pa rin ng dorm niya si Jena o Bella Bueno?"- tanong ni Devin habang nakangiti ng bahagya. Nagsitanguan naman ang lahat ng mga nandito na halata ang sobrang pagtataka. Nandito kami ngayon sa opisina naming DCR, pinag-uusapan namin ang gagawin naming pagdakip sa mga natitira pang payaso na sina Joana, Jena at Josh. Pero tila naiilang ako sa pagpupulong na 'to dahil kay Devin. Halatang nagtataka, naguguluhan at hindi makapaniwala ang lahat ng mga nandito sa inaarte niya. "N- nagtalaga kami ng mga karapatdapat at sapat na mga bantay sa harap at likod ng dorm ni Jena upang masigurong hindi siya makakalabas doon, nagtalaga rin kami ng mga sniper sa itaas ng building na nasa harapan ng dorm niya nang sa ganun, kung sakali mang lumabas si Jena at ma

